You are on page 1of 12

Alamat ng Pinya

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang


malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay
si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang
bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto
ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay,
ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang
gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na
lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon


at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na
magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit
napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa
palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa,
napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang


ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto
hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina
kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang
hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay
na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si
Aling Rosa sa katatanong ng anak kayat nawika nito: " Naku!
Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita
mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa
akin.

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin
ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag
niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong
niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si
Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong
uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha
ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-
ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay


Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita
ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at
laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak.
Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong
Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay
naging pinya.

1|Page
Alamat Ng Kalabasa

Si Kuwala ay anak ni Aling


Disyang, isang mahirap na
maggugulay. Maliit pa
siyang bata nang mamatay
ang ama at tanging ang ina
ang nagpalaki sa kanya.

Mabait si Kuwala. Maliit pa


ay mahilig na siyang
tumingin sa mga larawang
nasa libro at nang matuto
ay pagbabasa ang naging
libangan.

Basa siya ng basa. Walang


oras na hindi siya
nagbabasa. Binansagan
tuloy siyang Kuwalang
basa nang basa.

Matalino ang anak kaya nagsikap si Aling Disyang para matustusan ang anak. Si Kuwala
naman ay higit na pinagbuti ang pag-aaral.

Tag-ulan noon nang isang hapon ay umuwi si Kuwala na mataas na mataas ang lagnat.
Inirireklamo niya ang mahirap na paglunok. Nagsuka rin siya nang nagsuka. Palibhasa ay
walang pera, hindi agad nadala ni Aling Disyang sa doktor ang anak. Nang masuri ito ng
doktor ay malala na ang kondisyon.

Paralytic poliomyelitis ang umatake sa mahinang resistensiya ni Kuwala. Naging mabilis


ang pagpasok nito sa katawan niya at agad siyang naparalisa. Ilang linggo makaraan ay
binawian ng buhay ang kawawang bata.

Hindi matanggap ni Aling Disyang ang sinapit ni Kuwala. Upang maibsan ang lungkot ay
inubos niya ang panahon sa pag-aasikaso ng mga tanim na gulay.

May kakaibang halamang tumubo at nagbunga sa pataniman ni Aling Disyang. Bilog ang
bunga noon na kulay dilaw ang loob. Natuklasan ng mga kumain ng gulay na may
bitamina itong nagpapalinaw ng mata.

May isang nagtanong kung saan galing ang halamang iyon. Ang sabi ng tinanong ay kina
Kuwalang basa nang basa. Nagpasalin-salin iyon sa maraming mga bibig hanggang
kalaunan ay naging kalabasa.

2|Page
Alamat Ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng


Sariwa naninirahan ang
lahat ng uri ng gulay na
may kanya-kanyang
kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may
kakaibang tamis, si
Kamatis na may asim at
malasutlang kutis, si Luya
na may anghang, si
Labanos na sobra ang
kaputian, si Talong na
may lilang balat, luntiang
pisngi ni Mustasa, si
Singkamas na may
kakaibang lutong na
taglay, si Sibuyas na ma
manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may
maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa
kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga
gulay at kanyang isinuot.

Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay
pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga
gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila
ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki
ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong
nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng
magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa
niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay
nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay
naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang
kulay ay naging madilim.

3|Page
Alamat Ng Anay

Si Ranay ay isang matakaw na batang


nakatira sa mahirap na bayan ng Sto.
Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap
ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap na
pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay.
Inakala nga noon ng mga magulang na
hindi na magkakaanak dahil matanda na
ang kanyang ina pero isinilang parin siya.

Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay.


Halos gawin na siyang prinsesa ng mga
ito. Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain.
Nakasanayan ni Ranay ang umasa dahil sa pagpalayaw na tinatanggap.

Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na
payat na ang ama't ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Si Ranay
naman ay lalong nagkakagana sa pagkain. Kahit ano ay masarap sa panlasa niya.

Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan, maging ang
kakainin na lang ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain.

Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang
ama at ina.

Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya ang
kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.

Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na


pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong
kumakain ng kahoy.

Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na
katagalan ay naging anay.

