You are on page 1of 22

Modyul para sa Pagtalakay sa Global Warming at

Climate Change
(December 2009)

Introduksyon

Ang Global Warming at dulot nitong Climate Change ang isa sa pinakamalaking usapin
ngayon na kinakaharap ng mamamayan ng daigdig. Isang usaping nangangailangan ng
kagyatan at pangmatagalang solusyon sa pinakamaagang panahon.

Milyun-milyong mamamayan na sa daigdig ang matinding dumaranas ng epekto ng


climate change dulot ng global warming -- pagkawala ng buhay at kabuhayan; pagkawala ng
seguridad sa pagkain at mapagkukunan ng ligtas na tubig; pagkasira di lang ng mga bahayan at
istruktura kundi ng buo-buong nasyon

Patuloy pa rin sa pagtaas ang greenhouse gas emissions na siyang salarin sa global
warming at patuloy sa paglaki ang konsentrasyon ng greenhouse gases na ito sa kalawakan.
Nagpapatuloy ang banta ng panganib na maaari pang idulot ng pagkasira ng ozone; pag-init ng
mundo; pagkatunaw ng glaciers, ice sheets at sea ice; pagtaas ng tubig-dagat at iba pang
kaganapan sa kalikasan na di pa nasaksihan sa kasalukuyang panahon.

Mahalaga na maintindihan natin kung ano itong global warming at ang resulta nitong
climate change para maipaliwanag ang mga kaganapang may kinalaman sa kapaligiran at
kalikasan; ang dalas at tindi ng mga sakuna dulot ng kalamidad at ang laki at lawak ng epekto
nito. Higit dito, dapat nating tuntunin kung paano umabot sa kasalukuyang proporsyon ang
greenhouse gases sa kalawakan ng mundo (earths atmosphere) na nagresulta sa kasalukuyang
global warming at climate change; kailan ito nagsimula at patuloy na lumala sa
kasaysayan; ano ang mga pangunahing dahilan o salik nito; at, sino ang may malaking
pananagutan. At sa dulo, makita ang mga tunay na solusyon at wastong pagharap o
pakikitungo sa usapin.

Lalamanin ng modyul na ito ang sumusunod:

I. Ang Global Warming at Climate Change

i. Ang Global Warming


ii. Ang Greenhouse Effect at Epekto Nito sa Global Warming

iii. Ang Climate Change

iv. Mga Umaapekto sa Pagbabago ng Klima Mga Natural na Salik at Gawa ng Tao

v. Mga Implikasyon ng Global Warming at Climate Change

II. Sino ang May Pananagutan at Dapat Singilin sa Kasalukuyang Global Warming at Climate
Change?

III. Ibat ibang Pagtugon sa Usapin ng Global Warming at Climate Change

i. Ang UNFCCC at Kyoto Protocol

ii. Mga Maling Solusyon mula sa North

IV. Ang Ating mga Panawagan at Tungkulin

Panlipunang Hustisya at Pagbabago ng Sistema ang Tunay na


Solusyon

I. Ang Global Warming at Climate Change


i. Ang Global Warming

Mas higit na masaklaw ang usapin ng global warming kaysa pagkatunaw ng Antarctic ice
sheets at pagtaas ng lebel ng tubig-dagat (sea-level rise). Ang global warming ay
kinatatangian ng pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo kayat nagdudulot ng
pangkalahatang pag-init ng kalawakan, ng kalupaan at karagatan (global heating of the
atmosphere, land and oceans). Pinatutungkulan din nito ang mga usapin ng:

malakihan o ganap na pagbabago sa klima o panahon sa mga lugar sa daigdig (global


climate change)

di makalkula o paiba-ibang klima o panahon (global climate variation)

matitinding mga kaganapang may kinalaman sa weather patterns sa ibat ibang panig ng
daigdig (tsunami, hurricane, atbp)

global ocean acidification[1]


pagkasira ng ozone layer ng mundo

Iniulat naman ng United Nations Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ang mga
panganib na kaakibat ng climate change:

pagkasira ng kalupaan

kasalatan sa tubig at pagbaba ng kalidad ng tubig

suliranin sa suplay ng pagkain at malaganap na kagutuman

pagkalat ng mga sakit at pangkalahatang pagbagsak ng antas ng kalusugan ng tao

Nuong 2001, naiulat na ng IPCC na tumaas ng 0.6 degrees Celsius ang temperatura ng
mundo (global average surface temperature) sa buong panahon ng ika-dalawampung
siglo (twentieth century). Ang 1990s ang naitalang pinakamainit na dekada na dinanas ng
mundo sa loob ng sampung libong taon. Sa pagpasok ng panibagong siglo, ang mga senyales
ng global warming ay damang-dama at malawakan na. Ang sampung (10) pinakamaiinit na
taon ay naitala lahat sa panahon mula 1990 1998 bilang pinakamainit, sumunod ang 2002,
2003, 2001 at 1997. Tinataya ng IPCC na maaari pang tumaas ng nasa pagitan ng 1.4 hanggang
5.8 degrees Celsius ang temperatura ng mundo pagdating ng 2100.

ii. Ang Greenhouse Effect at Global Warming

Sa syentipikong pag-unawa, ang global warming ay resulta ng malakihang


konsentrasyon o bolyum ng greenhouse gases(GHG) sa kalawakan. Ang greenhouse gases ang
bumubuo sa 1% ng kalawakan ng daigdig (earths atmosphere). Sinasalo at Ikinukulong nito
ang infrared radiation mula sa init ng araw habang tinitiyak na may sapat at katamtamang
init na pumapasok at namamantini sa daigdig para magpatuloy ang buhay dito. Ang
penomenong ito ang tinatawag na greenhouse effect.

Kahit may malaking papel ang greenhouse gases sa greenhouse effect, na mahalagang
rekisitos sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng buhay sa daigdig, ang konsentrasyon nito sa
kalawakan ay mapanganib. Kapag nagkaroon ng malakihang bolyum ng GHG sa kalawakan ng
daigdig, mangangahulugan ito na mas maraming infrared radiation ang makukulong at
mananatili sa daigdig, na syang nagiging sanhi ng pagtaas ng temperatura dito at resulta
nitong pag-init.

