Professional Documents
Culture Documents
Artikulo
Abstrak
Isang daan dalawamput dalawang taon na ang nakalilipas simula nang itatag ni Andres
Bonifacio ang Katipunan subalit marami pa ring mga tanong at usapin ang bumabalot at
naghihintay ng mga kasagutan ukol sa Supremo at Pangulo ng Haring Bayan Katagalugan at
sa itinatag niyang kilusan. Ang papel na ito ay isang pagtatangkang bigyang-kasagutan ang
ilan sa mga tanong at usaping ito. Naglalaman ito ng mga bagong asersyon, pagtingin, at
pagtatasa ukol kay Bonifacio at sa Katipunan na taliwas sa namamayaning pananaw at
tradisyunal na pag-aaral ukol sa Himagsikang Pilipino.
Gamit ang mga primaryang batis na nagmula sa Archivo General Militar de Madrid, ipapakita
ng papel na ito kung saan nakabatay at nakaugat ang pagtatatag sa Katipunan; kung kailan
at ano ang tunay na pinagmulan nito; at kung ano ang mga ideya at konseptong bumabalot
at naghahari kay Bonifacio at sa mga Katipunero sa kanilang pagtatatag ng isang kaayusan
at kabuuang sosyo-pulitikal-kultural na taal lamang sa kanila bunga ng kanilang mga
partikular na karanasan bilang bahagi ng Katagaluganisang kabuuang sumasaklaw sa
lahat ng mga tao at bayan na tumubo sa sangkapuluan.
INTRODUKSYON
doon din higit na dumadami ang bilang ng mga tanong dahilan upang higit na maging
malabo ang ating pag-unawa at pagtatasa kay Bonifacio at sa Katipunan. Ang papel na ito
ay isang pag-aaral ukol kay Andres Bonifacio at sa Katipunan. Isa itong pagtatangkang
mailabas ang mga bagong kaalaman ukol kay Bonifacio at sa Katipunan sa harap ng mga
bagong tuklas na dokumento. Hangarin ng papel na itong maituwid ang ilang maling
pagtingin sa Supremo at sa kanyang kilusang pinangunahan. Dasal ng may-akdang ang
papel na ito ay makatulong sa pagbibigay-linaw sa mga namamayaning maling pagtingin
ukol sa Supremo at sa Katipunan.
Gayumpaman, hindi papasok at sasawsaw ang papel na ito sa diskurso ng elit kontra
masa; Bonifacio kontra Rizal; Katipunan kontra La Liga Filipina; at rebolusyon kontra
reporma. Marami nang pag-aaral ang nailathala ukol sa mga usaping ito. Sa halip,
tututok ito sa ilang bagay ukol kay Bonifacio at sa pagkakatatag ng Katipunan na matagal
na ring pinagtatalunan. Sa partikular, bibigyang-linaw kung kailan talaga nabuo ang
nabanggit na kilusan at kung ano ba talaga ito sa simula pa lamang ng kanyang
pagkakatatag. Ilalantad din ng papel na ito ang tunay na istruktura, porma, at mithiin ng
Katipunan sa simula ng pagkakatatag nito gayundin ang ebolusyon ng mga istrukturang
ito. Bibigyang-diin din ang mga ideya at konseptong bumalot at naghari kay Bonifacio at
sa mga Katipunero sa kanilang pagtatatag ng isang kaayusan at kabuuang sosyo-pulitikal-
kultural na taal lamang sa kanila bunga ng kanilang partikular na karanasan bilang bahagi
ng Katagalugan. Kaugnay nito, ang tanging layunin ng papel ay ipakita ang mga bagong
kaalaman ukol kay Bonifacio at sa Katipunan mula sa mga bagong batis na nagmula sa
Archivo General Militar de Madrid partikular ang Caja 5677. Nangahas ang may-akdang
pamagatan itong Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan sapagkat
papalutangin nito ang mga bagong kaalaman ukol sa Supremo at sa itinatag niyang
kilusan. Isa pa, ang mga bagong kaalamang ito ay sasaling sa mga namamayaning
asersyon at konklusyon ng mga tradisyunal na pag-aaral, kung kayat gaya ng sinasabi ng
pamagat mga bagong pagtingin.
Binubuo ang papel na ito ng apat na bahagi. Sa unang bahagi, tatalakayin ang mga
ginamit na primaryang batis mula sa Archivo General Militar de Madrid partikular ang
Caja 5677. Ilalarawan ang mga nilalaman nitong dokumento at kung paanong ito ay
napasakamay ng may-akda. Ilalatag naman sa ikalawang bahagi ang konsepto ng
Katagalugan ng mga Anak ng Bayan bilang isang kabuuang angkop, ukol, at para lamang
sa mga tumubo sa sangkapuluan. Dito, dadalumatin ang mga sumusunod na konsepto:
Katagalugan ni Bonifacio, Anak ng Bayan, at Inang Bayan. Ipapakita rin sa bahaging ito
ang Kataastaasang Katipunan bilang soberenya ng mga Anak ng Bayan. Sa ikatlong
bahagi, uugatin ang simula ng Katipunan at ipupunto na ito ay isang hiwalay at partikular
na entidad sa La Liga Filipina at hindi lamang ito ordinaryong kilusan bagkus isang
Pamahalaang Pambansa. Sa ika-apat na bahagi, tatalakayin ang tunay na istruktura ng
Katipunan gayundin ang ebolusyon nito. Sa konklusyon, susumahin ang mga bagong
kaalaman ukol kay Bonifacio at sa Katipunan.
Minarapat ng may-akdang talakayin sa bahaging ito ang mga batis na ginamit sa kanyang
pag-aaral upang maibigay ang karampatang pagkilala sa mga responsableng naging
dahilan at nagbigay-daan upang mapasakamay niya ang mga nasabing dokumento.
Gayundin, upang mailatag ngayon pa lamang ang kredibilidad ng mga naturang
dokumento nang sa gayon ay maging bukas sa sinumang magnanais na kwestyunin ang
awtentisidad at kredibilidad ng mga batis na ito. Kaugnay nito, inaanyayahan niya ang
mga historyador, eksperto, at sinumang may interes sa Katipunan, Himagsikan, at kay
Andres Bonifacio na muling balikan ang mga batis na ito upang maging kaisa sa
pagsasakatuparan ng layuning mailabas ang katotohanan ukol sa bahaging ito ng ating
kasaysayan.
Ang Caja 5677 ay naglalaman ng mga legajo simula 1.1 hanggang 1.148 kung saan ang
bawat isa ay may minimum na isang dokumento at maksimum na apatnaput isa na
pawang mga nakasulat sa wikang Tagalog. Mayaman sa bagong impormasyon ang mga
batis na ito. Naglalaman ang mga ito ng mga katitikan ng mga pulong ng Katipunan
partikular ang kapulungan ng Kataastaasang Sanggunian, atas at kautusan ng nasabing
kapulungan, komunikasyon ng mga Katipunero sa isat isa partikular ang mga opisyales,
listahan o padron ng mga miyembro gayundin ng mga nagtaksil sa kilusan, akda ng mga
opisyales gaya ng mga tula at sanaysay, proseso ng pagsali at pagpili sa mga miyembro,
plano ng pagsalakay, at marami pang iba.1
Noong Disyembre 2013, inilathala ni Jim Richardson ang kanyang librong The Light of
Liberty: Documents and Studies on the Katipunan, 1892-1897. Ang nasabing akda ay
tumutukoy rin sa kalipunan ng mga nasabing dokumento na nakapaloob sa Caja 5677.
Gayumpaman, bukod sa Caja 5677, isinama rin ni Richardson sa kanyang libro ang isa
pang caja gayundin ang mga dokumento tungkol sa Katipunan na matagal nang
nailimbag at ginagamit ng mga historyador tulad ng Dekalogo ni Bonifacio at Kartilya ni
Emilio Jacinto dahil ayon sa kanya anumang kalipunan ng dokumento ukol sa KKK ay
magiging kulang kung wala ang mga ito (Richardson 2013, xiv) (akin ang malayang salin).
