You are on page 1of 4

ANG PAMANAHONG PAPEL

Pamanahong Papel isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga


estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay
kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang
paksa. Tinatawag din itong term paper.
BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL

MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS

a) Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang
ito sa madaling salita blangkong papel ito.

b) Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din


dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino
ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.

c) Dahong Pagpapatibay ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng


mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.

d) Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa


pagsasagawa ng pananaliksik gayoy nararapat na pasalamatan.

e) Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng


pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat
isa.

f) Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na
nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

g) Fly Leaf 2 isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.

KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

a) Ang Panimula o Introduksyon


>ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik.

b) B. Layunin ng Pag-aaral
> inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.
>Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

c) Kahalagahan ng Pag-aaral
> inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-
aaral. Inilalahad
dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.

d) Saklaw at Limitasyon
>tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik

e) Definisyon ng mga Terminolohiya


>ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isay binigyan ng
kahulugan. Maaaring itong:
Operational na Kahulugan kung paano ito ginamit sa pananaliksik
Conceptual na Kahulugan istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng


pananaliksik
tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

a. Disenyo ng Pananaliksik nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.
Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang
disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng
paksa ng pananaliksik.

b. Respondente tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.

c. Instrumento ng Pananaliksik inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa


pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at
kung maari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.

d. Tritment ng mga Datos inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang
mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil itoy isang pamanahong-papel lamang, hindi
kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o
bahagdan matapoos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng


tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang
analisis o pagsusuri.

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON

a) Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na


komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.

b) Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang


pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.

c) Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
naatuklasan sa pananaliksik.

MGA PANGHULING PAHINA

Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na
ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham,
formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng
mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa.

Katangian, Layunin at Gamit ng Akademikong Sulatin

Akademikong Sulatin

Ang Akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalamansa
ibat ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan,
reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at
saloobin.

Akademikong
Layunin at Gamit Katangian
Sulatin

Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng


Hindi gaanong mahaba,
akademikong papel para sa tesis,papel siyentipiko
organisado ayon sa
Abstrak at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong
pagkakasunod sunod ng
mapaikli o mabigyan ng buod ang mga
nilalaman.
akademikong papel.

Kinapapalooban ng overview ng
Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo
Sintesis akda. Organisado ayon sa sunod
para mabigyan ng buod, tulad ng maiklling kwento.
sunod na pangyayari sa kwento.

Ginagamit para sa personal profile ng isang tao,


May makatotohanang paglalahad
Bionote tulad ng kanyang academic career at iba pang
sa isang tao.
impormasyon ukol sa kanya.

Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa


gaganaping pagpupulong o pagtitipon. Nakapaloob Organisado at malinaw para
Memorandum
dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping maunawaan ng mabuti.
pagpupulong.

Agenda Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan Pormal at organisado para sa
tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng daloy ng
kaayusan ng at organsadong pagpupulong. pagpupulong..

Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais Pormal, nakabatay sa uri ng mga


Panukalang
ipatupad. Naglalayong mabigyan ng resolba ang tagapakinig at may malinaw ang
Proyekto
mga prolema at suliranin. ayos ng ideya..

Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang


Pormal, nakabatay sa uri ng mga
paksang naglalayong manghikayat, tumugod,
Talumpati tagapakinig at may malinaw ang
mangatwiran at magbigay ng kabatiran o
ayos ng ideya.
kaalaman.

Ito ay dapat na organisado ayon


Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga
Katitikan ng sa pagkakasunud-sunod ng mga
mahahalagang puntong nailahad sa isang
Pulong puntong napag-usapan at
pagpupulong.
makatotohanan.

Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam Ito ay nararapat na maging
Posisyong Papel mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi pormal at organisado ang
tanggap ng karamihan. pagkakasunod-sunod ng ideya.

Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw Isang replektib na karanasang
Replektibong
ang manunulat at nagrereplek. Nangangailangan personal sa buhay o sa mga
Sanaysay
ito ng reksyon at opinyon ng manunulat. binasa at napanood.

Organisado at may
Kakikitaan ng mas maraming larawano litrato kaysa makabuluhang pagpapahayag sa
Pictorial Essay
sa mga salita. litrato na may 3-5 na
pangungusap.

Lakbay Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik Mas madami ang teksto kaysa sa
Sanaysay tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat. mga larawan.

You might also like