You are on page 1of 7

Paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang

Pagsasagawang Pagtataya sa Asignaturang Filipino

Kabanata I
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Rasyonale

Bawat guro ay may kani-kaniyang mithiin, layunin, metodo, istratehiya at instruksyon

upang mapunan ang mga kinakailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral bilang sentro ng

karunungan. Isang paraan sa pagkamit ng tunguhin ay kailangang matutunan at matuklasan ng

guro ang ibat ibang metodo sa pagtuturo dahil ito ang nagsisilbing daan sa pagkamit ng isang

tiyak na layunin.

Ang pagtuturo ay isang hamon, kaya nakataang sa balikat ng guro ang kahusayan ng

pagpapasiya sa pamaraang gagamitin na angkop sa bungang pagkatuto ng araling itinuturo. Ang

isang mabuting pamamaraan ng pagtuturo ay humahamon sa mga mag-aaral upang sila ay maging

aktibo at makiisa sa mga gawain.

Dekalidad na edukasyon na nagpapakita ng ibang mukha ng makabagong kasanayan ng

pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa malaking hamon sa mga guro ay

kung paano makahahanap ng naaayong pagtataya na magagamit upang matukoy kung ang mag-

aaral ay lubos na nakaunawa at natuto sa aralin.

Sa pagpaplano ng aralin dapat paunlarin ang kasanayan kung saan ang bawat gawain na

gagamitin sa pagtuturo ay napipili ng maayos at naayon sa mag-aaral nang sa gayon matagumpay

na maisasaskatuparan ang nais mangyari sa klase. Sa pamamagitan nito malalaman ng guro kung

magiging epektibo ang aralin gamit ang iba pang kasangkapang pangpagtuturo (Demirel, 2007).

Ayon kay Bridgett Michelle Lawrence (2010), Isa sa pinakamahalagang kasangkapan sa

pagtuturo ang pagtataya upang maintindihan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa pahayag

na ito, matutukoy ng guro ang kalakasan at kahinaan ng bawat mag-aaral partikular sa bawat aralin.
Paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang
Pagsasagawang Pagtataya sa Asignaturang Filipino

Samakatuwid, mabibigyan ng kaukulang gabay ng guro ang pangangailangang personal ng isang

estudyante tungo sa pagkatuto nito.

Sa pagbibigay ng naaayon na pagtugon ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto sa klase

ay tumutukoy sa paraan kung paano ang guro ay gumagamit ng pagtataya. Kinakailangang

makalikha ng oportunidad ang guro hinggil sa kung paano ang estudyante ay mahusay na matuto

batay sa aktibidad na ginagawa sa klase at sa kakayahan nito. Sa mga nakaraang taon, naging

kasanayan ng mga guro ang pagbibigay tuon sa mga estudyanteng malaki ang kahinaan at

kakulangan sa klase, mga estudyanteng hindi nakakasabay sa takbo ng aralin, na minsan nagiging

sanhi upang maapektuhan ang mga estudyanteng mabilis matuto.

Ayon kay Dianne Todd (2009), Sa paraang tradisyunal, natututo ang estudyante sa

paraang ang impormasyon ay nagmumula mismo sa bibig ng guro deretso sa pag-iisip ng bata at

kung paano ito bibigyan ng komprehensibong pagtugon. Matutukoy dito ang nakaugaliang

pagtataya dahil kadalasan upang masukat ang natamong kaalaman ng estudyante gumagamit ang

guro ng tradisyunal na pagtataya. Binigyang pokus nito ang pangkabuuang aspeto ng isang

indibidwal ngunit hindi nalilinang sa ganitong paraan ang kaalaman at kasanayan.

Sa paglitaw ng bagong paraan ng pagtataya, ang ilang mga guro ay gumagamit ng

patatayang alternatibo ngunit mayroong mga guro naman na binibigyang pokus ang tradisyunal na

paraan. Sinasabing ang tradisyunal na pagtataya ay epektibo upang masukat ang kaalaman ng mga

estudyante. Maraming naniniwala na ang alternatibong paraan,na sumusukat sa kakayahan ng mga

estudyante ay magandang paraan at epektibo ba sa patataya sa kaalaman ng mga estudyante.

Naging tampulan ngayon, kung ano ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa natutunan ng

mga estudyante sa Filipino.


Paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang
Pagsasagawang Pagtataya sa Asignaturang Filipino

Para sa mga mag-aaral ng Senior High

Batay sa karanasan at obserbasyon ng mananaliksik, napapansin na kadalasan sa mga guro

ay limitado ang ginagamit na pamamaraan sa pagtataya. Ang pagtuturo ng asignaturang

pinagdalubhasaan partikular sa Filipino ay maituturing na isang napakasalimuot na gawain sa

buhay isang guro, dahil sa mga posibleng pagkakamali ay maari na itong humantong sa kawalan

ng mga mag-aaral ng interes na matuto.

Kaligirang Panliteratura

Sa pagpapatatag ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay may mga artikulo na naglalaman

ng mga polisiya na nauukol sa lalong pagpapaunlad sa dekalidad ng edukasyon gamit ang

pagtataya sa klase.

Alinsunod sa Deped Order No. 55, series 2016, blg. 2, Assessment is the process of

measuring learners progress in the attainment of learning standards and 21st-century skills. The

results of the various forms of assessment shall be used to quantify judgments on learners

academic performance.

Gamit ang pagtataya bilang pamamaraan sa malaman at makita ang progresibong

kakayahang pang-21st century ng mag-aaral batay sa hinihinging pamantayan. Ang resultang

matutukoy gamit ang pagtataya ay magagamit upang makapagbigay ng naaayong pagpapasya sa

akademikong pagganap ng mag-aaral.

Sa nakalipas na mga taon, ang mga miyembro ng faculty at mananaliksik sa mas mataas

na edukasyon ay nagbigay ng malaking kaisipan tungo sa mga reporma at pagbabago sa

kasalukuyang pagtatasang gawi (Reid & Fitzgerald, 2011). Isang mahalagang tunguhin dito ay

muling bigyang pansin kung paano ang kaalaman at pagkatuto ay masuri sa paggamit ng mga

tunay na pagtatasa ng mga gawain. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng tunay na pagtatasa ay


Paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang
Pagsasagawang Pagtataya sa Asignaturang Filipino

maipapakita ang pang-unawa sa pagsasagawa ng isang mas kumplikadong gawain na karaniwan

ay ang kinatawan ng mas makabuluhang pagsasabuhay ng mga estudyante (Meuller, nd). Kanyang

binibigyan diin na ang tunay na pagtatasa ay inilarawan bilang, "ang isang pagtatasa na kailangan

ng mga mag-aaral upang magamit ang parehong mga tuntunin ng reference, o kumbinasyon ng

mga kaalaman, kasanayan at saloobin na upang magamit sa criterion ng mga sitwasyon sa

propesyonal na buhay" (Gulikers, Bastiaens, Kirschner, 2004, p.69).

Dagdag pa, binigyang-diin ni Crocker (2013) na sa pagdating ng outcomes-based na pag-

aaral sa mataas na edukasyon, ang estudyante ay inaasahang malaman at mapakita ng mga

partikular na kasanayan, kaalaman, at value o ugali bilang bunga ng matagumpay na pagkumpleto

sa iisang klase, ng mga kurso, o isang buong programa o mga antas. Ang nilalaman na kaalaman

ay hindi sapat upang sukatin ang mga estudyante sa pag-unawa ng masalimuot na mga kasanayan

at mga ideya. Sa paglikha ng isang sitwasyon o konteksto, na kung saan ang mga estudyante ay

kayang "ipakita mo ang nalalaman nila", sila ay makakapagpakita ng mas mataas na antas ng

kasanayan tulad ng pagsuri, paglapat, at pagsasama-sama kumpara sa mas mababang antas ng

kaalaman (malaman, ilarawan, o maunawaan). Hindi tulad ng mga tradisyunal na pagsusulit o

quiz, ang tunay na pagtatasa ay nagbibigay daan ng grupo at pagkakataon na maipakita ang

kanilang pag-unawa sa isang paksa na madalas sa loob ng isang konteksto ng totoong buhay.

Dagdag pa rito, ang mga estudyante ay maaaring lumikha ng kanilang sariling pamamaraan ng

pagpapakita ng sapat na kaalaman at kasanayan.

