You are on page 1of 25

Dekada

Dulang Ganap ang Haba

1
Synopsis

Tauhan

Rogelio, 79, retiree, kasamang naninirahan ni Pacing sa isang bahay sa Maynila

Pacing, 77, may malalang sakit

Amor, 50, panganay na anak nina Rogelio at Pacing, propesor

Ginoo/Geronimo, 45, pangalawang anak nina Rogelio at Pacing, prodigal son, TNT sa Italya.

Diony/Dionisio, 40, bunso, duktor na nakadestino sa Middle East, kloseta

Tagpo

Sa unahan ng entablado ay may isang mahabang veranda, may tumba-tumba sa kaliwa.

Makikita sa itaas na kanang bahagi ng entablado ang isang malaking kwarto na may malawak na

higaan, may tukador sa gilid nito na may litrato ng isang masayang pamilya sina Rogelio at Pacing,

kasama sina Amor, Geronimo, at Diony noong maliliit pa sila. May katabi itong lamparang

nakasindi, isang basong may tubig, salaming may grado, at mga maliliit na bote ng gamot. Ang

dingding ay may nakabalot pang wallpaper.

Sa kaliwang bahagi ng entablado ay ang hapag-kainan, may mesang walang laman kundi flower vase,

lanta ang gumamelang nakatusok dito, at kaunting-kaunti lang ang kasangkapan.

Magbubukas ang tabing.

2
UNANG YUGTO

Taong 2000.

Isang ancestral house sa Maynila.

May realtor at ang assistant nito ay may dala-dalang mga papeles, inililibot sa paligid ang isang ginoo, nasa cuarenta

anyos na pero hindi mapaghahalataan dahil sa makisig pa rin ang pangangatawan, may balbas na nagpapatalas pa

ng kanyang mga panga, nakasalamin.

REALTOR

Sir, as you can see, the interior is intact. Theres the mahogany table, pretty much everything has

been preserved and taken care of. Ah, that telephone. Gumagana pa. Although as you may want to

renovate or remove some pieces, you can sign the papers

GINOO

Nothings going to be renovated. I like everything as it is.

Whats the selling price for this property?

REALTOR

That, we still need to discuss.

GINOO

(tahimik)

3
REALTOR

This is your last property. Are you sure you want to sell this?

GINOO

(pagmamasdan ang paligid, iiling, at hihimasin ang table)

Call me if someone wants this house.

My flight is this afternoon, email me when everythings okay.

Black out.

IKALAWANG YUGTO

Taong 1970s.

Sa kusina ay nakaupo si Rogelio at kausap sa telepono ang anak na si Amor, panganay sa magkakapatid na

Geronimo at Diony. Pero mangingibabaw ang ingay sa kabilang linya na nagsisigawang bata at matanda.

AMOR

Dad, Im sorry I just finished doing Tashas homework.

ROGELIO

Tasya? Sino si Tasya?

AMOR

Dont tell me nahawa ka na sa dementia ni Mama? Natasha Ashley! Anak ng unico hijo naming si

Gavin. Kumusta si Mama?

4
ROGELIO

Hindi na masyadong nagsasalita. Hindi na rin ako kilala.

AMOR

Go back to bed! Id be there in a minute.

(babalik sa telepono)

Ill contact Geronimo and Diony. Titignan naming kung makakauwi kami sa Pasko. Sige na Tay.

Mahal ang long distance. Ill talk to you soon, okay?

ROGELIO

Bye anak. I lo

AMOR

(ibaba ang telepono)

Lights fade out

Black out.

SCENE 3

Lights slowly fade in.

5
Nakaupo lang si Pacing sa tumba-tumba habang humihithit ng tabako si Rogelio. Hindi gumagalaw si Pacing pero

gising ito at pinapanoodsi Rogelio, na nakatayo sya sa tabi nya at nakatanaw sa Manila Bay.

PACING

Ikaw ba yan, Minyo?

ROGELIO

Nakita mo yung araw, Pacing? Nandun sya. Inaabot ang pangarap.

Nanay, nanay! Tatawirin ko ang Manila Bay at lilubutin ang mundo! Natatandaan mo ba?

