You are on page 1of 17

Holy Cross Parish

Amparo Village, Caloocan City


Diocese of Novaliches

MISA PARA SA ANIBERSARYO SA PAGKAPARI


Ika-10 Taong Anibersaryo sa Pagkapari
Rev. Fr. Romel C. Cruz
Marso 3, 2017

I. PASIMULA (Pambungad na Awit)

ANTIPONA SA PAGPASOK (Basahin kung walang Pambungad na Awit)

[Lucas 4:18-19] Espiritung Banal ng Diyos, sa akin ay lumulukob, nang sa dukhay


maidulot balita ng pagkatubos, lunas, patawad na lubos.

PAGBATI (Gawin dito ang tanda ng krus)

Pari: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng


Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo naway
sumainyong lahat.

Bayan: At sumaiyo rin.

PAUNANG SALITA (sariling pahayag ng pari)

1
PAGSISISI

Pari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayoy
maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. (Tumahimik)

Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihan Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha


akong nagkasala (dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa
aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa
lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na akoy
ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Pari: Kawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating


mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggang.

Bayan: Amen.

KYRIE (Awitin ang KYRIE kung hindi ito babasahin)

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.


Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari: Kristo, Kaawaan mo kami.
Bayan: Kristo, Kaawaan mo kami.
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

GLORIA

Bayan: Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupay kapayapaan sa mga taong


kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba
ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa
dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng Langit.
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo,
Bugtong na Anak. Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.

2
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang
aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa
amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Pari: Manalangin tayo. (Tumahimik)


Ama naming makapangyarihan, hinirang mo ang iyong Bugtong na
Anak na maging kataas-taasan at walang hanggang pari. Ipagkaloob
mo ang kanyang hinirang na maging mga lingkod para gampanan
ang pagdiriwang ng pagtubos sa sansinukob ay makatupad nang
may katapatang lubos sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang-hanggan.

Bayan: Amen.

II. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS (Umupo ang lahat)

PAGBASA 1 Corinto 9:16-19, 22-23


Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita.

Lector 1: Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, hindi ngayot nangangaral ako ng Mabuting Balita ay


maaari na akong magmalaki. Iyan ang tungkuling iniatang sa akin. Sa aba
ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Kung ginagawa ko ito
sa sarili kong kalooban, akoy may gantimpalang hihintayin; ngunit
ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkulin sapagkat itoy
ipinagkatiwala sa akin. Ano ngayon ang aking gantimpala? Ang
maipangaral ko nang walang bayad ang Mabuting Balita at ang di ko
pagkuha ng nauukol sa akin bilang tagapangaral.

3
Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit napaalipin ako sa lahat upang
makahikayat ako ng lalong marami. Sa piling ng mahihina, akoy naging
gaya ng mahihina upang mahikayat ko sila. Akoy nakibagay sa lahat ng
tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong paraan.

Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting Balita, upang


makabahagi ako sa mga pagpapala nito.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 110:1-2, 3-4 (Awitin)

Cantor: Ikay paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.

Tugon: Ikay paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.

Cantor: Sinabi ng Poon, sa Hari kot Panginoon, Maupo ka sa kanan ko,


hanggang ang kaaway mo ay lubos na mapasuko, pagkat iyong matatalo.

Tugon: Ikay paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.

Cantor: Magmula sa dakong Sion, ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop;
At lahat ng kaaway moy sakupin at pagharian, gayun ang kanyang
utos. Sasamahan ka ng madla, kung dumating ang panahong lusubin ka
ng kaaway; magmula sa mga bundok, lalabas at sasamahan ka ng mga
kabataan.

Tugon: Ikay paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.

Cantor: Panginooy may pangako na itoy tiyak magyayari, ganito ang kanyang
saysay: Katulad ni Melquisedec, gagawin kang saserdote, na hindi na
wawakasan.

4
Tugon: Ikay paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.

Cantor: Ikay paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA (Tumayo ang lahat)

(Basahin kung hindi aawitin ang Aleluya)


[Juan 10:14] Aleluya! Aleluya! Akoy Pastol na butihin, kilala kong tupang akin;
akoy kilala nila rin. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA Juan 10:11-16

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Pari: Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus, Ako ang mabuting pastol.
Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.
Ang upahan ay tumatakas, kapag nakikitang dumarating ang asong-
gubat. Iniiwan niya ang mga tupa, palibhasat hindi siya ang pastol
at hindi kanya ang mga tupa. Kayat sinisila ng asong-gubat ang mga
ito, at pinangangalat. Tumatakas siya palibhasay upahan lamang at
walang malasakit sa mga tupa. Ako ang mabuting pastol. Kung
paanong nakikilala ako ng Ama at siyay nakikilala ko, gayun din
naman, nakikilala ko ang aking mga tupa at ako namay nakikilala
nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. Mayroon
akong ibang tupa na wala sa kulungang ito. Kinakailangang silay
alagaan ko rin; pakikinggan nila ang aking tinig. Sa gayoy magiging
isa ang kawan at isa ang pastol.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