Laganap ang literatura na nag-uugnay kay Bonifacio at sa Katipunan kay Jose Rizal at sa
La Liga Filipina. Nariyan halimbawa si Gregorio Zaide (1968, 78) na nagsabi sa labi ng
Liga Filipina umusbong ang bagong lipunang nakatakdang tuparin kung ano ang
pinangarap ng mga propagandista (akin ang malayang salin). Ayon naman kay Teodoro
Agoncillo (1990, 150), kung pag-aaralan ang pamamaraan at istruktura ng Katipunan ay
nagpapakita na naimpluwensyahan ito ng Masoneriya at ng La Liga ni Rizal (akin ang
malayang salin). Sinusugan ni John Schumacher (1998b, 132) ang pananaw na ito at
sinabing ang Katipunan ni Bonifacio ay direktang pagpapatuloy ng La Liga Filipina ni
Rizal. Binigyang-diin din niya ang pagkakahanlintulad ng mga hangarin nina Rizal at
Bonifacio. Ayon sa kanya, inaantisipa nito ang napipintong paghihiwalay ng Pilipinas
mula sa Espaa, kahit na sa armadong pakikibaka sa bandang huli, ngunit ito ay
pagkalipas lamang ng apat na taong paghahanda. Kahit man si Rizal ay umasa ng
paghiwalay sa Espaa pagdating ng tamang panahon, bagamat magkakaiba sila ni
Bonifacio noong 1896 ukol sa kung ito ba ang tamang panahon o hindi pa (Schumacher
1998b, 132) (akin ang malayang salin). Malinaw ritong tanging panahon lamang kung
kailan isasagawa ang hangaring ito ang pagkakaiba nina Bonifacio at Rizal. At upang higit
na bigyang-diin ang pagkakapareho, binanggit ding walang pagkakaiba ang paggamit ng
mga propagandista sa panahong ito sa mga salitang liga at katipunan. Ayon kay
Schumacher (1998b, 130), una sa lahat ay mayroong pagpapatuloy ng pagpapangalan.
Tinawag ni Rizal ang kanyang organisasyon na La Liga. Ngunit ang natural na ibig
sabihin ng liga sa Tagalog ay katipunan (akin ang malayang salin). Idinagdag pa ni
Schumacher na ang mga naunang kasapi ng Propaganda ay ginamit ang mga salitang ito
na iisa ang pakahulugan.
mga sinulat ni Bonifacio kung saan ang mga akda ng huli ay kopya lamang ng mga sinulat
ng una (Guerrero 1998, 158). Pinuna ni Guerrero ang kabiguan ng mga tradisyunal na
interpretasyong makita ang lenggwahe at kultura bilang susi sa pag-unawa sa pagiging
orihinal ng literatura ng Katipunan at kaiba ito sa mga naunang Propaganda-Repormang
literatura. Binigyang-diin din niya ang pagtalikod at pagkondena ni Rizal sa rebolusyon
(Guerrero 1998, 164). Ganito rin ang pananaw ni Renato Constantino na nauna nang
nagpanukala ng pagiging anti-rebolusyon ni Rizal. Ayon kay Constantino, ang ating
pambansang bayani ay hindi pinangunahan ang rebolusyon, bagkus itinakwil niya ito
(Constantino 1969, 4). Ipinunto niyang tinalikuran ni Rizal ang rebolusyon sapagkat
bilang ilustrado minaliit ni Rizal ang kakayahan at kapangyarihan ng mga tao
(Constantino 1969, 21). Kaugnay nito, binigyang-diin ni Constantino na ang Katipunan ni
Bonifacio ang kabaligtaran ng pamamaraan ng mga ilustrado (Constantino 1969, 25).
Samantala, pinuna ni Floro Quibuyen ang ganitong pananaw at inanalisa ang koneksyon
ni Rizal sa rebolusyon gayundin ang tunay nitong pagtingin sa nasabing paghihimagsik.
Ayon sa kanya, ang argumento ni Constantino ay nakasandig sa maling asersyon na si
Rizal ay repormista na mahigpit na itinakwil ang Rebolusyon (Quibuyen 1999, 71) (akin
ang malayang salin). Tinanong din ni Quibuyen kung bakit mayroon matinding
emosyon sa panig ng mga progresibong nasyonalista, tulad ni Constantino, laban kay
Rizal bilang repormista, gayung ang lahat ng ebidensya ay nagsasabi ng kabaligtaran
nito? (Quibuyen 1999, 70) (akin ang malayang salin).
magiging makatwiran lamang ang Espaa (Schumacher 1998a, 98) (akin ang malayang
salin). Sa kanyang depensa sa kanyang paglilitis, binigyang-diin din ni Rizal ang
pagsampalataya niya sa Espaa, ako ay hindi sang-ayon sa rebolusyon dahil umaasa akong
bibigyan tayo ng Espaa ng libertad dahil nakikita kong para maiwasan ang mga
pangyayari sa hinaharap, ang mahigpit na ugnayan sa pagitan ng Espaa at ng mga Pilipino
ay kinakailangan marami ang nagpakahulugan sa sinabi kong pagkakaroon ng libertad
bilang pagkakaroon ng independensya, na dalawang magkaibang bagay (Rizal 1896, 340)
(akin ang malayang salin). Base rito, hindi maitatanggi ang magkaibang pananaw nina
Bonifacio at Rizal sa harap ng mga pangyayari sa Pilipinas noong ika-19 na dantaon.
Ang hangarin nina Bonifacio na humiwalay sa Espaa ang siyang gagabay at huhubog sa
kabuuang itatatag nila kung saan mabibigyan ito ng konkretong anyo sa pagtatatag ng
Katipunan. Isasagawa ito sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang partikular na
karanasan bilang mga nagtataglay ng kapangyarihan ng bayan. Kaugnay nito,
dadalumatin nila ang mga konsepto ng Katagalugan, anak ng bayan, at Inang Bayan.
Ang Katagalugan
LARAWAN 1
Layunin ng KKK at Pakahulugan sa Katagalugan
Makikita sa dokumentong ito ang dakilang layon ng Katipunan at ang pakahulugan sa Lahing Tagalog
(AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.1).
maunawaan kung bakit tinatanggap din sa Katipunan ang mga Pilipinong may dugong
banyaga: tatanggapin din naman ang mga halong-lahing insik buhat sa ikalawang salin at
halong-lahing kastila buhat sa ikaapat na salin (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.4).
Base rito, wala nang mas mahalaga pa kina Bonifacio kundi ang pinagtubuan o pinag-
ugatan ng isang tao kung kayat nga kahit may dugo itong banyaga hindi naman
maikakaila ang dugong nananalaytay sa kanila mula sa kanilang ugat o mga ninuno.
Kaugnay nito, madaling intindihin kung bakit ibinibilang sa kabuuang ito ang mga
halong-lahing insik at halong-lahing kastila (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.4).
Bagamat may dugong banyaga ang mga ito, hindi naman maitatanggi, gaya ng nabanggit
sa itaas, na nananalaytay rin sa kanila ang dugo ng mga taong tumubo sa sangkapuluan.
Kung gayon, sila man ay may ugat at tumubo rito sa Pilipinas. Gayumpaman, dahil sa
kanilang banyagang dugo at ugat, mahigpit ang Katipunan sa pagpataw ng kundisyon
bago sila tanggapin bilang kasapitatanggapin din naman ang mga halong-lahing insik
buhat sa ikalawang salin at halong-lahing kastila buhat sa ikaapat na salin (AGMM 1892-
1897, Caja 5677, leg.1.36.4) (tingnan ang Larawan 2).