Mayroong tatlumput anim (36) na elementong nabibilang sa greenhouse gases ilan dito ay
water vapor, carbon dioxide (CO2), methane (CH4), nitrous oxide (N2O), hexaflourocarbons
(HFCs), perflourocarbon (PFC), sulfur hexaflouride (SF6). Sa malakihang bolyum nito, ang
maituturing na pinakamapanganib ay ang CO2.
Sa kasalukuyan, ang CO2 ang may kinalaman sa 60% ng paglala ng greenhouse effect na
dinaranas natin dulot ng pagdami ng GHG sa kalawakan. Ang konsentrasyon ng CO2 sa
kalawakan ay tumaas ng 30% mula pagsisimula ng industrial age, mula sa bolyum na 280 parts
per million (ppm) tungo sa 367 ppm pagdating ng taong 1998.

Sa pinakahuling pagsukat (Setyembre 2009), nasa 384.78 ppm na ito o 2 ppm pagtaas
kada taon. Ang maituturing na nasa safe level pa ng CO2 sa kalawakan ay 350 ppm o mas
mababa dito.

Kontribusyon ng GHG sa Greenhouse Effect (2004)


Ang kalakhan ng GHG emissions na nagpalala sa greenhouse effect, laluna mula sa
pagsisimula ng rebolusyong industriyal, ay dulot ng mga aktibidad na gawa ng tao. Ang
pangunahing dahilan dito ay ang emisyon ng CO2 mula sa fossil fuel combustion o proseso ng
pagsunog ng fossil fuels gaya ng uling (coal), langis (oil) at natural gas. Laluna sa pagpasok
ng daigdig sa yugto ng imperyalismo, ang kapasidad ng tao (malalaking industriyalisadong
mga bansa) na magsunog at gumamit ng fossil fuels ay lumaki sa gahiganteng proporsyon. Ito
ang sisira sa natural na balanse ng carbon cycle.

Ang labis-labis na emisyon ng CO2 ang sinasabing pangunahing salarin sa global warming. Ang
global warming ay tumungo na sa pagbabago sa klima ng mundo o climate change.

iii. Climate Change

Ang klima o climate ay pumapatungkol sa panahon o weather na karaniwang


kondisyon (average weather) sa isang lugar sa mas mahaba-habang saklaw na panahon. Sa
karaniwan ay tatlumpung (30) taon o mas matagal pa.

Pinatutungkulan din ng klima ang istatistika ng temperatura, humidity, atmospheric pressure,


hangin, bolyum ng tubig-ulan,atmospheric particle count, at iba pang meteorological
elements sa isang tiyak na rehiyon sa mahaba-habang panahon.

Ang klima sa isang lokasyon ay naaapektuhan din ng tereyn, taas ng lugar, ice o snow cover,
at gayundin, ng karatig na mga katubigan at ang kanilang pagdaloy (currents).

Ang panahon (weather) ay ang kasalukuyang kondisyon ng mga kaparehong elemento sa loob
ng maikli-ikling panahon isang araw hanggang dalawang linggo.
Sa madaling pag-intindi, kapag sinabing climate change, ito ay pumapatungkol sa pagbabago
sa klima ng mundo at ng mga lugar sa mundo. Dahil ang pinag-uusapan ay klima at hindi
simpleng panahon o weather lang, ito ay kapwa malawakan (large-scale) at matagalan (long-
term). Kinatatangian ito ng pangkalahatan at matagalang pagbabago o pag-iiba sa weather
patternssa lokal, rehiyunal at pandaigdigang antas.

Ayon naman sa depinisyon ng United Nations Framework Convention on Climate Change


(UNFCCC), ito ay ang pagbabago sa klima na iniresulta ng mga aktibidad ng tao (direkta o di
direkta) na nakapagdudulot ng pagbabago sa komposisyon ng kalawakan (global
atmosphere), na kasama ng mga natural na dahilan (natural climate variability), ay
naobserbahan sa paglipas ng maraming taon[2].

iv. Mga Umaapekto sa Pagbabago ng Klima Mga Natural na Salik at Gawa


ng Tao

Sa tulong ng paglalapat ng syensya sa pagsusuri sa mga ice cores sa northern


hemisphere, natunton ng mga syentista ang temperatura ng mundo at komposisyong kemikal
ng kalawakan sa nakalipas na 650,000 taon. Nasuri nila na ang mga sinaunang pagbabago sa
klima (climate change) na naganap sa kasaysayan ng mundo ay dulot pangunahin ng mga
natural na salik, gaya ng:

plate tectonics[3] (paggalaw ng tinatawag na tectonic plates na nagpapabago sa


pusisyon ng kalupaan at mga erya ng katubigan na syang nagreresulta sa topograpiya ng
daigdig)

orbital at solar variations[4] (pagbabago sa pag-ikot ng mundo na nakaaapekto sa layo


at lapit nito sa araw)

volcanism[5] (natural na proseso kung saan ang mga elemento mula


sa crust o mantle ng mundo ay ibinubuga palabas gaya ng pagputok ng mga bulkan, paglitaw
ng geysers, hot springs, atbp)

ocean variability[6]

Sa loob ng nakalipas na 1,300 taon (humigit-kumulang), naganap sa kasaysayan ng mundo ang


mga pagbabago sa klima oclimate changes gaya ng Medieval Warm Period at ang Little Ice
Age (100 taon ang nakaraan) kung saan hindi naranasan ng buong Europa ang tag-init
o summertime. Gayundin, sinabi ng mga syentista na kalakhan sa mga ito ay dulot ng mga
natural na salik.

Ngunit sa pagpasok ng industrial age hanggang sa abutin nito ang yugto ng imperyalismo, 150
taon mula sa kasalukuyan, naobserbahan ang mabilis na pagtaas sa temperatura ng mundo na
hindi pa nangyari sa nakalipas. Mula 1850, tumaas na ng 1 degree Celsius ang temperatura ng
daigdig. Ito ay nagresulta sa pag-init ng mundo maging ng kalawakan nito. May mgascientific
evidences na nagpapakita na kaakibat ng pagtaas ng temperatura sa kalawakan, nagkakaroon
din ng pag-init ng karagatan, nagsisipagtunaw ang glaciers, ice sheets at sea ice, at resulta
nitoy tumataas ang lebel ng tubig-dagat. Nagpapatuloy ang ganitong kondisyon sa
kasalukuyan, na siya natin ngayong tinatawag na global warming.

Nagsisipagtunaw ang malalaking tipak ng yelo sa Greenland at Antarctica ice sheets. Nasa
mahigit sa 2 trilyong tonelada na ng yelo ang natunaw sa mga lugar na ito, kasama ang Alaska,
mula 2003. Nuong 1980, nasa 7 milyon sq. kms. (kilometro kwadrado) ang sukat ng Summer
Arctic sea ice. Nuong 2006, nasa kulang 5 milyon sq. kms. na lamang ito. Ang pagkatunaw
ng yelo ang maituturing na pangunahing dahilan ng pagtaas ng lebel ng tubig-dagat (sea-level
rise). Mula 1880, ang sukat ngsea-level rise ay umabot na sa 20 cms.

