You are on page 1of 8

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NA PAGHAHANDA SA ORAS NG LINDOL

I. Panimula/ Rasyunal

Ang isa sa pinakanakakatakot at mapanirang pangyayari sa kalikasan ay matindi


ng lindol at ang mga teribleng epekto nito pagkatapos. Ang lindol ay isang biglaan, a
t mabilis napag-uga ng lupa, na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong n
asa ilalim ng lupa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naiipon sa mahabang p
anahon.

Sa loob ng daang-milyong taon, ang mga puwersa ng plate tectonics ay humubo


g sa lupa, habang ang malalaking plate na humuhubog sa balat ng lupa ay dahan-d
ahang umuusog, papailalim at lagpas sa bawat isa. Kung minsan, ang pagkilos ay d
ahan-dahan. Sa ibang pagkakataon naman, ang mga plate ay magkaipit, at hindi ma
pakawalan ang natipong puwersa. Kapag sapat na ang puwersang naipon, nagkakal
as ang mga plate. Kung ang lindol ay maganap sa lugar na maraming tao, maaari ito
ng magdulot ng maraming kamatayan at pinsala at malawakang pagkasira ng mga a
ri-arian.

Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko. Madal


as, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo
(crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa ka
nyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng m
ga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng i
sang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalay
o sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa ibat ibang panig ng
mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa.

Ang malakas na enerhiya na nilalabas ng mga atomikong pagsabog o ng mga pa


gputok ng bulkan ay maaaring makapagdulot ng lindol, ngunit ang mga pangyayarin
g ito ay maituturing na mahina at madalang. Mayroong sapat ng patunay na ang mu
ndo ay hindi isang static na polaneta. Ayon din sa ilang pag-aaral, ang pang-ibabaw
na kalatagan ng mundo ay umaangat paminsan-minsan. Patunay dito ang mga ilang
sinaunang parte ng kalatagan ng mundo na noon ay nasa mababang lugar na ngayo
n ay may ilang metro na angat sa pinakamataas na antas ng alon. Sa kabilang band
a naman, ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng matinding pagbaba ng lupa.
Karagdagan sa mga patayong pag-iiba na mga nabanggit ang pagkawala ng pagkak
ahanay ng mga bakuran o kalsada, at iba pang mga struktura na nagpapakita ng pa
halang na paggalaw. Ang mga paggalaw na ito ay karaniwang maikakabit sa malala
king bitak sa pang-ibabaw na kalatagan ng mundo na tinatawag na fault.

Ayon sa mga siyentipikong nag-aaral ng seismolohiya, mayroong mga paraan up


ang masukat ang laki ng isang lindol katindihan (Ingles: intensity) at kalakasan (In
gles: magnitude). Ang katindihan ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar n
a dulot ng isang lindol. Sa pagkakaroon ng mga seismograpo, naging malinaw ang p
agkakaroon ng siyentipikong paraan ng pagsusukat batay sa seismikong talaan sa h
alip na paggamit ng mga walang katiyakang pansariling taya at opinion na nakabata
y lamang sa pinsala. Ang paraan ng pagsukat na ito ay tinatawag na kalakasan. Ito
ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng mga datos mga seismikong tala (at iba pan
g mga pamamaraan) para matantiya ang kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas s
a pinagmulan ng lindol.

Ang mga lindol ay nangyayari bilang resulta ng mga bunton ng baton a nagbaba
go ng posisyon sa ilalim ng lupa. Patuloy na nagaganap ang uring ito ng pagkilos. K
adalasan, hindi sapat ang lakas ng resultang mga pagyanig upang madama ang mg
a ito sa ibabaw ng lupa, subalit ang mga itoy maaaring matunton at maitala ng isang
seismograph. Sa ibang pagkakataon, sapat na bato ang nadudurog at sapat na pag
kilos ang nangyayari upang yumanig nang husto ang ibabaw ng lupa.

II. Layunin/ Batayang Teoretikal


1. Makapaggawa ng flyers sa pamamagitan ng infograph sa paglalahad ng i
mpormasyon.
2. Mapalaganap sa mamamayan, lalung-lalo na sa mga mag-aaral upang m
aging handa sa pagsapit ng lindol.
Ano ang Lindol?