PACING

Di, hindi. Kaw si Minyo! Kamukhang-mukha mo siya!

ROGELIO

Pacing naman. Ako to, si Roging/Rogelio, asawa mo. Wala si Geronimo ngayon sa bahay. Baka

bukas nandito na yon. Tatawag sila. Hintayin lang natin, ha?

PACING

(hahaplusin lang ang mukha ni ROGELIO)

Geronimo

ROGELIO

(patuloy lang sa pakikipag-usap kay Pacing)

6
Tumawag si Amor. Kinakamusta ka. Sabi ko mabuti. Malakas. Maganda pa rin. Magpalakas ka pa

para makita ka nila, ha Pacing?

(hahalikan nya ito sa noo habang walang imik si Pacing)

PACING

(tahimik)

ROGELIO

(Balik sa pagta-tabako)

PACING

Gusto kong lugaw. Yung niluluto ni Amor sa kin.

(kukulbitin si Rogelio)

Minyo, Minyo. Tawagin mo si Amor. Tawagin mo ang ate mo.

ROGELIO

(matatawa pero pupunasan ang luhaang mata)

Hayaan mo, ipagluluto ka ni Amor ng lugaw. Ano pang gusto mo? Ipapaluto ko kay Amor yan.

Mana yon sa iyo eh. Ah, teka

(pupunta sa kusina sa entablado si Rogelio, babalik na may dalang isang mangkok na lugaw at isang

basong tubig)

ROGELIO

Ito

7
(susubuan si Pacing)

PACING

Nasan si Amor?

ROGELIO

Susunod na raw. Say Aaahhh

PACING

AAAAHHHHH

(hindi maisusubo ang kutsara dahil isasara na ni Pacing ang bibig)

ROGELIO

Dyos mio, Teka wag mo munang isara.

Say Aaahhh

PACING

(iiling-iling)

ROGELIO

Niluto yan ni Amor para sa iyo. Sige na. Kelangan mong lumakas.

PACING

(iiling-iling)

8
ROGELIO

(ibabalik sa kusina ang lugaw)

PACING

(patuloy lang na nakatingin sa veranda)

Minyo, tawagin mo ang ate at dito kayo sa veranda. Maganda ang lubog ng araw. Dali.

Pati si Di-di-diyoni. Nasa kalsada pa rin ba ang batang yon? Gabi na. Baka mapano sya!

ROGELIO

Hindi magandang maserenuhan ka ng matagal, Pacing.

Tara at papasok tayo sa loob. Kapit ka lang sa akin ha.

(bubuhatin ni Rogelio ang hindi na nakakalad at lantang-lantang si Pacing. Ihihiga nya ito sa kama at

tatabihan.)

ROGELIO

Malapit nang umuwi ang mga anak natin, Pacing.

(hahalikan ni Rogelio si Pacing sa pisngi)

Black out.

SCENE 4

Lights fade in.

9
Tulog pa si Pacing. Sa may veranda ay inaayos ni Rogelio ang katawan ng Christmas tree na iniakyat nya mula sa

kanilang taguan. Inilaylay nya ang mga dahon, isinabit ang mga dekorasyon. Isinaksak nya ang lights. Pati ang

lumang MERRY CHRISTMAS at isinabit nya sa veranda. Maliwanag na maliwanag ang puno.

Binalikan nya si Pacing na mahimbing na natutulog. Hahalikan sa sentido si Pacing.

Lights slowly fade out

SCENE5

Telephone conversation

Offstage.

DIONY

Ate!

AMOR

O Dionisio.

DIONY

Ate, isa pang tawag mo sa akin ng Dionisio at malilintikan ka.

AMOR

10
(mang-aasar)

Sige nga. Pano? Magkausap lang tayo sa phone. Kumusta ka?

DIONY

Whatever. Ito sawang-sawa na sa mga amerikanong militar.

AMOR/DIONY

Those dirty, stinky, and unceasing complaints and shit.

(matatawa ang magkapatid)

Jinx!

AMOR

Just make sure hindi ka ginagalaw ng mga yan.

DIONY

Subukan nila. Putulin ko mga bayag nitong mga to.

AMOR

Gago ka talaga.

