You are on page 1of 4

Title: Unang Balita

Director: Vladimir Rellon


Writer: Group 6
Length:

ID: Mula sa bulwagang pambalitaan ng Lungsod ng General Santos, ito po ang pinakatapat,
pinagkakatiwalaan, at nangungunang tagapag-hatid ng sariwat maiinit na balita para sa
Filipino Muslim communities. Ako po si Kabayang Baldo at ito ang Unang Balita.

MUSIC: PROGRAM STINGER

ANCHOR: Mapya mapita! Narito ang unang ratsada ng maiinit na balita sa araw na ito.
Labingisang taong gulang na batang babae, hinimatay sa loob ng Masjid sa Cotabato
City. Isang kweba sa Mount Hira, Saudi Arabia, dinarayo ng mga Filipino Muslims.
Pangulong Duterte, nakiisa sa pagdiriwang Eidl Fitr. Eidl Adha, masayang
ipinagdiwang ng ating mga kapatid na Muslim. At para sa ating Trivia sa Masa, araw
na Biyernes, bakit nga ba mahalaga sa pananampalataya ng mga Muslim?

Para sa ating unang balita, labingisang taong gulang na batang babae, isinugod sa hospital
matapos mawalan ng malay habang nagdarasal sa loob Sultan Hassanal Bolkiah Masjid
(Muslim center of worship) sa Cotabato City. FR1, ibalita mo.

FIELD REPORTER 1: Maayos na ang kalagayan ng isang batang babaeng hinimatay sa loob
ng Masjid sa Cotabato City. Napag-alamang hindi nakayanan ng bata ang pagfa-fasting o
Saum sa Muslim na isa ng tradisyon ng ating mga kapatid na Muslim kapag sumapit na
ang Ramadhan. Narito ang pahayag ng mga magulang ni Shiphrah Marie Mae Lois
Mohammad Ali

Insert interview

Itinuturing na pang-apat sa limang Haligi ng Islam ang Saum o fasting. Ito ay


nagsisimula pagkatapos ng suhur (pre-dawn meal) at nagtatapos sa loob ng labingapat na
oras tuwing Ramadhan, ang ika-siyam na buwan ng Islamic Hijra Calendar. Sa loob
tatlumpong araw, lahat ng mga kapatid nating Muslim ay binabawalang kumain at
uminom, manigarilyo, at makipagtalik. Ngunit ang mga may sakit, ayon kay Dharul Ifta
(House of Opinion), ay maaring ipagpaliban ang Saum.

Insert interview

Ang Saum o fasting ay hindi lamang tungkol sa pagpaliban sa pagkain at sa anumang


pangangailangan ng katawan, ito ay nakatoon sa pagpapatibay ng pananampalataya sa
pamamagitan ng paggawa ng mga mabubuting bagay at pag-iwas sa mga masasamang
gawain. Balik sayo Baldo.

ANCHOR: Narito ang maari niyong isagot para sa aming Trivia sa Masa ngayong araw, kung
saan maari kang mag-uwi ng libreng Module sa History 3. A) Ito ang huling araw na
paglikha ni Allah sa sanlibutan. B) Ito ang araw kung saan nagpakita ang anghel na si
Jibrail kay Propeta Muhammad. C) Ito ang araw ng paglikha ng Quran. Bago yan, sa
Balitang International, isang kuweba sa Mount Hira, Saudi Arabia, dinadayo ng ating
mga kababayang Muslim. Kung bakit, alamin na sa kwento ni Shiphrah Bato-bato.

FIELD REPORTER 2: Hello mga kababayan! Nandito tayo ngayon sa lugar kung saan
isinilang ang relihiyong Islam, ang Mecca. Dinarayo nga ng mga turistang Muslim mula
sa ibat ibang panig ng mundo, kabilang na ang ating mga kababayan, ang isang kweba sa
Mount Hira dito sa Saudi. Tarat samahan ninyo akong puntahan at alamin ang kwento
sa likod ng kwebang ito!

Insert ad lib and interview

Ayon sa aking pananaliksik, sa mismong kweba na ito nagpakita ang anghel na si Jibrail
kay Propeta Muhammad at inilahad sa kanya ang mga salita mula kay Allah. Sa loob ng
dalawamput tatlong taon ay patuloy na nakatanggap ng rebelasyon si Propeta
Muhammad mula kay Allah. Ang mga rebelasyong ito ay isinalin sa teksto ni Caliph
Uthman at naging pinakasagradong libro ng mga Muslim, ang Quran. Ang araw ng
rebelasyon ng Quran, 1,400-taon ang nakalipas, ay pinagdiriwang na ngayon ng mga
Muslim sa buong mundo sa tuwing ika-17 araw ng Ramadhan, ang Nazul al Quran.
Mula dito sa Saudi Arabia, Shiphrah Bato-bato, nag-uulat.

