You are on page 1of 11

ALAMAT NG TALAARAWAN

Noong unang panahon, sa isang bayan ng Marikina, mayroong magkaibigan na


nagnganglang Tala at Fe. Sila ay parehong simpleng mag-aaral. Si tala ay may
masayang pamilya, samantalng Malaki at magulong pamilya naman ang
kinalakihan ni Fe.
Isang araw ay pumasok si Fe ng may lungkot sa mukha. Napansin ito ni Tala kaya
nilapitan niya ito.Fe may problema ba? Sabihin mo sa akin at baka matulungan
kita, saad nito. Pumunta sila sa ilalim ng puno at sinimulan ni Fe ang
pagkukwento. Nag-away sina Itay at Inay kagabi, dumating na naman kasi si Itay
ng lasing na lasing. Napagod na ang sa pag-intindi kay Itay kaya iniwan na niya
kami, umiiyak na saad niya. Tala, ipangako mong hindi mo sasabihin ang
tungkol dito,dugtong niya.Pangako, nandito lang ako para sa iyo,sagot ni Tala.
Kinabukasan, habang papasok si Fe sa paaralan ay sinalubong siya ng isa niyang
kaklase,Kawawa ka naman Fe, iniwan ka na ng nanay mo, dahil lasingero at
basagulero ang tatay mo,saad nito. Sinong may sabi nyan sayo?, may halong
inis na tanong ni Fe.Itanong mo sa kaibigan mo, sabi nito sabay alis. Galit na
pumunta si Fe sa kanilang silid-aralan at hinanap si Tala.Tala, diba sabi mo
itatago mo ang tungkol sa problema ko? Pero bakit kalat na ito ngayon? ,may
bahid nag alit ngunit mahinahong saad ni Fe.Pasensya na Fe, pero maling tao
ang napagsabihan mo ng iyong sikreto, wala akong panahon para itago
iyon,walang pakeng sabi ni Tala.Isinusumpa kong isang araw ay pagsisihan mo
ang ginawa mong ito, ngunit sa mga panahong iyon ay huli na ang lahat,saad ni
Fe at umalis.
Umuwi si Tala ng mag-isa, pagdating niya sa bahay ay sumalubong sakanya
ang isang Diwata.Sinno ka?, tanong ni Tala.ako ang Diwata at
pinarurusahan ko ang taong hindi marunong tumupad sa mga pangako, is aka
sa kanila.Isinusumpa kong matututo kang panghawakan ang mga salita mo at
itago ang sikreto ng taong pinangakuan mo,galit na sabi ng Diwata.
Nang gabi ding iyon ay pumunta si fe sa bahay ni Tala at upang patawarin si
Tala. Ngunit naabutan nito ang isang libro,kinuha niya iyon at binasa, nakatala
doon ang mga sikreto niya na sinabi nya kay Tala. Pumasok sa isip niya na ang
librong iyon ay si Tala.
Kaya mula noon ay tinago ni Fe ang libro at tinala nito ang mga bagay na
nangyari sa kanyang buhay. Hindi naglaon ay tinawag itong Talaarawan, kung
saan nakapaloob ang mga nangyayari sa buhay ng sang tao at maging ang sikreto
nito ng walang ibang nakakaalam.

Aral: Matutong tuparin ang pangako at pahalagahan ang tiwalang sa iyo ay


ibinigay.

You might also like