DIONY

Correction mi hermana: GAGA. With the A. Alam mo namang pusong babae ako.

(matatawa)

Anyway, anong oras na dyan sa inyo? Hatinggabi na? Bakit ka napatawag?

11
AMOR

I spoke to Dadagain.

DIONY

HEP HEP HEP! Ate, I cant.

AMOR

Who else can, Dionisio?

DIONY

Will you stop calling me Dionisio. Utang na loob, Sister Girl.

AMOR

(aasarin)

Malandi kang haliparot kang bakla ka. Sister Girl, Sister Girl. Hindi ako nakikipagbiruan. Have you

talked to Minyo?

DIONY

Ate we cant leave the headquarters dito. Maraming militar ang sugatan.

(mapapabuntong hininga)

At hindi sumasagot sa mga sulat ko ang Geronimong yan.

AMOR

12
Papas expecting us to be home.

DIONY

(gagayahin)

Papas expecting us to be home. Kelangang kelangan ako dito, Ate. Alam mo yan. Ikaw na ang bahala.

Ikaw naman ang paborito non.

AMOR

Diony

DIONY

Amor.

AMOR

Ano, aasahan mo yang kuya mo na umuwi sa Pilipinas? Tingin mo?

DIONY

E, sino? Ako? Yung boyfriend ko? Yang anak mong baluktot managalog? Si Will na kilala lang ng

magulang mo sa litratong pinadala mo nung kasal nyo? Alam mo namang hindi ako matatanggap ni

tatay. Hindi na ako ang Diony na kilala nya. Baka nga hindi pa nya ako makilala. At kung malalaman

nyang TNT lang si Minyo sa Italya baka mauna pa yon kay Mamaru. You can handle this. Ilang

beses ko bang sasabihin yon sa yo? Ayokong mag-away tayo over the phone. Please?

AMOR

13
(hindi iimik)

DIONY

Hello, Ate? Andyan ka pa ba? Mahal ang long distance.

AMOR

Oo.

DIONY

Ate sige na. Ipapadala ko na lang sa bangko yung pera para kina Tatay. Nang matahimik na sila.

Tayo.

Magpapasko pa naman.

AMOR

Thats the point Diony! Alam mo namang masasaktan si Tatay sa ginagawa mo.

DIONY

Correction: sa ginagawa natin. E kung hindi lang nagloko yang si kuya e di last year pa tayo nakauwi.

Manang-mana sya sa tatay nyang walang kwenta! Alam mo namang ang hirap-hirap kumita ng pera.

Kung alam ko lang na parang tanga lang palang ayaw pumunta ni Minyo sa Italya e di sana

ipinangpamasahe ko na lang pauwi yung perang ipinahiram ko sa kanya. At ikaw, alam kong gusto

mo nang mag-retire. Mag-alaga ng apo.

(magdududa)

Hindi lang ako sigurado kung gusto mong umuwi ng Pilipinas.

14
AMOR

Gaga, gusto ko rin naman. Kaso

DIONY

Ano na naman? Wag mong idadahilan sa akin na hindi ka na naman pinayagan ni Will. Nako ate ha.

Sasampalin ko yang to the left, to the right, up and down.

AMOR

Yun na nga eh. Ayoko na lang sabihin kina Tatay. Matanda na sila. Ayoko na silang pag-alalahin.

DIONY

E sigurado ka bang nagagamot ang nanay?

AMOR

Oo.

DIONY

So--anong plano?

AMOR

Wala. Wala pa. Si Minyo na lang ang pwede nating kausapin.

DIONY

15
Sigurado ka? Pag pinadalahan na naman natin ng pera yon itataya ko ang natitira kong pera sa kara-

krus na lulustayin nya lang yon don sa Italya. Lintik sya.

AMOR

Diony we have to fix this. We need to go home.

DIONY

There is no home, Ate. There never was. Hindi ako uuwi. Busy ka. Tarantado yung kapatid mo.

Lahat tayo nalintikan na. Amor, I need to go. Magpahinga ka.

AMOR

Diony naman.

DIONY

Call me when youre done talking to him. I love you. Merry Christmas. Bye Ate.

(ibaba ang telepono)

SCENE 6

Lights in.

