You are on page 1of 142

Huwag Mong Sakyan ang Buhawi

Efren R. Abueg

Kabanata I

GINISING si Mig ng mga katok sa pinto. Hindi agad siya bumangon at tinakpan
pa ng kumot ang dibdib na sinisigid ng lamig. Naririnig niya ng sa pagitan ng
mga pagkatok ang tikatik na mga patak ng ulan sa yerong bubong ng
dormitoryong iyon.
Mig! Telegrama. Ito na yata ang hinihintay mo!
Iyon si Clarita, ang dalagang anak ng namamahala ng dormitory.
Si bayani Maglalang, ang kaniyang roommate, ang paigtad na bumangon.
Tiningnan agada ng lumang orasan na nakapatong sa ibabaw ng mestisang
malapit sa bintana.
Lintek namang alarm clock yan, dispalinghado! bulalas nito at tuluyan nang
bumangon, kasabay ng kapa ng mga paa sa tsinelas nitong nasa ilalim ng
katreng bakal.
Mig, ano ba? kung matulog naman, parang mantika! naisip ni Mig na inis na
si Clarita.
Bumaling sa Kaniya si Bayani. Alam niyang nakita siya nitong dilat, ngunit
nagkunwari siyang walang naririnig.
O, yung MU mo. Tuloy pa nito at bumangon sa katre. Ikaw, ha? Keso nang
lumalapit sa daga!
Balingkinitang lalaki si Bayani sa edad na trentay siyete, may matipunong
mga bisig na bumagay sa malapad na paypay nito. Waring dumadaudos ang
balakang nito papaliit sa mga hita ta binti. Pangahan ito at sa masayang
mukha, laging nag-uusisa ang pilyong mga mata nito.
Ngiting-ngiti, tinungo ni Bayani ang pinto at binuksan iyon. Pumasok agad si
Clarita. Bilugan ang katawan ng babae, may supladahing mukha at kung
kinapos sa taas man lamang na limang talampakan, pangangarapin ito ng
isang lalaking mahilig sa abentura. Paburarang sumalampak ito sa katreng
binakante ni Bayani na naiwan sa tabi ng pintuan.
Mig, telagrama. Siguro, biso to ng inaaplayan mong trabaho!
Idinuldol ni Clarita ang telegrama sa mukha ng binate. Nakahablot na ng
kumot si Mig, sabat takip niyon sa nakalisting niyang katawan.
Nakalingong napasa-banyo naman si Bayani, patudyong sumipol-sipol
kasabay ng lagaslas ng tubig sa baldosa. Halatang itinataboy nito ang lamig ng
tubig sa umaga.
Maliwanag ang mensaheng nakapaloob sa telegrama. Biyernes ngayon. Sa
lunes ng umaga, pinagrereport siya sa Salazar & Salazar Law Offices.
Tingnan ko nga, at tinangkang hablutin ni Clarita kay Mi gang telegrama.
Clarita naman! paanas, pero gigil na sabi ni Mig. Baka makita ka rito ng
ibang boards
Patindig na dumabog si Clarita. Matalim na inirapan si Mig, ang katuwaang
hatid ng telegrama. Isa sa mga pinakamalaki at pinakatanyag ang Salazar &
Salazar Law Offices sa Legaspi Village. Mga bar topnotcher lamang ang
tinatanggap doon pagkaraan ng masusing interbyu. Hindi lamang
panlabinglima siya sa mga nakapasa sa bar nitong nakaraang eksamen;
mahusay pa siyang orador. Naging team captain siya ng debating team sa
kanilang unibersidad bago siya nagtuloy sa law proper. Kilala rin ang
nagrekomenda sa kaniya: si Justice Ramon Fernando, naging propesor
Dumaan siya sa pinakasalas ng dormitoryo na ang isang bahagi ay ginawang
kwartong inookupahan ng dalaga, kasama ng mga magulang at ng dalawa
pang nakababatang kapatid nito.
