You are on page 1of 6

Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Kilos-Loob

I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Makapamamalas sa kanilang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa
paghahanap ng katotohanan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/pagmamahal.
Makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanan na maglingkod at magmahal.
Masuri kung ginamit nang tama ang isip at kilos-loob ayon sa tunguhin ng mga ito.
Matukoy ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon.

Pokus na Tanong: Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng


mag-aaral?
Pagpapahalaga: Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng
katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
Pagsasagawa ng Kilos: Pagsasagawa ng mga hakbang upang makahanap ng pagkakataon na maipakita
ang pagmamahal sa kapuwa

II. Panimula at Paksa


Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kayat siya ay tinawag na kaniyang obra
maestra. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may mga
katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan Niya ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili, at
gumusto.

III. Kakayahan ng Tao


Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Ang kaniyang
konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito. Ang kakayahang gumawa ng
malayang pagpili ay isa pang sumasalamin sa paglalang sa tao na kawangis ng Diyos.

Ang mga katangian at kakayahang ito ang nagpapaiba sa tao sa iba pang nilikha ng Diyos.
Mahalagang maging malinaw sa iyo ang pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at maging matatag ang
pagkaunawa rito upang mabigyang direksiyon ang iyong kilos at malinang kung sino ka bilang tao.
A. Pangkaalamang Pakultad - Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa
kaniyang panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kayat siya ay nakauunawa, naghuhusga,
at nangangatwiran.
1.) Panlabas na Pandamdam
Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang pandama. Sa
pamamagitan ng mga panlabas na pandama-, ang paningin, pandinig, pandama, pang-amoy,
at panlasa, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang
siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.

2.) Panloob na pandamdam


Ang mga panloob na pandama naman ay ang:
Kamalayan pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa
Memorya kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan
Imahinasyon kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito
Instinct kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi
dumaan sa katwiran
Ang panloob na pandama ay walang direktang ugnayan sa reyalidad kayat dumidepende
lamang ito sa impormasyong hatid ng panlabas na pandama.

3.) Isip
Dito naiiba ang tao sa hayop dahil bukod sa pandama, ang tao ay may isip hindi lamang
upang makaalam kundi upang makaunawa at maghusga. Ang makaunawa ay ang
kakayahang makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng
kahulugan. Ang maghusga ay ang kakayahang mangatwiran.

B. Pagkagustong Pakultad - Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa


mga emosyon at dahil sa kilos-loob.
1.) Emosyon
Upang maunawaan ang kalikasan ng kilos-loob bilang natatanging kakayahan ng tao,
mahalagang ihambing ito sa emosyonal na buhay ng hayop. Sa hayop, anuman ang
mapukaw na emosyon ay kumikilos ito nang naaayon dito. Kung ito ay galit, maaari itong
mangagat (depende sa kalikasan ng hayop). Samantalang sa tao, dahil may kamalayan at
may kakayahan itong kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral, maaaring ang
emosyon at ang kilos-loob ay magkakaroon ng magkaibang pagkilos.

2.) Kilos-Loob
Ang kilos-loob ay may kapangyarihang gumawa ng sumusunod:
Malayang pumili ng gustong isipin o gawin.
Umasam, maghanap, mawili, humilig sa anumang naunawaan ng isip na gawin.
Maging mapanagutan sa pagpili ng aksyong makakabuti sa lahat.
B. Kilos-loob
IV. Kakayahang magkaparehong taglay ng hayop at tao subalit magkaiba ang paraan ng
paggamit sa mga ito
1. Pandamdam
2. Pagkagusto
3. Paggalaw

V. Isip
1. Gamit
2. Tunguhin
- Katotohanan
- Kakayahang magnilay o magmuni-muni
- Kakayahang mag-abstraksiyon

VI. Kilos-Loob
1. Kalikasan
2. Gamit
3. Tunguhin
- Umiiral na nagmamahal
- Pagmamahal
- Paglilingkod
VII. Pagbubuod
VIII. GAWAIN
IV. Paksa
PAGTATALUMPATI
Kung may tinatawag tayong tulang pambigkasan, may sanaysay ring binibigkas at ito ay ang
talumpati. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.
Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid,
at mga karanasan.
May paksang pinagtutuunan ng pansin at isinasaalang-alang din ang tagapakinig o bumabasa,
pook, pagdiriwang at iba pa. Maaaring isaulo ng bumibigkas nito ang nilalaman ng talumpati at maaari
rin na biglaan na kung tawagin sa Ingles ay extemporaneous.

Paano magsulat ng isang talumpati?


Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa
at sa mananalumpati ang ikatatagumpay ng isang pagtatalumpati.
Mga Katangian ng Isang Talumpati
1.) Tumutugon sa layunin naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumunod na layunin:
1.1 magturo
1.2 magpabatid
1.3 manghikayat
1.4 manlibang
1.5 pumuri
1.6 pumuna
1.7 bumatikos

2.) Napapanahon: ang paksa ng talumpati ay dapat may kaugnayan sa sitwasyon o okasyong
ipinagdiriwang o mga isyung pangkasalukuyan.
Kaibahan ng Talumpati sa iba pang uri ng sanaysay:
May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa pahayagan. Halimbawa nito ay
ang editoryal at lathalain.
EDITORYAL:
Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari
upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
LATHALAIN:
Lathalain naman ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga
pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat. Hindi ito kathang-isip lamang. Bilang isang
karaniwang sanaysay, nagtataglay ito ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga
pananaw. Pangunahing layunin nito na manlibang kahit maaari ring magpabatid o makipagtalo.

Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal, at lathalain ay naglalayon na magbigay-


kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Tandaan
lamang na ang talumpati ay isinulat upang bigkasin ng mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang
masining, madaling masundan, at maunawaan ng mga tagapakinig.

V. Panitikan
Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon: (Kauna-unahang Pangulong Babae ng
Brazil (Talumpati mula sa Brazil) Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Uri ng Teksto: Naglalahad

Pokus na Tanong: Masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang


pinagmulan nito? Patunayan.
Pagpapahalaga: Masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang
pinagmulan nito? Patunayan.

Pagkatapos nilang mabasa ito, inaasahang masasagot nila ang tanong na: Ano ang naging saloobin at
damdamin mo sa narinig na pahayag? Bibigyan ng pansin ang mga salita, estruktura ng pangungusap,
nais nitong sabihin, at dating sa mga tagapakinig.
VI. Gawain

You might also like