You are on page 1of 3

NAGPAPATUNAY

1. Na ang NAGSANGLA (Emily Urfilla) ay humiram sa PINAGSANGLAAN (Sharon Tan) ng

halagang ISANDAANG LIBONG PISO (P100,000.00) Salaping Pilipino kung saan

tinanggap at sumakamay ng NAGSANGLA (Emily Urfilla) ang paunang bayad na

LIMAMPUNG LIBONG PISO (P50,000.00) nuong ika-29 ng Setyembre 2013 at ang

buong kabayaran na LIMAMPUNG LIBONG PISO (P50,000.00) ngayong ika-10 ng

OKTUBRE 2013 na pinapatunayan ng kanyang lagda dito;

2. Na ang nasabing pagkakautang ay babayaran pagkatapos ng isang (1) taon o sa ika-10

ng OKTUBRE 2014;

3. Na bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng NAGSANGLA (Emily Urfilla) ang

isang unit ng bahay na sarili niyang pag-aari na matatagpuan sa 917 A DELPAN TONDO

MANILA sa PINAGSANLAAN (Sharon Tan) ;

4. Na bilang interes sa nasabing pagkakautang, pinapahintulutan ng NAGSANGLA (Emily Urfilla)

ang PINAGSANLAAN (Sharon Tan) na tumira sa nasabing unit ng bahay sa loob ng isang

taon na walang upang babayaran;

5. Na ang PINAGSANLAAN (Sharon Tan) ang siyang itinalagang taga-pangalaga ng bahay

habang ito ay nasasaklawan ng kasunduang ito;

6. Na ang nasabing unit ng bahay ay tunay na pag-aari ng NAGSANGLA (Emily Urfilla) at walang

ibang utang o sanlang pinananagutan;

7. Na sakaling mabayaran ng NAGSANGLA (Emily Urfilla) ang nasabing pagkakautang sa

itinakdang panahon, ang kasulatang ito ay mawawalan ng bisa at saysay;

8. Na binibigyan ng pagkakataon ng NAGSANGLA (Emily Urfilla) ang PINAGSANGLAAN (Sharon

Tan) na upahan muli ang unit na isinanla sa itinakdang halaga na LIMANG LIBONG PISO

(P5,000.00) kada buwan na siyang parehong halaga na binabayaran ng PINAGSANGLAAN

(Sharon Tan) bago ito isinangla sa kanila;

1
9. Na hindi gagamitan ng NAGSANGLA (Emily Urfilla) ng paraan na "Balik Sanla" ang

PINAGSANLAAN (Sharon Tan) upang sapilitang mapaalis ito sa lugar bago matapos ang

takdang panahon ng bayaran.

10. Na maaaring i-renew ng NAGSANGLA (Emily Urfilla) ang kasulatang ito bago o sa araw na

itinakda ng pagbabayad.

11. Na habang umiiral ang kasunduang ito sa loob ng itinakdang panahon (isang taon) ang

NAGSANGLA (Emily Urfilla) ay hindi pinahihintulutan ng kasulatang ito na magpadagdag ng

bayad sa PINAGSANLAAN (Sharon Tan), sa halip, ang karagdagang bayad ng ipapatupad ng

NAGSANGLA (Emily Urfilla) ay pag-uusapan bago o sa itinakdang panahon ng kasulatan

(Alinsunod sa ika-sampu na kasunduan na nakasaad sa kasulatang ito).

12. Na ang NAGSANGLA (Emily Urfilla) ay dapat sumunod sa mga kasunduang nakasaad sa

kasulatang ito.

13. Subalit kung hindi naman ito magawang bayaran ng NAGSANGLA (Emily Urfilla), ang

Kasulatang ito ay iiral at ipapatupad sa kaparaanang itinatadhana ng batas.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa kasulatang ito ngayong

ika-10 ng Oktubre 2013 sa Delpan Tondo Manila.

EMILY URFILLA SHARON T. TAN


Nagsangla Pinagsanglaan

CTC No. CTC No.


Issued At Issued At
Issued On Issued On

MGA SAKSI

2
FELICIDAD A. VILLARIN NIEVA LLEVA

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)


MANILA ) S.S.

BEFORE ME this 10th day of October 2013 at Delpan Tondo Manila personally appeared the

above named persons with their valid identification cards, known to me, and known to be the same

persons who executed the foregoing instrument where the acknowledgement is written and they

acknowledge to me that the same is their own free will and deed. WITNESS MY HAND AND SEAL.

NOTARY PUBLIC

Doc. No. .......;

Page No. .......;

Book No. .......;

Series of 20__.

You might also like