Kung galit ka, basta iiwan ko rin, isang matamis na salamat! sabi ni Mig
at nagtatawang tinalikuran ang dalaga.
Mula nang samahan ni Mig si Clarita, sa paki-usap ng mga magulang nito,
sa isang sayawan sa Hyatt, naging malapit na ito sa kaniya. Asikaso siya sa
mga pangangailangan niya sa dormitoryo at pinabibigyan siya kung nagluluto
ang pamilya nito ng espesyal na mga ulam. Hindi niya maaaring patulan si
Clarita. Una, nasa loob ng bakuran nila, ang dormitoryo. Ikalawa, wala
naman siyang espesyal na damdamin dito. Didinuwebe pa lamang ito. Tingin
niya, may infatuation lamang ito sa kaniya.
Gayon man, ayaw ni Mig na saktan si Clarita. Ibig niyang ipakita rito na
hindi niya ito winawalang-bahala. Ibig niyang ibigay dito ang pagpapahalagang
dapat lamang magmula sa isang edukadong tulad niya. Pag-uwi niya nang
gabing iyon, may bitbit siyang kalahating dosenang balot na mainit-init pa.
Dalawa kay Clarita. Ang iba, sa pamilya nito.
Nasa salas si Clarita nang dumating si Mig. May kausap ito sa telepono.
Isang kaklase siguro, naisip niya. Mga librong hihiramin sa National Library
ang dinig niyang pinag-uusapan. Nagkomento siya: hindi nailalabas ang mga
libro sa Pambansang Aklatan. For room use only.
Alam ko po yon, kaya nga inexplika ko kay Erly, sabi nito, sabay ismid
uli pagkababa sa telepono.
Parang nagpatintero sila nang harangan niya ito sa pagtalilis.
Teka, saan ka pupunta? Tingnan mo naman ang pasalubong ko sayo?
Napatigil ito, saka parang nagliwanag na bombilya ang mukha. Lumabas
ang ang sungki nitong mga ngipin sa pagkakangiti.
Henga? ang tugon, hindi makapaniwala.
Iniabot ni Mig ang supot ang mga supot na kanginay ikinubli niya sa
kaniyang likuran. Sinunggaban iyon ni Clarita.
Balot? Sa puti ba ito? Salamat, ha? Alam mo palang paborito ko!
Blow-out ko yan sayo dahil dun sa telegrama.
Nandilat si Clarita, saka sumimangot. Blow-out! Ito lang? Kuripot!
Nagtawa nang malakas si Mig. Humango sa alingawngaw ng kaniyang
halakhak ang kuriring ng telepono.
Hello? Si Clarita ang sumagot.
Pagkakataon nang makapsok siya sa kaniyang kwarto, naisip ni Mig. Baka
idetine siya ng dalaga sa salas. Gulilat si Clarita, tumaas ang boses.
Ulitin nga ninyo! Nasaan ho?
Parang isang kidlat na gumuhit sa kalawakan ang pagkabuo ng hinala sas
utak ni Mig. Natilihan siya. Nang iabot sa kaniya si Clarita ang telepono, may
katal siyang nakita sa labi nito.
Si Bayani May lamat ang boses nito.
Maliwanag ang mensahe ng lalaking nagsasalita. Nabaril si Bayani sa
aklasan sa Vertex Rubber. Malubha. Dinala ito sa Jose Reyes Memorial
Hospital sa may San Lazaro.
Sa tiyan ho ang tama
KABANATA 2
Pinagmasdan ni Mig ang katawang nakalatag sa isang kulay-kapeng
kabaong. Nakasuot si Bayani ng kremang pantalon at puting polo barong. Iyon
ang pinakamaayos na damit na nakuha niya sa canvas nitong aparador.