Sinasabi ng mga syentista na, kaiba sa mga climate changes na naganap sa sinaunang panahon
(gaya ng pagkakaroon ng ice ages) na mga natural na salik ang pangunahing dahilan, ang
kasalukuyang global warming at climate change ay dulot pangunahin ng tinatawag na
mga anthropogenic factors[7]o mga aktibidad na gawa tao. Ilan sa mga halimbawa at
pinagmumulan nito ay:

Industriya - polusyon sa hangin at katubigan mula sa ibinubugang usok nito;

- hindi tamang pagtatapon ng mga basura nito (waste disposal


practices);

Agrikultura kumbersyon ng mga kakahuyan para maging kaparangan at pastulan


at ang paggamit ng slash and burn technique o pagkakaingin;

- polusyon sa kalupaan at katubigan dahil sa


malawakang paggamit ng kemikal sa abonot pestisidyo;

Pagmimina pagkawala ng topsoil;

- polusyon sa tubig dulot ng mine tailings;

Konstruksyon pagkasira ng natural o likas na panirahan dahil


sa konstruksyon ng mga gusali at iba pang
imprastruktura;

- reklamasyon

Panirahan konsentrasyon ng basura sa mga lugar ng panirahan;


- pagkasaid ng groundwater

Sa mga nabanggit na anthropogenic factors, ang pinakagrabeng umaambag sa pagtaas ng lebel


ng CO2 sa kalawakan ay ang mga emisyon mula sa fossil fuel combustion o pagsusunog ng
uling at langis. Sa kasalukuyang (2008) kontribusyon ng CO2 sa GHG na 76.7%, ang 56.6%
nito ay mula sa paggamit ng fossil fuel. Ang iba pa ay: deforestation (17.3%) at biomass
decay(2.8%),

Tumindi ang konsentrasyon ng CO2 sa kalawakan nang ang tao ay magsimulang magsunog
ng fossil fuel para sa pangangailangan nito sa enerhiya at pagpapatakbo ng mga
industriya. Ngayon ay dinaranas natin ang tindi ng epekto nito sa pagkasira ng mundo at
pagkawala ng buhay at kabuhayan ng tao.

v. Mga Epekto at Implikasyon ng Global Warming at Climate Change

Nakaaalarma na ang mga epekto na dinaranas ngayon dahil sa global warming at


climate change. Mayor na manipestasyon nito ang dalas at tindi (frequency at intensity) ng
mga kalamidad gaya ng supertyphoons at hurricanes, matindi at malawakang
pagbaha, tsunami, malalakas na lindol, heatwaves, matinding tagtuyot (drought) at iba pa.
Habang nagpapatuloy at bumibilis ang climate change, patuloy din ang pagtaas ng risgo ng
pagkasira di lang ng kapaligiran sa mga partikular na lugar kundi ng buong mundo. Ilan sa
malalaking epekto/implikasyon nito ay ang sumusunod:

a. Kalamidad o Natural Disasters

Magiging matindi (intensed) at malawakan ang mararanasang mga kalamidad. Ang


mga bansang nabibilang saGlobal South o developing countries ang magiging
pinakabulnerable sa epekto ng climate change dahil
sa geographic(lokasyon), social at economic factors.

Ang mga maliliit na islang-nasyon at maraming komunidad sa Asya at Pasipiko ang


dumadanas ngayon ng matinding epekto ng pagtaas ng tubig-dagat. Tataas pa ito lalot sa
pagtaya ng mga syentista ay magiging ice-free na o ganap na matutunaw na ang yelo
ng Summer Artic sea sa pagitan ng mga taong 2015 at 2030. Ang katumbas nito ay sea-level
rise ng hanggang 0.9 metro pagdating ng taong 2100 (datos ng IPCC). Tinatayang nasa pagitan
ng 70-200 milyon katao ang maapektuhan ng matindi at malawakang pagbaha kapag inabot
ang ganitong lebel ng pagtaas ng tubig-dagat.

Ang kahirapan at kawalan o kakapusan ng serbisyo-sosyal laluna sa pabahay ay


nagtutulak din sa marami na manirahan sa itinuturing na mga risk prone areas (tabing-ilog o
dagat, gilid ng bundok). Ang bulnerabilidad ng paninirahan sa mga lugar na nabanggit ang isa
sa mayor na dahilan sa pagdami ng biktima at laki ng pinsala dulot ng mga kalamidad.

Ayon sa datos ng United Nations Development Programme (UNDP), ang bilang ng


mga mayor na kalamidad ay tumaas ng apat na beses sa nakalipas na apat na dekada. Sa Asya
naganap ang apatnapung porsyento (40%) ng mga kalamidad na ito at pitumpung porsyento
(70%) ng kabuuang bilang ng mga nabiktima, sa huling dekada ng ika-20 siglo (1990s).

2. Implikasyon sa Seguridad sa Pagkain

Ang mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran ay matinding umaapekto


sa mamamayang pangunahing umaaasa dito para sa ikabubuhay. Sa Asya, nabibilang dito ang
60-80% ng populasyon nito, na ang ikinabubuhay ay maliitang agrikultura pagtatanim,
pagsasaka, pangingisda, pangangahoy, atbp.

Sa datos ng United Nations Food and Agriculture Organization, tinatayang


nasa 90% ng labinlimang milyon (15M) kataong ang ikinabubuhay ay sa coastal waters ay mga
maliliit na mangingisda (small-scale fishers). Ayon naman sa ulat ng World Bank
(WB), tinatayang nasa 90% ng 1.1 bilyong nabibilang sa mahihirap na mamamayan ng daigdig
ay umaasa sa kagubatan at kabundukan para sa kanilang ikabubuhay.

