You are on page 1of 1

Pag-aalsa ni Francisco Maniago

Sa mga unang araw ng Oktubre 1660, isinagawa ng matatapat na mamamayan ng Pampanga ang
kanilang unang gawaing mapanghimagsik nayamot na ang mga tao sa pagmamaltrato sa kanila ng mga
tagapamahala ng pamumutol ng puno. Sinilaban nila ang mga kubong kanilang tinitirhan at inihayag ang
kanilang pangahas na layon; at pinangalanan bilang pinuno ng kanilang pag-aalsa si Francisco Maniago,
ang maestre de campo* para sa kanyang kamahalan

*koronel
Salin sa Filipino mula sa salaysay ni Padre Casimiro Diaz.
Dancel, Godfrey T. (ed.) Kasaysayan ng Pilipinas: Batay sa mga Primaryang Sanggunian. Quezon City:
Vibal Publishing House, Inc, 2013. Print

Pag-aalsa ni Lakandula

Noong 1574, kasabay ng pag-atake ni Limahong sa Maynila, nagtangka sina Lakandula ng isang pag-
aalsa. Marami sa kanilang pinagkasunduang pribelehiyo ay hindi na natutupad ng mga Kastila Ang
pinaplanong pag-aalsa ay hindi rin naisagawa. Sa halip, muling nakumbinsi ni Juan de Salcedo si
Lakandula na kalimutan na ang planong pag-aalsa at makipagtulungan sa kanila kapalit muli ng mga
nauna nang iginawad na kaluwagan o pribelehiyo.

Kimuell-Gabriel, Nancy, Ph. D. ANG TONDO SA BINABAT NA TANSO NG LAGUNA (900 MK. -1588)
Maynila: San Beda College. Pdf.

Pag-aalsa ni Tamblot

Dalawa o tatlong Indio, na dahil sa kanilang nagawang kasamaan ay namumuhay bilang mga pugante,
ang naging mga pari ng divata upang hikayatin ang mga taong talikdan ang kanilang relihiyon at
maghimagsik; at upang pawiin ang takot nila sa mga Espanyol; sinabi ng mga paring ito sa kanila na
kapag nilusob nila ang mga Espanyol ay pakikilusin ng divata ang mga bundok laban sa kanilang mga
kaaway; at, sa madaling salita, na magkakaroon lamang ng kasiyahan, kaluguran, at kagalakan. Dahil sa
mga napakainam na mga pangakong ito na lubhang nakagaganyak sa mga tao lalot higit sa Indio, na
nahihirati sa kawalang-ginagawa at katamaran apat na nayon ang naghimagsik; tanging ang Loboc (na
siyang pangunahing nayon) at Baclayon ang nanatiling matatag sa pananampalataya at tapat sa hari.

Salin sa Filipino mula sa salaysay ni Padre Casimiro Diaz at Pedro Murillo Velarde.
Dancel, Godfrey T. (ed.) Kasaysayan ng Pilipinas: Batay sa mga Primaryang Sanggunian. Quezon City:
Vibal Publishing House, Inc, 2013. Print

You might also like