May bahid ng pulang make-up ang mukha nitong nakapagpapusyaw sa
kaputlaan niyon. Payapa ang kaanyuan nito sa pagkakapikit, gayong ang
mariing pagkakasara ng bibig at pagkakatikwas ng panga ay nag-iwan ng
tanda ng paglaban.
Patay na si Bayani nang idating sa Jose Reyes Memorial Hospital. Hindi
naampat sa operating room ang dugong bumulwak mula sa mga sugat nito.
Nang magpakilala siya sa doktor na kaibigan siya ni Bayani, dinumog siya ng
apat na ahente ng purenarya. Nagkataong dumating na ang ilang opisyal ng
MAKAMASA. Napagkayarian nilang paglamayan ang bangkay ni Bayani sa
maliit na purenaryang iyon sa Paco.
Kapatid ba kayo ng namatay? Parang narinig niyang sabi ng isang babae,
ngunit tigib ang kamalayan miya ng mga gunita ni Bayani at wala nang ibang
bagay na nagkapuwang doon.
Dalawang gabi lamang paglalamayan si Bayani. Kulang sa panggastos. Ibig
din na makiramay at makapagbigay ng kahit kusing na kontribusyon ang mga
manggagawang kabilang sa MAKAMASA. Pagkaraan niyon, ilalagak na ito sa
isang mababang sulok ng Cementerio del Norte. Di magtatagal at mabubulok
doon ang ititindig na krus na kahoy.
Mister, kapatid nyo siya? Ngayon, tiyak niyang may nagtatanong at
katabi lamang niya.
Nakatingala nga kay Mig ang isang babae, itim na itim ang mga mata nito,
tiim ang bibig. Sa pagkakatingin sa kaniya, desidido ang babae na makakuha
sa kaniya ng kailangang sagot.
Roommate ko siya sa dorm, may dalawang taon, marahan niyang sagot.
Akala ko,younger brother ka.
Ulila na siya. Kaming mga kaibigan niya ang nag-aasikaso sa lamay na ito
at pagpapalibing.
Ikaw, pwede mo akong tulungan? ulit ng babae, nakatingala pa rin sa
kaniya.
Tumitig siyang nag-usisa sa babae.
A, nalimutan ko ako si Rina Vergara, bagong reporter ng Daily Globe.
Gusto kong gumawa ng istorya tungkol kay Bayani Maglang.
Hindi ko kilalang dyaryo ang Daily Globe
Tabloid lang kami. Okey naman ang aming circulation, nahihiya waring
sambot, kasabay ng pagyuko.
Kinagalitan ni Mig ang sarili dahil sa naibukambibig niya.
Sige, tutulungan kita. Dun tayo sa sulok. Konti ang mga tao roon.
Talaga?Tumingala uli ang babae, may ningning na ang itim na mga mata.
Matagal na tumunghay si Mig sa matang iyon.
Ba-baka naman gusto mong magpakilala? Magaan ang tinig ng babae.
Basta ako, tawagin mo na lang Rina, ha?
Mig mula sa Igmidio Magdiwang. Bagong pasa sa bar. Nag-iisang anak
na lalaki ng isang dating principal sa Pila, Laguna.
Taga-Taytay ako.
Bakit mo kilala si Bayani?
Hindi ko siya kilala. yung editor namin. Pre-martial law daw, labor leader
na siya. Ex-detainee. Alamatna raw siya. Di pa tumigil.
E, ano ang gusto mong isulattungkol sa kaniya?
Lahat-lahat, basta interesting. Siyempre, ipopokus ko sa kaniyang
paninindigan, sa kaniyang pakikipaglaban. Sabi ng editor ko, write

KABANATA 3
GINISING si Mig ng kung anong dantay sa kaniyang mukha. Nakita niyang
madilim pa ang paligid, ngunit sa pusyaw ng liwanag sa may durungawan ng
kaniyang silid, batid niyang pagpapalapit na ang umaga.
