You are on page 1of 4

SANDAANG DAMIT

Tagapasalaysay:

May isang batang mahirap. Siya ay nag-aaral sa kanilang paaralan ay kapansin pansin
ang kanyang pagiging walang imik, nakayuko at mailap ang mata. Sasagot lamang kapag
tinatawag ng kaniyang guro. Halos paanas pa kung magsalit.

Guro: Oh ikaw, Ano ang sagot mo ditto sa tanong?


Sino ang pambansang bayani?

Batang Babae: Mmm Maam ss.. si Jose Rizal po

Guro: Oh sige maaari kanang umupo

Batang Babae: Salamat po.

Tagapagsalaysay: Mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasan na iba ang kanyang
kalagayan sa mga kaklase sapagkat mayayaman sila. Madalas nila siyang tuksuhin dahil sa
kanyang damit dahil itoy kupasin at punong puno ng sulsi. Kapag oras na ng kainan at labasan
na ay kani-kanilang pagkain ay halos ayaw niyang ilitaw ang kanyang baon itatago niya ito sa
kanyang kandungan at paonti-onti niya itong kinakain upang di siya mapansin ng kanyang mga
kaklase ang kanyang dalang pagkain. Sa sulok ng kanyang mata ay masusulyapan niya ang mga
pagkaing nakadisplay sa ibabaw ng lamesa ng mga kaklase mansanas, sandwiches, kendng may
ibat ibang hugis at kulay. Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi sa kanyang mga damit.
Tatangkain nilang silipin ang baon ng batang babae at tinukso nila ito.

Kaklase 1: Tingnan niyo siya, Luma na nga ang kanyang damit hindi pa masarap ang pagkain.

Kaklase 2: Oo nga oh.


(Lahat ng kaklase Tumawa)

Tagapagsalaysay: Ang nangyayaring ito ay hindi lingid sa kanyang Ina. Sa bahay ay umuuwi
siyang umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase at siya ay nagsusumbong

Batang Babae: Nay, tinutukso nanaman po ako ng aking mga kaklase dahil po sa aking damit at
aking pagkain.

Nanay: Hayaan mo lang sila anak, huwag mo silang pansinin, kapag nakakuha ng maraming pera
ang iyong ama ay makakpagbaon kana rin ng masasarap na pagkain at makakabili na rin tayo ng
magagandang damit.

Batang Babae: Sige po Nay.


Tagapagsalaysay: At lumipas pa ang maraming araw ngunit hindi parin nakakapag uwi ng
maraming pera ang kanyang ama kaya ganoon parin ang kanilang buhay pero kahit ganon man
ay natuto na siyang nakakaunawa ng kanilang kalagayan.

Ama: Anak pasensya kana hah dahil hindi pa ako nakakapaghanap ng maraming pera.

Batang Babae: Ay, ayos lang po yun tay naiintindihan ko naman po.

Ama: Hayaan mo anak, sa susunod ay babawi na ako.

Tagapagsalaysay: Natutunan na din niyang sarilihin ang pagdaramdam ng panunukso ng kaklase.


Ngunit sakanyang pagkatahimik ay ipinalagay ng kanyang kaklase na talun-talunan nila ito kaya
lalong sumidhi ang kanilang pambubuksa.

Kaklase 3: Tingnan niyo nga yang batang mahirap. Hahaha Lumang damit

Kaklase 4: At hindi pa masarap ang pagkain!

Kaklase 1: at Mahirap

Tagapagsalaysay: Hanggang natutuo itong lumaban. Nagulat ang kanyang mga kaklase dahil
nagkatinig ang batang mahirap.

Batang Babae: Alam niyo, akoy may sandaang damit sa aming bahay.

Kaklase 6: Eh kung totoo yang sinasabi mo bat laging luma ang damit mo?

Batang Babae: Dahil iniingatan koi to at ayokong maluma agad.

Kaklase 7: Sinungaling Ka! Ipakita mo muna samin para maniwala kami!

Batang Babae: Hindi ko madadala dito baka mapagalitan ako ng nanay ko. Kung gusto niyoy
sasabihin ko nalang kung ano ang tabas, tela, kulay at kung may laso ito o bulaklak.

Kaklase 8: Sige para maniwala kami na hindi ka nagsisinungaling. Simulan mo na.

Batang Babae: Sige ba, May damit akong pambahay pantulong, pang-paaralan, pangsimbahan, at
iba pa. Tulad ng pandalo ko sa pagtitipon makintab na rosas ang tela nito na sanabugan ng
pinagupit gupit na bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo.

Kaklase 9: Ah, sige, ipagpatuloy mo.

Lahat ng Kaklase: OO nga!

Batang Babae: Ang aking dilaw na pantulog na may prutas sa kwelyo manngas at laylayan at ang
aking pansimba na malapad ang sinturon at maraming bulsa.
Tagapagsalaysay: Mula noon ay nagging kaibigay niya ang kanyang mga kaklase. Ngayoy siya
ang nagging tagapagsalita at sila naman ang taga pakinig. Lahat sila natuwa sa kanyang kwento.
Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Naging masiyahin na siya bagaman patuloy pa rin ang
kanyang pamamayat kahit ngayoy nabibigyan na nila siya ng kapiraso ng kanilang baong
mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi.

Kaklase 4: Oh sayo na ito.

Batang Babae: Salamat ah.

Tagapagsalaysay: ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babae
may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw at sumunod pa. Pagkaraan ng isang linggong di
pagpasok ay nagtaka na ang kanyang kaklase at guro.

Guro: Mga bata alam niyo ba kung bakit hindi pa din siya pumapasok?

Mga Kaklase: Hindi po.

Guro: Bakit kaya? Bukas ay dalawin natin siya dahil matagal na din siyang lumiban sa klase at
upang Makita at malaman din natin ang kalagayan niya.

Mga kaklase: Sige po Maam

Tagapagsalaysay: Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.


Lumabas ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at Nakita nila
ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang bagay.

Nanay: Tuloy po kayo.

Guro: Sige, Salamat

Nanay: Naroon po ang aking anak.

Tagapagsalaysay: Sa isang sulok ay ang isang lumang teheras at doon nakaratay ang batang may
sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad napansin ang may sakit kung di ang mga papel na
maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit
sila sa sulok na iyong at Nakita nila ang mga drawing ng bawat isa sa kanyang sandaang damit.
Magaganda, makukulat naroon lahat ng kanyang naikwento.

Kaklase 7: Totoo naroon ang sinabi niyang rosas na damit na pandalo at drowing ng kanyang
pantulog pati na rin ang pansimba

Kaklase: Naroon rin ang kanyang pampaaralan.

Tagapagsalaysay: Kailanmay di nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sakanya ay nakatagot


iniingatan niya sa bahay.
Sandaang damint na pawang iginuhit lamang.

You might also like