Sa pagkain, ang bigas ang mayor na kinokonsumo ng mamamayan ng


daigdig. Ito ang pangunahing kinakain ng higit sa kalahati ng populasyon ng daigdig laluna sa
Asya kung saan dalawang bilyong (2B) mamamayan ang dito umaasa para sa kinakailangang
arawang sustansya sa katawan. Nasa Asya din ang 90% ng pandaigdigang produksyon nito
pangunahin sa China (40%) at India (21%). Ang Asya ang tinatayang isa sa pinakabulnerable sa
mga epekto ng climate change at mga kalamidad na resulta nito. Sa mga taong 2000
hanggang 2003, naobserbahan na patuloy sa pagbaba ang produksyon ng bigas at pagliit ng
pandaigdigang imbak dito. Nangahulugan ito ng 93 milyong toneladang kakapusan sa
produksyon kumpara sa konsumo ng mamamayan (2003).
Sa tinatayang pag-init pa ng temperatura at pagtaas ng tubig-
dagat, inaasahan ang pagkawala ng malaking tipak ng mga lupaing agrikultural na malaking
aapekto sa produksyon at sa ultimo, seguridad sa pagkain. Ang pagtaas sa lebel ng tubig-
dagat ng hanggang 1 metro ay tiyak na magpapalubog sa mga lupaing agrikultural laluna sa
mababang mga lugar ng China, India, Vietnam, Bangladesh at Cambodia na siyang
pinakamalalaking taga-suplay ng bigas sa daigdig.

Gayundin, ang El Nio Southern Oscillation (ENSO) na nagdudulot naman ng


maagang tagtuyot, ay pangunahin ding tatama sa mga rehiyong sakop ng equatorial belt. Dito
din nabibilang ang maraming mga lugar sa Asya. Tinatayang nasa 50% ang maaaring ibagsak sa
produksyon sa maraming lugar na ang agrikultura ay umaasa sa tubig-ulan (rain-fed) pagdating
ng 2020.

Matindi ring maaapektuhan ang mga lugar-pangisdaan at iba pang coastal


communities. Ang pangingisda ay malaki ring umaambag sa seguridad sa pagkain. Tatlong
bilyong (3B) mamamayan ang dumedepende sa nutrisyon mula sa isda. Ang mga komunidad sa
kahabaan ng Mekong river na may produksyon ng higit dalawang milyong (2M) tonelada ng isda
kada taon ay dadanas ng matataas na lebel ng pagbaha at gayundin, ng pagpasok ng tubig-alat
(saltwater intrusion).

3. Epekto sa Suplay at Kalidad ng Tubig

Malaganap na ang nararanasang kakapusan o kasalatan sa tubig


(water scarcity.Maraming mga lugar sa China, U.S., India, at Africa ang
dumaranas na ngayon ng krisis sa tubig. Ang mga manipestasyon nito
ay: Kakulangan sa ligtas at malinis na tubig na maiinom ng may 884 milyong
mamamayan;

Kakapusan sa tubig para sa sanitasyon ng may 2.5 milyon katao;

Pagkasaid ng groundwater dahil sa overpumping;

Sobra at walang pakundangang paggamit ng tubig (overuse) at polusyon sa katubigan na


nakaaapekto sa biodiversity;

Mga lokal hanggang panrehiyong sigalot dulot ng agawan sa papaliit na mapagkukunan ng


tubig

Ang kawalan ng akses sa ligtas at malinis na tubig ay isa sa mga pangunahing


dahilan ng kamatayan sa maraming lugar sa daigdig. Ayon sa World Bank, 88% ng maraming
sakit ay dulot ng hindi ligtas at maruming tubig at kawalan o mababang antas ng sanitasyon.

4. Panlipunang Dislokasyon (Social Dislocation)


Sinasabi ng mga islang-nasyon, na kapag tumaas pa ang temperatura ng mundo sa
1.5 degrees Celsius, na may katumbas na 0.9 metrong pagtaas sa lebel ng tubig-dagat, ay
lulubog ang maraming nasyong tulad nila at iba pang mabababang lugar laluna sa Asya at
Pasipiko. Nanganganib na maging climate refugees ang buo-buong populasyon ng mga islang-
nasyon gaya ng Maldives, Vanuatu at Tuvalu. Magaganap ang malakihang migrasyon dahil sa
pagbaha, matinding tagtuyot at mga kalamidad.

Papatong pa dito ang dislokasyong dulot naman ng mga so-called development


projects na lumilikha naman ng mga development refugees, gayundin sa mga internal na
dislokasyon dulot ng armed conflict.

6. Paglaganap ng mga Sakit

Ang climate change at malawakan at malakihang migrasyon dahil sa epekto


nito ay malaki ang kontribusyon sa paglaganap ng mga sakit laluna ang may kinalaman sa
pagdami ng peste, insekto at mga sakit na air at water-borne.

Patuloy sa pagtaas ang porsyento ng nagkakasakit ng malaria, dengue at


yellow fever sa buong daigdig, laluna sa Africa. Hindi lang ang pagdami ng lamok na
nagdadala nito kundi ang paggalaw ng mga populasyon o migrasyon ang itinuturong dahilan
ng paglaganap.

Testigo tayo sa paglaganap ng sakit dulot ng mga sakunat kalamidad


nang, matapos ang hagupit ni Ondoy, ay lumaganap at marami ang nangamatay sa sakit na
leptospirosis (rat-borne disease) sa kamaynilaan.

II. Sino ang May Pananagutan at Dapat Singilin sa


Nagaganap na Global Warming at Climate Change?

Ang kasalukuyang global warming, climate change at inabot na antas ng pagkasira ng


kapaligiran ay nag-uugat sa isang pandaigdigang sistema ng produksyon na ang layunin ay
pagkamal ng tubo (profit-driven). Walang katulad sa kasaysayan ang bilis at tindi ng
pagkasira ng kapaligiran nang pumasok ang daigdig sa yugto ng modernong
kapitalismo. Sisirain nito ang natural na balanse ng kapaligiran. Titindi ang antagonistikong
relasyon sa pagitan ng tao at kalikasan, gayundin, ng tao sa tao dahil sa pagkontrol ng iilan sa
kalikasan at mga pakinabang dito. Ang pagkakamal ng tubo ang siya nang magiging dahilan ng
paggamit sa kalikasan. Ang sistemang kapitalismo ay kinakailangang patuloy na samantalahin
ang kalikasan, likas-yaman at tao, para sa pagpapatuloy ng malakihang produksyon ng mga
bagay at serbisyo.
Naipakita na ng maraming pag-aaral na naging mabilis ang pagtaas ng emisyon ng CO2 at
konsentrasyon ng GHG nang magsimula ang rebolusyong industriyal, at patuloy itong lumala sa
panahon ng pagpasok ng kapitalismo sa yugto ng imperyalismo sa huling bahagi ng
1800s. Gayundin, lalo pa itong tumingkad sa huling apat (4) na dekada sa panahon ng
pagpapatupad ng globalisasyon, kung saan ang konsentrasyon ng GHG ay tumaas ng 70%
(1970-2004)[8].