4|Page
Alamat Ng Antipolo

Sabi ng matatanda, ang mga magsasakang


naninirahan sa kapatagan noong pahahon ng Kastila
ay nagsilipat sa kabundukan upang makaiwas sa
kalupita ng mga dayuhan. Sa kagubatan na sila
namalagi para huwag masangkot sa kaguluhang
nagaganap sa bayan. Ang patuloy na
paghihimagsikan ay lalong nagpagalit sa mga
Kastila. Umisip sila ng paraang maka-paghiganti.
Maraming walang malay na Pilipino ang kanilang
pinag-bintangang kasapi ng Katipunan at ipiniit sa
madilim na karsel.

Nabalitaan ng mga naninirahan sa bundok ang


gagawing paglusob ng mga guardia sibil sa kanilang lugar at sila ay natakot. Araw-gabi
ang nangangambang mga kababaihan ay walang tigil sa pagdarasal upang sila ay iadya sa
panganib na darating.

Hanggang isang araw, umakyat na nga sa bundok ang mga Kastila. Nakarating sila sa
lugar na kung saan nagkakatipon-tipon ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng lahat ay
biglang nagningning ang punong TIPOLO. Kaginsa-ginsa ay lumitaw ang Birheng
Concepcion sa itaas ng puno. Palibhasa'y mga relihiyoso ang mga dayuhang ito, sila ay
nahintakutan at nagsisi.

Marami ang nakakita sa pagmimilagrong iyong ng Birhen. Sila ay nagpasalamat sa


saklolong ibinigay nito. Angmasamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy, bagkus
sila ay nanganakong ang pook na yaon ay kanilang igagalang. Masaya nilang ipinamalita
sa kapwa nila Kastila ang nakitang pagmimilagro.

"Saang lugar iyon at kami man ay pupunta roon", tanong ng mananampalataya.

"Sa bundok. Itanong ninyo kung saan ang Tipolo at ituturo nila sa inyo." ang kanilang
sagot.

Dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga taong doon ay dumarayo ng "Saan ang


Tipolo?" tinawag nilang SANTIPOLO ang pook na ito na kalaunan ay naging
ANTIPOLO.

Buhat noon, nakagawian na ng lahat, mahirap man o mayaman, ang pamamanata sa


mataas na bundok na ito ng ANTIPOLO lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.

5|Page
Alamat Ng Aso

Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng


magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang mga
bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang
inaalala ang isa't isa. Lagi rin silang magkasama
sa bawat lakaran.

Nanatili ang magandang samahan ng dalawa


kahit nang magbi-natilyo na sila. Naging bahagi
na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa
paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy sa
gubat ay lagi silang magkasama.

Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng


malubhang sakit ni Masong. Humantong iyon sa
kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si
Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang
puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at
nakikinig sa kanya.

Minsa ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya.
Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina Lito.
Lagi iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila
nagbabantay sa kanya.

Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay
nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng
puntod at kawag nang kawag ang buntot.

Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog ito sa paanan niya
at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot nito. Dahil
sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.

Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag dito.