LARAWAN 2
Pamantayan sa Pagiging Kasapi ng KKK
Makikita sa dokumentong ito ang mahigpit na pamantayan sa pagpili ng mga kasapi sa Katipunan lalung-
lalo na sa mga halong-lahing Pilipino (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.4).
Mahihinuha ritong binibigyan ng sapat panahon ang mga may halong lahi upang marahil
ay muling umugat sa kanilang kamalayan ang mga karanasan, kalinangan, at kasaysayan
ng mga taong tumubo sa sangkapuluan. Isa itong paraan ng pagtiyak na nakabatay ang
kanilang damdamin at kamalayan sa damdamin at kamalayan ng mga anak ng bayan.
Kapansin-pansin ding mas malaking panahon ang ibinibigay sa mga halong-lahing
kastila kumpara sa mga halong-lahing insik. May mga paliwanag na maaaring itugon
dito. Ang mga Espaol ang mga mapang-aping kolonisador sa mata ng mga taong
tumubo sa arkipelago kung kayat marahil ay mas mahabang panahon ang ibinibigay sa
mga halong-lahing kastila upang mas mamayani sa kanilang dugo ang dugo ng mga
Katagalugan. Sa mas mahabang panahong ito, mas mapapaloob sa kanilang kamalayan
ang mga karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng mga taong tumubo sa sangkapuluan.
Kumbaga, muling uugat sa kanilang kabuuan ang ugat ng anak ng bayan na dumadaloy
sa kanilang dugo bagamat may halo ito. Samantala, maaaring sabihing ang mga Tsino ay
hindi mapang-aping mananakop sa kanilang pananaw at may maganda nang ugnayan sa
kanila ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espaol. Sa sanaysay ni Rizal na
Ang Katamaran ng mga Pilipino, inuugat niya ang panahon kung kailan malayang
nakikipagkalakalan ang mga Pilipino sa mga Tsino. Dito, binigyang-diin ni Rizal ang
magandang ugnayan ng mga Pilipino at Tsino, isang manuskritong Tsino noong ika-13
dantaon ay nagpapahayag ng relasyon ng Tsina sa mga islapawang relasyong
pangkalakalanat ng mga gawain at katapatan ng mga mangangalakal sa Luzon na
kumukuha ng mga produkto ng Tsino at ipinagbibili sa sangkapuluan (Rizal 1890, 233-
234) (akin ang malayang salin).
Ang pagiging eksklusibo ng kabuuang ito para lamang sa mga tumubo sa sangkapuluan
ay may malaking dahilan para kay Bonifacio at sa Katipunan. Ito ang magiging
pangunahin nilang batayan upang maangkin nila ang pagiging anak ng bayan. Ang pag-
aangking ito ay naipahayag na rin ng ilang historyador. Binanggit ni Guerrero na habang
tinuturing ng mga ilustrado ang kanilang sarili bilang hijos del pais, tinitingnan naman ng
mga Katipunero ang kanilang sarili bilang mga anak ng bayan (Guerrero 1998, 160).
Ayon pa kay Guerrero, ayaw ng mga Katipunerong tawagin ang kanilang bansa na
Filipinas ngunit gumamit sila ng termino na tunay na makapagbibigay sa kanila ng
identidad anuman ang kanilang etnolinggwistikong klasipikasyon at pinagmulan
(Guerrero 1998, 160) (akin ang malayang salin). Hindi nakapagtatakang tatawagin ng
mga Katipunero ang kanilang mga sarili na mga anak ng bayan sapagkat sila ay nag-ugat
at tumubo sa sangkapuluan. Ang mga anak ng bayan ay ang mga taong tumubo sa
sangkapuluan at nakaugat ang kanilang kamalayan sa karanasan, kalinangan, at
kasaysayan ng mga taal at sinaunang Pilipino. Sa ganitong punto, ang mga Espaol
Peninsulares man o Insulares, at ang mga Tsino ay hindi mga anak ng bayan sapagkat
iba ang kanilang kalinangan, karanasan, at kasaysayan. Ito rin ang dahilan kung bakit
ang mga repormistang ilustrado ay hindi rin maibibilang sa mga anak ng bayan
sapagkat ang kanilang kamalayan ay hindi naman nakaugat sa kalinangan, karanasan, at
kasaysayan ng mga tumubo sa sangkapuluan. Hindi maitatangging ang kanilang
kamalayan ay mula sa labas at bilang mga anak ng kanilang Inang Espaapatunay rito
ang pagtangi at pagtangkilik nila sa Espaa. Malinaw na ang nais nila ay maging
probinsya ng Espaa ang Pilipinas; ang pumasok at maging isa sa kaayusang kolonyal na
itinatag ng mga Espaol (Constantino 1975, 155-156). Walang dudang hindi sila anak ng
bayan sapagkat hindi sila bahagi ng kabuuang nais itatag ng mga anak ng bayan. Sa
pagdaan ng panahon, ang mga elit na ito ay magnanais ding magtayo ng kanilang sariling
kaayusan at kabuuan. Gayumpaman, ang hangarin nilang ito ay hindi upang palitan ang
kaayusang kolonyal kundi palitan lamang ang mga kolonyal na namumuno. Hindi
maitatanggi kung gayon ang magkaibang kamalayan ng mga repormistang ilustrado at
elit at ng mga anak ng bayan. Ang sa huli ay walang dudang nakabatay sa karanasan,
kalinangan, at kasaysayan ng mga taong tumubo at nag-ugat sa sangkapuluan. Sa
kanyang akdang Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog inugat ni Bonifacio (1896) ang
marangal na nakaraan ng mga Tagalog o mga taong tumubo sa sangkapuluan.
Ang mga anak ng bayan kung gayon ay magsisilbing pundasyon ng kabuuang ito
sapagkat ang pagkakatatag nito ay nakabase sa kapangyarihan ng bayan: ang pagkatatag
Makatwiran din ang pagtatayo ng isang kabuuang angkop at para lamang sa mga tumubo
sa sangkapuluan o mga anak ng bayan. Gagamitin nila ang kanilang kasaysaysan upang
balangkasin ang kabuuang ito:
Mula sa kanilang pananaw, umasa ang mga anak ng bayan o ang mga Tagalog sa mga
pangako ng nagpapanggap na ina. Sa puntong ito, handang paampon sa huwad na ina
ang mga anak ng bayanumasa silang ituturing na mga anak at kapatid ng mga dayo.
Gayumpaman, sila ay nilinlang at nilupig (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.18)
(tingnan ang Larawan 3). Bunga nito, ang mga anak ng bayan bilang tunay na anak ng
tunay na Inang Bayan ay mamumulat sa hangaring bunutin sa gayong caalipinan,
cadustaan, caapijan, at iba pang maraming calabisan na tinitiis nitong Sangcapuloan na
quinamcam at linupig nang ualang awa, matacao at dayucdoc na nag papangap Jalimao
(AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.21) (akin ang diin). Samakatwid, ang mga anak ng
bayan ay mga tagapagligtas ng Inang Bayan at tagapagtayo ng bagong kabuuanang
Pangkalahatang Bayan o Katagalugan. Kaakibat ng pagiging anak ng bayan ang pag-
aalay ng lahat lahat sa kanya maging ang kanya mang sariling buhay: Ang lahat ng mga
kap. ayon sa kaniang karapatan ay may mga katungkulang umibig sa bayang tinubuan
hanggang sa gugulin sa kania ang lahat ng pinakamamahal sa buhay at hangang ang kania
mang buhay (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.6) (akin ang diin).
Ang pag-angkin ng mga tumubo sa sangkapuluan bilang mga anak ng bayan at ang pag-
uugnay nito sa konsepto ng Inang Bayan ay nagpapakita ng kanilang pananaw bilang
isang pangkalahatang pamilya o mag-anak. Sa pagtawag sa kanilang mga sarili bilang
mga anak ng bayan, ang lahat ng tumubo sa sangkapuluan ay naging magkakapatid.
