You are on page 1of 24

Bagong Kaibigan

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may


matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw
sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil
baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang
bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang
aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang
naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-
bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang
hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah
alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod
ng dolphin at doon nakita ko ang ibat-ibang hayop at halaman,
pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa
amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may
natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na
ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa
lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay
tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang
ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw,
luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay
nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga
bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong
kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa
kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay
nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya
bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante.
Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
Gising na anak, may pasok ka ngayon
Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong
kaibigan!
Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka
na at darating na angschool bus.
ANG MATALIK NA MAGKAIBIGAN

Magkasabay na lumaki sina Efren at Gardo. Mula sa buhay mahirap ay kinaya nila
lupit ng kapalaran. Hindi sila nakapagtapos ng elementarya. Grade 2 lang si Efren
at Grade 4 lang ang natapos ni Gardo. Naging magkasama sila sa hanapbuhay, ang
pagiging construction worker. Isang araw ay magkasama silang nag miminindal sa
pondahan ni Lucy. Nagkaroon sila ng pagtingin sa dalaga ngunit hadlang ang
kanilang kahirapan sa buhay.

"lucy kung mapapangasawa kita, ibibigay ko lahat ng gusto mo" wika ni Efren

"naku di niyo ako kayang pakainin, e magkano lang ang kinikita niyo sa pagiging
labor sa constuction"

"ako naman Lucy kahit maliit lang ang sweldo ko magiging masaya tayo basta
magkasama lagi sa hirap at ginhawa" wika naman ni Gardo

"tama na nga kayo, kung sino na lang ang magugustuhan ko sa inyo kalaunan, ay
maswerte hi hi hi o lista kuna nakuha niyo ha?"

"sige Lucy salamat sa uulitin hi hi" biro ng dalawang binata

Nag-usap ang dalawa kinagabihan matapos ang trabaho.


"pare balang araw di na ako maghihirap yuyuko ang lahat ng tao sa akin, magiging
ganap akong kilala sa lugar natin para me ipamukha ako kay Lucy" wika ni Efren

"ako naman e kung di niya ako gusto okey lang ang mahalaga yung mahal ako,
balang araw titingalain din ako ng mga tao" wika ni Gardo

"me trabaho ang pinsan ko, sumama ka sa akin mamaya kung gusto mo malaki
ang kikitahin natin doon, alok niya ito tiba tiba tayo"

"baka kung ano yan Efren, okey na sa akin ang trabaho ko marangal"

"bahala ka, patuloy tayong magdidildil sa tuyo kung mananatili tayo dito" wika ni
Efren

"ano bang trabaho yun?" tanong ni Gardo

"dun na lang natin aalamin"

"pare ikaw na lang marami pa akong gagawin bukas ibig sabihin di ka papasok"
tanong ni Gardo

"di na pare dun na ako magtratrabaho at sisiguraduhin ko sa sa mga taong lumalait


sa trabaho natin yuyuko sila sa akin at hihingi ng paumanhin"

"bahala ka pare basta ako magsisikap, balang araw titingalain naman ako nila he
he he" biro ni Gardo

"ha ha ha ikaw talaga tara at matulog na tayo"

Lumipas ang isang linggo habang nagpipintura si Gardo ay sinigawan siya ng isang
kaibigan.

"Gardo! alam mo na ba ang nangyari kay Efren!"

"ha! bakit ano nangyari!"

"mamaya pumunta tayo sa kanila!"

Patay na si Efren, nabaril habang nag-hoholdap ng banko sa bayan. Natupad ang


kaniyang pangarap. Ang mga tao ay isa-isang yumuyukod sa kaniyang harap sa
loob ng isang kahon na may salaming bubog.

Tinitingala naman ng tao si Gardo sa pagiging isang pintor ng mga mural sa


malalaking gusali na kaniyang natutunan sa masikap na pagtiya-tiyaga at kumikita
ng sapat para sa kanilang mga anak ni Lucy.
Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-


hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng


gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito


kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

Mga aral ng pabula:


Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.
Ang Pabula ng Kabayo at ng Mangangalakal

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa


palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang


nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang
bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil
sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at
napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako
ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa


palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal


sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may
lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa
magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay


magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit


laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng
tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang
sakong asin.

