You are on page 1of 2

Kalahok Blg.

___________

Kagagalang na lupon ng inampalan, mga guro, kamag-anak at kaibigan,


isang mapagpalang umaga sa inyong lahat!

Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain


na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang
mayaman sa ibat ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang
kulturang nagmula sa ating mga ninuno. Naimpluwensyahan tayo ng ating mga
ninuno kaya itoy ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Iba-iba ang
aspetong bumubuo sa kultura ng mga Pilipino at ito ay ang Wika
Paniniwala, Tradisyon o Kaugalian, Pagkain, Sining, Kasuotan, at Relihiyon.

Maraming paraan upang mapahalagahan, mabuhay at maipalaganap ang


kulturang Pilipino. Ngunit, ang unang hakbang ay matutunan nating mahalin ito at
huwag na huwag ikahihiya sa iba. Ibahagi natin ang mga ito sa ating kapwa.

Ano nga ba ang tinutumbok ko? May tanong ako sa inyo. Nahihiya ba
kayong magsalita ng inyong sariling wika sa harap ng ibang lahi? Natural lamang
na kung kayo ay nasa ibang lugar, kailangan ninyong makibagay o matuto ng
ibang wika upang magkaintindihan kayo. Subalit, hindi ito nangangahulugan na
isasantabi niyo na ang inyong sariling wika. Magsalita ng inyong sariling wika
kung may pagkakataon. Hindi dahil kayo ay nasa ibang lugar o bansa ay
kakalimutan niyo na ang inyong kinagisnang kultura. Ipakilala ninyo kung sino at
ano kayo at kung ano ang inyong kultura. Angkop din ito sa iba pang aspeto ng
ating kulturang Pilipino. Dapat nating tandaan, napakaganda ng ating kultura at
marami ang naghahangad na makaalam nito.

Tayong mga Pilipino ay likas na mapagpahalaga pero minsan, may mga


bagay tayong nakalilimutang pahalagahan dahilan sa moderno o makabagong
panahon ngayon. Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang naganap sa
ating kaugalian. Tayo mismo ang unang dapat bumuhay muli ng ating kultura at ito
ay kinakailangan nating mapahalagahan at maipalaganap sa buong mundo. Hindi
porket maraming nagbago sa paligid at panahon ngayon ay dapat na rin nating
baguhin ang ating mga nakasanayan. Kahit saan man tayo magpunta, lagi nating
isaisip, isapuso at isabuhay ang ating kultura.

Ang kulturang ito ay isa sa pinagyayaman ng ating bansa.


Sa panahon natin ngayon, may ibang nakaalala ng ating kulturang kinaugalian pero
hindi na ito susundin dahil ito daw ay "luma na" at hindi na daw uso. Pero sa
pamamagitan ng pagpapahalaga, pagbuhay at pagpapalaganap ng ating kultura,
dito natin maipakikita ang paggalang at pag-alala sa mga ninuno natin. Marami na
rin ang nakakapunta sa iba't ibang bansa ngunit may "ilang" mga Pilipino na
isinasantabi ang kultura dahilan sa may bago na silang napuntahan na kung saan
dito sila nagsisimula ng panibagong buhay.
Bilang isang batang Pilipino, mahalaga ang kulturang Pilipino. Marami ang
humahanga sa ibat ibang aspeto ng kultura natin kaya kahit saan o kahit kailan,
dapat lagi nating dala-dala ang bandera ng kulturang Pilipino. Ikaw, ako, tayo ay
may kanya-kanyang papel na ginagampanan upang higit na maisakatuparan ang
nais natin para sa ating bayan. Magkaisa tayo para sa iisang layunin:

KULTURANG PILIPINO: BUHAYIN AT PALAGANAPIN

You might also like