You are on page 1of 7

Mga Halimbawa ng Pagsasanay at Pagsusulit sa Pagbasa

Gawa ni: Calumpang, Beatriz Crystal L.

PAG-UNAWA AT PAGPAPAKAHULUGAN SA SALITA

Pagsusulit I Pagkilala ng mga Salitang Magkaugnay

Panuto: Piliin at isulat ang titik na kumakatawan sa salitang angkop na panapos


sa bawat pangungusap.

1. Ang alagang aso ko ay punong-puno ng putik, kailangan ko na siyang _____.


a. itapon b. paliguan c. punasan d. ikulong

2. Pagod na si Ana sa paglalakad pauwi, kayat napagpasyahan niya munang


_____.
a. tumalon-talon b. magpahinga c. tumigil na d. tumakbo

Pagsusulit II Pag-uunawa sa kahulugan ng salita ayon sa gamit

Panuto: Piliin at isulat ang titik na kumakatawan sa salitang nagsasaad ng


kahulugan ng salitang may salungguhit.

_____ 1. Ang pagmamahal ay likas na sa A. Traidor


mga taong magkakatugon ang
damdamin. B. Magkakasama

_____ 2. Ang iyong kaibigan ay isang C. Taong napakabait/tahimik


ahas sa damuhan.
D. Magkasintahan

Pagsusulit III Agpangan

Panuto: Bilugan ang titik na kumakatawan sa salitang kaagpay ng huling salita sa


pangungusap katulad ng pagkakaagpang ng dalawang salitang may salungguhit.

1. Maingay sa perya, _____ naman sa simbahan.


A. mapayapa B. matiwasay C. malungkot D. tahimik

2. Matigas ang bato, _____ naman ang mamon.


A. mahimulmol B. malambot C. pino D. masarap

Pagsusulit IV Pagkilala sa mga Salitang Naiiba sa Pangkat

Panuto: Bilugan ang titik na kumakatawan sa salitang naiiba sa pangkat.

1. a. Narra b. Mahogany c. Kawayan d. Ipil-ipil

2. a. saya b. uniporme c. palda d. pantalon


Pagsusulit V Pagkilala sa mga Salitang Magkasing-kahulugan

Panuto: Isulat ang titik na kumakatawan sa pinakaangkop na kahulugan ng mga


salitang may salungguhit sa bawat pangungusap, sa patlang bago ang bilang.

___ 1. Ang paratang sa kanya ay isang kamalian.

A. bintang B. maltrato C. akala D. palagay

___ 2. Sanlibong punglo ang naubos sa kanyang pakikipagbakbakan.

A. itak B. pera C. bala D. baril

Pagsusulit VI Pagkilala sa mga Salitang Magkasalungat

Panuto: Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit? Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Si Nichole ay may ginintuang himig.


a. matining b. kasuklam-suklam c. pangit d. maganda

2. Bakit mo ba ipinagbibili ang mga iniwang alahas ng iyong ina? Unti-unti ka na


bang nagiging maralita?
a. mayaman b. salat c. mahirap d. mapilak

Pagsusulit VII Pagbubuo ng Puto-putol na Pangungusap

Panuto: Ayusin ng sunod-sunod ang mga parilala upang makabuo ng


pangungusap. Isulat ang mga titik ng parilala sa patlang bago ang bilang, ayon sa
dapat na maging ayos nito.

(Halimbawa: a, c, b, d 1. a. masayang-masaya )
b. dahil kaarawan
c. si Ana
d. niya bukas

__________ 1. a. ang anak __________ 2. a. ay tumakas


b. hindi pinagpala b. si Ana
c. na suwail c. mula sa
d. ng Diyos pagkakabilanggo
sa piitan
d. hatinggabi ng
lunes nang
PAG-UNAWA AT PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA PANGUNGUSAP

Pagsusulit I Pagsagot sa Bugtong

Panuto: Basahin ang bawat bugtong. Isulat sa patlang bago ang bilang, ang titik
na kumakatawan sa wastong sagot.

_____ 1. Bahay ni Ka Huli, ang bubong ay A. Ahas


kawali, mga haligiy bali-bali.
B. Pagong

_____ 2. Baston ni Apo, hindi mahipo. C. Uod

D. Talangka

Pagsusulit II Pagpapakahulugan sa Salawikain

Panuto: Piliin at bilugan ang titik na kumakatawan sa salitang nagsasaad ng


kahulugan ng bawat salawikain.

1. Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna au nahuhuli.


a. Kung sino ang naunag dumating ay siya rin ang unang aalis.
b. Lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan
c. Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis
d. Mahalaga ang oras sa paggawa

2. Sa likod ng mga madidilim na ulap, ang araw ay sumisikat parin.


a. pagkakaroon pag-asa
b. masamang panahon
c. kaligayahan
d. mayroong kasaganaan

Pagsusulit III Pagkilala ng Sanhi at Dahilan

Panuto: Piliin at bilugan ang titik na kumakatawan sa pinakaangkop na


karugtong ng pangungusap.