Akala niyay dinadalaw siya ni Bayani at sandaling nanindig ang
kaniyang balahibo. Nang makaaninaw na siya, ang humubog sa kaniyang
paningin ay anyo ng isang babae.
Clarita! paos, takot ang kaniyang tinig.
Yumuko si Clarita, isinunod ang katawan sa pagdaiti kay Mig at kahit
nakasangga ang kaniyang isang bisig, ang babae ay tuluyan nang nakayakap
sa kaniya.
Ano bang nangyayari sayo? tumaas na ang kaniyang tinig, ngunit pigil
pa rin iyon.
Naramdaman niya ang paghikbi ni Clarita, ang idiniing lambot ng dibdib nito
sa kaniyang dibdib. Nalanghap niya ang halimuyak-babae ng katawan nito.
Mahal kita, Mig, anas din ni Clarita.
Pinilit ni Mig na baklasin ang dalaga sa pagkakayakap sa kaniya. Tinugon iyon
ng mahina nitong paghikbi. Tuwing kikilos siya upang mabaklas ang
pagkakayakap nito, lumalakas ang paghikbing kaniyang naririnig.
Clarita hanapin ka ng Mommy mo
Hindi pinansin ni Clarita ang kaniyang babala. Hinalikan siya nito, idiniin ang
katawan sa kanyang katawan at wariy ulap na lumambong sa kaniya ang
halimuyak nito.
Sinikil ni Mig ang pitlag ng kaniyang pagkalalaki. Siklab ang sumakmal sa
kaniyang katawan. Nagbabala ang kaniyang isip. At kahit ang lambot at tamis
ng bibig ni Clarita ay kumintal sa kaniyang pandama, nagawa niya ang
umigtad, bumangong tangay ang babae, humihingal na inilayo ang katawan
nito sa kaniya.
Alam mo naming hindi tama ang ginagawa mong ito, hindi ba?
Bakit? Mali ba ang umibig?Mali ba? May nguyngoy na kanginay hikbi ni
Clarita.
Tinakpan ni Mig ang bibig nito. Inilapit ang kaniyang mukha sa mga mata nito.
Makinig ka, Clarita. Bata ka pa. hindi mo pa alam ang pag-ibig.
Huh! Iniiwas ni Clarita ang tingin kay Mig. Ayaw mo lang sa akin. Abugado
ka na kas. Siguro, nakagusto ka nan g ibang babae. Siguro, yung kausap mo
don sa lamay ni Bayani!
Napitlag yakapin ni Mig si Clarita. Iniyupyop niya ang mukha nito sa kaniyang
balikat.
Alam mo ba, Clarita, na ikaw ang babaing pinakamalapit sa akin ditto sa
maynila. Malaking serbisyo mo sa akin. Lalo na nitong nag-review ako.
Gumigising ka sa hatinggabi, ipipagtimpla ako ng kape. Mahalaga sa akin
yon.
Ganoon palay ano tong mga sinasabi mo ? Bat parang mandidiri ka sa
akin?
Hinaplos ni Mig sa likod si Clarita. Iniguygoy niya ito parang bata. Nabigla
ako. Ikaw man, mabibigla kung magising kang may ibang tao sa silid mo.
Hindi naman ako ibang tao, e..
Hindi naman kita nakilala agad, at binitawan nan i Mig si Clarita nang
maramdaman niyang payapa na ang dibdib nito. Saka tandaan mo, Clarita,
na hindi magandang tingan sa isang babae ang pumasok sa silid ng isang
lalaki, lalo nat nag-iisa ito. Mapipintasan ka. Ayokong piatas an ka, Clarita.
Gusto ko, igalang ka. Maganda ka, Clarita. May pinag-aralan, may magandang
career kung magpapatuloy ka. Hindi ngayon ka lang nabubuhay, Clarita.
Mat tama na ito, naisip ni Mig. Humikbi pa rin ngunit halata niyang gawa-
gawa na lamang. Mababaw na ang pagkaaba nito sa sarili.
