You are on page 1of 2

BOOM! Ang malakas na putok ng baril--- umpisa na ng aking karera. Takbo! Bilis! Takbo! Bilis!

sigaw ng mga taong nanggigigil na tila ba sila yung kumokontes. Sa mga sigaw nilay naalala ko si Tatay-
-- Takbo! Bilisan mo! sigaw naman ng mga taong suportay walang mintis. Takbo! Kaya mo to! Kayang-
kaya mo to! ang tanging sigaw ng isip ko. Nakikipaghabulan, nakikipag-unahan, upang maungusan lang
ang mga kalabang nagngingitngit sa galit at uhaw na uhaw sa tagumpay.

Habang tumatakboy nagbalik ang lahat ng alaala ko noong nagsisimula pa lamang ako sa
pagtakbo. Naalala ko rin ang lahat ng mga sakrispisyong ginawa mga magulang ko, matustusan lang
ang mga pangangailangan ko. Si Tatay--- ang kauna-unahang naging coach ko. Unang takbo ko nang
ipahabol niya ako sa aming asong si Britney. Galit na galit ako noon sa kanya--- Sino ba naman kasing
matinong ama ang ipahahabol ang anak sa nagngangalit na aso, diba? Iyak ako nang iyak nun habang
tumatakbo; habang sigaw nang sigaw ang tatay kong: Bilisan mo! Hwag kang hihinto--- Hanggang sa
nakaramdam ako ng pagod at namalayan ko na lamang na wala na pala ang aso naming humahabol
sakin. Nang sumunod na mga araw, ganun pa rin si Tatay at pilit niya pa rin akong pinatatakbo nang
mas malayot mas mabilis. Di ko mawari ang isang malaking tanong: Para saan nga ba to at araw-araw
akong nag-eensayo tuwing ala-singko ng madaling araw?

Si Tatay ang walang sawang nagturo sakin ng lahat. Si Tatay na ginawa ang lahat mairaos lang
kaming mga anak. Si Tatay na kahit anong hirap ay nakuha pa ring ngumiti at humalakhak. Si Tatay ang
dahilan kung bakit ako malakas. Hanggang sa isang araw gumunaw ang lahat. Ang aming haligi ay
naghabol ng hinga hanggang sa malagutan nito. Simula noon, ako na ang tumayong ama sa aming
pamilya. Tumigil na ako sa pagtakbo at pag-aaral dahil nawalan na ako ng gana. Wala nang dahilan
para ipatuloy ko pa ang aking pangarap. Ibinuhos ko na lamang ang sarili ko sa pagbabanat ng buto.
Kayod dito kayod doon. Hanggang sa di ko namamalayang humihina na ang aking pangangatawan.
Madalas na rin ang aking pagkakasakit, lagi rin akong matamlay. Ibang-iba di tulad noong akoy
tumatakbo pa. Masigla, walang sakit at matikas ang aking pangangatawan noon. Napaisip ako--- Ano
kaya kung bumalik ako sa pagtakbo? Kaso napaisip ko kung saan at paano ko sisimulan? Hanggang sa
isang araw habang naghahanap ng mapagkakakitaan ay napadaan ako sa isang malaking track and
field.

Boy! Boy! Paghahabol na tawag sa akin ng isang lalaki. Yes, Boss? sagot ko naman. Ahhhm nakita kong
kanina ka pa nanonood at parang gusto mo ring sumali. Gusto mo ba?! sabay tanong nya. Walang
akong ibang naisagot kundi ang paulit ulit na oo. Sakto kulang pa kasi kami--- Sige Boy, bukas ng umaga
bumalik ka dito at magsisimula ka na, ang huling wika niya. Salamat po, Boss! Sige po makakaasa po
kayo.
Masaya akong umuwi ng may ngiti sa labi. Kinaumagahan nga ay bumalik ako tulad ng sabi
nung lalaki. Coach pala yung lalaking nag-imbita saakin. Natuwa ito sa ipinakita kong performance
nung umagang yun kaya naman tinanong niya ako kung gusto ko raw bang mag-aral ulit. Opo, Sir gusto
ko po! At iyon nga, ipinasok niya ako sa paaralang pinagtuturuan nya bilang scholar at bilang kapalit
ay magsasanay ako kasama ng mga atletang na kanyang hinahawakan. Masayang masaya ako ng mga
panahon na yun. Ito kasi ang gusto ni Tatay na mangyari sa buhay ko. Kaya naman nagpursige akong
matapos ang aking pag-aaral. Dinoble ko ang aking paghihirap, bilang estudyante at at paghahanap-
buhay para sa pamilya. Bukod sa libre na ang aking pag-aaral ay may allowance pa akong karagdagan.
Napakalaking tulong na nun para sa aming pamilya. Maliit lang pero pwede na. Kasama ako sa mga
pambato nila tuwing may palaro. Mahirap pero kinakaya ko ang lahat. Maraming magagaling pero
siyempre nagsisikap din akong manalo. Dahil isa lang naman ang hangarin ko--- Ang maiuwi ang
gintong medalya.

Hanggang sa mapasali ako dito sa Phillipine Team. Inimbita nila ako upang mag-tryout at
maging kalahok sa kanilang grupo. Sa pagkakataong ito, Pilipinas na ang inirerepresenta ko. Hindi biro
ang ensayong ginagawa namin para sa labang pagdadaluhan ko, ang Sea Games na paparating at
gaganapin ngayon sa Singapore. Ito ang isa sa mga pinapangarap kong malahukan. At abot kamay ko
na ang tagumpay. Ito na ang araw na aking pinakahihintay.

Grabeng kabang nararamdaman ko. Hindi normal tulad nung mga nauna ko. Basta ang alam
ko, tumatakbo ako nang mabilis at biglang natigil ang pagbabalik tanaw ko nang may naramdaman
akong yakap! Yakap na may labis na pagkatuwa. Hinahaplos haplos ang aking ulo. Hanggang sa
binubuhusan na nila ako ng malamig na tubig, pinaiinom at pinupunasan. Basta ang gulo ng mga oras
na iyon. Hanggang sa akoy nahimasmasan. Panalo ako! PA-NA-LO PALA AKO!!! Sa pagkakataong iyon,
akoy napaluhod nagpasalamat sa Diyos at nagbigay puri sa aking Tatay na siyang dahilan ng aking
pagpupursigeng mapasama sa ganintong patimpalak at manalo.

Malaking bahagi ng buhay ko ang pagtakbo. Simula sa pagpapahabol sa akin ng Tatay sa aso
naming si Britney hanggang sa pagkamatay niya. Mabuti na lamang at mayroong pang nagbigay sa
akin ng isa pang pagkakataon. Ito na ako ngayon. Sa aking mga pagkakadapa ay pilit akong
bumabangon at muling lumalaban. Para sa pamilya at para sa pangarap, gagawin ko ang lahat.

TAY, PARA SAYO ANG PAGKAPANALO KO AT SA BAWAT PILIPINONG NANGANGARAP NA TULAD KO!

You might also like