Mga aral ng pabula:


Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang
balakin ay may katapat na kaparusahan.
Pabula ng Daga at ng Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na


leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon


ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa


pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain


ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,


"
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali


sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa


kaibigang daga.

Mga aral ng pabula:


Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan.
SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at


matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang
dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali
man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang
nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang
gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang
ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang


dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang
mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok
niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.
Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at
sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at
pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na
magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng
maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na


nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria.
Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-
araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang
linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa


araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng
linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang
dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si
Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog.
Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng
magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.
Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-
kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria


sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang
kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang
itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o


adhika upang ito ay maisakatuparan.
Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang


katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga,
mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit
sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal
ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at
hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami
at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga
dahon at mabunga,wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si
Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan
ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang
kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang
Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.
Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang
oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang
mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang
sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di
nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.


Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat.


Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.
Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay
lumaki pataas na ang itinuturoy kalangitan, at ilang araw pa ay
nakahanda na itong mamunga.
Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.
Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang
lang ito nang gumapang, hanggang sa itoy nakatakda nang
mamunga.
Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang
ipagkakaloob niya sa dalawang ito.
Matamang nag-isip si Bathala.
Ang duhat na nilikha koy malaki, nararapat lamang na malaki rin
ang kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang
lamang, at walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang
mga bunga nitoy maliliit lamang. Wika ni Bathala.
Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng
banga. Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali
ang mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si Kalabasa namay
hindi bagay dahil maliit ang bunga. Di pansinin ang mga bunga
nito lalot natatakpan sa malalapad na dahon.
Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya
nasiyahan.
Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At
napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang
kalabasa, mahinog man itoy hindi malalaglag dahil ang puno ay
gumagapang lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay
magaan, hindi masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang
kalabasa sa dahilang itoy malayo sa araw. At kulay itim naman
ang duhat. Pagkat itoy malapit sa araw.

At sa kanyang ginaway nalubos ang kasiyahan ni Bathala.


Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May


katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa
kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa
o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at
ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga


nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.
Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang
tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng
anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging


pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang
pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang
bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang
iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay
mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang
higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata
at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang
asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang
bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si
Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito,


magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu,


binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling
nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si
Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita
ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang
magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang


datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa


buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung
bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang
pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang
sarili.

Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba't-ibang


paraan.
Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga
Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy
Printing Press, 1986, pp.80-81.

(source: http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-
literature-mga-kuwentong-bayan-folktales.190)

(Source: http://www.kabisig.com/philippines/tagalog-version-of-
folktales-mga-kuwentong-bayan-ang-kalabasa-at-ang-duhat-
kuwentong-bayan-folktale_314.html)

ANG BATIK NG BUWAN


Maikling Kuwentong Bayan Ng Bisaya
Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ng araw na
makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng
buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak
kapag lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin niya sa
asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw
ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng
pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit
na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa.
Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga
ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa.
"Niyakap mo sila? Huwag kang magsisinungaling!

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at
tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung
paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na
buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng
buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay
hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

ANG DIWATA NG KARAGATAN


Kuwentong - Bayan Ng Ilocos
Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan
sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang
karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga
taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang
magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang
maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda
ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal
ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang
nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang
mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling
dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.
NAGING SULTAN SI PILANDOK
kuwentong bayan ng Maranaw

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.


Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na
nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang
kumikislap na ginituang tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong
tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa
harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng
dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang
magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni
Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman
ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng
dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni
Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang
pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako
ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga
ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak."
Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at
pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon
ang ultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng
sultan. "Sino po angmamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok.
"Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay
magnanais silang magtungo rin doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan,
Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa
akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong
mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't
ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng
inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang
bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad
lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

Sina Adlaw at Bulan


Ito ay isang kuwentong bayan ng Tinggiyan
Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan.
Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng
masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan. Kinausap ni Adlaw si Bulan
at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang
tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit nilang
pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-
aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo
namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa
kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at hindi na pakikita sa kanya ang
mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay
lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y
nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na
nagiging dahilan ng eclipse.

You might also like