Hinawakan ni Mig sa isang palad si Clarita. Pinisil iyon. Makalwa. Makatlo.
Siguro naman, naiintindihan mo ako, Clarita, ano?
Tumingin sa kaniya ang dalaga. Noon naisip ni Mig na umga na. kitang-kita
niya ang basang mga pisngi nito. Pati ang mga matang waring isinusuko sa
kaniya ang lahat ng ibig sabihin ng mga iyon.
Tumango ito. Wala na ang mga hikbi.
Akala ko, no pansin ako sayo, wikang may bahid na ng sigla ang tinig.
Maganda ba talaga ako?
Binitiwan ni Mig ang palad ni Clarita. Tumawa siya.
Siyempre, maganda ka. At saka wala naming pangit sa mundong ito, e. Yung
anak nga ng gorilya, siyempre, maganda yon sa tingin ng kaniyang mga
magulang, ng kaniyang mga kapwa anak-gorilya.
Ano? Ano? Pati gorilya. Isinama mo sa usapang ito, at pinagkukurot
siya ni Clarita sa baywang.
Paimpit siyang nagtatawa. Inaawat niya ang dalaga.
Sige na, punta ka sa kusina. Magtimpla ka ng kape. Susunod na ako!
Tumigil naman sa kakukurot ang dalaga. Ngumiti nang ubod tamis. At
nakahinga nang maluwag si Mig nang walang kaluskos o ano mang ingay na
lumabas ito ng kaniyang silid.
Naisip ni Mig na dapat din niyang hangaan ang kaniyang sarili. Malakas
ang kaniyang pagpipigil. Alam niyang tinugon ng kaniyang katawan ang init na
inalay ni Clarita. Ngunit sandal lamang ang pagkadama niyang iyon.
PINAUPO siya ni Justice Ramon Fernando. Sa likod ng upuan nito,
nakapagkit wari sa dinding ang isang coat-of-arms ng korte Suprema, yari sa
kahoy. Sa kaniyang kanan, naroon ang isang bandilang Pilipino.
Nag-report na bas a Salazar & Salazar? usisa ng mahistrado na ang katawan
at mukha ay nagkukubli ng edad nitong mahigit nang sisenta. Makapal pa rin
ang buhok nito sa kaharap ay linaw at lalim ng isip, liksi sa kilos at karisma.
Hindi hangad maksagot si Mig. Napasulyap pa siya sa orasan sa kanang
dingding ng silid : alas onse ng umaga.
yan nga ho ang problema ko.
Hindi tumugon ang mahistrado. Nakatingin lamang sa kaniyang sasabihin.
Baka hindi ko ko matanggap ang appointment ko sa Salazar?
Nakaproblema ho akosa sarili.
Naghintay na naman ng iba pang sasabihin ang mahistrado. Nakatingin kay
Mig. Ngayon, may pagtataka.
Ganito ho yon. Justice. Salazar & Salazar para ho ang may hawak ng Vertex
Rubber Prodcuts sa Valenzula. Sa strike ho don napatay si Bayanu Maglalang,
yun hong best friend at roommate ko sa dormitory. Hindi ho makatarungan
ang pagkamatay kay Bayani. At kung ididipensa ng Salazars &Salazar ang
guwardiyang nakapatay sa kaibigan ko, hindi ko ho matatanggap yon. Mabigat
ho sa konsensya ko.
depende yon sa mga nangyari, Mig. May pagpapapagunita agad sa tinig ng
mahistrado.
Justice, pinag-aralan ko na ho ang lahat ng anggulo ng mga nagyari. Pulisya,
NBI at iba pang ulat..pamilyar na ho ako dyan. Alam ko ho ang gagawin ng
Salazar ..itatago ang lahat ng ebidensya laban sa guwardiya. Lalagyan ng legal
shield ang akusado.
Abugado ka na, Mig. Hinndi puso, kundi isip ang kailangan ng batas.