6|Page
Alamat Ng Balang

Ang malawak na palayan sa dakong hilagang-kanluran ay


pag aari ng mag-asawang ubod ng sungit at mapang-api.
Sila ay sina Don Badong at Dona Lilang. Palibhasa'y
mangmang ang mga magsasakang gumagawa sa kanilang
bukirin kaya nadadaya at nalalamangan sila ng mag-
asawang mapag-imbot sa paghahati ng mga inaning
palay. Sanhi nito, talagang kakapusin ang mga dukhang
kasama at mapipilitan tuloy na mangutang sa suwitik na
mag-asawa. Sa laki ng tubong kinukuha ni Don Badong
ay lalong nababaon sila sa kahirapan. Ito ang dahilan
upang lalong maging kahabag-habag ang kalagayan ng mga magbubukid. Pagkatapos ng
maraming araw na gawain at pagtatanim sa bukid ay nakapagpahinga na rin ang mga magsasaka.
Datapuwa't habang tumataas ang mga palay at habang pinagmamasdan ang luntiang bukid ay
nakadarama lamang sila ng panlulumo. Hindi magawa ng mga magbubukid ang magalak sa halip
ay kalungkutan ang namamayani sa kanilang mga puso't kalooban. Paano nga ba sila
makapagsasaya kung ang makakaparte nila sa aanihing palay ay sapat lamang na pambayad kina
Dong Badong at Dona Lilang? Isang araw, may matandang pulubing nangahas pumasok sa
bakuran ng malaking bahay at humingi ng limos sa mag-asawa. Gula-gulanit ang suot nitong
damit. Bakas sa mukha ng matanda ang matinding pagod at gutom. Sa halip na kaawaan ay
pinagalitan pa ni Dona Lilang ang pulubing lalaki. "Aba! Sino kang pulubi na basta na lang
pumasok dito at magpapalimos? Sulong, lumayas ka sa aking bakuran! Patay-gutom!" "Parang
awa napo ninyo. Kahit isang dakot na bigas...ako sanay ay inyong limusan..." Hindi naantig ang
bakal na damdamin ng mag-asawa. Pinagtabuyan lamang nila ang matanda hanggang makalabas
ng tarangkahan. Napamulagat ang mga ito nang biglang naging mabalasik ang tinig ng lalaking
pulubi. "Tunay na wala kayong kasing sama kaya nararapat na kayo ay parusahan! Hindi kayo
marunong maawa! Hindi ninyo nadarama ang paghihirap ng inyong kapwa dahil kayo ay
parehong walang puso at damdamin! Alalahanin ninyo na sa bawat kasamaan ng tao, ang Diyos
ay may nakalaang parusa. Ito ngaon ay inyo nang tatanggapin!" Pagkawika ng matanda ay
nakaulinig sila ng kakaibang huni ng mga kulisap. Napalingon saglit ang dalawa. Nang muling
humarap sina Don Badong at Dona Lilang ay wala na roon ang matanda, na labis nilang
ipinagtaka. Kapwa kinakabahang hinanap ang hindi mawaring mumunting ingay na kanilang
naririnig hanggang mapalapit sila sa dakong imbakan ng palay. "TILA NASA LOOB NG
BANGAN?" sambit ni Don Badong at dali-daling tinawag ang mga katulong upang pabuksan
ang naka kandadong pintuan. Lahat sila ay nasindak nang maglabasan ang libu-libong kulisap!
NASAAN ANG MGA PALAY! PAANO ITONG NAWALA? Nagtigilan si Don Badong sa
nakapangingilabot na kaparusahan na sa kanila ay iginawad. Nawalan ng malay-tao si Dona
Lilang dahil sa pagkabigla. Naligalig ang buong nayon nang lumusob sa bukid ang inaakala
nilang tipaklong. Agad naman nilang napagtanto na hindi pala ito mga tipaklong kundi mga
mapaminsalang kulisap. Palibhasa'y sa bangan nina Don Badong at Dona Lilang nanggaling ang
mga mapanirang insekto kung kaya pinangalanan nila itong "BALANG". Hindi ikinabahala ng
mga magsasaka ang pangyayaring iyon dahil wala naman silang makukuhang kaparte pagdating
ng anihan. Ikinatuwa pa nila nang matuklasan masarap palang kainin ang "balang".
Nakapagtatakang isipin, matapos masaid ang lahat ng pananim sa bukiring pag-aari nina Don
Badong at Dona Lilang ay naglaho na lamang ang mga balang. Sa takot na muli itong lumitaw,
ang mag-asawang salbahe ay tuluyan nang nagbago. Pinagsisihan nila ang lahat ng kamalian at
kalupitang kanilang nagawa sa kapwa, lalung-lalo na sa mga dukha at mangmang. Bilang
pagbabayadpuri sa kanilang mga kasalanan ay nagpatayo sina Don Badong at Dona Lilang ng
munting paaralan para matuto ang lahat nilang kasamahan na hindi marunong bumasa't sumulat.

Bagama't may panahon pa ring sumasalakay an mga balang sa iba't ibang dako, ito ay
nagpapaalala lamang sa tao na dapat bigyan ng halaga at pasalamatan ang lahat ng kabutihan at
biyayang ipinagkaloob ng Panginoong Diyos. Huwag sanang kalilimutan ninuman na ang tao'y
hindi dapat maging makamkam at makasarili.

7|Page
Alamat Ng Batuktok O Woodpecker

Noon daw unang panahon ay may isang


matandang lalaki na nagpapalipat-lipat
sa mga bayan upang mangaral. Ang sabi
ng ilan ay si Apostol Pedro raw ito
ngunit may nagsasabi naman iyon si
San Pablo.

Anu't anuman, isang araw ay nakarating


ang mangangaral sa isang malayong
bayan makaraan ang mahabang mga
oras ng paglalakbay. Pagod na pagod
ang matanda at gutom na gutom din.

Lihim na nakadama ng tuwa ang matanda nang marating ang isang bahayan kung saan
maaamoy sa hangin ang mabangong samyo ng tinapay na ibinebeyk. Lumapit siya sa
bahay na pinanggagalingan ng mabangong amoy ng tinapay at humingi mula sa babaing
may-ari.