Ang mga pinaka-industriyalisadong bansa ang mayor na may sala sa bulto ng mga emisyon at
konsentrasyon ng GHG, laluna ng CO2 sa kalawakan. Sila ang may pangunahing pananagutan
(historikal at sa kasalukuyan) sa global warming at climate change. Sa mga bansang ito na
tinatawag din na Northern Countries, ang U.S. ang may pangunahing historical na
pananagutan bilang numero unong tagabuga (emitter) ng CO2 sa kasaysayan (ang China ang
nangunguna sa kasalukuyan, pumapangalawa ang US). Ang U.S., na bumubuo sa 14%
populasyon ng daigdig, ang salarin sa kulang kalahati (40%) ng emisyon ng CO2.Ang mga bansa
sa industriyalisadong North ay nasa 20% lamang ng kabuuang populasyon ng daigdig, ngunit,
sila ang may kontrol sa paggamit ng 80% ng rekurso ng daigdig.

Ang mga mahihirap na bansa o Global South, ay pinagmumulan din ng mga emisyon ngunit
itoy nasa maliit na porsyento lamang kumpara sa ibinubuga ng mayayamang mga
bansa. Gayunpaman, ang mamamayan ng Global South ang pinakamalaking tinatamaan at
sumasalo sa mga epekto ng climate change.

Ang bulnerabilidad ng mahihirap na bansa sa climate change ay pinalalala pa ng mga


bangkaroteng sistemang pang-ekonomiya na hindi nagreresolba sa kahirapan, bagkus ay
pinatitindi pa ito. Kinatatangian ito ng bansot at atrasadong ekonomiya, malaganap na
pagsasamantala sa mamamayan, pagkasira ng kapaligiran at pagkaubos ng likas-yaman
na iniresulta ng mahabang panahong kolonisasyon at pandarambong ng mga bansang
mayayaman sa mga bansang mahihirap.

Sa patuloy na pagtutulak ng North sa mga mapanira at maling programang pang-


ekonomiya (para sa pansariling interes) gaya ng globalisasyon at iba pang neo-liberal na
patakaran at patuloy na pagtupad dito ng mga nadodominahang mga bansa sa
South, magpapatuloy ang maraming inhustisya sa kapaligiran at sa mamamayan; magiging
malayo ang pagbawi mula sa krisis at kalamidad; sisidhi at lalaganap ang kahirapan; at sa di
malayong hinaharap, maniningil ang kalikasan.

III. Ibat ibang Pagtugon sa Usapin ng Global Warming


at Climate Change

i. Ang UNFCCC at Kyoto Protocol

Ang mga nagdaang ilang dekada ay naging panahon ng pagbibigay ng malaking pansin sa
mga usaping pangkapaligiran sa gitna ng patuloy na pagkasira nito. Habang tumataas ang
pangamba sa mga panganib na maaaring idulot ng global warming at climate change, tumaas
din ang pagpapahalaga para sa paghahanap ng mga solusyon dito.

Iniluwal ng 1992 Rio Earth Summit (Rio de Janeiro, Brazil) ang United Nations
Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), isang tratado sa pagitan ng mga
bansa ng daigdig para harapin ang usapin ng climate change. Dalawang taon ang iginugol para
sa negosasyon para dito matapos ang Rio Summit, hanggang sa ganap itong maratipikahan ng
175 mga bansa nuong Marso 21, 1994. Ang UNFCCC naman ang nagluwal sa Kyoto Protocol,
Marrakesh Accord, Bali Action Plan, atbp. Ang lahat ng ito ay naglalayon ng pagsasagawa ng
mas malalimang pananaliksik at pag-aaral sa global warming at climate change at pagtutukoy
ng mga paraan ng pagkontrol sa kontribusyon ng tao sa global warming at pag-iistabilisa ng
konsentrasyon ng GHG sa lebel na hindi tutungo sa pagkasira ng mundo at buhay
(mitigation) at gayundin, maghanap ng solusyon para sa pag-angkop ng mga bansa sa patuloy
na nagaganap na mga pagbabago (adaptation).

Dahil sa pagkilala na ang mga industriyalisadong bansa ang mayor na umaambag sa


konsentrasyon ng GHG, at laluna, dahil sa lumalaking presyur ng publiko sa kanilang mga
gubyerno, nagkaisa ang mga nasyon na magkaroon ng isang legally binding measure na
tinawag na Kyoto Protocol[9].

Ang Kyoto Protocol, na inaprubahan ng mga bansa nuong Pebrero 16, 2005, ay
partikular na nagtatakda ng target para sa pagbabawas ng GHG emissions ng may 37
industriyalisadong mga bansa (main contributors to GHG emissions), na magsisimula sa taong
2008 hanggang 2012. Ang ispesipikong nilalayon nito ay pagbabawas ng limang porsyento (5%)
sa kanilang emisyon mula sa naitalang GHG emissions nuong taong 1990.

Dahil apektado sa pagpapatupad ng mga nilalaman ng Kyoto Protocol ang lahat ng sektor ng
ekonomiya, ito ay kinokonsidera bilang pinakamasaklaw at maunlad na kasunduang inabot at
inaprubahan patungkol sa kapaligiran at sustenableng pag-unlad. Gayunpaman, hindi pa rin
masasabing isang tagumpay ito dahil marami sa mga bansa ay hindi naabot ang mga
pinagkaisahang target. Higit dito, ang may pinakamalaking pananagutan sa lahat ng mga
industriyalisadong bansa, ang pinakamalaking U.S., ay hindi nagratipika sa nasabing
kasunduan.

Kahit pa nga masasabing maunlad na ang nilalaman ng Kyoto Protocol, mayroon pa rin
itong mga kahinaan na sa totooy paborable sa mga industriyalisadong bansa gaya ng:

Emissions Trading o pagpapahintulot ng pagbebenta sa sobrang pinahihintulutang


emisyon (excess allowable emission) ng carbon dioxide ng isang bansa sa isa pang bansa na
nahuhuli sa target nito ng pagbabawas ng GHG emission;

Binibigyang-daan nito ang Clean Development Mechanism (CDM) na pinapayagan


ang mga industriyalisadong bansa (Annex I countries) na maabot ang kanilang target sa
pamamagitan ng pagpapatupad/pagsasagawa ng mga emission-reduction projects sa mga
umuunlad na bansa (Non-Annex I countries). Ang mga proyektong ito ay magbibigay sa mga
bansa sa Annex I ng credit points (credit emission reduction o CER) na maaari nilang maipon
kung saan ang isang credit ay may katumbas na 1 toneladang CO2 na maaaring isama sa
pagsukat ng target sa Kyoto Protocol. Sa pamamagitan daw ng CDM, ang mga bansa sa Annex
I ay kakayaning abutin ang kanilang target sa pagbabawas ng emisyon habang nakakatulong pa
sa mga bansa sa Non-Annex I. Ang pagpapatupad ng mga proyekto ay maaaring sa paraan ng
pagpopondo, inisyatiba sa pagpapagawa o joint implementation.