Magigising si Rogelio sa pag-iingay ni Pacing. Nagwawala si Pacing at binibigkas ang pangalan ni Minyo.

Nagsisigaw ito, at takot na takot habang lumalapit si Rogelio. Hindi na naman nya ito kilala. Magtutumaghoy si

Pacing at aalalayan naman ito ni Rogelio.

16
Pilit itong patatahanin ni Rogelio at papainumin ng pampatulog. Hele-hele pa rin sya ni Rogelio.

Lights fade out.

SCENE 7

Nakaupo si Pacing sa kama. Kakagising lang. Papasok si Rogelio, hapung-hapo, may dalang plastic bag na may

lamang gamot. Itatabi nya ang alak sa may gilid ng pinto para hindi makita ni Pacing.

PACING

San ka nanggaling?

ROGELIO

Ubos na yung gamot mo. Binili ko na yung huling perang padala ng anak mo. Inatake ka na naman

ng kabaliwan mo kase.

PACING

Baliw? Si Kumareng Vicky ang baliw.

Birthday ngayon ng Tita Vicky mo, Minyo. Pakihanda mo ang bestida ko.

ROGELIO

Patay na si

17
PACING

Sinong namatay?

ROGELIO

Hindi. Wala. Sabi ko yung itim na bistida ang maganda sa yo.

(aayusin ang biniling gamot at ilalagay sa tabing mesa)

PACING

Ayoko na ng gamot. Si amiga naman ay hindi uminom ng gamot pero malakas pa rin.

ROGELIO

Kailangan mo to. At hindi naman ikaw ang amiga mo.

(pipilitin si Pacing na inumin ang gamot ngunit idudura lang ito ni Pacing)

PACING

Ayoko sabi!

ROGELIO

(hindi makakapagpigil at sasampalin si Pacing)

Punyetang buhay naman to. Pagod na pagod na ako, Pacing! Magi-isang taon ka nang ganyan! Sana

naman naisip mong ako na lang ang kasama mo sa buhay.

(matitigilan)

PACING

18
(hindi masasaktan sa pagkakasampal)

Bakit ka umiiyak Minyo?

ROGELIO

(ibabato ang pinamiling kahon ng gamot)

Hindi ako si Geronimo! Wala! Wala si Amor. Wala si Dionisio!

Hindi na sila umuuwi, Pacing. Magda-dalawampung taon na tayong iniwan ng mga anak mo.

PACING

Pauwi na sila. Uuwi sila. Uuwi ang mga kapatid mo. Natawagan mo ba? Hayan ang telepono.

(mag-aabot ng natirang barya na nasa mesa)

Halika rine, Minyo. Tawagan mo ang kapatid mo. Baka nakay Mareng Vicky lang sila. Dali-dali.

ROGELIO

(iiyak lang nang iiyak)

PACING

Minyo. Halika rine. Tahan na. Andito si Mama. Yakap ka kay Mama. Love ka ni Mama.

Lalaro kayo bukas. Lalaro kayo

ROGELIO

(tatabihan si Pacing, yayakapin)

Inumin mo na ang gamot mo Pacing. Inumin mo na para makauwi na sina Amor at Diony.

Sige na, Pacing. Sige na.

19
Lights fade out.

Magri-ring ang telepono.

SCENE 8

Patuloy sa pagtunog ang telepono. Tulog si Pacing.

Nakaupo lang si Rogelio sa sahig katabi ang ilang boteng alak at tabako nito. Nilalaro ni Rogelio ang bote sa mga

kamay habang nakatingin sa malayo.

Kukunin ni Rogelio ang telepono at sasagutin.

AMOR

(offstage/V.O.)

Bakit naman ang tagal nyong sagutin, Tay?

ROGELIO

(walang imik at patuloy lang sa paninigarilyo)

AMOR

Tay? Hello?

ROGELIO

Anak, hik. Nakausap mo na ba, hik, ang mga kapatid mo?

20
AMOR

(hindi iimik)

ROGELIO

Hik!

(pipiliting magsalita ng deretso)

Anak, baka mauna pa akong mamatay sa nanay mo kung, hik, ganito. Miss ko na kayo. Pilit nyang

hinahanap yung kapatid mong si Geronimo. Nasan na ba sya? Bakit, hik,, kahit sulat hindi na nya

kami ginagawan? Me nangyari ba?