5
HOMILIYA (Umupo ang lahat)

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA (Tumayo ang lahat)

Bayan: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na


may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang
tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay
na mag-uli Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
Makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto't maghuhukom
sa nangabubuhay at nangamamatay na tao. Sumasampalataya naman
ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa
kasamahan ng mga banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa
pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang
hanggan. Amen.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Tayo ang kawang ginagabayat iniingatan ni Hesus, ang Mabuting


Pastol na nag-alay ng kanyang buhay para sa atin. Lubos na
nananalig sa kanyang pag-ibig, manalangin tayo sa kanya:

HESUS NA MABUTING PASTOL, DINGGIN ANG AMING


PANALANGIN.

Tugon: Hesus na Mabuting Pastol, dinggin ang aming panalangin.

Lector 2: Para sa Simbahan, na kawan ng Diyos dito sa lupa: Nawa tuwina siyang
maging halimbawa ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahalan sa
pangangalaga ng mga kinatawan ng Diyos. Manalangin tayo: (Tugon)

6
Lector 2: Para sa mga namumuno sa Simbahan - ang Santo Papa, mga obispo, at
mga pari: Nawa silay maging mabubuting pastol, lubos na tapat sa
kapakanan at kaligtasang walang hanggan ng kanilang kawan.
Manalangin tayo: (Tugon)

Lector 2: Para kay Rev. Fr. Romel C. Cruz, na naglilingkod sa wangis ni Hesus,
ang Mabuting Pastol: Puspusin nawa siya ng Espiritu Santo upang
masigasig na magpatuloy sa pagpapahayag sa sangkatauhan ng
kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos, at lagi nawa niyang alalahanin ang
kahalagahan ng kanyang tungkulin at tupdin ito nang buong katapatan.
Manalangin tayo: (Tugon)

Lector 2: Para sa mga laiko at kabataan: Marinig nawa nila ang tinig ng ating
Panginoon na tumatawag sa kanila para sa pagbabagong-loob at sa
pagtatalaga ng buhay para maglingkod; mahalin nila ang kanilang mga
pastol at malasap nawa nila ang masuyong kalinga ng Diyos sa
pamamagitan ng mga ito. Manalangin tayo: (Tugon)

Lector 2: Para sa lahat ng nagdurusa at may sakit: Naway maunawaan at


maramdaman nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga
at paglingap na ibinibigay natin sa kanila. Manalangin tayo: (Tugon)

Lector 2: Para sa yumao nating mga kamag-anak at kaibigan: Naway magtamo ng


kaligayahan at kapayapaan sa walang hanggang tahanan ng Ama.
Manalangin tayo: (Tugon)

Pari: Hesus na mapagmahal, inialay mo ang iyong buhay upang iligtas


kami sa masama at akayin tungo sa buhay na walang hanggan.
Tulutan mong pahalagahan namin ang kaligtasang iyong tinamo
para sa amin at laging sumunod sa iyo, aming Dakilang Pastol, na
nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Bayan: Amen.

7
III. PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN (Umupo ang lahat)

PAGHAHANDA SA MGA ALAY (Awit sa pag-aalay)

Tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahangyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang
pabulong:

Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at
bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing
nagbibigay-buhay.

(Itutugon ang sumusunod kapag malakas ang pagkabanggit ng pari sa kanyang dasal)

Bayan: Kapuri-puri ang Poong maykapal ngayon at kailanman!

Magbubuhos ang pari ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:

Pari: Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami naway makasalo sa pagka-


Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng


bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong:

Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng
ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

(Itutugon ang sumusunod kapag malakas ang pagkabanggit ng pari sa kanyang dasal)

Bayan: Kapuri-puri ang Poong maykapal ngayon at kailanman!

8
Yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Pari: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo an gaming pagsisisi bilang handog upang kamiy
matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Pupunta ang pari sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay


samantalang pabulong niyang dinarasal:

Pari: O Diyos kong minamahal, kasalanan koy hugasan at linisin mong


lubusan ang nagawa kong pagsuway.

PAGHAHAIN NG ALAY (Tumayo ang lahat)

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay


kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay, sa


kapurihan niyat karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong
Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pari: Ama naming Lumikha, niloob mong ang iyong mga pari sa dambana
ay maglingkod din naman sa kapakanan ng madla. Pakundangan sa
paghahaing ito na aming ginagawa, ang paglilingkod naway
maganap ayon sa iyong adhika at mamunga itong lagi ng ikadarakila
ng iyong Samabayanan sa langit at lupa sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

9
Unang PREPASYO sa araw-araw

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan nating ang Panginoong ating Diyos.

Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay


aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon.

Ikinalulugod mong sa kanyay baguhing mabuti ang lahat at sa


pamamagitan niyay aming tinatanggap ang iyong abut-abot na
kaloob at paglingap. Kahit na siya ay hindi naiiba sa iyo minabuti
niyang maging di rin naiiba sa mga tao.

Hamak siyang tulad naming sa kamatayang totoo noong inihain niya


ang sarili nang kamiy makasundo mo. Kaya naman iyong idinangal
siya at iyong itinampok upang sa lahat siyay manguna. Ngayon
ngay lahat ng sa kanyay nakikiisa ay talagang magkakamit ng
iyong buhay at ligaya.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang


walang humpay sa kalangitan, kamiy nagbubunyi sa iyong
kadakilaan:

Bayan: (Awitin) Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos na makapangyarihan!


Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo. Osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon. Osana sa kaitaasan.

(Lumuhod ang lahat)

10
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Pari: Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya
ang mga alay habang siyay nagdarasal:

Kayat sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal ang


kaloob na ito

Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,


samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa amiy maging Katawan at Dugo ng aming


Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin ng pari ang kamay.

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana


habang kanyang patuloy na inihahayag:

Hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati


niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN: ITO ANG


AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong


niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

11
Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya


ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG


KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG
TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT
PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA
KASALANAN. GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni
Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ay ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

PAGBUBUNYI (Manatiling nakaluhod)

Bayan: (Awitin. May mga iba pang paraan ng pagbubunyi na maaring awitin)
Sa krus mo at pagkabuhay kamiy natubos mong tunay, Poong Hesus
naming mahal, iligtas mo kaming tanan ngayon at magpakailanman.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

12
Pari: Ama, ginagawa naming ngayon ang pag-alala sa pagkamatay at
muling pagkabuhay ng iyong Anak kayat iniaalay naming sa iyo ang
tinapay na nagbibigay-buhay at ang kalis na nagkakaloob ng
kaligtasan.

Kamiy nagpapasalamat dahil kamiy iyong minarapat na tumayo sa


harap mo para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsalu-salo sa Katawan at Dugo ni


Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa sa pamamagitan gn Espiritu
Santo.

Ama, lingapin mi ang iyong Simbahanng laganap sa buong daigdig.


Puspusin mo kami ng pag-ibig kaisa ni Francisco, na aming Papa at
ni Antonio, na aming Obispo at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag-
asang silay muling mabubuhay gayun din ang lahat ng mga
pumanaw. Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong
buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina
ng Diyos, kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay
dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa
naming ang pagpupuri sa ikararangal mo

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag:

13
Pari: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya ang lahat ng
parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen! (Awitin Dakilang Amen)

IV. PAKIKINABANG (Tumayo ang lahat)

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin nang lakas-loob:

AMA NAMIN

Bayan: (Awitin) Ama namin, sumasalangit ka, Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para
nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad
namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Pari: Hinihiling naming kamiy iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng


kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng
kapahamakan, samantalang aming pinananabikan ang dakilang
araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Bayan: (Awitin) Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang


kapurihan magpakailan man.

14
PAGBATI NG KAPAYAPAAN

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Pari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:


Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang
ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng
kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban,

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Ang pariy paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa


pagpapahayag:

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isat isa.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng


pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Pari: Sa pagsawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong


Hesukristo tanggapin nawa naming sa pakikinabang ang buhay na
walang hanggan.

Bayan: (Awitin) Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-
aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.

15
PAANYAYA SA PAKIKINABANG (Lumuhod ang lahat)

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa


isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Ang pari ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang


pabulong na nagdarsal:

Pari: Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na


walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarsal.

Pari: Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na


walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

PAKIKINABANG (Mga Awit sa Pakikinabang)

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG (Tumayo ang lahat)

Pari: Ama naming mapagmahal, ang iyong mga pari at lahat ng mga
kasambahay ay pamalagiin mong nabubuhay sa paghahain at sa
pakikinabang upang sa buklod ng pag-ibig na sa iyoy nag-uugnay sa
tanan marapatin mo ang lahat na ikaw ay paglingkuran sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

16
V. PAGTATAPOS

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak


at Espiritu Santo,

Bayan: Amen.

Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon


ay mahalin at paglingkuran.

Bayan: Salamat sa Diyos.

HOLY CROSS PARISH, AMPARO VILLAGE, CALOOCAN CITY WORSHIP MINISTRY 2017

17
Holy Cross Parish

You might also like