You are on page 1of 2

Calvary Christian Academy

Piyesa ng Tula sa Buwan ng Wika 2017


(Halaw sa Opisyal na Piyesa ng BULPRISA Tula 2017)
Elementarya Antas 1

PAG-ASA
Ni Regie J. Olaira

Tayong mga Pilipino ay may isang kasabihan,


Bawat taoy may pag-asa habang siyay nabubuhay
Totoo ngang may pag-asa kainlanman, kaninuman,
Itoy makamtan kung naisin ng sangkatauhan.

Ang mga taong pulubiy palaboy-laboy sa daan


May pag-asang makakamit kung silay tutulungan,
Pagkaing hiningi at limos sa mga taong bayan
Umaasa na balang araw, pag-asay makamtan.

Ang pag-asa ay isang inspirasyon ng mga tao


Na siyang naging gabay upang maging matatag tayo,
Matiyaga sa lahat ng gawain upang umunlad
Ang pag-asay makamit ng mga taong nangangarap.
Calvary Christian Academy
Piyesa ng Tula sa Buwan ng Wika 2017
(Halaw sa Opisyal na Piyesa ng BULPRISA Tula 2017)
Mataas na Paaralan Antas 1

BINANTAYOG NA LAYUNIN
Ni Jaime S. Sumpaico

Binantayog: pagsisilbi sa likod ng mga taon,


Pangalan moy napabantog noon pa mat maging ngayon;
Kabuuang pagbabago na kakambal ng panahon,
Ang dito sa akademya ay layuning mapausbong,
Sa landasin ng pag-unlad, liwanag kang isang tinghoy,
At ningas na tumatanglaw sa bukas na naghahamon.

Tinatahak na tradisyon ang programa ng gampanin,


Nitong mga akademyang pusot diway nagkadupil;
Deklamasyon, talumpati saka tulay mga sining,
Sinaliwan ng musika at nag-uyaying awitin;
Larangan ng paglalaro nag-anyaya sa damdamin,
Mens sana corpore sano* nagdiwang sawikain.

Akademya at BULPRISA iisa sa paglilingkod,


Kabuuang pagbabago ay tiyagang ibinunsod;
Sa linang ng pagsisikap mga binhing isinabog
Ay ang binhi ng pagsuong may tag-aning tuwat lugod;
Ang sasag ay nangako sa pintugang sumisinop,
Bawat gabiy may umaga, may ginhawa bawat pagod.

*mens sana in corpore sano malusog na pag-iisip sa malusog na pangangatawan

You might also like