Ang babae ay gumagawa ng tinapay para ipagbili. Maraming nagpapagawa rito ng araw
na iyon kaya marami ng luto nang dumating ang matanda. Subalit nanghinayang ang
babae na ipamigay ang mga naluto na dahil masyadong malalaki ang mga iyon.

Pinaghintay ng babae ang matanda. Aniya ay ipagbibeyk niya ito ng bago. Ang ginawa
ng babae ay nagmasa ng mas maliit na arina para sa apostol. Nang mabeyk ang minasa ay
lumabas pa ring malaki iyon. Muling nagmasa ang babae ng mas maliit saka iyon iniluto.
Muling nanghinayang ang babae dahil ang tingin niya ay malaki parin iyon para
ipamigay. Ilang beses pang nag-masa at nagbeyk ang babae pero muli at muli niyang
itinatabi para magluto ng mas maliit pa.

Alam ng matanda kung bakit matagal na siyang naghihintay sa kapirasong tinapay ay


hindi pa rin iyon maibigay ng babae.

Nasabi tuloy ng matanda ang ganito, "Labis-labis na mga biyaya ang ipinagkaloob sa iyo
pero ubod ka pa rin ng damot. Mula ngayon, paghihirapan mong mabuti ang lahat lalo na
ang iyong kakainin."

Hindi nagtagal ang apostol ay umalis para maghanap ng mabuting loob na magbibigay sa
kanya ng makakain.

Lilang hakbang pa lang ang nalalakad ng mangangaral ay isang pangyayari na ang


naganap sa loob ng iniwan niyang bahay. Unti-unting nagbago ang anyo ng babae
hanggang maging isang ibon. Nang makita ito ng alagang pusa ay agad nilundag.
Nakalipad lang agad ito kaya hindi nasunggaban ng pusa.

Sa takot ng babae na maging ibon ay lumipad ito patungong gubat. Doon ay hindi na ito
tumigil sa pag-tuktok sa mga kahoy para makakuha ng makakain. Ang ibong iyon ay ang
batuktok o woodpecker.

8|Page
Alamat Ng Buto Ng Kasoy

Nakakita na ba kayo ng kasoy? Ito ay


hugis kampana, kulay dilaw at matamis
pag hinog na. Kaiba sa ibang prutas, ang
buto ng kasoy ay nasalabas. Kung bakit
nasa labas ang buto ng kasoy ang siyang
sasagutin ng alamat na ito.

Sa isang gubat ay may kasayahan. Lahat


ng uri ng hayop ay naroroon. Silang lahat
ay masasaya, nagkakantahan at
nagsasayawan. Hindi kalayuan sa
kasayahan ay may isang bagay ang
nakikinig at naiinggit sa kapistahang
nagaganap. Ito ay walang iba kungdi ang
buto ng kasoy.

"Sanay makalaya ako dito sa aking madilim na kinalalagyan!" Dasal ng buto ng kasoy.

Nagpatuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang dasal ng buto ng kasoy. Sa mga
oras na iyon ay may isang engkantada na naakit sa ingay ng kasayahan. Naganyak siyang
makisaya sa mga hayop. Sa gitna ng pagdiriwang ay may naulinigan ang engkantadata,
isang tinig ng naghihirap at humihingi ng tulong. Nagsalita ag engkanada. "Sino kaya
iyon, kawawa naman siya." Naririnig siya ng buto ng kasoy. "Oh, makapangyarihang
engkantada! Para mo nang habag, ilabas mo ako dito!" Sagot ng buto.

Naawa ang engkantada. Sa isang kumas niya ay biglang lumabas ang buto ng kasoy.
Tuwang-tuwa ang buto sa kagandahan ng paligid. "Butihing diwata, nais ko sanang
manatili dito sa labas. Ayoko nang bumalik sa madlim na pinanggalingan ko," pakiusap
ng buto ng kasoy sa engkantada.

Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng buto. Wala namang pagsidlang sa tuwa


ang buto ng kasoy. Pagkaraan ng ilang oras ay tapos na ang pagdiriwang. Nagsiuwian na
ang lahat at buong paligid ay nalukuban ng katahimikan. Hindi nagtagal, ang langit ay
nagdilim. Lumakas ang ihip ng hangin at bumagsak ang isang malakas na ulan. Malakas
ang kulog at matalim ang kidlat.

