You are on page 1of 6

ANO BA ANG BALAGTASAN?

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng
panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng
pananalitang may mga tugma sa huli.
ANO BA ANG PAGKSA AT KAHALAGAHAN NG BALAGTASAN?

Ang mga paksa ng balagtasan ay nauukol sa buhay ng pamilya, pag-ibig, lipunan, at


pulitika. Kadalasan din na mga paksa nila ay napapanahong mga isyu o pangyayaring nagaganap
sa ating paligid.

TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS ALYAS HUSENG BATUTE

Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta Cruz noong taong 1896. Ang kaniyang
ama ay si Dr. Vicente de Jesus at ang kanyang ina ay si Susana Pangilinan. Siya ay nakatapos ng
Batsilyer sa Batas nguni't hindi siya kumuha ng eksaminasyon.

Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong siya ay 17 taong gulang pa lamang.

Noong taong 1920, siya ay nagulat sa Taliba sa kolum niyang BUHAY MAYNILA.

Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan ng tula o balagtasan kay Florentino Collantes . Ang una
nilang paghaharap ay sa Instituto de Mujeres kung saan sila ay nagtagisan tungkol sa Paru-paro's
Bubuyog.

Siya ay tinaguriang Hari ng Balagtasan.

Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na libong tula sa kaniyang kolum na Buhay Maynila/

Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang tula.

Samantalng ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang Pamana, Ang Panday, Ang Manok

Kong Bulik, Ang Pagbabalik, and Sa Halamanan ng Dios ay madalas basahin sa mga unibersidad
at kolehiyo. Ang mga ito ay naging Tulang Padula dahil sa kasidhian ng damdaming nilalaman.

Si Jose Corazon de Jesus ay namatay noong Mayo 26, 1932 sa edad na 36 dahil sa ulcer.

Siya ay inilibing sa ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang Isang Punongkahoy at ang
ANG AKASYA.

ANO ANG ZARZUELA AT HALIMBAWA NITO.

Ang sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang
limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento
ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung
ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya
lamang ang ibang linya sa sarsuwela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito. Kadalasan
ang sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo.
Ang tunggalian nang sarsuwela ay pahaplis at pahapyaw lamang. Ito ay ipinangalan sa la Zarzuela
ng Espanya.
Mga halimbawas ng Zarzuela
1. Walang sugat ni Severino Reyes a.k.a Lola basyang
2. Paglipas ng Dilim ni Precioso Palma at Leon Ignacio
3. Dalagang Bukid ni Germogenes Ilagan
4. Pag-ibig sa tinubuang lupa ni Pascual Poblete

WALANG SUGAT (BUOD) NI SEVERINO REYES

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na kulturang Pinay na
kung tawagin ay hele hele bago quiere.

Pinapahirapan ng mga Frayle ang mga bilanggong Pilipino, na inakusahang mga filibusterismo o
kaya ay myembro ng Mason. Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.

Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila ang
karapatang pantao. Ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan
ni (Ina) Putin ang nangyari at hinimatay.

Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay inaapi na nang
tatlong daang taon. Sinugod ng mga Katipunero ang estacion ang Guiguinto.

Ipinagkakayari ni (Ina) Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo.

Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng (Ina) Juana niya kay
Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal.

Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga Paring Pilipino
tulad ni Pari Teban.

Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya: ang taksil
ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga Katipunero.

Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga Katipunero, bumaba
sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia. Iyon nga ang nangyari,
ikinasal sila. Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan.
TALAMBUHAY NI SEVERINO REYES

Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861. Ikalima siya sa
mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero.

Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala siya
bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit
niya ang sagisag na Lola Basyang.

Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng
mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng
pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.

Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang Moro-moro at
komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa mga manunuod. Sinikap
ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog. Naging
inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moro-moro ang nakitang pagtanggap ng
mga manunuod ng sarsuela sa unang pagtatarighal ng sarsuelang Salamin ng Pag-ibig ni Roman
Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San Dimas ni Roman
Dimayuga; Despues de Dios, El Dinero ni Hermogenes Ilagan. Dahil sa nakita ni Don Binoy na
reaksiyon ng mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran
Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang mga
sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ng Walang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal ang
Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba. Naging dramaturgo ng
dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog.
Nakuha niyang palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga manunuod.

Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling Pati, Minda Mora,
Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila, RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang RIP ay isang
sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa pagkamatay nito.

Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang mga dula
ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay
naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.

ANG TATLONG KAANTASAN NG PANG-URI AY:

Lantay -naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang


pinaghahambingan.
Pahambing -nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
Pasukdol -ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan.
ANO ANG TALUMPATI AT HALIMBAWA NITO

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri
ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng
mga tagapakinig.