Hindi lamang ito, nagresulta rin ito sa pagbabanyuhay ng sangkapuluan bilang Inang
Bayan. Lohikal ito sapagkat ang pagkamagkakapatid ay bunga ng isang ina; at
nagkakaroon lamang ng kabuluhan ang pagiging isang anak sa harap ng isang ina. Hindi
maitatanggi ang ganitong kamalayan ng mga Katipunerong manghihimagsik. Mula sa
kanilang pananaw, tunay silang magkakapatid at iisang dugo lamang ang nananalaytay sa
kanilang mga ugat:
LARAWAN 3
Saloobin Kaugnay ng Paglilinlang ng Espaa
Sinasaad sa dokumentong ito ang saloobin ng mga Katipunero ukol sa panlilinlang sa kanila ng Espaa
noong unang araw na dumating sila sa bansa (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.18).
Tunay ngang malalim ang pang-unawa at pag-uugnay nina Bonifacio at mga Katipunero
sa pamilya at sa bagong kabuuang kanilang itinatag. Bukod sa mga nabanggit, patunay
rito ang pagtangi nila sa KKK bilang isang nilalang na may sinapupunan (AGMM 1892-
1897, Caja 5677, leg.1.36.4). Sa sinapupunang ito nabubuo at ipinapanganak ang mga
anak ng bayan. Katulad din ng isang sanggol na nabubuo sa loob ng siyam na buwan sa
sinapupunan ng isang ina, ang mga anak ng bayan ay dumadaan din sa ganitong
proseso. Ang pagtupad sa mga mahihigpit na rekisitos bago ipanganak ang isang anak
ng bayan ay maihahalintulad sa piryud na ito ng pagbubuo ng sanggol sa loob ng
sinapupunan ng kanyang ina. Sa KKK, ang pagbubuntis na ito o pagbubuo ay
tinatawag nilang pagdalisay. Walang dudang ipinapanganak ang bawat isang anak ng
bayan! Makikita ito sa pagturing nila sa mga kasapi na ng KKK bilang mga inanak at sa
mga magiging kasapi pa lamang bilang mga paaanak:
Sa kabilang banda, ang ina naman ang pinagmumulan ng ligaya at kaginhawahan ng mga
anak. Kaugnay nito, ang Inang Bayan ang sagot sa mga pang-aabuso ng huwad na ina;
tanging ang kapakanan lamang ng kanyang mga anak ang nais niya. Siya ang nag-iisang
ina na nagpapasigla ng lumong katawan at nagpapaligaya ng malungkot na puso:
Ah! itoy ang inang Bayang tinubuan na siyang unat tangi na kinamulatan
ng kawiliwiling liwanag ng araw na nagbigay init sa lumong katawan.
Gayumpaman, ang inang ito ay inaglahi ng bagong salta, dayuhan, at huwad na ina.
Bunga nito, nasadlak siya sa pagkabusabos at kaawa-awang kalagayan:
Bukod dito, ang kanyang marangal at maginhawang nakaraan ay naglaho at tanging pag-
asa na lamang sa kalayaan sa hinaharap ang tanging tangan:
At ang balang kahuy at ang balang sanga ng parang niyat gubat na kaaya-
aya kung makitay sasagi sa alaala ang inat ang giliw, lumipas na saya
(AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.94.3).
para lamang sa mga taal sa sangkapuluan ay isang paraan upang iugnay ang bagong
kabuuang ito sa kalinangan at kasaysayan ng bayan.
LARAWAN 4
Bahagi ng Tulang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan
Matutunghayan sa dokumentong ito ang orihinal na tulang pinamagatang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan.
Sa bahaging ito ay inilalarawan ng may-akda ang nakalulunos na kalagayan ng Inang Bayan at kung ano ang
damdamin at dapat gawin ng isang anak ng bayan (AGMM Caja 5677, leg.1.94.5).
Makikita rin sa paggamit ng konseptong anak ng bayan ang pagkaugat ng kabuuang ito
sa karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng bayan. Ito ay sapagkat ang mga anak ng
bayan ay tumubo sa sangkapuluan. Ang mga anak ng bayan ay tumutukoy lamang sa
mga taong tumubo sa sangkapuluan o sa lahat ng etnolinggwistikong grupong umusbong
at umugat sa lahat ng pulo sa Pilipinas. Sila ang mga lahing Tagalog na nabuo bunga ng
pagkalusaw ng mga pangkat-etnikong ito upang maging isang katawan o kalipunan ng
mga umusbong sa sangkapuluan. Mahalaga ring bigyang-diin ang kaugnayan nito sa
konsepto ng Inang Bayan sapagkat pinalulutang nito ang konsepto ng mag-anak
bilang batayan ng dinamiko sa loob ng kabuuang ito. Sa pamilyang ito, pinapahalagahan
ang papel ng mga anak sa pagbubuo ng mag-anak gayundin ang papel ng ina bilang
kanlungan at batis ng kaligayahan at kaginhawahan. Ang ganitong pagtingin sa pinag-
uusapang kabuuan ay hindi maitatanggi na taal na kaisipan ng mga taong tumubo sa
sangkapuluan.
Sa bahaging ito, uugatin ang simula ng Katipunan at bibigyang-diing isang soberenya ito
at isang hiwalay at partikular na entidad sa La Liga Filipina. Hindi lamang isang
ordinaryong kilusan ang Katipunan, bagkus, isa itong pamahalaang pambansa.
Sa pag-angkin ng mga tumubo sa sangkapuluan bilang mga anak ng bayan inilatag nila
ang basehan ng pagtatayo ng isang soberenya: isang kapangyarihang sasaklaw, sasakop,
at mangingibabaw sa Katagalugan/sangkapuluan at lahat ng mga Tagalog/pangkat
etnolinggwistiko o anak ng bayan. Bilang mga anak ng bayan, sila ang tunay na
nagmamay-ari ng sangkapuluan at dahil dito, sila rin ang tanging may karapatan sa
buong kapangyarihan sa mga Kapuluan: ay kaming may aring tunay at tubo sa lupang
ito na linupig at kinakamkam na isauli sa amin ang buong kapangyarihan ng mga
Kapuloan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.20) (akin ang diin). Sa puntong ito,
inihihiwalay nila ang itinatatag nilang bagong kabuuan mula sa namamayaning
kaayusang kolonyal bilang isang nagsasariling kapangyarihan sapagkat sila ay hindi
nagkakailangan na panghimasukan at pamunuan nang taga-ibang lupa (AGMM 1892-
1897, Caja 5677, leg.1.37.20) (akin ang diin).
Kaugnay nito, itatatag nila ang Kataastaasang Katipunan bilang nag-iisang soberenya sa
sangkapuluan na hahawak sa lahat ng kapangyarihan dito:
Kap. na pinag-iisahan ng layong pasya ang ukol sa kalahatan (AGMM 1892-1897, Caja
5677, leg.1.36.3). Sa paningin ng mga Katipunero walang duda ang pag-angkin ng bayan
sa kapangyarihang pulitikal at panlipunan dahil sa katuwiran ng katauhan, pagkatapos;
ang K.K.K. ay hindi kumikilala ng ibang mataas na kapangyarihan (AGMM 1892-1897,
Caja 5677, leg.1.36.3). Samakatwid, ang Katipunan sa simulat simula ay binalangkas at
binuo bilang isang pamahalaan ng Pangkalahatang Bayan o pamahalaang pambansa.