Sa pagsungit na ito ng panahon ay natakot ang buto ng kasoy. Muli siyang tumawag sa
engkantada. Oh, maawaing diwata. Pakinggan mo ako. Ibalik po ninyo ako sa aking silid.
Basang-basa na ako at giniginaw na. Nakkatakot pala dito sa labas! Pagmamakaawa ng
buto ng kasoy.

Subalit anumang dasal ang gawin niya ay walang kasagutang nangyari dahil sa wala sa
kapaligiran ang engkantada. Nang tumigil na ang unos ay muling nagpakita ang
engkantada. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos hindi na magawang magsalita.

Nagsalita ang engkantada. "Ito'y isang aral sa iyo. Ang lahat ng bagay ay may dapat na
kalalagyan. Ito ay kailangan mong tanggapin dahil sa ito ang ipinagkaloob sa iyo ng
Diyos! Pagkasabi nito ay naglaho na ang engkantada. Magmula noon ang buto ng kasoy
ay nasa labas na ng prutas.

9|Page
Alamat Ng Buwitre

Napakatagal na panahon na ang nakararaan ng


mangyari ang pagsumpa ng mga magulang sa
isang batang babae na may pangalang Bereti.

Si Bereti ay mula sa angkan na may maalwang


buhay. May malawak na lupain ang kanyang mga
magu-lang. Marami silang pananim. Marami rin
silang mga alagang hayop.

Bunso si Bereti at paborito ng ama. Dala marahil


na nakakamit ang lahat kaya may hinahanap si
Bereti sa buhay. Ibig niyang maranasan ang mga
bagay na kaiba sa kinalakihan.

Si Aling Juana ang tagalaba ng pamilya. May anak itong laging isinasama sa paglalaba.
Ito si Karing. Halos magkasing-edad sila ni Bereti kaya madaling nagkalapit ang mga
loob. Ani Karing ay naiinggit ito kay Bereti dahil nakukuha ang lahat ng gusto. Ang sabi
naman ni Bereti ay naiinggit kay Karing dahil marami itong bagay na nararanasan na
hindi niya nararanasan.

Mula noon ay laging magkasama ang dalawa. Mabait ang pamilya ni Aling Juana kaya
panatag ang loob ng ama't ina ni Bereti.

Nalaman ni Bereti na madalas sumala sa oras sina Karing. Kapag walang makain ay
naghuhukay ng mga gabi, tugi o anumang halamang ugat sina Karing para maipantawid-
gutom. Nagkakasya rin ang pamilya na mamulot ng mga tirang pagkain na maaari pang
pakinabangan.

Hindi maunawaan ni Bereti ngunit eksayted siya sa buhay nina Karing. Nakikihukay siya
ng mga halamang ugat at namumulot ng tirang pagkain. Nakikisalo siya sa pamilya at
totoong nasisiyahan siya.

Galit ng galit ang ama ni Bereti nang may nakapagsabi na namu-mulot at kumakain ng
tirang pagkain ang anak. Hinanap nito si Bereti noon din. Gulat na gulat ang ama nang
makita si Bereti kasama ng ilan pang mga bata na hila ang isang kamama-tay na
kambing. Ani Bereti ay kinagat ng malaking aso ang kambing kaya namatay. Aniya pa ay
kakarnehin nila ang kambing para kainin.

Nagpuyos sa galit ang ama. Kinagalitan si Bereti at pinauwi ngunit ayaw sumunod ng
bata.

"Kung ang gusto mo ay kumain ng mga tira at karne ng mga namatay na hayop, sige,
magpakabusog ka. At para mas maging masaya ka, habang buhay sanang ganyan na lang
ang kainin mo!" wika ng ama. Kinabukasan ay nawala si Bereti. Sa halip, isang ibong
kahawig ng agila ang nakitang kumakain ng isang patay na baka. Ayon sa marami ay si
Bereti ang ibong iyon na isinumpa ng ama. Tinawag silang Bereti ang ibon pero dahil
hindi pa gaanong marunong bumigkas ang isang bata ay bwitre kung tawagin ito. Mula
noon ay tinawag ng bwitre ang ibon.

10 | P a g e
Ipinasa NI:

Hannah lorreine m. alfaro


7-St. ALBERT THE GREAT

IPINASA KAY:

NORAVIHILDA c. APUAN
Guro

11 | P a g e
12 | P a g e

You might also like