You are on page 1of 2

Grade III St.

Agnes

1. .Anu-ano ang mga bagay na nabago sa ating lalawigan,


Oriental Mindoro?
Pagbabagong Pisikal Ang kanlurang bahagi ng lalawigan ay mabundok , habang
ang mga burol at kapatagan ay malawak na ipinamamahagi
sa silangang bahagi.Mayroon mang pagbabago sa pisikal na
kaanyuan ng probinsiya ngunit hindi natin ito nakikita
sapagkat ito ay nasa bundok sa gitnang bahagi ng
lalawigan, kung saan nagkakaroon ng pagmimina na
maaring makasira sa kalikasan..
Ngunit sa kapatagan, ang Probinsiya bilang Rice Granary at
Fruit Basket of Southern Tagalog ay nagkaroon ng
pagbabago tulad ng pagkakaroon ng makabagong gamit ,
pagkakaroon ng maayos na irigasyon na nakakatulong at
hindi naman nakasisira sa pisikal na kaanyuan ng
probinsiya.
Pagbabagong Pang- 1.Ang Oriental Mindoro noon ay pangunahing supplier ng
palay mga prutas at hayop na iniluluwas sa Maynila.
ekonomiya
Napadali ang kalakalan sa pagbubukas ng Strong Republic
Nautical Highway kung saan nagbukas ang RoRo port , ang
Calapan City Port at Dangay Port (Roxas). Nagkaroon ng
mabilis na ugnayan ang Metro Manila at ibang lalawigan sa
Isla ng Mindoro patungo sa Isla ng Panay.
2.Ang Calapan City ang naging Sentro ng Rehiyong
MiMaRopa.Matatagpuan dito ang mga Regional Offices
kung kayat umangat ang dami ng nagkaroon ng trabaho.
3. Sa pagkakaroon ng Roro Port at naging Sentro ng
MiMaRoPa Region, maraming nakamalas ng kagandahan ng
probinsiya kaya umunlad ang turismo.Bumabalik ang mga
tao upang makita ang mga ipinagmamalaking atraksiyon
ng probinsiya.
4. Pumasok ang ibat ibang kompanya na nag-iinvest
ngayon sa lalawigan.Nagkaroon ng mga mall (Xentro Mall,
PureGold, Gaisano Capital, Citimat Island Mall)), mga fast
food chain (Jollibee, Maxs, Mc Donald at Soon to open na
Shakeys}. Ang mga ito ay nakatulong sa pagkakaroon ng
maraming trabaho para sa mga Mindoreo.
5. Sa pagbabago ng probinsiya, , sa panig ng pamahalaan,
nagkaroon ng malaking oportunidad na makakolekta ng
buwis para sa patuloy na pag-unlad ng ating lalawigan.

Pagbabagong 1.Sa pagdami ng pumasok na negosyo sa probinsiya,


dumami ang mga gusali ng itinayo, komersiyal o tirahan
panlipunan
man.
2.Nagkaroon ng maayos na kalsada papunta sa South
sapagkat libong, mga sasakyan ang dumaraan dito araw-
Grade III St. Agnes

araw.
3. Dumami ang mga tao galing sa ibat ibang lugar na
naninirahan dito.
4. Sa pagdami ng mga pribadong negosyo na pumasok,
nagkaroon ng maraming trabaho .Nagkaroon din ng
pagbabago sa pamumuhay ng mga tao, nakakasunod na ang
mga tao sa uso lalo na sa pag-usbong ng makabagong
teknolohiya, tulad sa transportasyon at komunikasyon.
2. Anu-ano ang mga bagay na patuloy na makikita pa rin
hanggang ngayon sa Oriental Mindoro?
Bagaman dumami ang mga taong naninirahan dito na nanggaling sa ibat ibang lugar,
makikita pa din ang ibang kaugalian, pamahiin at tradisyon na patuloy na ginagawa ng mga
sa tao sa kasalukuyan.Nanggaling man sa ibatibang lugar na may ibat ibang kaugalian,
pamahiin o tradisyon , ang iba ay sumusunod sa kung ano ang kultura ditto sa atin.Makikita
pa din ang mga katutubo natin, ang mga Mangyan.At higit sa lahat, makikita pa rin ang mga
makasaysayang pook na may historical mark sa lalawigan. Ito ay pinangangalagaan
sapagkat ito ay bahagi ng kung ano ang probinsiya natin ngayon.

You might also like