HALIMBAWA NG TALUMPATI
Bullying... Itigil niyo na!
"Walang taong inaapi, kung walang mang-aapi!"
Isang mapayang araw ang aking pagbati sa iyong lahat na naririto sa umpulang ito.
Alam kong alam niyong kamakailan lang ay pinirmahan ng ating pangulong si Benigno Simeon
Aquino III, ang isang batas republika bilang 10627 ng 2013 o ang anti bullying act of 2013. Ang
Anti-bullying act of 2013 ay naglalayong parusahan ang mga taong nambubulas sa kanyang
kapwa. Napapaloob din sa batas na ito na bawat pamantasan o paaralan ay nararapat na
magpatupad ng mga batas at alituntunin sa pagbabawal ng pambubulas o pambubully sa naturang
pamantasan .
Ngunit ano nga ba itong salitang Bullying? Ano ang mga maaaring maging epekto nito sa
mga biktima? Bullying ang tawag sa mga karahasan o pananakit sa kapwa tao, maging sa
pamamagitan ng salita o pisikal na gawain. Paghahari-harian ng isa o mahigit pang bata o grupo
ng mga kabataan ay bullying ding maituturing. Matuturing ding bullying ang walang
pakundangang paglapastangan sa sariling karapatan ng isang mamayan. Ang bullying ay
kadalasang nagaganap sa mga pamantasan o paaralan lalo na sa mga batang nasa Elementarya at
Sekundarya.
Hindi biro ang maging biktima ng ganitong karahasan. Sapagkat marami ang nagiging
epekto nito. Ang pagpapakamatay o pagpapatiwakal ng isang bata ang pinakamalalang epekto ng
bullying, sanhi na marahil ng matinding depresyon. Depresyon na maaari ring humantong sa
pagkasira ng kanilang ulo dahilan upang sila'y makapatay.
Nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga ganitong pangyayari, pagkat marami
nang kabataan ang nagiging biktima nito at isa ako sa mga iyon. Isa ako sa mga batang nakaranas
ng walang humpay na pambubully ng sariling kamag-aral. Naranasang mapintasan ang aking
kaanyuan, ang pamilyang aking pinagmula, at ang lipunang aking kinabibilangan. Naranasan
mapagtawanan sa harap ng karamihan at matapakan ang aking pansariling karapatan. Minsan ko
nang naisipang kitlin na lamang anng aking buahy, nang sa gayun ay matakasan ang mapanglait
nilang mga mata. Matang walang ibang ginawa kundi matiyagan ang bawat kilos ko't gawa.
Masasabi kong hindi madali ang yugtong iyon ng aking kabataan, dahil sa karumaldumal na
karahasan na aking naranasan. Hiindi po madali ang maging biktima. Pagkat kahit sabihin nating
wala na kami sa ganoong kapaligiran, walang araw, minuto, at segundo na hindi sumasagi sa aming
isipan, na baka dumating na naman ang panahon, na muli naming mararanasan ang ganong
karahasan.
Kaya bago ko tapusin ang aking talumpati, bayaan niyong mag-iwan ako ng isang mensahe
sa lahat ng nambubully. "Hindi pa ba kayo pagod na pahirapan kami? Hindi pa ba kayo nagsasawa
sa pagmamliit sa aming mga api? Sana namay pambu-bully ay itigil niyo na! Huwag niyong
hintayin na kinabukasan niyo naman ang masira. Huwag niyong hintayin na kayo naman ang
makaranas sa karahasang ginawa niyo sa amin, pagkat batid naming hindi niyo iyon kakayanin."

WIKANG PAMBANSA NI MANUEL L. QUEZON

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng
sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.

Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa


kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga
kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaanang kakulangan ng isang
tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan
walang wikang ginagamit ng lahat.

Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging
Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga
Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa
mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?

Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang
pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang
wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang
mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya.

Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan
ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika.
Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o
anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.

IBAT IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

Paglalahad - magpaliwanag sa isang paraang malinaw, sapat at walang tiyak na pagkiling

Pagsasalaysay maipahayag nang maayos at magkasunod-sunod ang pangyayari

Pagpapahayag -magpaliwanag sa isang paraang malinaw, sapat at walang tiyak na pagkiling

Paglalarawan - makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mambabasa o nakikinig

Pangangatwiran - mapatunayan ang katotohanan ng ipinahayag at pinaniniwalaan

MAIKLING KWENTO AT HALIMBAWA NITO


Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing
na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at
ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bagong Kaibigan

(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon
na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana
at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero
hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng
bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid
ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang ibat-ibang hayop
at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.

Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit.
Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at
pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog
at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at
kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang
sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya
gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan.
Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin
sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.

Gising na anak, may pasok ka ngayon

Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!

Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.

You might also like