Ang mga probisyong ito ay nasasamantala ng mga bansang industriyalisado para makasikot at
sa ultimoy makalibre sa pagbabawas ng emisyon. Sa esensya, nakapagbibigay ang mga
probisyong ito sa kanila ng right to pollute dahil kahit na di sila magbawas o tumaas pa nga
ang kanilang emisyon, maaari naman itong mabawi (offsetting emissions) sa pamamagitan ng
mga mekanismong nabanggit sa itaas.

ii. Mga Maling Solusyon mula sa North

May mga itinutulak na panukalang solusyon ang mga industriyalisadong bansa na


siyang tutugon daw sa kasalukuyang problema ng global warming at climate
change. Naglalagak sila ng malaking pondo para sa pananaliksik, pag-aaral, pagbebenta
hanggang pagpapatupad ng samut saring proyekto at programa na pumapatungkol dito. Sa
totoo, marami dito, kundi man lahat ay mga paraan lamang para makaiwas sa pagbabawas ng
GHG emissions ang mayayamang mga korporasyon at bansa.

1. NUCLEAR BILANG OPSYON


New nuclear plants are badly needed to deal with the climate issue. Ito ang sinabi ni
John W. Rowe, chief executive officer ng Exelon (ang pinakamalaking nuke operator ngayon
sa U.S.) at chairman ng Nuclear Energy Institute. Ito rin ang malawakang ipinalalaganap na
propaganda para sa pagpapatanggap at pagpapasigla pa ng industriya sa enerhiyang
nukleyar.

Sa G-8 Hokkaido Summit sa Japan nuong July 2008, kinilala ng G-8 ang importansya
ng nuclear power bilang solusyon saclimate change. Sinabi mismo ng kinatawan ng Japan
na to accomplish this goal of tackling global warming, increasing dependence on nuclear
energy is the best option. Carbon-free daw ang enerhiyang nukleyar kayat environment-
friendly. Kakatwang sa pagsasabi nito, binabalewala ang mga trahedyang naganap sa
kasaysayan ng mga plantang nukleyar na puminsala sa kapaligiran at higit, kumitil sa buhay ng
maraming mamamayan dahil sa pagka-expose sa radiation. Tahimik din ito sa usapin ng dami
ng emisyon ng CO2 sa buong proseso ng pagpapatupad sa proyekto ng enerhiyang nukleyar
mula ekstraksyon ng uranium na gagamitin bilang panggatong, konstruksyon ng mga
planta, operasyon ng mga ito, hanggang pagtatapon ng basura o radioactive waste mula sa
mga plantang nukleyar.

2. TRANSISYON SA AGRO-FUELS

Ang agro-fuels ay tipo ng fuel (panggatong para lumikha ng kuryente) na nalilikha mula sa
mais, tubo, soy at iba pang tanim gaya ng jathropa at palm. Ang halimbawa nito ay ethanol.
Sinasabi ng mga nagtataguyod nito na ito na ang next big thing sa usapin ng renewable
energy at pagharap sa global warming at climate change. Ipinalalaganap ang sumusunod na
propaganda na ang agro-fuels ay:

Clean and Green

Hindi magreresulta sa Deforestation

Magdadala ng pag-unlad sa kanayunan

Hindi lilikha ng kagutuman

Hindi totoong clean and greenang agro-fuels. Sa totoong bagay nga, ang mga industrial
agro-fuels ay kumakain ng malaking bolyum ng petroleum-based fertilizers, na dahil sa
malawakang paggamit nito na karaniwang umaabot sa 45 milyon tonelada kada taon, ay
nakapagpadoble ng emisyon ng nitrous oxide sa kalawakan. Sa paglikha ng isang litro ng
ethanol, gagamit din ng tatlo hanggang limang (3-5) litro ng tubig, habang labingtatlong (13)
litro ng waste water naman ang nalilikha. Tumataas din ang antas ng pagkakaroon
ng erosion sa kultibasyon ng fuel crops gaya ng soy.

Gaya ng nukleyar, ang mabuting aspeto lang nito ang ipinapakita, ngunit ikinukubli naman
ang malalaki at mapanganib na epekto nito. Dahil liban sa pagkasira ng balanse ng
kapaligiran, sisirain din nito ang balanse sa sistema ng paglikha ng pagkain. Imbes na ang
silbi ng pagtatanim ng mais at iba pa ay para sa pagkain, iko-convert ito para maging
ethanol. Malakihang kumbersyon din ng lupaing agrikultural ang ginagawa na ngayon para
pagtaniman ng jathropa, palm oil, soy at iba pa. Ang nakataya ay ang seguridad sa pagkain
laluna ng mga bansang mahihirap kung saan malawakang nagaganap ang ganitong proyekto na
dominado ng mga transnasyunal at mayayamang bansa gaya ng Tsina.

3. GEO-ENGINEERING SOLUTIONS

Ang geo-engineering ay ang intensyunal, malakihang manipulasyon ng sistema ng klima


sa pamamagitan ng artipisyal na pagbabago sa kalikasan ng karagatan, lupa at maging ng
kalawakan gaya ng:

a) solar radiation management (blocking or reflecting sunlight) gaya ng cloud


whitening, space sunshades at albedo enhancements[10];

b) carbon dioxide removal and sequestration gaya ng biochar, genetic engineering of


algae, ocean upwelling or downwelling enhancement[11];

c) weather modification gaya ng cloud seeding at hurricane suppression or redirection

Malaki ang potensyal na makalikha pa ng pagkasira sa kapaligiran ang geo-engineering


solutions dahil ang ganitong teknolohiya ay dumadagdag pa sa emisyon ng ghg sa kalawakan,
lalong nakapagpapabago sa weather patterns, nakakasira saozone layer, nakaaapekto
sa biodiversity. Liban sa mga nabanggit, ang mas kritikal na usapin dito ay kung sino ang
magkakaroon ng kontrol sa manipulasyon ng sistema ng klima? Sino ang gagawa ng desisyon at
magtatakda kung kinakailangan na ang ganitong klaseng interbensyon kailan at saan
isasagawa? Tiyak na hindi ang mga mahihirap na nasyon at mamamayan na matindi nang
dumaranas ng epekto ng climate change.

