You are on page 1of 2

Kilalanin: Unang Aeta na nagtapos sa UP-Manila

May ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Gumawa ng kasaysayan ang isang Aeta sa pag-akyat sa entablado bilang kauna-unahan sa


kanyang tribu na nakapagtapos sa University of the Philippines-Manila. Samantala, lubos namang
ipinagmamalaki ng janitress ang kanyang anak na nagtapos bilang cum laude at gustong maging scientist.

Ipinagmamalaki ng kanyang pamilya at kapwa katutubo ang kauna-unahang Aeta na


nakapagtapos sa UP-Manila. Gumawa ng kasaysayan si Norman King sa pag-akyat sa entablado nang
naka-tradisyonal na bahag bilang kauna-unahang Aeta na nakapagtapos sa nasabing unibersidad. Sa
pagtanggap ng kanyang diploma, isinama ni King ang kaniyang lolo, lola, at kaniyang ina. Hindi lang ako
ang umakyat du'n, parang kami nang lahat ng mga kapwa ko katutubo ang nag-represent du'n, ani
King. Iskolar si King sa kursong Bachelor of Arts, Major in Behavioral Sciences. Hindi umano naging madali
ang kaniyang pag-aaral. Kuwento ni King, Maraming adjustments, di ko kinakahiya na madalas ako
bumagsak noon sa Math. Bukod sa kanyang kurso, nangingibabaw din siya sa hilig sa photography kung
saan kilala siya sa tawag na Isagani Malaya.

Mapapansin sa ilan sa kanyang mga obra ang kultura at kalikasan.Nilalagyan niya ito ng watermark
kung saan nakasulat ang baybayin na nangangahulugang malaya. Hindi naman maipaliwanag ng inang si
Warlita King ang saya na naramdaman sa pagtatapos na kanyang anak. Ipinagmamalaki rin ito ng lolo
niya. Kahit saang lupalop ng mundo, siya ang kauna-unahang Aeta na gumradweyt sa UP [Manikla],
pahayag ni Tomas King, lolo ni Norman. Nais umanong ibahagi ni Norman ang natamasang tagumpay sa
mga kapwa katutubo. Ang una kong gagawin, mag-focus ako to help yung community ko. Maybe
gagawa ng isang book about history ng mga Aeta kasi wala mang documented, aniya.
Wala rin siyang balak na mangibang-bansa at sa kasalukuyan, prayoridad niya ang tulungan ang
kanyang pamilya, at magsilbing inspirasyon sa mga kabataang katutubong Aeta. Anak ng janitress,
gustong mag-scientist Itinaguyod ni Glenda Tac-an at ng kanyang mister na isang construction worker ang
pag-aaral ng kanilang dalawang anak sa kabila ng kahirapan. Kuwento ng inang si Glenda, kinder pa
lamang ang panganay na anak na si Carlo, pangarap na niyang maging isang scientist. Sa una, nag-
alinlangan si Tac-an na baka hindi nila kakayanin ang pangarap ng kanyang anak na maging isang
scientist. Pero sa bandang huli umano, hinayaan na lang nila si Carlo sa kanyang gusto.

Kumuha si Carlo ng kursong Bachelor of Science in Chemistry sa paniniwalang magiging scientist


din siya balang araw. Bagama't nakaramdam nang minsang pag-aalinlangan sa napiling kurso,
pinagsikapan pa rin ni Carlo na matupad ang kanyang 'childhood dream' na maging isang scientist. Unang
taon pa lang niya sa college, nais na niyang tumulong at mag-ambag sa bayan sa kahit na anong paraang
makakaya niya. Hindi naging madali ang kanyang pag-aaral dahil na rin sa kahirapan pero imbes na
panghinaan ng loob, dito siya humugot ng inspirasyon para mapabuti ang kanilang buhay. "Napakalaking
factor din po [ang kahirapan] kasi inisip ko po na kung ganito lang ako at hindi ako magsisikap, paano na
iyung mga next generation na kasunod ko? Baka mamaya maulit na lang ito nang maulit," aniya.

"Naisip ko, pwede namang dito na sa akin magtapos [ang kahirapan] at mapaunlad ko, hindi lang
ang pamilya ko, pero pati ang extended family ko."Inaalay niya ang bawat pangarap at pagsisikap sa
kanyang mga magulang na lubos ang suporta at pagmamahal sa kanya. "Sa mga times na nararamdaman
kong sumusuko na ako, sila mga magulang] lang po talaga ang iniisip ko. Para sa kanila po ito," ani Carlo.
Aniya, malaking tulong din ang scholarship na handog ng Commission on Higher Education na siyang
sumuporta sa kanyang tuition fee hanggang makapagtapos siya sa kolehiyo. "Iyung mga gastusin po,
pinagtulong-tulungan po namin. Nagtipid po talaga ako hanggang sa makakaya namin," sabi ni Carlo.
Ngayong tapos na sa pag-aaral, nais naman ni Carlo na makapag-ambag sa mga siyentipikong
publikasyon at maiangat ang antas ng chemistry sa bansa. "Kung may appreciation sa Science, hindi lang
sa chemistry, mas makakapag-isip sila kung paano mapaunlad ang daloy ng pamumuhay natin." Payo ni
Carlo sa mga kapwa mag-aaral, "Patuloy lang pong magpursige at huwag sumuko. Laging isipin kung ano
ang gusto nilang gawin at isipin nila ang pamilya nila at siyempre ang bayan natin." Sa ngayon,
naghahanda na si Carlo sa nalalapit na board exam sa Oktubre para maging ganap na chemist. "Wala
pong kapantay ang nararamdaman kong tuwa sa anak ko," ani Tac-an. "Hangga't kaya nating ibigay sa
anak natin, gagawin natin kasi napakalaking bagay po sa pamilya iyung may makatapos po," aniya.

You might also like