Ang lindol sa madaling salita ay nangyayari dahilan sa pagkakaroon ng gap ng


earth crust sa loob ng mundo at ang sanhi ng gap na ito ay ang pagkakaroon ng alon
na umaabot sa ibabaw na bahagi ng mundo na isang natural na kababalaghan.
Sakaling umabot ang alon sa lupa ay nagkakaroon ng malakas na pagyanig na
tinatawag na lindol. (Disaster Prevention Guidebook, 2014)

Mayroong dalawang uri ng lindol. Ito ay ang volcanic at tectonic. Ang mga
lindol na volcanic ay mga lindol na sanhi ng pagsabog ng mga bulkan. Ang mga epekto
nito ay kadalasang nararamdaman lamang sa paligid ng sumasabog na bulkan. Ang
mga lindol na tectonic naman ay nagaganap kapag mayroong paggalaw sa ilalim ng
mundo. Mas malawak ang saklaw na apektadong lugar ng lidol na ito kaysa lindol na
volcanic. (Eskwela Naga Files, 2011)

Ano ang aftershock?

Ang paglindol ay hindi natatapos ng isang beses lamang.Matapos ang malaking


paglindol, siguradong may mga pagyanig pang mangyayari. Ito ay tinatawag na
aftershock. Ang tindi ng pagyanig ng aftershock ay maaaring kapareho rin ng unang
pagyanig. (Disaster Prevention Guidebook, 2014)

Paghahanda para sa Lindol

Sakaling magkaroon ng malaking lindol, may posibilidad na hindi

makakagamit ng kuryente, tubig at toilet. Sa tahanan, kinakailangang

maghanda ng pagkain at tubig. Sa araw-araw laging maghanda para sa lindol.

1. Pagkumpirma sa Paglilikasan o Evacuation Area at Paraan ng Pakikipag-

ugnayan sa Pamilya sa Oras ng Emerhensiya.

Kumpirmahin ng maaga ang ruta o daan sa paglikas ng lugar na paglilikasan o


evacuation area ng inyong pamilya. Sa isang malaking kalamidad, mayroon rin hadlang
na maaaring mangyri upang hindi maka-uwi ngbahay, hindi makakontak at iba. Para sa
ganitong pagkakataon, pag-usapan at pagdesisyunan ng maaga ng pamilya kung saan
magtitipon at iba pa. (Disaster Prevention Guidebook, 2014)

2. Paghahanda ng mga Dadalhin na Gamit sa Panahon ng Emerhensiya.

Ilagay sa knapsack o rucksack ang mga pinaka-kailangan na mga bagay upang


sa ganitong pagkakataon ay madali o kaagad-agad na makalikas bitbit o dala ang
knapsack o rucksack. (Disaster Prevention Guidebook, 2014)

3. Paglalagay ng Pampatibay sa mga Gamit sa Bahay.

Siguraduhin na lagyan ng pampatibay tulad ng poste, idikit ng mabuti sa dingding


at lagyan ng metal fittings ang mga gamit sa bahay na madaling matumba o
bumagsak tulad ng telebisyon, drawer, bookshelves at iba pa upang maiwasan na
maipit at masugatan mula sa mga natumba o bumagsak na gamit sa bahay dahil sa
lindol. Ang metal fittings at iba pa ay mabibili sa mga home centers. (Disaster
Prevention Guidebook, 2014)

4. Pagsasa-ayos ng mga Gamit sa Bahay.

Wala tayong kakayanan upang depensahan ang ating sarili lalo na kung tayo ay
tulog. Kayat huwag maglagay sa kuwarto ng mga gamit sa bahay na madaling
mahulog o matumba. Epektibo rin ang paglalagay ng panangkalang na tabla o board
at isandal sa dingding ang gamit sa bahay upang hindi ito matumba ng paharap.
(Disaster Prevention Guidebook, 2014)

Paraan ng Pagsusuri sa Kaligtasan

Ang tawag sa pamamagitan ng telepono ay mahirap ikonekta sa oras ng


malaking kalamidad tulad ng lindol. Sa ganitong pagkakataon, kung gagamitin ang NTT
Disaster Emergency Message Dial maaaring makapag-record ng impormasyon may
kinalaman sa kaligtasan ng sarili at pamilya at ang ini-record na mensahe ay maaari rin
na mapakinggan ng iba pang kapamilya at kakilala o kaibigan. (Disaster Prevention
Guidebook, 2014)
Kapag may lindol, iwasan ang paglapit sa masikip na iskinita at tabi ng pader,
bangin at ilog, maglakad sa paghahanap ng masisilungan, huwag magdala ng
napakaraming dalahin at mga pagkain, makipag tulungan sa iba pang mga tao at
magsagawa ng rescue operation, at matapos ang malaking pag-yanig ng lindol, posible
na mayroon pa itong kasunod na maliliit na pagyanig kayat mag-ingat lamang ng
mabuti. (Fukuchiyama, Kyoto, 2012)