4. REDD (Reduction of Emission from Degradation and Deforestation in Developing


Countries)

Ang REDD ay isang panukalang ipinipilit ng mga bansa sa North sa mga bansa sa South
(developing countries). Ang mga kagubatan (na marami pang natitira sa South) ay malaki ang
abilidad na ikulong ang pangunahing ghg, ang carbon dioxide. Ninanais ng mga bansa sa North
na ang REDD ay makapagbigay sa kanila ng oportunidad na mapanatili ang kasalukuyang lebel
o higit pa, ng kanilang emisyon ng ghg.Sa pamamagitan ng REDD, maaaring mapalaganap
ang carbon trade. Ibig sabihin, bibili ang North ng carbon credits sa South, mula sa
pagpopondo sa REDD at iba pang forest-conservation efforts kapalit ng karadagang ghg
emission allowance.

Hindi solusyon sa global warming at climate change ang carbon credit trade sa pagitan
ng North at South. Ang mga bansang pangunahing ghg emitters ay gagamitin lamang ang
kanilang kapangyarihan sa pinansya para makabili ng carbon credits sa mga kagubatang nasa
mahihirap na nasyon, nang hindi nasosolusyunan ang aktwal na pagbabawas ng ghg emissions
sa kanilang mga bansa. Ang katumbas ng REDD ay pagbibigay ng higit na pollution rights sa
mga mauunlad na bansa. Kaya naman ang mga pangunahing tagapagtaguyod ng REDD ay ang
US at global financial institutions gaya ng World Bank at ADB. Nakasalang ang REDD sa pag-
uusap sa UN climate change negotiations at may mga bansang tumututol sa maling solusyong
ito gaya ng Bolivia, Brazil, China, El Salvador, Paraguay, at Tuvalu.

Sa halip na REDD, dapat na ang maging panawagan natin ay GREEN o Genuine


Reduction of Emission from the North.

IV. Ang Ating mga Panawagan at Tungkulin


Panlipunang Hustisya at Pagbabago ng Sistema ang Tunay na Solusyon

Hindi sa pamamagitan ng mga paraang ipinapanukala ng mga industriyalisadong bansa


at dambuhalang korporasyon silang mga pangunahing salarin sa pagkasira ng mundo, tunay
na masosolusyunan ang global warming at climate change. Tanging pagtatakip, pagsikot at
pag-iwas sa malalaking pananagutan ng North ang layon ng mga solusyong pilit ipinatatanggap
sa maliliit at umuunlad na mga bansa sa South.

Ang pinakawastong mga solusyon ay dapat na magmula sa South - silang


pinakaapektadong mga mamamayan at nasyon, pinakadumaranas ng matinding epekto ng
global warming at climate change at pinakanaghahangad ng pagbabago. Kaya ang wastong
pagharap sa usapin ay dapat na nakatuntong sa mga usapin ng pagbibigay hustisya at
pagbabago sa mga sistemang panlipunan at pang-ekonomya na nagresulta sa malawakang di
pagkakapantay-pantay at kahirapan sa maraming mamamayan at nasyon ng daigdig.

Ang mga sistemang panlipunan at pang-ekonomya sa mahihirap na mga bansa ay


itinakda ng pangkasaysayang pagpapailalim sa mga makapangyarihan at kapitalistang mga
bansa. Ito ay sistemang pinaiiral ng mga bansang nagdodomina sa mga bansang
dinodominahan na kinatatangian ng:

a) pangkasaysayan at nagpapatuloy na pandarambong sa likas yaman


at pagsasamantalat pagsira sa ekolohiyat kapaligiran ng mamamayan at nasyon sa South ng
mga bansa sa North, mga dambuhalang korporasyong multi-nasyunal at transnasyunal, at mga
lokal na elitistang kasabwat nila;

b) patuloy na pagpapatupad ng maling mga patakaran at polisiyang pang-ekonomya na

mapanira sa kapaligiran at ekolohiya;

mapanghimasok sa patrimonyat soberanya ng mga nasyon;

nagpapalala sa kahirapan ng maraming mamamayan samantalang nagpapasasa ang iilang


makapangyarihan sa lipunan; at

nagpapalala sa bulnerabilidad ng mamamayan sa mga krisis at kalamidad

Ang wastong pagharap sa climate change ay dapat na magtaguyod ng komitment para


sa:

pandaigdigang pagkakapantay-pantay;

makatarungang paghahatian sa yaman ng daigdig;

pagbabahaginan ng teknolohiyang makatutulong sa tunay na rekonstruksyon ng kapaligiran;

pagbabasura sa kasalukuyang mga patakarang neoliberal at export-market-oriented na


patuloy na pinaiiral sa South; at

pagtataguyod sa mga alternatibong paraan at solusyon para kamtin ang sustenableng pag-
unlad ng mga bansa sa South na nakabatay sa panlipunang hustisya at soberanya

Gayundin, dapat na maging sentro din ng panawagan ang usapin ng paniningil sa North
o malalaking kapitalistang mga bansa, mga dambuhalang korporasyon at mga kasabwat nilang
lokal na elitista, sa kanilang pangkasaysayan at nagpapatuloy na pananagutan sa climate
change at pagkasira ng mundo. Dapat ipanawagan ang pagtupad sa sumusunod:

1) Sa usapin ng mitigasyon[12]:

aktwal na pagbabawas sa CO2 emissions ng mga bansa sa North (domestic


reduction) at hindi sa pamamagitan ng carbon trading - mangangahulugan ito ng pagbabago
sa kanilang istilo ng pamumuhay (polluting way of life)at mga patakarang pang-ekonomya na
mapanira sa kapaligiran at mapangwasak sa ekonomya ng maliliit na nasyon;

ang kinakailangang imantini na bolyum ng ghg ay 350 parts per million (ppm)
at 1.5C naman ang lebel ng temperatura upang di na lumala pa ang global warming at
climate change at mapigilan ang ganap na pagkawasak ng daigdig

