You are on page 1of 5

Samar Colleges, INC.

Catbalogan City
College of Education

Masusing
Banghay-Aralin
sa
Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 7

Inihanda ni:

Jason J. Pacaway
Gurong Mag-aaral

Iniharap kay:

Gng. Jaquelyn G. Montales


Gurong Tagapatnubay
I. Layunin:
Natatalakay ang mga kayamanang taglay ng mga bata, na hindi
sukat ng material na bagay
Nasusuri ang kanya-kanyang talino at kakayahang taglay ng mga
bata.

II. Nilalaman:

A. Paksang Aralin: Mayaman din Ako

B. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapahalaga : Grade 7

C. Kagamitan: Worktextbook, mga larawan

D. Konsepto: Mga Talento, Tunay na Kayamanan

E. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang


kayamanang taglay ng tao na hindi nasusukat sa material na bagay.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa maikling


panalangin. Magandang Umaga po Sir Jason.!

(Pagkatapos ng panalangin)
Magandang Umaga Amaryllis..!

Pag Tsek ng Ateyndans

Kapag tinawag ko ang inyong pangalan ay Opo sir!


itaas lamang ang inyong kamay.

Balik-aral

Noong nakaraang lingo ay natalakay natin sa


ESP ang tungkol saan ulit yun klas? Sir, tungkol po sa
Ang Galing ko Bilang Isang Tao
Na tinalakay po natin ang mga halimbawa
at naipakita po naming ang mga Talento,
sa ibat-ibang larangan na kung saan kami
magagaling.
Okey magaling.!
B. Paglinang ng Gawain

Pagganyak

Bago tayo magtungo sa ating aralin,


magkakaroon muna tayo ng isang gawain.

Mayroon akong papabasahing isang maikling


kwento na ang pamagat ay
Ang Tunay Kong Kaibigan Opo sir,

Pagkatapos itong basahain ay mayroon akong


5 katanungan, kung sino man ang unang
tamang makasagot nito. Ay may pabuyang
ibibigay, kaya naman making kayo ng mabuti.

Maliwanag ba klas ?

Mga Katanungan:
1. Sino ang kaibigang tinutukoy sa
kwentong nabasa?
2. Ano ang sinabi ng pangunahing tauhan
sa kaniyang kaibigan, bago sila
nagkalayo, sa kwentong nabasa
3. Ano ang kanilang naging pangunahing
tampuhan sa kwento?
4. Paano sila naging magkaibigan sa Opo sir !
kwento?
5. Kailan naganap ang estoryang ito?

Salamat klas,

Paglalahad
Magaling, ano naman ang napulot niyong
aral sa kwentong nabasa?
Sir, ang tunay po na kahalagahan ng
pagkakaibigan, na kung saan hindi lamang
Okey tama..! sa isang tingin ito makikita o mahahanap.

Ang ating kwentong nabasa ay may


kinalaman sa ating tatalakyin
Na may pamagat Mayaman din Ako
Sino sa inyo ang sanay sa marangyang buhay,
Okey John maari mo bang ibahagi kung anong
uri ng pamumuhay meron kayo?
Sir, ako po, ang tatay ko po ay Mayor,
nakatira po kami sa isang malaking bahay,
4 po ang kasambahay namin.
Okey, salamat John
Pagtatalakay
Siya ay tunay ngang nabibilang sa nakaka
angat na pamilya dito sa atin,

Ngunit alam niyo ba klas na hindi lamang sa


material na bagay nasusukat ang tunay na
kayamanan,
Mag bigay nga ng halimbawa ng mga
materyla na bagay na magpapatunay na si Sir, may yaya po si john kami po wala,
John ay mayaman,
Sir, si John po may Iphone, kami Cherry
Okey sino pa? mobile lang.
Sir, siya po ay may tatay na Mayor, malaki
po ang sahod ng Mayor, at kilala pa po siya
dito sa lugar natin.

Okey klas salamat, yung mga binanggit ninyo


ay halimbawa lamang ng mga material na
bagay na nagpapakita ng kayamanan, na
maaring mabili ng pera
Tama? Opo sir

Ang pamilya mo ba ay maituturing mo rin na


isang pamilya? Opo sir, dahil po sila pom lamang ang tunay
na kayaman sa buhay ng isang tao,
maging ang pagkakaroon ng kaibigan ay
isang yaman na hindi mo ipagpapalit sa
material na bagay o ibili ng pera.
Magaling,
Ano pa ang yaman na hindi natin makukuha sa
pamamagitan ng pera o material na bagay?
Okey Ian.?
Sir, ang edukasyon po, na palaging sinasabi
ng mga magulang ko na ito ang yaman
lamang na maaring ipamana nila sa akin.
At mas kailangan pa po natin itong
malinang ng sa ganoon ay hindi ito kunin sa
Magaling, Tama salamat Ian, atin o mawala.

Opo sir !
Ang talino o edukasyon lamang ang siyang
pinakaiingatan ng ating mga magulang na
ipapamana sa atin, bakit kaya klas?

Sir, Kasi po itoy atin at hindi ito makukuha ng


Mahusay, sino man.

Kaya naman maituturing natin itong YAMAN


natin, kayat ipagmalaki niyo na itoy inyong
yaman at ipagsigawan niyong
Mayaman Din Ako..!!
C. Pangwakas na Gawain

Paglalahat
Okey klas naunawaan ba, so ano ulit ang mga
halimbawa ng yamang ating taglay, na kung
saan itoy hindi masusukat ng pera?

Sir, ang Pamilya, Kaibigan, at Edukasyon po


naming lahat, na kaya namaning
ipagmalaki at hindi kayang tumbasan ng
pera.

Paglalapat
Panuto: Gawin ang Checklist sa pahina 28
Ihahanda Ko sa iyong Worktext Book
Edukasyon sa Pagpapakatao: Grade 7
At sagutin ang mga sumusunod na katanungan
sa Sasagutin Ko

IV. Ebalwasyon:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan.

1. Naniniwala ka ba na ang talino at kakayahang taglay ng isang tao ay


maaring kilalanin bilang isang yaman?
2. Nasisiyahan ka ba sa mga talino at kakayahang taglay mo? Ano ano pa
ang mga kakayahang ninanais mong linangin o mapaunlad pagdating ng
araw?

V. Takdang Aralin:

Panuto: Sa isang kapat na Kartolina, gumawa ng isang Slogan na nagbibigay


pahiwatig sa tunay na kayaman ng isang tao.

You might also like