III. Pamamaraan ng Pag-aaral


V. Pagtatalakay at Pagsusuri

Ang aming hangarin ay maka pag palaganap ng isang flyer ukol sa lindol kung
anu ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin kung mangyari ang nasabing sakuna.Sa
pamamagitan ng infograph maiintindihan ito kaagad ng mga tao. Ito ay madaling ma
absorsyon ng mga tao o mambabasa ng flyer. Upang mapaabot sa ibat-ibang tao kung
ano at paano ang sineserve niyong serbisyo o producto. Mas makakatipid sa oras dahil
sila mismo ang magbabasa sa flyer. Kalimitang ipinamumudmod ang mga flyer/leaflet at
promotional materials upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o
serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay-impormasyon din ang mga materyales na ito para
sa mga mamimili o kung sinumang makababasa ng mga ito. Kapansin-pansin din ang
pagiging tiyak at direkta ng mga ijmpormasyon nakasulat sa mga ito. Hindi maligoy ang
pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa. (Filipino sa Piling Larang - Tech-
Voc, Patnubay ng Guro, Unang Limbag 2016)

Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang mga ito upang higit na makita
ang biswal na katangian ng isang produkto. Makulay rin ang mga ito na posibleng
makatulong na makahikayat sa mga potensiyal na gagamit o susubok sa isang bagay
na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami. Posible ring makita ang ilang mga detalyeng
may kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa likod ng pagbuo ng mga nasabing
materyales, gayundin ang kanilang logo. May mga pagkakataon ding pumapasok ang
paglalaro sa mga salita at iba pang pakulo sa paglikha ng mga flyer/leaflet at
promotional material upang lalong tumatak sa mga mamimili ang pangalan o kayay iba
pang impormasyon hinggil sa isang produkto o serbisyo. Makikita ito halimbawa sa
kanilang mga tag line. (Flyers, Leaflets, at Promotional Materials, October 12, 2013)

Sa panahon ngayon, alam naman natin na ang mga kabataan ngayon ay nasa
Ika- 21 siglo na kung saan sila ay mahilig tumangkilik sa mga internet, social media
sites at iba pa. Pero sa kabilang dako, hindi natin alam na sila ay mahilig ding
tumangkilik o magbasa ng mga libro o flyers lalo na kung may mga disenyo ang
kanilang binabasa. Ang nasabing flyer ay ang aming instrumento upang maging
malaman at maging alerto din sila kapag mangyari ang lindol. Ang mga kabataan sa
ngayong panahon ay dapat ding maging alerto sa anumang oras ng sakunan. Sila ay
dapat maging mapanuri sa lahat ng bagay at oras din. Sa pamamagitan ng flyers na ito
matutulungan natin ang mga kabataan sa ngayong panahon kung paano mag handa at
kung anu ang mga dapat nilang gawin sa oras ng lindol.

VI. Konklusyon

Ang lindol ay isang sakuna na hindi mo mahuhulaan kung kailan darating at kung
saan man ito mangyayari. Sa panahon ngayon kahit marami nangmakabagong
teknolohiyang naimbento tilay di pa rin mahuhulaan ng mga scientist kung kalian at
saan magaganap ang lindol.
Maraming buhay ang malalagas kapag itong natural disaster ang tatami sa isang
lugar. Maraming mawawasak na mga gusali at mga kabahayan, mga daang
masisira, at ang pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa.
Dahil hindi natin kayang hulaan kung kailan magaganap ang lindol, kailangan
nating maging handa upang maiwasan o mabawasan ang pinsalang idudulot nito.
Bilang mga mag-aaral sa track ng STEM, unang-una nating gawin ay kung paano
natin maibabahagi sa ibang mag-aaral ang ating mga nalalaman sa paghahanda sa
mga sakuna lalung-lalo na ang lindol. Kailangang maibahagi natin ang ating
nalalaman dito upang may kamalayan at may nalalaman sila kung anuma ang dapat
gawin sa pagsapit ng naturang sakuna.
Hindi man natin ito mahulaan pero kayang-kaya nating mabawasan ang pinsala
sa tulong ng ating mga nalalaman para na rin sa kaligtasan ng bawat isa.

Sanggunian:
http://www.ready.gov/tl/earthquakes

http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Lindol

http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002202

http://depedligaocity.net/fil_tgtvl_final_v3_060816.pdf

https://www.scribd.com/presentation/327377301/Flyers-Leaflets-At-Promotional-
Materials

https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/ang-lindol.pdf

http://www.gic.or.jp/tl/foreigner/upload/docs/disasterguide/b1.pdf

http://www.city.fukuchiyama.kyoto.jp/foreign/tagalog/docs/tag_3.pdf

You might also like