2) Sa usapin ng adaptasyon[13]:

ang mga programa para sa adaptasyon ng South ay dapat na pondohan ng North


dahil sa kanilang malaking pananagutan sa climate change;

ang pondo para sa adaptasyon ay hindi dapat sa porma ng pautang o aids at


dapat na walang katambal na mga kondisyon at imposisyon

3) Sa usapin ng teknolohiya:

ang mga teknolohiyang magagamit para sa pagpapagaan ng impak ng climate


change, makatutulong sa mga programa sa adaptasyon at rekonstruksyon ng kapaligiran ay
dapat na ibigay ng North sa South;

dapat tiyaking ang mga teknolohiyang ito ay totoong malinis (hindi gaya ng
mga maling solusyong nauna nang binanggit dito) at dapat tiyakin na itoy libreng maaakses ng
South

4) Sa usaping ng pinansya:

dapat na dumaloy ang pondo mula sa mayayamang mga bansa patungo sa


mahihirap at nangangailangang mga bansa; kailangang maglaan ng pondo, na magmumula sa
mayayamang mga bansa, para sa mga programa sa rekonstruksyon at adaptasyon sa mahihirap
na mga bansa;

hindi dapat magkaroon ng papel ang mga IFIs gaya ng World Bank at Asian
Development Bank sa global climate fund and adaptation programs sa climate change

Ang Ating Mga Partikular na Panawagan:

Kapitalismo Salarin sa Krisis at Climate Change! Wakasan Na! Baguhin ang Sistema!

Moratorium sa Pagbabayad Utang! Pondo para sa Adaptasyon at Tunay na


Rekonstruksyon!

Ibasura ang Patakarang Export-Dependent at Import-Oriented!

World Bank and ADB, Out of Climate Fund!

No to False Solutions to Climate Change! No to Nuke, Coal and REDD!

Scrap REDD! Go GREEN (Genuine Reduction of Emmission from the North)!

########

Ang modyul na ito ay inihanda ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD) para
magamit bilang gabay sa pagpapalaganap at pagpaparami ng mga diskusyon at pag-aaral hinggil sa
climate change.
[1] Ang karagatan ay nagsisilbing giant carbon sink sa pagsipsip nito sa 1/3 hanggang kalahati
ng carbon dioxide (CO2) emissions mula sa tao o mga aktibidad na gawa ng tao. Pero ang labis-
labis na CO2 ay umaapekto sa balanse ng dagat at nagreresulta sa pagtaas ng lebel
ng acidity nito. Ayon sa mga ginawang pananaliksik, marami sa mga lamang-dagat (marine
species) ang hindi kayang mabuhay sa kondisyon ng mataas na lebel ng acidity ng dagat.

[2] a change of climate which is attributed directly or indirectly to human activity that alters
the composition of the global atmosphere and which is in addition to the natural climate
variability observed over comparable time periods.

[3] Sa loob ng mahabang panahon ng pag-iral ng mundo, nagpabagu-bago ang topograpiya nito dahil sa
tinatawag na plate tectonics. Ang topograpiya ay nakaiimpluwensya sa klima. Depende sa topograpiya
ng isang lugar, kung ito ba ay mabundok o matubig o ma-yelo, nag-iiba-iba din ang klima dito.

[4] Dahil dito, nagkakaroon ng pag-iiba-iba sa bolyum ng sinag mula sa araw na maaaring umabot sa
mundo at gayundin, sa distribusyon nito sa ibat ibang panig ng mundo. Dahil dito, naaapektuhan ang
klima ang mga lugar na di gaanong nasisinagan ng araw sa isang takdang panahon ay natural na
magiging malamig at mainit naman sa inaabot nito.

[5] Ang mga prosesong ito ay nakapagpapasingaw o nagpapakawala ng mga gases at iba
pang particles sa kalawakan na nakaaapekto sa klima. Sa kalakhan ay mayroon itong cooling
effect dahil bahagya nitong nababarahan ang transmisyon ng solar radiation papasok sa daigdig.

[6] 90% ng bagong init na pumapasok sa kalawakan ay hinihigop ng karagatan. Ngunit may mga
bagong pag-aaral na nagpapakita ng pagkabawas (kumpara sa dati) ng kakayahan ng karagatan
ng daigdig na humigop ng init. Dahil ito sa malawakan at matagalang kondisyon ng pag-init ng
karagatan. Ang pag-init o paglamig ng karagatan at ang kakayahan nito na humigop ng init, ay
umaapekto sa pagbabago ng klima.
[7] Ang terminonganthropogenic ay pumapatungkol sa mga epekto, proseso o bagay na resulta
ng mga aktibidad na gawa ng tao. Ang salitang ito ay unang ipinakilala ni Paul Crutzen, isang
atmospheric scientist, nuong mid-70s. Una itong ginamit sa konteksto ng usapin ng polusyon
mula sa mga industriya.

[8] IPCC report, 2008

[9] Ang Protocol ay isang internasyunal na kasunduan na makatitindig sa sarili ngunit kadugtong ng
isang tratado. Ibig sabihin, ang Kyoto Protocol ay umaalinsunod sa mga prinsipyo at layunin na inilatag
ng UNFCCC, na siya namang tratado. Mula sa mga prinsipyo at layuning ito, nagdaragdag ng mga
bagong komitment para sa pagpapahigpit pa ng mga naunang kaisahan at idinedetalye ang
pagpapatupad sa mga ito.

[10] Cloud whitening : Spraying seawater through unmanned ships to make clouds whiter by
increasing the condensation nuclei in clouds, thereby reflecting more of the suns rays back to
space.

Space sunshades: Trillions of small free-flying spacecrafts launched a million miles above the
earth or space mirrors, made from a reflective mesh of aluminum threads and placed between
the Earth and sun.

Albedo enchancements: increasing the reflectiveness of the Earths surface by planting shinier
crops, painting roofs and roads, or covering desert regions with white material.

[11]Biochar: Burning huge quantities of biomass through pyrolysis (low oxygen) and burying the
concentrated carbon in soil, a proposal backed by the corporate-driven International Biochar
Initiative.

Genetic engineering of algae: Genetically engineered algae, covering urban buildings, open
ponds, or the surface of the ocean would be used to capture carbon dioxide.
Ocean upwelling or downwelling enchancement: Using giant pipes to bring up nitrogen or
phosphorous enriched waters (relative to carbon) to the surface to cool surface waters and
enhance ocean sequestration of C02.

[12] Mitigasyon ay ang pag-ampat o pagpigil sa paglala ng global warming at climate change.

[13] Adaptasyon ay tumutukoy sa abilidad o kapasidad ng mamamayan sa South (na syang


pinakaburnerable sa mga epekto ng climate change) na makaangkop at patuloy na mabuhay sa gitna ng
sitwasyon ng climate change.

You might also like