You are on page 1of 2

W-astong kain nating lahat ang tumpak na panuntunan,

Ang sundin ng bawat tao upang buhay uminam.

A-ting sundin ang atas ng kalusugang edukasyon


Upang itong katauhan ay wagas na maahon.

S-undin natin ang aralin ng agham at teknolohiya


Iwasan ang mga bisyo na dapat ay etsapuwera

T-eknolohiyang sumusulong kaagapay kalusugan


Ang nutrisyong inilalahad ay dapat na sundin

O-o na ngat mayrong gamut ngunit gulay ang katapat;


Ang lakas ng katawan ay sa nutrisyon nakakalap.

N-utrisyong iniwawasto ng agham na umuunlad


Ay aralin nitong bayang alagaan nating ganap.

G-ulay, prutas, mga karne, itlog, gatas na sariwa;


Itong dapat na harapin sa mesang pinagpala.

N-utrisyong wastot angkop sa katawan ay ihandog


Upang itong diwat isip ay lagi nang malulusog
U-pang ating pagyamanin lakas ng mamamayan
Ang nutrisyong tamat sapat ang ihandog sa bayan

T-uparin mo ng nabatid sa pagkain tamat sapat;


Mamamayang malulusog puhunan ng bayang tapat.

R-iwasang pamumuhay ay dulot ng yamang likas,


Kapag itoy nagagamit sa badyet na sumasapat.

I-isang diwa, sang layunin ang bayan ay isusulong;


Patungo sa kaunluran kalusugang bumabalong.

S-a pilang ng ating siyensiya nababatid ang totoo


Kalusugan ay isulong nang lumakas lahat tayo.

Y-amang likas alagaan, pananim at halamanan


Maging gubat, pati ilog, kapatagan, katubigan.

O-limpik na palakasan katawang malulusog,


Masdan iyan at isipin, nutrisyon ang humuhubog.

N-ang ilunsad ang nutrisyon ng agham na nanaliksik,


Dapat pati bayan nakiisa buong kisig.

You might also like