Sinasabi ng mga aklat pangkasaysayan na noong Hulyo 6-7, 1892, itinatag nina Bonifacio,
Deodato Arellano, Ladislao Diwa, Valentin Diaz, Jose Dizon, at Teodoro Plata ang isang
lihim na kilusan na tinawag nilang Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga
Anak ng Bayan. Gayumpaman, anim na buwan bago pa mangyari ang nasabing
pagtatatag na ito ay binalangkas na nina Bonifacio at kasamang mga Katipunero ang isang
samahang naglalayong kamtin ang kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon. Noong
Enero 1892 itinatag nila ang Kataastaasang Katipunan at ipinroklama ang paghiwalay sa
Espaa gayundin ang pagtangi sa Kataastaasang Katipunan bilang soberenyang sasakop
sa buong kapuluan:
dudang isa itong pambansang pamahalaan sapagkat tumatayo ito sa sarili niyang paa at
inaaangkin ang paghawak ng kapangyarihan sa buong kapuluan: Ang Cataastaasang
Catipunan ay tumatayo magbujat ngayon at siya ang magjajauac nang manga daquilang
capangyarihan ditto sa boong Capuloan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg. 1.37.26).
Bukod dito, malinaw na patunay ang pagbabalangkas at pagbubuo ng burukrasya para sa
nasabing pamahalaan. Dito itinatalaga ang isang Lubhang Mataas na Pangulo na siyang
mangangasiwa sa Katipunan kasama ng 12 Haligi:
3.
Wala ding dudang isa itong gobyerno para lamang sa mga anak ng bayan sapagkat ang
kapangyarihan ay nasa kamay ng bayan: ang pagkatatag ng pamamahala nitong mataas
na kabalakan ay ang kapangyarihan ng bayan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg. 1.37.25-
26) (akin ang diin).
Bukod dito, mali ring sabihing ang Katipunan ay direktang kontinwasyon ng La Liga
Filipina ni Rizal. Ang La Liga ay naitatag noong Hulyo 3, 1892 kung saan ang
pangunahing layunin nito ay pagkakaisa at pagpapalakas ng komersyo at industriya (Rizal
1896, 339). Nais din nitong magkaroon ng reporma, edukasyon para sa mga Pilipino, at
proteksyon sa karahasan at kawalan ng hustisya (Agoncillo 1990, 147). Malinaw ang mga
ito sa deklarasyon ni Rizal sa kanyang depensa noong siya ay nililitis:
Maliban dito, hindi rin nagtagal ang buhay ng La Liga sapagkat daglian din itong namatay
matapos ipatapon si Rizal sa Dapitan. Ayon mismo kay Rizal: Ang Liga ay hindi
nagtagal, namatay ito pagkatapos ako ay ipatapon sa Dapitan Hindi ito nabuhay o
naitatag, dahil pagkatapos ng unang pagpupulong, hindi na ito naulit pang muli.
Namatay ito sapagkat ako ay ipinatapon nila pagkatapos (Rizal 1896, 340). Base rito,
makikitang maliit ang tsansang maging direktang kontiwasyon ng La Liga ang Katipunan.
Una, magkaiba ang layunin at tunguhin ng dalawang organisasyon. Pangalawa, ang
ipag tatangol at gagauing mapilit ano mang mangyare na siya ay mag sarili
at majiualay at di namin papayagang malupig pang muli nang nagjajauak
ngayon at nang iba pang Cajarian na mangajas lumupig. Sumusumpa din
naman cami na aming gaganapin at ipagaganap ang mga cautusang sa juli
ay inilagda at pinagcaisajan nang manga guinoo na naga jajarap sa
Cataastaasang Catipunang ito, na aming iguinagalang at ipinagdidiuang sa
ica ng Enero isang libo ualong daan at siyam na puo at dalaua (AGMM
1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.22-24) (akin ang diin).
Bukod dito, hindi valido ang asersyong nabanggit sa itaas sapagkat magkaiba ang dalawa.
Ang Katipunan ay hindi lamang isang simpleng lihim na kilusan. Malinaw sa isipan ni
Bonifacio at ng mga Katipunero sa simula pa lamang na ang kanilang itinatatag na kilusan
ay isang pamahalaan: ang Kataastaasang Katipunan ay tumatayo magbuhat ngayon at
siya na ang maghahawak nang mga dakilang kapangyarihan dito sa buong Kapuluan
(AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.25-26) (akin ang diin). Hindi maikakailang sa harap
ng mga anak ng bayan isang hiwalay na pamahalaan ang kanilang itinatatag: Ang
pagkatatag ng pamamahala nitong mataas na kabalakan ay ang kapangyarihan ng
bayan... sa katuwiran ng katauhan, pagkatapos; ang K.K.K. ay hindi kumikilala ng ibang
mataas na kapangyarihan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.2-3).
LARAWAN 5
Pagbabalangkas at Pagbubuo ng Katipunan noong Enero 1892
Kung kaya ngat babalangkasin din nila ang burukrasyang siyang mamamahala ng
sangkapuluan. Maliban sa mga pangunahing sangay ng Katipunan (Kataastaasang
Kapisanan, Kataastaasang Sanggunian, Sangguniang Bayan, Sangguniang Balangay,
Sangguniang Balangay na walang nakasasakop na Sangguniang Bayan, at Hukuman),7
itatatag din ang mga departamento ng pamahalaang Katipunan. Kaugnay nito, nilikha
ang Kaha Real o Sisidlang Hari, na mangangasiwa sa pinansyal na usapin gayundin
ang Saklolohang-gamutan at Kaawaang-gawa ng Kataastaasan Kagalanggalang na
Katipunan ng mga Anak ng Bayan na isang kagawarang tangi na siyang mamamahala sa
mga pagsaklolo sa mga K. dapat saklolohan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.25.1-2).
Walang dudang ang Katipunan ay isang buong entidad na bago pa mabuo ang La Liga.
Bukod sa burukrasya, nakalatag na ang kanilang layunin at pamamaraan upang makamit
ito. Buo na ang loob ni Bonifacio at lahat ng Katipunero na ipagtanggol at palayain ang
bayan sa pamamagitan ng pag-aaklas:
Kaugnay nito, nakalatag na rin ang mga programa ng pagkilos upang maabot ang
kanilang aspirasyon:
Walang gatol nilang ipatutupad at gaganapin ang kanilang mithiin hanggang kamatayan:
Bilang bahagi ng mga programa ng pagkilos at pamamaraan upang makamit ang kanilang
dakilang layuning humiwalay sa Espaa at magtayo ng sarili nilang sosyo-pulitikal-
kultural na kabuuan, binalangkas ni Bonifacio at ng mga anak ng bayan ang istruktura
ng pamahalaang Katipunan. Kaugnay nito, itinalaga ang isang Pangulo para mamuno at
magpatakbo ng gobyerno. Ang taong ito na tatawaging Lubhang Mataas na Pangulo ang
siyang hahawak sa Katipunan at gaganap ng lubhang mataas na katungkulan. Kasama
niya sa pamamahala ng pamahalaan ang 12 katao na tinatawag na Haligi kung saan ang
mga ito ay nasa ilalim ng pamamahala at kapangyarihan ng Lubhang Mataas na Pangulo:
Samantala, ang mga Haligi ay igugrupo sa tatlong pulutong at ang bawat isa rito ay
magtatalaga ng 12 kabig na tatawaging Suhay. Binibigyan ng karapatan ang bawat
pulutong na mamahala sa kani-kanilang sakop ayon sa ngalan ng Katipunan. Ang mga
suhay naman ay kukuha rin ng 12 miyembro na kikilalanin bilang mga kamay; at ang
bawat kamay naman ay kukuha ng 20 katao na tataguriang kampon (tingnan ang
Diagram 1):
Napakahirarkikal ng istrukturang ito. Tanging ang mga pinuno lamang ng bawat sangay
ang may ugnayan sa isat isa. Ang mga pinuno ng mabababang sangay ay mapapasailalim
sa pamamahala ng mga pinuno ng mas matataas na sangay sa kanila. Sa dalawang
pinakamataas na sangay, ang mga pinuno ng pulutong ay nasa ilalim ng pamamahala at
DIAGRAM 1
Istruktura ng Katipunan Batay sa Pagkakabalangkas noong Enero 1892
Inilalarawan sa diagram na ito ang unang istruktura ng Katipunan nang ibalangkas ito noong Enero 1892
(Nunag 2014a, 18) (Paglalarawang kaloob ni Julia Giezl San Miguel).