ANCHOR: Samantala, nakiisa naman si Pangulong Duterte sa ating mga kapatid na Muslim sa
pagdiriwang ng Eidl Fitr, ang pagtatapos ng banal na buwan ng pagdarasal at pag-aayuno
o Ramadhan. Para sa karagdagang balita, Pearl, iulat mo.

FIELD REPORTER 3: Upang mabigyan ng opurtunidad ang buong mamayang Pilipinong


saksihan at suportahan ang ating mga kapatid na Muslim sa pagdirawang ng kanilang
Eidl Fitr, ideneklara ni Pangulong Duterte ang ika-anim ng Hulyo bilang National
Holiday.

Insert interview

Duterte: I extend my warm greetings to the members of the Muslim communities, as


they celebrate today Eidl Fitr or the culmination for the Holy Month of Ramadan. May
the discipline taught by Ramadan inspire all Filipinos.
Ang Eidl Fitr ay selebrasyon at pasasalamat kay Allah. Ito ay tatlong araw na kapistahan
na hudyat ng unang araw ng buwan ng Shawwal, na kasunod ng Ramadhan sa
kalendaryong Islam. Dumadalo ang mga Muslim sa sama-samang pagdarasal, nakikinig
sa Khutba (sermon), at nagbibigay ng zakat al-fitr (kawanggawa sa kapus-palad). Ang
mabubuting gawain at pagkakawanggawa ay kabilang sa mabubuting turo sa Islam. Ito
ang aking balita, Baldo?

ANCHOR: Isang magandang paraan ng Pangulo upang pag-isahin ang mamayang Filipino.
Maraming salamat ulit Pearl. Magandang balita ulit, September 11, idineklarang holiday!
Kung bakit alamin natin.

FIELD REPORTER 4: Ang Eidl Adha, ang Kapistahan ng Pagsasakripisyo ng Islam, ay isa sa
mga dakilang okasyon na ipinagdiriwang ng mga Muslim sa mundo tuwing ikasampung
araw ng Dhu-al-Hijah, na nagsisimula sa pagtatapos ng Hajj o pilgrimage sa Mecca, ang
lugar ng kapanganakan ni Propeta Muhammad. At ngayong taon, natapat sa ika-11 ng
Septeyembre ang nasabing okasyon na syang idineklara ng Malacanang na holiday. Ang
araw na ito ay idineklarang non-working holiday sa Pilipinas batay sa Republic Act 9849
na pinagtibay sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ngayong taon,
idineklara itong holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa Proclamation No. 6 na
kanyang nilagdaan noong Setyembre 2, taong kasalukuyan. Iyan lang nakalap kong balita
sa araw na ito, balik sayo Baldo.

ANCHOR: Maraming salamat sa iyo FR4. Ngayon naman para sa ating Trivia sa Masa, ano nga
ang sagot sa katanungan na: Araw na Biyernes, bakit nga ba mahalaga sa
pananampalataya ng mga Muslim? Mae, bakit nga ba?

TRIVIADOR: Ang Arabic word ng salitang Byernes ay Yaumul Jumua, ito ay tinawag na
ganito dahil ito ang araw ng pagtitipon ng mga Muslim. Biyernes ang huling araw ng
paglikha ng buong sansinukoban. Sa araw rin na ito ginawa si Propeta Adan at pinadala
sa daigdig. Itinuturing ng mga Muslim na isang importanteng araw ang Biyernes. Ito ay
kanilang pinahahalagahan katulad ng pagpapahalaga nila sa ibang mga pagdiriwang At
ayon sa kanilang paniniwala, ang katapusan ng sanlibutan ay Biyernes din. Naway kayo
ay may natutunan sa Trivia sa Masa ngayong araw. Balik sayo Baldo.

ANCHOR: Isang karagdagang kaalaman ulit ang ibinahagi mo sa amin Mae, maraming salamat.
Dahil diyan, ang sagot sa katanungan natin sa araw na ito ay letrang A) Ito ang huling
araw na paglikha ni Allah sa sanlibutan. Subalit, datapwat, bagamat, WALANG
NAGTEXT. Kaya, WALANG PANALO. Salamat sa suporta.
Dito po nagtatapos ang pinakatapat at ang patuloy ninyong pinagkakatiwalang
nangunguna sa balita, ito po si Kabayang Baldo, at ito ang Unang Balita. Hanggang sa
susunod na reporting sa History 3, As-Salaam-Alaikum!

You might also like