Professional Documents
Culture Documents
Sa kabilang banda, ang mga Pilipino ay konserbatibo sa mga bagay na ito. Para sa atin, ang sanggol
sa sinapupunan ng isang ina ay isang buhay na tao na may karapatang patuloy na mabuhay. Kaya
naman, ang batas tungkol sa aborsyon dito sa Pilipinas ay patuloy na nagbabawal sa ganitong
gawain. Nakalulungkot nga lang, may ilang mga kabataan ang maaagang nakikipagtalik dahil sa
kakulangan ng kaalaman at gabay ng magulang. Kapag sila ay nabuntis ng hindi inaasahan, aborsyon
ang kanilang tanging mapagpipilian.
Narito ang ilan sa mga argumento tungkol sa aborsyon. Para ito saiyo kung ikaw ay may ginagawang
pananaliksik tungkol sa aborsyon.
Ang babae ang magdidisisyon sa kung ano ang dapat mangyari sa kanyang katawan
Ang bawat bata ay may karapatan sa tamang pangangalaga at pagmamahal, kung hindi ito posible,
OK lang ang aborsyon
Maraming nang mga unwanted baby sa mundong over populated. Bakit ka pa magdaragdag kung
pwede naman ang aborsyon
Ang babae at ang kanyang mga kapamilya ay tiyak na may mga karapatan din, hindi lang ang hindi
pa naisisilang na sanggol
Ang mga babaeng ginahasa ay may karapatang sumailalim sa aborsyon para hindi na nila maalala
ang kababuyang nangyari sa kanila habang lumalaki ang kanilang naging anak
Kung ang bata ay isilang na baldado, ang ina lamang ang makapagdidisisyon kung kaya niya bang
asikasuhin ang bata
Ang pamilya na mahirap ay lalo pang maghihirap kung madaragdagan pa ng isa pang sanggol
Ang buhay ay hindi pa nagsisimula hanggang hindi pa naisisilang
Ang batang may malalang kaso ng pagkabaldado ay magkakaroon ng pangit na buhay na maaaring
magdulot din ng trauma sa kanyang mga magulang. Mas mabuti na raw na hindi na maisilang ang
sanggol
Bawat bata ay isang mahalagang regalo mula a Diyos. Wala tayong karapatan na sirain ang regalong
ito
Ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito
kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan
Ang karapatan ng hindi pa naisisilang na sanggol ay kapantay ng sa kanyang ina
Ang mga bata na may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring magkaroon ng magandang
buhay sa hinaharap. Ang aborsyon dahil sa mga kapansanan ay para naring pagsabi na ang may mga
kapansanan ay walang kwenta
Ang aborsyon ay pagpatay, ang sadyang pagkitil ng buhay ng tao
Ang mga doktor at nurse ay sumumpang magliligtas buhay, hindi pumatay
Ang fetus ay nakararamdam na rin ng sakit
Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin
ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28
serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang
mga asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na
nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng
napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng
hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng mga
Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata
namang nakakiling ang Purposive Communication sa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting
nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad
sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan ng
trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na
mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti
ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon
ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang
ganito: "General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and
the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood
amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the
gifts of nature and addressing social problems in the general education program increasingly
become more pressing." Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa
hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas
at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino
ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na
makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang
Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay
lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng
malaking puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.
Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito. hindi ba't
paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng
pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na
konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay
pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A,
Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at University of Moscow
sa Russia.
Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang filipino. Maghahain ito ng mga
mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad at
kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang
malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto,
tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa
bansa sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap
nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng
lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga
mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin ang
identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo!
Filipino, ang pambansang
wikang dapat pang
ipaglaban
Published August 26, 2014 2:26pm
By ANTONIO P. CONTRERAS
Dito na nauwi ang usapin kung ano ang tatahaking landas ng ating
wikang pambansa. Ang ganitong argumento ay tila binabandera ng
mga tutol na gamitin ang Filipino sa pagtuturo, lalo na sa mga
larangan ng Agham at Matematika, para palitawin na baka mauwi lang
ang usapan sa katatawanan.
Sa ganang akin, ang mas tanggap ko na salin, dahil ito ang likas at
mas maiintindihan ng kausap, ay Ang square root ng apat ay
dalawa. O kaya ay Ang square root ng 4 ay 2, na kung saan ang 4
ay bibigkasin na apat at ang 2 naman ay dalawa.
Naroon na ako. Marahil nga ay mas litaw ang mga salitang Tagalog
sa kasalukuyang balangkas ng Wikang Filipino. Ito ay patunay lang
siguro na sa obhetibong pagtaya, mas malawak ang gamit ng at pag-
kakaunawa saTagalog. Siguro nga, ito ay epekto ng katotohanang
dahil ang Maynila ang naging sentro ng kolonyal na Pamahalaan ay
dito rin nagmula ang lahat ng daloy ng pagbuo ng isang kamalayan
pambansa, mula sa pagtatag ng pamahalaan, sa pagpapalago ng
ekonomiya, at hanggang sa pagpapalaganap ng kulturang popular.
Nang nasa Butuan ako, ang nakita kong babala para huwag
pumarada ang mga sasakyan sa isang panig ng palengke doon ay
Bawal pumarada dito. Nang nasa Bikol ako, kahit na ginamit ko ang
Bikol Buhi para itanong sa tindera kung magkano ang maruya, na
kung tawagin namin ay sinapot, ang sinagot sa akin ng tindera ay
Tagalog. Sa buong kapuluan, aliw na aliw ang mga tao sa Eat
Bulaga na ini-ere sa Tagalog. Pinag-usapan ang kontrobersyal na
pagmamahalan ni Eric at Vincent sa My Husbands Lover na
bagamat ang pamagat ay sa Ingles ay malawakang tinangkilik
maging sa Kabisayaan at sa Mindanao na gamit ang Tagalog.
Tumatak din sa diskurso ng ordinaryong tao ang pangangaliwa nang
ipalabas ang The Legal Wife sa Tagalog, na ngayon ay sinundan ng
Ang Dalawang Mrs. Real na kung saan napapanood natin na
nagsasalita ng Tagalog maging ang mga karakter na dapat sana ay
mga Cebuano. Wala sa ating gawain ang mag-subtitle o mag-dubbing
ng mga telenovela at teleseryeng nagmumula sa mga network na
nakabase sa Manila at ang gamit ay Tagalog.
Subalit ang tanong ay ito: Tunay nga bang may gahum ang Filipino?
At walang gahum ang Tagalog sa Filipino, dahil bukas ang huli upang
pagyamanin ito ng iba pang wika. Ang patunay pa nga na walang
gahum ang Tagalog ay ang paulit-ulit ko na paggamit ng salitang
gahum na mula sa Cebuano, bilang salin ng hegemony.
Sa kalaunan, hindi naman talaga ang Ingles ang kaaway. Hindi dahil
ginagamit ang Ingles ay mabubura na ang Filipino.