Professional Documents
Culture Documents
921 Votes
Ikinatuwa niya ang pag-uwi agad nito sapagkat tiyak niyang hindi siya pipiliting magtrabaho, di gaya kung
nagbubumabad ito hanggang madaling-araw sa mga lugar na palipasan ng oras at aliw at pasyalan ng mga
babaing mababango, makikinis, husto sa tindig at sukat, at waring mahihiyang lapitan ni kausapin ng karaniwang
mga lalaki lamang na kukulu-kulo ang tiyan at walang maipagyayabang na kayamanan at kapangyarihan. Kung
maaari nga lamang, ayaw na niyang paglingkuran ang kanyang amo sapagkat mahaba-haba na ring panahon ang
kanyang ipinagtrabaho anumang oras nitong magustuhan, araw man o gabi, katanghalian man o madaling-araw,
o kahit dapat na muna siyang magpahinga para manumbalik ang sigla niyat lakas na matagal nang hinuhuthot at
kinakatas.
Pagpasok na pagpasok ng kanyang amo sa maluwang, alpomprado at naiilawan ng aranyang mula pa sa Paris
na salas ng mansiyong iyon sa Forbes Park, agad nitong tinawag ang pandak, mataba at kikimbul-kimbol na
katulong na si Bebang na dose anyos pa lamang yata nang magsimulang maglingkod sa mga Riego de Dios nang
ang amo niyang si Miguelito kilala ngayon sa daigdig ng negosyo bilang Don Miguel na ay kinse anyos
naman. Nagpakuha ito ng isang kopita, malamig na tubig at isang boteng Dom Perignon, tatlong ulit na mabilis na
lumagok, at biglang nagtungayaw nang mabungaran sa napakalaking telebisyon ang panggabing balita tungkol sa
naganap na demonstrasyon sa Mendiola ng libu-libong mga manggagawang idinadaing ang kahirapan ng buhay
at miserable nilang kalagayan kaya humihingi ng dagdag na sahod na P125 bawat araw.
Punyeta! Mga bwisit! Umalingawngaw ang mataginting na tinig ni Don Miguel sa kabuuan ng salas, naglagos
hanggang sa kusina, kaya nagmamadaling bumalik ang katulong na si Bebang, nilalamulamukot ang puting
uniporme sa bandang tiyan at waring bariles na mabubuwal.
Bakit po?
Tonta! Di kita tinatawag, halos sairin nito ang lamang alak ng kopita. Ano pa ang gusto nila? Mabuti nga, may
trabaho pa sila.
Letse di kita kinakausap. Muli nitong sinalinan ng Dom Perignon ang kopita at parang walang anumang
tinungga.
Napangalahati ng kanyang amo ang lamang alak ng bote, at bigla siyang kinabahan nang magtungo ito sa banyo,
matagal na naligo, nagsabon nang husto at, pagkatapos, kinuha ang paboritong pabangong Bulgari, winisikan ang
leeg, maging ang dibdib at umuusling tiyan. Naisip niyang baka siya piliting magtrabaho, gaya noong di na mabilang
na araw at gabi na para siyang minerong paulit-ulit na palulusungin at paaahunin sa makipot, madilim, malalim at
maalingasaw na lugar na iyon na ikinaiigting ng mga ugat ng kanyang leeg, ikinapupula ng kanyang ulo sa galit,
Sa Butas Ng Karayom

Ang Mundo Sa Paningin Ng Isang
Plumat at Papel ni Rogelio L. Ordonez
Nakaa-antig na may halong pagkalungkot ang nadama habang paulit ulit na inaamin
sa sarili ang pagkahumaling sa kakaibang tema na tinataglay ng maikling kwento. Ang
pagkatao ng mga tauhan sa kwento ay talagang malapit na maiuugnay sa tunay na
buhay, maging ang mga aksyon at animo kasaysayang ikinwento sa loob ng kwento ay
sobrang maiuugnay din. Sa aking paningin naging mahusay ang pagbuo ng maikling
kwentong ito, Ang Mundo sa Paningin ng Isang, mula kay Don Segismundo at sa
sabihin nating natatangi nyang katangian, sa kaniyang pinanggalingang lugar na
Europa, sa kaniyang anak na si Miguel na mayroon ring mga hindi magandang
kagustuhan at pananaw sa buhay. Hanggang kay Bebang na tila isang alipin na hindi
na nakapapahinga man lang sa trabahong hindi pangkaraniwan, o karaniwan na ng ba
ngayon? , masasabing tugmang tuma sa tunay na buhay ang mga karakter, maging
ang mga gawain, ang pananaw sa buhay, ang estadong ginagalawan, ang abnormal
na komunidad na pinagsisiksikan.
Sa kabuoan, nakaa-antig na may halong pagkalungkot ang nadama ko, habang paulit
ulit na inaamin sa sarili ang pagkahumaling sa kakaibang tema na tinataglay ng maikling
kwentong ito. (Image below is copied from Google)