Pero jusrice, alam naman ho natin sa pag-aaral ang batas na its easy to
convict, but its difficult to find out the truth.
Napangiti si justice Ramon Fernando.
Alam mo Mig, sa lahat ng mga estuyante ikaw ang lagi nang socially-
conscious. Yung marami, plain study lang pinagkakaabalahan. Pero ikaw,
yung implikasyon ng pag-aaral, iniisip mo. Transcendental ka, Mighindi ka
nasisiyahan sa mga sinasabi sayo. Kumakabila pa roon,
Salamat ho sa papuri nyo, Justice. Kaya, ho akong nagpunta rito, ibig kong
kayo, Justice. Kaya ho ako nagpunta rito, ibig kong kayo ang unang makaalam
ng desisyon ko.
Mag-a-apply na lang ako sa iba.
Akon a ang bahalang tumawag kay Atty. Pablo. Pero may ibibilin ako yo bago
ka umalis. Isaisip mo lagi yong balance. Timbangin mo ang mga bagay-bagy:
puso at isip, katawan at kaluluwa. Nilikha ang mundong ito ng balance. Tao
lamang, tayo, ang sumisira sa pagkabalanseng iyan. Ayokong ikaw lamang ang
maging diperensiya kung sakaling ikaw ang magpapasiya sa pagkabalanseng
ito ng mundo.
Tumingin si Mig kay Justice Ramon Fernando. Hindi ito nakangiti.
Payapa ang mukha nito. Nandoon ang liwanag ng karunungan. Nandoon ang
pagmamahal sa karunungan.
Salamat ho, salamat ho sa maraming bagay na inyong ipinagkaloob sa
akin.
Nakatindig na siya. Tumayo na rin si Justice Ramon Fernando. Lumigid.
Inakbayan siya.
Good luck! sabi nito at kinipil ang balikat.
Take care, Sir! sabi niya, parang mahihiringan.
Hindi siya lumingon. Tuloy-tuloy siya sa paglabas. Naiiyak siya. Ayaw
niyang Makita si Justice Fernando na may isa na naming abugadong umiiyak.
hi!
May tapik na kasabay iyon sa kanyang balkat. Lumingon siya.
Nakatunghay sa kanya ang mukhang iyon. Parang umangat siya sa upuan.

KABANATA 4

TUMINDIG siya. Hindi binabawi ang tingin sa babae. nakangiti ito. waring
nagpapapasalamat sa pagbibigay-daan niya upang makakuha ito ng upuan sa
kaniyang tabi.
Remember me, Rina Vergara? paanas na baling sa kaniya nang nakaupo na
ito.
Nabasa kong istorya mo sa Daily Globe. Balanse. at naisip iya si Justice
Ramon Fernando sa huling tagubilin nito sa kaniya.
Talaga? ang alam ko, carried away ako ng istorya. nagsimpatiya ako sa
biktima.
nakatitig pa rin siya sa babae. parang may sinasalamin sia sa mukha nito.
Balita ko, katulong ka ng prosecuting attorney sa kaso ng kaibigan mo.
patuloy ng lalaki.
I cannot help it, masyadong api ang kaibigan ko.
they say your evidence is so weak
Puwede nga. isipin mo yung nakuhang bala sa katawan ni Bayani ay hindi
nanggaling sab aril ng guwardiyang tanging may pulbura sa kamay ayon sa
paraffin test ng NBI. iisa lang ang kahulugan niyon, itinago ang baril at
pinalitan sa sa mission order mg security agency na hindi ang death gun ang
hawak ng guwardiyang iyon.
Ganoo ba? Di malaman, talo kayo!
Pero tuloy din kami. Lahat ng anggulo, tinitingnan namin.
Ngumiti si Rina.
Mabuti ka talagang kaibigan. even in death, asikaso mo pa rin siya.
Teka, bat para kang nananalami sa mukha mo? may dumi ba?
napahiya si Mig.
