You are on page 1of 3

Habang lumalaban pa ang mga nasa Corregidor, sinimulan ng mga Hapon nuong Abril 9, 1942 ang

karumaldumal na death march, pinalakad nang 90 kilometro mula sa Mariveles, Bataan, ang 70,000
sumukong Pilipino at Amerkano hanggang San Fernando, Pampanga. Duon sila isinakay sa tren
hanggang Capas, Tarlac, tapos naglakad muli nang 13 kilometro hanggang Camp ODonnell, kung saan
sila ipiniit. Sa tanang lakbay, hindi sila pinakain. Pinaggugulpi, ninakawan, ang mga humandusay at hindi
na nakalakad, binayoneta at binaril, kaya 54,000 lamang ang nakarating sa Camp ODonnell, - may
10,000 ang napatay, at bandang 4,000 lamang ang nakapuslit, sa tulong ng mga taga-nayon na
nadaanan, at nagtago sa mga gubat at bundok. Maraming sundalo, Pilipino at Amerkano, ang
tumangging sumuko sa mga Hapon at nag-guerrilla, nakipagtira-at-taguan sa Kempetai, ang pulis militar
ng Hapon, at sa Makapili, mga Pilipinong kumampi sa mga Hapon, nag-ispiya at nakipaglaban sa mga
guerrilla sa bundok at gubat sa buong Pilipinas. Sa Manila at ibang mga lungsod, marami ring Pilipino ang
nakipag-ayos sa mga mananakop; may ilan-ilan pang yumaman nuong panahon ng Hapon.

You might also like