1. Sumakit ang tiyan ni Aizel.


a. dahil ayaw niyang pumasok sa paaralan.
b. dahil sa kinain nilang tahong noong isang gabi.
c. dahil gusto niya lang magpapansin sa ina.
d. Dahil nagpuyat siya magdamag.

2. Paglabas ng Jollibee, may nakitang bulag si Nichole, nilapitan niya ito upang:
a. tulungan, para mapansin ng mga tao ang kabutihang loob ni Nichole.
b. tapunan ng pera sa sahig at pahirapan ito sa pagkapkap kung saan banda
tumilapon.
c. bigyan ng sunglasses para daw magmukhang astig.
d. bigyan/hatian ng mga binili niyang pagkain at inumin.
PAG-UNAWA SA PANGUNAHING-DIWA SA TALATAAN, TULA, ATB.

Pagsusulit I Pag-unawa sa Pangunahing-Diwa sa Talataan.

Panuto: Basahin ang talataan. Piliin at bilugan ang titik na kumakatawan sa


pangungusap na nagsasaad ng pangunahing diwa nito.

1. Ang mga manok ay nagsisitilaok na. Malamig ang simoy ng hangin. Ang mga
ibon ay masayang nag-aawaitan at naririnig ito ni Ana mula sa kanyang
kwarto, habang nilalanghap ang anong mabangot masarap na amoy na
nagmumula sa kusina.
a. Si Ana ay gutom na.
b. noon ay dapit-hapon
c. ang mga ibon at manok ay maiingay.
d. noon ay bukang-liwayway.

2. Tirik na tirik ang araw sa kalangitan. Maraming mga bata ang naglalaro sa
playground at may mga nagpapahinga sa lilim ng mga puno. Si Lily ay
tahimik na nakaupo sa lilim ng mga puno at naglalaro sa buhangin. Biglang
may dumaan na mamang sorbetero at agad na nagsitakbuhan ang ibang mga
bata para bumili. Tanging si Lily lamang ang hindi bumili, hinimas-himas at
hinawakan ng Lily ang kanyang kaliwang pisngi malapit sa kanyang baba,
tahimik nyang pinanood ang mga batang kumakain ng sorbetes.
a. Si Lily ay mahirap at walang pambili ng sorbetes.
b. Tamad tumayo para bumili ng sorbetes si Lily.
c. Masakit ang ngipin ni Lily kaya hindi siya bumili ng sorbetes.
d. Malamig ang sorbetes at ayaw ni Lily malamigan ang kanyang mga ngipin.

Pagsusulit II Pagkilala sa Kahulugang Hindi Tiyakang Inilahad sa Pahayag.

Panuto: Piliin at bilugan ang titik na kumikilala sa kahulugang ipinahihiwatig sa


saknong.

1. Kung iyong titingnan sa malayong pook, akoy tila isang nakadipang kurus. Sa
napakatagal na pagkakaluhod, tila hinahagkan ang paa ng Diyos.
a. ulap
b. poste
c. kawayan
d. punongkahoy

2. Marami kamaing natututuhan sa kanya, at sa lahat ng ito siyay aming


pinasasalamatan. Sanay marami pang tulad niya upang maraming mag-aaral
ang mabahaginan niya ng karunungan.
a. may himig ng paghanga
b. may pananabik na himig
c. may himig ng pag-asam
d. may kasiyahan ang himig
Pagsusulit III Pagbibigay-Kahulugan sa Talataan

Panuto: Piliin at bilugan ang titik na kumakatawan sa salawikaing-pook na


inilalarawan sa talataan.

1. Mahal na mahal ni Aizel ang kanyang kasintahan. Kahit na nagkasala na ito ng


maraming beses sa kanya. Ayaw na ayaw niya ring may nakikitang may kausap o
kasamang ibang babae ito. Ngunit, isang araw, nagising na lamang si Aizel sa
katotohanang niloloko lang pala talaga at pera lang ang habol ng kasintahan niya
sa kanya. Malungkot na lumisan ang araw sa buhay ni Aizel, hindi ito makakain
at makatulog ng maraming gabi at araw dahil sa kanyang sinapit.
a. Kung sino pa ang pinapahalagahan at iniingatan, ay siya pa ang magdudulot
sayo ng labis na kalungkutan.
b. May mga taong dadating sa ating buhay at magpapasaya sa atin ng labis at
tunay.
c. Huwag umasa ng basta-basta sa mga pangakong kadalasan ay napapako.
d. Ang buhay ika-nga ay parang isang gubat, maraming ahas.