Cmon youre blushing. nagbibiro lamang ako. bakit ka narito?
hindi pa rin makapagsalita si Mig.
Tapos na kasi ako sa pagcover ko sa labor problems and personalities.ngayon
naman, titingnan kong mga lawyer. di ba marami na ring human rights lawyer
ang napapatay?
Kaya mocovering one topic to another? And you,a woman?
nagsisi si Mig. hinusgahan niya: babae nga lamang si Rina.
Okey lang, basta, isa-isa lang!
Title yata ng Fernando Poe movie yan?
nagkatawanan na sila. hindi na nahihiya si Mig. hindi na rin naaalangan si
Rina sa kaniya sa pagtitig niya sa mukha nito.
Kanina pa ba nag-umpisa ang conference na ito?
Kauumpisahan lang.
Wag kang aalis, ha? alalay agad ni Rina. May blow-out ako para sayo.
For what?
sinansala si Mig ni Rina. nagsusulat na ito ng mga datos hinggil sa sinasabi ng
tagapagsalita na may hawak ng mikropono.
Kung Pati ang mga abugadong tulad ng mga criminal, anong seguridad ang
mahihingi ng ordinaryong mga mamamayan sa ating mga batas?
nangangahulugan lamang na helpless, wala nang magawa ang awtoridad sa
sitwasyon ngayon o kinukunsinti nila ang mga nangyayari?
Thats the heart of the problem, narinig ni Mig na wika ni Rina habang
nagsusulat sa notebook na dala nito.
Sa isang malaking restawran sa may T. Kalaw niyaya ni Rina si Mig.
maraming tao sa unang palapag, ngunit sa ikalaway iilan lamang ang
kostumer. mag-aala una nan g hapon.
Kumain ka ng gusto mo, ha? ani Rina. Fried Chicken, pata tim, sharks fin
soup
Paborito mong mga yon? ani Mig.
Tumango si Rina. At dessert na leche flan.
Dagdagan mo na lang ng kaunting pansit yung mga sinabi mo.
Order pa! tulak ni Rina.
Fiesta na sa akin yan, sambot ni Mig. At kung iisiping mahirap ang buhay
ngayaon
Wag nating pagusapan ang society, ha? Masakit sa ulo yan, problema!
Nagkatawanan sila. Pagkaraan, hindi sila nagkibuan. may ilang minutong
gumagawi kung saan-saan sa paligid ng restawran ang kanilang tingin.
Narinig ko sa isang reporter, you declined to be with Salazar & Salazar Law
Ofices?
Sinabi sayo ang dahilan?
More or less.
Dumating ang kanilang inorder. Nag-umpisa agad si Rina na halatang gutom
na gutom. Sumunod si Mig. mayamaya, nagkatawanan sila. Pareho nga silang
gutom.
Siguro, kaya ka nagdesisyon ng gayon dahil kaibigan mo ang involved.
Umiling si Mig. Napadighaya siya. Naisip ko, ibang oryentasyon ng Salazar
&Salazar. Its there for money.
Saan ka na ngayon?
Wala pa. Freelancing. Basta may kaso
Kahit walang pera?
Kahit walang pera.
Anong palagay mo sa HURLS?
nag-isip muna si Mig. Noon lamang siya naimbitahan sa HURLS. At araw pa
naming isinaayos ang pakikipag-alyansa nito sa ibat ibang lawyer organization
na nangangalaga sa mga karapatan ng mga mamamayan.
Ang Human Rights Laywers in Society o HURLS ay bago pa lamang, pero ang
mga layunin nito ay higit pa sa protesta. Gagawa ito ng mga kaparaanan
upang protektahan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa lahat ng sector: manggagawa, magsasaka, mga guro at iba pa.
Medyo radikal.
Pag-iinitan yan ng Intelligence
Kung hindi iuugnay sa underground
Ano ang posibilidad? ani Rina.
