You are on page 1of 2

ii

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na alamin ang Mga Salik na Hadlang sa Pag-aaral

ng mga Estudyante ng BSBA-MM sa Unibersidad ng Perpetual upang maibahagi ang mga

impormasyong nalikom ng mga mananaliksik tungkol sa mga hadlang sa pag-aaral ng mga

estudyante, kung paano maiiwasan ng mga estudyante ang mga hadlang, kung paano

makakaapekto ang mga salik sa pag-aaral, at mga paraan para malampasan ang mga hadlang.

Ginamit ng mga mananaliksik ang disenyong deskriptib-sarbey upang matukoy ang Mga

Salik na Hadlang sa Pag-aaral ng mga Estudyante ng BSBA-MM sa Unibersidad ng Perpetual.

Isandaang (100) respondente sa ikalawang taon ng kursong BSBA-MM ang nagpartisipa sa pag-

aaral na ito.

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente na may kursong BSBA-MM sa

Unibersidad ng Perpetual Help System Dalta-Las Pinas sapagkat may kaugnay ang mga

respondente sa kurso ng mga mananaliksik at ang mga respondenteng ito ay ang pinakamadaling

makatugon ng mga pangangailangan sa pamanahong-papel na ito.

Natukoy sa pag-aaral na ito na ang pinansyal na pangangailangan pa rin ang nagiging

pinakahadlang sa pag-aaral. Mas madaling makakapagpalaganap o makapagbahagi ng

impormasyon sa tulong ng internet kaysa sa pagbabasa ng libro. Ang social media ang higit na

nakakaapekto sa pag-aaral ng kursong BSBA- MM. Para sa mga estudyante gadyets pa din ang

pinakahadlang sa pag-aaral. Ang pagpokus sa pag-aaral at isipin ang kinabukasan ang

pinakasolusyon upang makaiwas sa hadlang sa pag-aaral.


iii

Sa kabuuan ng pag-aaral, nirerekomenda ng mga mananaliksik na ang mga estudyante ng

kursong BSBA-MM na maglaan ng oras sa bawat gawain na gagawin upang hindi magkaroon ng

mga hadlang sa pag-aaral at hanggat maari maging positibo sa lahat ng bagay lalung-lalo na sa

pag-aaral. Mas bigyan pansin ang mga mag-aaral na walang sapat na pang-gastos upang

matustusan ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

You might also like