LARAWAN 6
Paglikha ng Kaja Real o Sisidlang Hari
Sa manga bagay na ito ay ang Catip. nagbubucas mag bujat ngayon nang
utang na $10.000.000$ sampuong lacsa na caniyang pagbabayaran cung
dumating ang lubjang mapalad na caarauan nang pagcajiualay nitong
manga Capuloan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.38) (akin ang diin).
Sa ganitong kalagayan, ang mga anak ng bayan ay inoobliga na kalakip ang malunos na
taghoy sa kanyang mga inanak at paaanak na pagpaluwalan sa buwan-buwan ang
naturang halaga magbuhat sa mga araw, panahon at paraan na pawang natatala sa
sumusunod na hagdan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.38-39).
Ang ayuda medikal na ito ay ipinaaabot din sa lahat ng kamag-anakan ng bawat katipon
ng wala ring bayad sa mga may sakit na asawa, anak, magulang o iba man pamangkin at
alila kung mga walang asawa, kasama sa bahay at sakop ng pamamahala ng isang
Katipon (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.38.4). Hindi lamang ang kasamaang-palad
LARAWAN 7
Pag-utang ng Pamahalaang Bayan sa mga Anak ng Bayan
Sa paglaki ng bilang ng mga kasapi sa Katipunan binago ang istruktura nito. Noong
Hulyo 1892 itinatag ni Bonifacio at kanyang mga kasama ang Kataastaasan
Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Hindi malabong ang
organisasyong ito ang siya ring organisasyon na nauna nang binalangkas noon pang
Enero 1892. Maaari ring sabihing sa panahong ito, Hulyo 1892, pagkatapos ng anim na
buwan, ay pormal nang pinangalanan ang nauna na nang samahang Kataastaasang
Katipunan bilang Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o
Katipunan.
Gayumpaman, mali ang ganitong pagtingin sapagkat ang pagbubuo ng isang konseho ay
ayon sa dami ng bilang ng miyembro nito at hindi sa lugar na kinapapalooban nito
(Nunag 2014a, 31). Malinaw na nakasaad ito sa atas ng Katipunan ukol sa pagbubuo ng
isang Sangguniang Bayan (Sb.) at Sangguniang Balangay (By.):
Sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon, ang Tundo ay isa lamang sa mga arrabales ng
siyudad ng Maynila. Ngunit sa Tundo pa lamang ay mayroon ng mga Sangguniang Bayan;
isa na rito ang Sangguniang Bayan Katagalugan kung saan nasa ilalim ng pamamahala
nito ang mga Sangguniang Balangay na Kabuhayan, Katotohanan, at Pagtibain (Nunag
2014a, 19). Sa distrito naman ng Palomar, sa Tundo pa rin, ay naroroon naman ang
Sangguniang Bayan Pingkian at pinamamahalaan nito ang dalawang Sangguniang
Balangay (Nunag 2014a, 19).
Ganito rin ang kaso sa Mandaluyong sa probinsya pa rin ng Maynila kung saan ang
Sangguniang Balangay Makabuhay ay ginawang Sangguniang Bayan dahil sa lumalaking
bilang ng mga kasapi:
Kung sa pagbubuo ng isang Sangguniang Bayan ay may lumabis pang mga miyembro na
hindi naman sapat ang bilang na itinatakda sa pagtatayo ng Sangguniang Bayan, ang mga
labis na ito ay igugrupo bilang isang Sangguniang Balangay. Sa ganitong paraan nabubuo
ang isang Sangguniang Balangay gaya ng pangyayari sa Mandaluyong:
Ganito rin ang nangyari sa bayan ng Sta. Ana kung saan itinatag ang Sangguniang Bayan
Kasilawan. Gayumpaman, talagang marami ang sobrang bilang ng mga kasapi bagamat
hindi naman sapat para sa pagtatayo pa ng isang Sangguniang Bayan. Bunga nito,
nagkaroon na lamang ng pangangailangang magtayo ng tatlong Sangguniang Balangay
para sa mga lumabis na miyembroang Sangguniang Balangay Agapan, Matatag, at
Tagisan:
Walang dudang ang pagbubuo ng mga sangay o konseho ay nakabatay sa bilang ng mga
kasapi. Mahihinuha mula ritong ang pagbabagong naganap sa naunang istruktura ng
Katipunan ay bunsod ng pagdami ng mga kasapi nito. Dahil sa lumulobong bilang ng
mga miyembro kinailangang imodipika ang istruktura kasabay ng paglulunsad ng
Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong Hulyo 1892.
Hindi rin imposibleng sa panahong ito, pagkatapos ng anim na buwan na mabalangkas
ang Kataastaasang Katipunan, gagap na gagap na nina Bonifacio at mga Katipunero ang
pagdalumat sa bayan. Kung kayat kasabay ng pagbabago sa istruktura ay ilulunsad ang
May lohika ang ganitong interpretasyon sapagkat binibigyan nito ng paliwanag ang tunay
na naging anyo ng balangkas ng Katipunan sa panahong ito gayundin ang dinamiko sa
pagitan ng mga sangay o konseho nito. Ayon sa mga tradisyunal na pag-aaral ng
kasaysayan ng Pilipinas, ang Katipunan ay binubuo lamang ng tatlong konseho gaya ng
nabanggit sa itaas. Ang ganitong pagtingin ay lubhang simple at kulang sapagkat di
hamak na mas masalimuot ang tunay na istruktura ng Katipunan.
Samakatwid, hindi lamang tatlo ang sangay ng Katipunan. Mayroong isa pang mahalaga
sa kabuuan ng Katipunan. Sa hirarkiya, makikita ang Kataastaasang Pangulo bilang pinuno
LARAWAN 8
Lagda ng mga Opisyales ng Kataastaasang Sanggunian at Sangguniang Bayan
DIAGRAM 2
Tatlong Sangay ng Katipunan
Inilalarawan sa diagram na ito ang tatlong sangay ng Katipunan gayundin ang mga opisyales ng bawat isa.
Pansinin ang Sangguniang Balangay na walang nakakasakop na Sangguniang Bayan na nasa ilalim ng
pangangasiwa ng Kataastaasang Sanggunian (Nunag 2014a, 24) (Paglalarawang kaloob ni Julia Giezl San
Miguel).
ang mga Pangulo ng mga Sangguniang Balangay na nasa ilalim ng pamamahala ng isang
Sangguniang Bayan; tanging sa Pangulo lamang ng nakasasakop na Sangguniang Bayan
lamang sila maaaring makipag-ugnayan at hindi direkta sa Kataastaasang Pangulo.
Bukod dito, ay naroroon din sa pinakaibaba ang mga Pangulo ng Sangguniang Balangay
na walang nakasasakop na Sangguniang Bayan bagamat sila ay direktang
pinangangasiwaan ng Kataastaasang Pangulo.
istruktura. Ang pagbabagong ito ay kinakailangan upang tugunan ang lumalaking bilang
ng mga anak ng bayan.
Bunga nito, naging mas masalimuot ang tunay na balangkas ng Katipunan. Ayon sa mga
historyador, ang Kataastaasang Kapisanan (Katipunan Assembly) ang nagsisilbing
lehislatibong sangay ng Katipunan (Guerrero 1998, 150). Ito ang gumagawa ng mga atas
at kautusan para sa buong Katipunan o pamahalaan ng Pangkalahatang Bayan. Katulong
din ito ng Kataastaasang Sanggunian sa paggawa at pagpapatupad ng mga kautusan.