Mga Tanong sa Pagsasaliksik

1. Ano ang antas ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral bago ang pagpapatupad ng

mga kahaliling pagtasa sa pagtuturo?


Paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang
Pagsasagawang Pagtataya sa Asignaturang Filipino

2. Ano ang antas ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral matapos ang pagpapatupad

ng mga kahaliling pagtasa sa pagtuturo?

3. Anong ang antas na minarkahan na napabuti ang akademikong pagganap ng mga mag-

aaral?

Kahalagahan ng Pag-Aaral

Binibigyan halaga ng pag-aaral na ito na ang tunay na pagtatasa ay isang pamamaraan para

sa pagsukat ng mga natutunan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga angkop,

at aktibong pagkatuto ng mga kasanayan at estratehiya na makatutulong sa pagkaroon ng

habambuhay na pagkatuto sa ibat inang aspeto tulad ng paggawa ng mahusay na desisyon,

komunikasyon, at kooperasyon. Ang mga paliwanag, resulta at rekomendasyon ay posibleng

magbibigay ng maliwanag na mga paraan sa mga mga mag-aaral, mga guro, at mga tagapangasiwa

ng edukasyon upang maiangat at mapaunlad ang karunungan sa pamamagitan ng mas epektibong

uri ng pagtatasa.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng isang pangkat ng mga mag-aaral sa Ikalabin-sang

Baitang ng Senior High School ng Mataas na Paaralan ng Meycauayan sa taong panuran 2017-

2018. Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay gagamit ng mga piling alternatibo at tunay na

pgatatasa sa kanyang pagtuturo ng isang sa asignatura sa Filipino sa Senior High School.

Pamamaraan

Uri ng Research Respondents

Pinili ng mananaliksik ang mga uri ng mga respondents na tugma sa asignaturang

paggagamitan ng mga alternatibo o tunay na pagtatasa.


Paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang
Pagsasagawang Pagtataya sa Asignaturang Filipino

Mga Paraan ng Sampling

Ang mananaliksik ay gagamit ng pamamaraan na ayon sa layunin (purposive

sampling technique) upang lubos na makita ang lubos na epekto ng piniling interbensyon

sa pagtuturo.

Mga Pinagkukunan Ng Datos/ Mga Instrumento

Gagamit ang mananaliksik ng teacher-made na mga pagsusulit bilang pre-test at

post test na mga instrumento upang makita ang antas ng pag-unlad ng mga mag-aaral gamit

ang piniling pagtatasa. Ang mga pagsusulit ay dumaan sa proseso ng expert validation

bago gamitin sap ag-aaral.

Mga Paraan sa Pagkuha ng Datos

Diagram 1

Pinapakita ng diagram ang daloy ng pagkuha ng mga data sa pamamagitan ng

tatlong hakbang sa pagkuha ng mga datos gamit ang Quasi-Experimental Design.

Etikal na mga Konsiderasyon

Ang mananaliksik ay humalaw ng mga impormasyon at ideya mula sa ibang may

akda at mga ito ay kanyang binanggit sa kanyang pagsisipi (citations) at bibliograpiya.

Bukod pa rito, ang etikal na konsiderasyon ay ginamit sa pamamagitan ng paghingi ng


Paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang
Pagsasagawang Pagtataya sa Asignaturang Filipino

pahintulot sa mga gatekeepers ng paaralan tulad ng mga ulo ng departamento at punong

guro.

Data Analysis

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng istatistika upang makita ang pag-unlad sa

pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang pre-test-post test na pagsukat.

TALASANGGUNIAN

Reid, C. & Fitzgerald, P. (2011). Assessment and employability. London: Higher Education

Academy.

Meuller, J. (nd). Authentic assessment toolbox. Retrieved from http://

jfmueller.faculty.noctrl.edu/toolbox/

Gulikers,J., Bastiaens, T., and Kirschner, P. (2004). A five-dimensional framework for authentic

assessment. Educational Technology Research and Development, 52 (3), 67-85.

Crocker, W.A. (2013). Authentic assessment: Evaluating real-life applications of knowledge in

higher education. Reflections, (69). 1-2.

Adler, S. (1990). The reflective practitioner and the curriculum of teacher education. Paper

Presented at the Annual Meeting of the Association of Teacher Educators. Retrieved from

ERIC database. (ED319693)

You might also like