You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino VI

I. Layunin:
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa kuwento.
Naisasalaysay muli ang napakinggang kuwento.

II. Nilalaman:

Pagsagot sa mga tanong na bakit at paano sa kuwento.

III. Mga Kagamitang Panturo:

PowerPoint Presentation, Music, Cartolina, Larawan, etc.

IV. Pamamaraan:

A. Balik-aral/Pagsisimula ng Bagong Aralin

Ano-ano ang alam mong laro sa computer?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Tuklasin Mo!
NARANASAN KO NA!
HINDI PA!

Paghawan ng mga Balakid

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin.

Ano nga ang kinahuhumalingan ngayon ng Kabataan?

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Basahin ang Anong Oras Na? na kuwento.

Alamin Mo
Sagutin ang mga tanong matapos mapakinggan ang kuwentong babasahin ng guro.
1. Ano ang dahilan sa pagiging huli sa klase ni Buknoy?
2. Anong dahilan ng pagbabago ni Buknoy?
3. Bakit nahiya sa kaniyang sarili si Buknoy?
4. Sa iyong palagay, naipagpapatuloy pa ba ni Buknoy ang kaniyang maling gawi?
5. Anong pangyayari sa iyong buhay ang maaari mong iugnay sa kuwento?
6. Sa paanong paraan magiging ganap ang pagbabago ni Buknoy?
E. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Gawin Ninyo
Isalaysay muli ang kuwento sa pamamagitan ng sumusunod:

Pangkat 1 Gumawa ng Pic Collage ni Buknoy. Ipakita ang karaniwang gawain


niya na nabanggit sa binasa.
Pangkat 2 Tukuyin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa kuwento. Ipakita ito
sa pamamagitan ng Fishbone Diagram.
Pangkat 3 Ipakita sa pamamagitan ng pantomina ang bahagi ng kuwento na
nagpakita ng pagbabago ng pananaw ng tauhan.
Pangkat 4 Gumawa ng patalastas na ang paksa ay kung paano hindi mahuli sa
klase.

F. Paglinang sa Kabihasnan (tungo sa Pormatibong Pagtataya)

Gawin Mo
Bumuo ng sariling timeline na nagpapakita ng iyong gawi o routine upang hindi mahuli
sa pagpasok sa klase.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Buhay

Isapuso Mo
Daig nang maagap ang taong masipag.

H. Paglalahat ng Aralin

Isaisip Mo
Isipin mo na ikaw ang konsensiya ni Buknoy, kaharap mo siya ngayon. Ano ang
sasabihin mo sa kaniya upang hindi siya lagi mahuli sa klase?

I. Pagtataya

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-aralin

Isulat Mo
Sumulat ng isang panata ng pagbabago.

Inihanda ni:

SHARYN R. GAYO
Guro sa Filipino

You might also like