Kaugnay nito, sinasabing ang Kataastaasang Sanggunian ang pinakamataas na sangay ng
Katipunan. Gayumpaman, sa pag-aanalisa sa mga dokumento ng Katipunan, makikitang
ang Kataastaasang Kapisanan ay higit na mas mataas at may mas malawak na
kapangyarihan kaysa sa Kataastaasang Sanggunian (Nunag 2014a, 25). Ito ay sa
kadahilanang bukod sa pagtatakda nito ng mga batas at kautusan, ang Kataastaasang
Kapisanan ang may huling pasya ukol sa mabibigat na kasong kinasasangkutan ng mga
kasapi:
Sapagkat may mga sumbong na dumating sa K.S. laban sa mga gawa ng kap.
na Kalapati na pinanganlang kanlulan ng k. ito ang katipunan; sapagkat sa
mga pag-uusig na ginawa wariy tunay na nagkasala; sapagkat sa
katungkulan niyang Kal. ng Sb ay hindi gumaganap ng anoman lamang
mula ng tanggapin niya ang katungkulan; at sapagkat lumalabas na
inuudyukan nito ang kap. na Kampilan na ama niya, na huwag tumupad sa
mga katungkulang sinagutan, ay minarapat ng K.K., na ang k. Kalapati ay
matiwalag muna hanggang pinag-uusig ang buong katotohanan ng mga
sumbong na tinanggap, at maparusahan kung mapatunayang maysala o
kaya mabalik kung mapagkilalang wala (AGMM 1892-1897, Caja 567,
leg.1.42.2-5) (akin ang diin).
Bukod dito, ang Kataastaasang Kapisanan ang tanging may kapangyarihan na gumalaw at
gumamit ng mga pondo o pera ng buong Katipunan (Nunag 2014a, 27). Samantala,
binibigyan ng karapatan ang bawat sangay na galawin ang perang nauukol lamang para sa
kanilang sangay:
DIAGRAM 3
Istruktura ng Katipunan at Komposisyon ng Kataastaasang Kapisanan
Inilalarawan sa diagram na ito ang tunay at tamang istruktura ng Katipunan gayundin ang komposisyon ng
Kataastaasang Kapisanan (Nunag 2014a, 26) (Paglalarawang kaloob ni Julia Giezl San Miguel).
Hindi lamang ang mga sangay na nabanggit sa itaas ang nararapat na bigyang-pansin.
Dapat ding bigyang-linaw kung ano talaga ang Sangguniang Lihim at ang papel na
ginagampanan nito sa dinamiko ng mga sangay ng Katipunan. Upang masupil ang mga
tiwali at taksil sa Katipunan, itinatag ang Sangguniang Lihim noong Nobyembre 30, 1895:
Binubuo ito ng tatlo kataong hindi alam ang pagkakakilanlan ng bawat isa. Tanging isang
tao lamang ang nakakaalam kung sinu-sino sila na siyang magsisilbing tagapamagitan ng
tatlo at ng Katipunan:
Samantala, ang mga Hukuman ay wala ring kapangyarihan ng hudikatura. Ibig sabihin,
wala silang kakayahang umusig at humusga sa mga miyembro nito. Bagkus, ang mga
Hukuman ay tumutukoy lamang sa mga lalawigan o probinsya na mayroong mga naitatag
na mga sanggunian sa kanilang lugar. Katulad din ng iba pang sangay o pulutong gaya ng
Kataastaasang Sanggunian, Sangguniang Bayan, at Sangguniang Balangay, ang Hukuman
ay isa lang ding sangay o pulutong: tangi ng bawat pulutong, buhat sa K.S. hanggang sa
kahuli-hulihang By. at Hukuman (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.42.5) (tingnan ang
Diagram 4). Kaugnay nito, ang Pangulo ng Hukuman ang siyang kumakatawan sa
kanyang pulutong tuwing may pagpupulong kasama ang Kataastaasang Sanggunian:
Bunga nito, ang probinsya ng Maynila ay tinatawag na Hukuman ng Maynila; ang Kabite
ay Hukuman ng Tangway; ang Laguna ay Hukuman ng Lalaguna; ang Bulakan ay
Hukuman ng Bulakan; ang Rizal ay Hukuman ng Morong; etc Ang mga hukumang ito
marahil ang sinasabi ng mga historyador na konseho na lumilitis sa mga tiwaling kasapi
ng Katipunan. Subalit tulad ng nabanggit sa itaas, ang Kataastaasang Sanggunian sa
pamamagitan ng Kataastaasang Kapisanan ang tanging mga sangay ng lumilitis at
humuhusga sa mga nasabing masamang miyembro. Anut ano pa man, hindi
maikakailang ang pagtatayo ng mga hukuman ay bunsod ng paglaki ng bilang ng mga
anak ng bayan.
DIAGRAM 4
Tunay, Kumpleto, at Tamang Istruktura ng Katipunan
Inilalarawan sa diagram na ito ang tunay, kumpleto, at tamang istruktura ng Katipunan (Nunag 2014a, 28)
(Paglalarawang kaloob ni Julia Giezl San Miguel).
KONKLUSYON
dahil nilalampasan nito ang hangganang etnolinggwistiko. Malinaw kung gayon na ang
Katagalugan at ang Pangkalahatang Bayan ay iisa sapagkat kinapapalooban ang mga ito
ng lahat ng taong tumubo sa sangkapuluan. Bunga nito, ang lahing Tagalog ay
tumutukoy sa lahat ng grupong etnolinggwistiko sa buong bansa.
Napakahalaga para kina Bonifacio ang ganitong pagtingin sapagkat binibigyan nito ng
matibay na batayan ang pag-angkin nila bilang mga anak ng bayan. Ang ganitong
pagbubuo ng kanilang sarili at kamalayan ay gagamitin nilang pundasyon ng kanilang
binubuong Katagalugan o Pangkalahatang Bayan. Dito iinog ang lahat. Bilang mga anak
ng bayan, tanging sila lamang ang may karapatan sa sangkapuluan; sila ang nagmamay-
ari at dapat may hawak ng lahat ng kapangyarihan dito. Buo ang kanilang paniniwala
dito sapagkat inanak sila ng bayan (umusbong, tumubo, at umugat sila sa sangkapuluan).
Kaugnay nito, ang Katagalugan ay hindi lamang simpleng entidad o lugar na kanilang
pinananahanan. Ito ay walang iba kundi ang kanilang ina na nagluwal sa kanila
(umusbong, tumubo, at umugat sa sangkapuluan)ina, sapagkat sila ang anak. Sa harap
ng isang ina lamang nabibigyan ng kahulugan ang kanilang pagiging anak. Malinaw kung
gayon sa kaisipan at kamalayan ni Bonifacio at ng mga Katipunero ang konsepto ng
kabuuang kanilang itinatayo bilang isang pamilya o mag-anak. Base rito, ang
Katagalugan ay ang Inang Bayan samantalang sila, ang lahing Tagalog o ang mga taong
tumubo sa sangkapuluan, ay ang mga anak ng bayan. Bunga nito, may kaakibat na
responsibilidad ang kanilang pribilehiyo bilang mga anak ng bayan. Tungkulin nilang
sagipin ang Inang Bayan mula sa pang-aalipin at pang-aalipusta ng dayukdok na
halimawang nagpapanggap at huwad na Inang Espaa. Kaugnay nito, may tungkulin
din sila sa kanilang kapwaang kalingain ang bawat isa bilang magkakapatid na may
iisang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat. Sentral samakatwid ang relasyong ina-
anak sa binubuong kabuuan nina Bonifacio kung saan napakahalaga ng papel na
ginagampanan ng bawat isa.