AMOR

No, no. Everythings fine, Dad. Ill try to be there after Christmas, okay?

ROGELIO

Pano si Dionisio

AMOR

Alam nyo naman ang trabaho nya sa base.

ROGELIO

Si Minyo?

AMOR

21
Tay, alam nyo namang mahilig sa surprises si Minyo. Baka mamaya umuwi na lang yan e di voila!

ROGELIO

(medyo galit)

Hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Si Minyo ba ay nakausap mo?

AMOR

(mapipilitan)

Y-yes, Dad. Yes. May mga inaayos lang sya. Tatawag na lang daw sya ulit.

ROGELIO

Ubos na ang oras, anak. Ubos naparang bote ng alak ni Tay.

AMOR

(maiinis)

Ayan. Dyan kayo magaling.

ROGELIO

(nangongonsensya)

Ni minsan sa halos dalawampung taon, wala, Wala ni anino nyo ang nakabalik dito. Ni hindi ko man

lang kilala ang asawa mo, at anak at apo mo. Sa piktyur lang nak. Sa piktyur lang.

(maiiyak)

Alam kong umalis si Minyo para lumayo sa puder ko. Pero kung may nagawa man ako sa inyong

masama ng mga kapatid mo, pasensya na. Pero mahal ko pa rin kayo.

22
AMOR

Ssshhh, ssshhh! Ill try my best. Please? Mabilisan ang buhay dito, maraming ginagawa. I promise. Ill

work this out. Sige na, tay. Magpahinga kayo.

ROGELIO

Kelan kayo uuwi dito?

AMOR

Tay

Ibaba ni Rogelio ang telepono.

Patuloy lamang sya sa pag-iyak habang yapus-yapos ang dialer. Babalik syang muli sa tinutulugan ni Pacing at

pagmamasdan nya ito bago tumabi. Ngunit hindi na humihinga si Pacing. Luluhod sya sa tabi nito habang paulit-

ulit na binibigkas ang ngalan ni Pacing. Susubukan nyang tawagan ang numero ni Amor, ngunit walang linya sa

kabila nito.

Patuloy lamang sa pag-iyak si Rogelio, hindi alam ang gagawin.Hindi makatayo ng maayos sa kalasingan.

ROGELIO

Pacing!!! Tulong! Tu-tu-tulong!

Lights slowly fading out

Black out.

23
IKATLONG YUGTO

Lights fade in.

2000s.

Isang malaking bahay. May realtor at ang assistant nito ay may dala-dalang mga papeles, inililibot sa paligid ang

isang ginoo, nasa cuarenta anos na pero makisig pa rin ang pangangatawan, may balbas na nagpapatalas pa ng

kanyang mga panga, nakasalamin.

REALTOR

Sir, as you can see, the interior is intact. Theres the mahogany table, pretty much everything has

been preserved and taken care of. Ah, that telephone. Gumagana pa. Although as you may want to

renovate or remove some pieces, you can sign papers

GINOO

(pipigilan ang realtor)

Nothings going to be renovated. I like everything as it is. As it used to be.

(lilibutin ang bahay)

If I sell this house, how much would it cost? Yung nitty-gritty, lahat na?

REALTOR

That, we still need to discuss.

24
Pagmamasdan ng Ginoo ang paligid, iiling, at hahawakan ang telepono, ang parehong teleponong gamit ni Rogelio.

Lilibutin nya ang masters bedroom. Sa sulok ng silid, may isang malaking box, titignan nya ang mga laman nito.

May basura, sirang bumbilya, papel, kung anu-ano pa. Kukunin ng Ginoo ang isang litrato na nakakabit pa sa

basag na photo frame.

REALTOR

(susundan ang ginoo)

ASSISTANT

Sir, I also happen to review the documents you sent me from Italy, if by any chance, are you related

to the person who lived in this house three decades ago?

GINOO

(tinitignan ang mga lumang gamit, at hawak-hawak ang litratong nakita sa kumpol ng mga basura)

Always.

Black out.

WAKAS

25

You might also like