You are on page 1of 4

Ang tulang to ay isinulat ko para sa boyfriend kong writer

isinukat ko ang tulan 'to para mas makilala mo ako

yun ang mga katagang sinabi mo nung umalis ka na sa tabi ko

at binigay mo saken ang papel na pinaghirapan mo

hanggang sabi mo basahin ko to kase ito ang kwento mo

ang kwento mo habang kasama mo ako

alam mo ipinagmamalaki ko kung gano ka kagaling magsulat

kung gano kalaki ang dedikasyon mo sa paggawa ng mga storya na parang nararanasan mo kahit
hindi naman talaga

gusto ko ung pag nagkwekwento ka parang ikaw yung karakter sa pelikula

gusto ko rin yung kapag nagsusulat ka titingin ka muna sa aking mga mata at sasabihin mo 'alam
ko na'

na para bang ako yung inspirasyon mo

na para bang ako yung nasa isip mo

na para bang sa isang iglap alam mo na ang kasunod ng kwento

at doon kita hinahangaan

sobrang hinahangaan kita

dahil nakikita ko kung paano ka gumawa ng mga storya

at alam mo isa sa pinakahindi ko makakalimutang regalong binigay mo ay yun yung sinulat mo


ang kwento nating dalawa

yung kwento nating dalawa na binigay mo sakin na kung saan ito yung pinakahindi ko
makakalimutang regalo nung umalis ka

dahil kahit saan ka dalhin ng pagsusulat mo

naniniwala akong nandito ang mga alaala mo

hawak hawak ko ang kwento mo

ang kwento ng tayo

nabasa ko sa simula ng pahina kung papaano tayo nagkakilala


nabasa ko sa mga sumunod pa kung paano ko binitawan ang mga salitang 'mahal kita'

nabasa ko rin yung mga nakakatawang eksena lalo na yung kumakain tayo sa karinderya tapos
may crush sayo yung tindera

nabasa ko rin yung mga parte na nagselos ka tapos pinapalayo mo yung bestfriend ko kase palagi
kong kasama

ang sarap balikan ng mga alaala dahil nababasa ko yung mga naiisip mo nung mga pagkakataong
na yon na hindi mo nasasabi noon

ang sarap balikan ng alaala ngunit nung humantong na ko sa bandang gitna parang may karakter
na kong hindi ko na makilala

may karakter na kong hindi ko na makilala

alam mo mejo nalito ako kung ako o tayo pa ba ang bida

kase may mga storya, may mga eksena na di ko na magunita

na para bang wala na ko sa storya

lalo na nung binaggit, na yung kayong dalawa ang magkasama nung araw na monthsary nating
dalawa

alam mo binalikan ko yung mga alaala pero pero nung naalala kong hindi naman tayo nagkita
dahil ang sabi mo saken gagawa ka ng storya

gagawa ka ng storya pero hindi katulad ng sinasabi sa eksena

yun ang aking pinagtataka

may nakasama ka pero hindi naman 'to nangyari sa ating dalawa

yun ang aking pinagtataka

at ito pa ang pinakamasakit sa eksena nung sinabi mo na sobrang saya mo sa kama

dahil nung araw na yon alam mo na kung ano ang mahalaga

doon tumulo ang luha ko dahil kahit kailan kahit kailan hindi kita nakasama sa kwarto

kahit minsan hindi kita nakasama sa kwarto

pero ganon ang nakasulat sa eksena, naguguluhan ako

pero alam mo, dun lumiwanag ang mata ko

na hindi ako ang nasa kwento


pero hindi ko tinigil ang pagbabasa

nilipat ko pa rin ang mga pahina kahit sobrang kabang kaba na

at sa bandang dulo nalaman ko kung sino

kung sino nga bang tinutukoy mo

dahil unang una mas nagulat ako dahil sa mmga sumunod na scenario

ang taong tinutukoy mo ay mas kilala ko pa kesa sayo

naalala ko nung nagpigil tayo kasama ko yung bestfriend ko kaya siya ang pangatlo

pero ang point of view ang kwento ay ang point of view na hindi ang kasama mo ko kundi ang
kwento ng point of view na kasama mo ang taong nasa tabi ko

at nabasa ko na nahihirapan ka dahil napapaggitnaan kayo

nabasa ko na nahihirapan ka na hawakan ang kamay nya kaya ginagawa mo to sa likod ko

alam ko na, alam ko na ang tinutukoy mo, hindi ako

hindi ako ang tinutukoy mo

at nang humantong ako sa huling parte ng storya

mas naliwanagan na ang utak ko

dahil nung humantong na ko, doon ko napagtanto sng mga sinabi mo nung huli tayong nagkita

na basahin ko ang story para mas makilala kita

at tama ka, mas nakilala kita

dahil nung binasa ko yun alam ko kung ano k na di tulad nong pagkakakilala ko sayo nung una

alam ko na kung sinong pinili mo sa aming dalawa

alam ko kung sino ba talaga ang gusto mo sa aming dalawa

alam ko na

alam ko na na hindi ako ang gusto mo

hindi dahil hindi ako ang mahal mo

alam ko na hindi ako ang gusto mo kundi dahil ako ang hinahanap ng katawan mo

alam ko na hindi ako ang gusto mo hindi dahil hindi ako ang bestfriend ko
alam ko na na hindi ako ang gusto mo dahil hindi ako si PABLO

oo

hindi ako ang para sayo at hindi ako ang magiging gusto mo dahil babae ako

at ang pinakanalaman ko sa lahat

hindi ang kwento ng tayo ang isinulat mo kundi ang kwento niyo habang kasama ako

ang kwento mo na sya ang mahal mo habang nagpapaka tanga ko sayo

alam ko na

salamat

alam mo pero salamat

dahil kahit wala ka na

hanga pa rin ako kung paano ka gumawa ng storya

ang storya na akala ko tayo ang bida pero ako lang pala ang extra

You might also like