2. Sikat na mangangawit at modelo si Nichole. Hinahangan siya ng maraming tao


at marami ang nabibighani sa ginituang himig at mala-anghel na kagandahan
niya. Naging dahilan iyon upang lumaki ang ulot kaakuhan ni Nichole. Hindi na
niya pinapansin ang kanyang mga kabaranggay at kababata sa kanilang
probinsya dahil mayaman na siya. Dahil na rin sa unti-unting na ring naging
hambog at naging masama ang ugali ni Nichole, dumating ang araw na
pinagsawaan na siya sa industriya at marami sa kanyang mga tagahanga ang
nabigo sa kanya. Hindi na siya ang dating sikat na Nichole noon, siya ngayoy
nasa ibabat pinagtatabuyan.
a. Kung may kasaganaan, may pinaghirapan.
b. Magtanaw ng utang na loob sa mga taong naging parte ng buhay mo.
c. Ang buhay ay parang isang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
d. Kung gaano ka taas ang lipad, gayon din lagapak pagbagsak.

Pagsusulit IV Pagsunod sa mga Tiyak na Panuto

Panuto: Sundin at gawin ang sinasabi ng bawat bilang.

1. Gumuhit ng isang talsulok na nakapaloob sa isang bilog, na nasa loob ng kahon.


2. Gumuhit ng isang paribahang nasa pahalang na ayos at isulat ang buong
pangalan ng ating pambansang bayani sa loob nito.
MGA HALIMBAWANG AYTEM NG PAGSUSULIT SA PANITIKAN

Paksa: Nakalipad ang Ibon


ni DR. GREGORIO A. MORAL JR.

A. Kasanayan: Natutukoy ang damdaming namamayani sa mga


sumusunod na pahayag.

Panuto: Isulat ang titik ng salitang angkop sa paglalarawan ng damdaming


masasalamin sa bawat pahayag, sa patlang bago ang bilang.

a. Pagkainis b. Pagkagalit c. Pag-aalala d. Pagkahabag

_____ 1. Walang hiyang bata ka! Labas! Madaliiii! Uli-uli, huwag kang papanhik
ng hindi kumakatok, naiintindihan mo? Diyan ka sa labas hanggang hindi kita
tinatawag.

_____ 2. Ano, bakit ka umiiyak, ineng? Nakagalitan ka ba ng mommy mo? Me


nakaaway ka ba?

B. Kasanayan: Pagbibigay kahulugan sa mga matatalinhagang pahayag.

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin at bilugan ang titik na angkop
na pagpapakahulugan sa bawat bilang.

1. Malungkot na lumisan ang tag-araw sa kaniyang buhay.


a. lumubog na ang araw.
b. nagdilim ang paligid.
c. nawalan siya ng pag-asa.
d. naging malungkot ang kanyang buhay.

2. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay.


a. darating ang panahon at ang ating hiram na buhay ay kukunin na mula sa
atin.
b. mahal kung ipagbibili ang buhay.
c. Ang buhay ay pwedeng ipahiram sa iba.
d. Dapat ingatan, pangalagaan at pahalagahan ang buhay ng ibang tao.

C. Kasanayan: Natutukoy ang mga talinhaga (tayutay) na nakapaloob sa


mga babasahin.
Panuto: Basahin ang mga taludturang hango sa mga kontemporaryong
awitin. Piliin at tukuyin ang titik ng tayutay na nakapaloob dito. Bilugan
napiling titik.

1. Pakinggan mo ang bulong ng hangin a. simili


Kapit lang wag susuko, huminga ng malalim b. metapor
May pag-asang di nabibigo c. hiperbole
May panghahawakang pangako d. personipikasyon
Panibagong araw nag-aabang sayo.
2. Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin
a. simili
Sa iyong maagang pagdating
b. metapor
'Pagkat ako'y nabablisa 'pag di ka kapiling
c. hiperbole
Bawat sandali'y mahalaga sa atin
d. personipikasyon
Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay sarap awitin

D. Panuto: Basahin ang tula. Piliin sa mga pagpipiliang sago tang titik ng sa palagay
moy tamang sagot sa tanong.

1. Sa simulay pulong inagkin ng dagat,


2. Hinagkan ng araw, hinaplos ng ulap
3. Niyapos ng hanging amihat habagat,
4. Kalikasay siyang kumandiling gaganap.

5. Kung pagmamasdan moy tila butil-perlas


6. Sa maamong dagat,kukuti-kutitap;
7. At nang malaunay nagsabog ng hiyas
8. Na nagsilbing ilaw sa bayang may linggap,

9. Perlas ng Silanganan ang itinaguri


10. Dito sa bayan kong may pagkakandili;
11. At pinagkutaan ng maraming lipi,
12. Mga katutubong may nilulunggati.

13. Mula sa Aparri at hanggang sa Jolo,


14. Isang bayan itong di maigugupo:
15. Igorot, Ifugao, angkang Muslim sa Sulu,
16. Iisa ang lahi . . . iisa ang dugo.

- Mula sa tula ni Pat V. Villanueva

1. Anong tayutay ang ginagamit sa ika-2 at ika-3 taludtod?


a. simili
b. metapor
c. hiperbole
d. personipikasyon

2. Ipinahihiwatig ng huling saknong ang __________.


a. iisang lugar
b. pagkakabuklod-buklod
c. pakikipagtunggalian
d. mga piling probinsya na may maraming taong nagkakaisa.

You might also like