Sa puntong ito, ang Katipunan ay walang dudang binalangkas at binuo bilang isang
pamahalaan ng Pangkalahatang Bayan sa simula pa lamang. Walang ibang nasa isip sina
Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan kundi ang humiwalay sa Espaa at magsarili bilang
isang soberenya. Ito ang kanilang pagkakaiba sa mga repormistang ilustrado at elit na
mga lider na nagnanais lamang ng pagpapalit ng pamunuan sa ilalim pa rin ng banyagang
kabuuan na kanilang inangkin bilang kanila. Kabaligtaran naman ang nais ng mga
Katipunero na itatag ang pangkalahatang pamahalaan ng mga anak ng bayan na isang
pag-aanyo ng kabuuang taal lamang sa kanila dahil nakaugat ito sa kanilang kalinangan
at kasaysayan bilang mga tumubo sa sangkapuluan.
Mula sa ganitong balangkas ng isip, mas mabibigyan ng linaw at tamang pang-unawa ang
Katipunan gayundin ang Supremo nitong si Andres Bonifacio. Kaugnay nito, maraming
pagwawasto ang dapat gawin sa ating kasaysayan partikular sa himagsikan, sa Katipunan,
at kay Bonifacio. Klarong-klarong magkaiba ang kamalayan ng mga anak ng bayan at
ng mga repormistang ilustrado o elit. Kung gayon, hindi maaaring sabihing ang
Katipunan ay direktang kontinwasyon ng La Liga ni Rizal. Mula sa pananaw ni Bonifacio
at ng mga manghihimagsik, ang Katipunan ay isang pamahalaan ng mga anak ng bayan;
ang La Liga ay hindi, isa lamang itong organisasyong naglalayon ng reporma sa kolonyal
na Filipinas noon. Bukod dito, ang Katipunan ay nauna nang binalangkas at binuo nina
Bonifacio anim na buwan bago pa man itatag ni Rizal ang kanyang La Liga. At simula sa
araw na iyon, malinaw ang kanilang intensyong magsarili at magtayo ng bagong kabuuan
sa pamamagitan ng isang pag-aaklas sukdulang ikalagot ng kanilang mga buhay.
Napakahalagang bigyan ng diin ang puntong ito. Malaki ang implikasyon ng bagong
impormasyong itoang Katipunan ay binalangkas at binuo Enero pa lamang ng taong
1892. Binibigyang-linaw nito ang mga sumunod na kaganapan sa Katipunan partikular
ang naganap noong Hulyo 1892 hanggang bago sumiklab ang himagsikan noong 1896.
Gaya ng nabanggit sa itaas, isa sa mga napakahalagang implikasyon nito ay ang
Katipunan ay isa ng pamahalaan simula ng ito ay isilang. Patunay rito ang burukrasyang
itinayo ng mga anak ng bayan gayundin ang ibat ibang kagawaran ng kanilang
pamahalaan na tumutugon sa kanilang mga paghahanda at pangangailangan upang
isakatuparan ang kanilang aspirasyong paglaya sa kolonyal na kaayusan. Malinaw na ang
Katipunan ay kumpleto at buo na bilang isang pulitikal na entidad bago pa ang Hulyo
1892.
Katipunan gayundin ang dinamiko ng mga sangay nito. Idagdag pa na sa panahong ito,
Hulyo 1892, anim na buwan pagkatapos na balangkasin nina Bonifacio ang Kataastaasang
Katipunan, ay gagap na gagap na ng mga kasapi ang pagdalumat sa bayan kung kayat
napapanahon na upang ilunsad ito bilang Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng
mga Anak ng Bayan.
Talahuli
1
Nais pasalamatan ng may-akda ang mga tumulong sa pananaliksik at pag-aayos ng mga dokumento na
sina Randy Rodriguez at Julia Giezl San Miguel.
2
Ang ispeling na ginamit sa siping ito at sa mga sunod pang sipi ay halaw mismo sa mga orihinal na teksto.
3
Ang ibig sabihin ng K.K.K. ng mga A.N.B. ay Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng
Bayan. Karaniwan ding ginagamit na lamang ang Katipunan upang tukuyin ang nasabing samahan.
4
Ukol sa ispeling ng salitang sangkapuluan, ginamit ng may-akda ang sankapuluan sa orihinal/sipi,
samantalang sangkapuluan naman sa kanyang naratibo.
5
Halaw ito sa artikulo ng may-akda na The Intellectual and Enlightened Revolutionary (Nunag 2014b) na
sinulat para sa antolohiya kay Bonifacio na ililimbag ng National Historical Commission of the Philippines
(NHCP) sa taong 2014. Tingnan din ang sinulat ng may-akda na The First and True Structure of the
Katipunan (Nunag 2014a) bilang bahagi ng kanyang panayam sa pambansang kumperensya ng Philippine
National Historical Society (PNHS) na ginanap sa Liceo de Cagayan, Cagayan de Oro City, Misamis
Oriental, Philippines noong Oktubre 24-27, 2013.
6
Ang mga sumusunod na pagtalakay ay halaw sa panayam na ginawa ng may-akda sa pambansang
kumperensya ng Philippine National Historical Society (PNHS) na ginanap sa Liceo de Cagayan, Cagayan de
Oro City, Misamis Oriental, Philippines noong Oktubre 24-27, 2013. Makabubuting tingnan din ang
nasabing panayam sapagkat kumprehensibo ang kanyang naging pagtalakay dito ukol sa nasabing usapin at
sa tunay na istruktura ng Katipunan gayundin sa ebolusyon nito (Nunag 2014a).
7
Tingnan ang artikulo ng may-akda na The First and True Structure of the Katipunan (Nunag 2014a) para
sa tunay at kumpletong istruktura ng Katipunan.
Sanggunian
Agoncillo, Teodoro A. 1990. History of the Filipino People; Eighth Edition. Quezon City:
R.P. Garcia Publishing.
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.25. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.36. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.37. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.38. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.41BIS.
Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid
(AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.42. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.45. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.46. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.57. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.83. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.84. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.85. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.94. Kalipunan
ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM).
Bonifacio, Andres. 1896. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog. Nasa Panitikan ng
Rebolusyon(g 1896); Isang Paglingon at Katipunan ng mga Akda nina Bonifacio at
Jacinto, may-akda Virgilio Almario, 152-153. Manila: Sentrong Pangkultura ng
Pilipinas, 1993.
Constantino, Renato. 1975. The Philippines: A Past Revisited. Quezon City: Renato
Constantino, 1993.
De los Reyes, Isabelo. 1899. Memoria: Ang Madamdaming Alaala ni Isabelo de los Reyes
Hinggil sa Rebolusyong Filipino ng 1896-1897. Tsln. Teresita A. Alcantara. Quezon
City: T.A. Alcantara, 2001.
Guerrero, Milagros C. 1998. Andres Bonifacio and the Katipunan. Nasa Kasaysayan: The
Story of the Filipino People; Volume 5; Reform and Revolution, mga may-akda
Milagros C. Guerrero at John N. Schumacher, 149-167. Mandaluyong City: Asia
Publishing Co.
Nunag, Angelito S. 2014a. The First and True Structure of the Katipunan. The Journal of
History 60 (Enero-Disyembre): 10-36.
Quibuyen, Floro C. 1999. A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony, and Philippine
Nationalism. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2008.
Richardson, Jim. 2013. The Light of Liberty: Documents and Studies on the Katipunan,
1892-1897. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
Rizal, Jose P. 1896. Data for my Defense. Nasa Political and Historical Writings, may-
akda Jose Rizal, 338-349. Manila: National Historical Commission of the
Philippines, 2011.
Schumacher, John N. 1998a. The Vision of Jose Rizal. Nasa Kasaysayan: The Story of the
Filipino People; Volume 5; Reform and Revolution, may-akda Milagros C. Guerrero
at John N. Schumacher, 83-111. Mandaluyong City: Asia Publishing Co.
Schumacher, John N. 1998b. Two Paths to Freedom. Nasa Kasaysayan: The Story of the
Filipino People; Volume 5; Reform and Revolution, may-akda Milagros C. Guerrero
at John N. Schumacher, 113-148. Mandaluyong City: Asia Publishing Co.
Zaide, Gregorio F. 1968. The Philippine Revolution. Manila: The Modern Book Company.