Idealists masyado ang mga kasapi.
Pati ikaw?
Naisip ni Mig ang sinabi ni Justice Ramon Fernando. Balanse. Ganoon nilikha
ang mundo.
Hindi ako idealist. Pragmatic ako.
Napatitig sa kaniya si Rina. Napangiti.
Good. Ayokong ang tulad mong may future as a lawyer ay masangkot sa isang
ideolohiyang tumitingin sa tao bilang kasangkapan ng estado kahit kagalingan
ng lahat ang layunin.
Nagtawa si Mig. Wala akong alam sa ideology, except yung napag-aralan
naming sa iskuwela.
Wala akong natandaan sa mga napag-aralan ko sa iskuwela, pero marami na
akong alam sa ideology. Masyadong malinaw nang magpaliwanag ang ating
mga diyaryo at magasin.
Tumawa uli si Mig. Ano bang ginagawa ng isang babaing tulad mo sa
propesyong yan?. Masyadong matrabaho, risky at wala naming pera?
Ano rin ang ginagawa mo sa kumperensiya ng HURLS at bakit hindi sa isang
kasong masabaw aksayahin ang panahon mo?
Nagkatawanan, saka nagkatinginan saglit.
Ewaan ko ba kung ano talga ang nagtutulak sa tao na magdesisyon nang
para di makabubuti sa kaniya? ani Mig.
Anong edad mo ha, Mig?
Twenty eight, sagot niya. Ikaw, Rina?
Twenty three
Marrying age, sabi ni Mig.
Nagtawan ako naniniwala sa live-in. okey lang yan sa isang lipunang hindi
chauvinistics, macho ang mga lalaki. kasi you look at us as objects, hindi mga
taong may damdami.
Careful, idinadambana ng mga lalaki ang kababaihan sa tahanan.
nagkatawanan sila sa mabilisang pagpapalitan ng mga salita.
Nagka-boyfriend ka na ba, Rina?
Hindi e, lahat ng nagustuhan koy wala naming gusto sa akin.
talaga?
Suya nga ako, e. Sa age ko, wala pa akong experience. Gusto ko sana, yung
spontaneous, yung malamim, yung di ko na malilimutan sa buhay ko.
darating din yon sayo.
Bakit, dumating na ba sayo?
Dumaan na.
Puwede, iistorya mo?
May sikad ng gunita. Makirot. Maantak. ayaw niyang gunitain.
Si Flora.
Ngunit hindi siya makapagpatuloy.

KABANATA 5
MAHAL mo pa siya, ano?
Napatawa si Mig. Tinawanan niya ang kaniyang sarili.
Matagal na yon, bago pa ako nag-umpisang mag-aral ng Law. Tapos naman
siya ng Business administration sa UE.
E, bakit kayo nagkahiwalay?
Gusto niya, mag-abroad kami.
Ikaw, ayaw mo?
Nakatitig siya kay Rina. Ewan ko. Hindi ganoon lamang ang nangyari.
Sinaktan siya ni Flora. Ginantihan.

MADALAS na silang magkita ni Flora bago binuksan nito sa kaniya ang paksa
ng pagpunta sa ibang bansa. Ngunit pagkaraan ng unang pag-uusap nila
hinggil doon, hindi ito dumalaw at nakialam sa mga gamit niya sa boarding
house.
Wala pa siya noon sa dormitory nina Clarita.
Umuulan, isang gabi, nagsadya siya sa bahay nina Flora sa Goodwill
Subdivision sa Sucat, Paranaque. Akala niyay magiging tikatik lamang ang
ulan, ngunit lumakas iyon. Basa na siya nang dumating kina Flora.
Namangha ito. Hindi agad siya pinapasok.
Bakit ka narito?
Habaan ang mukha ni Flora, malalim ang tsokolate nitong mga mata at
matangos ang ilong. Ngunit sa pagtatakang bumukas sa mukha nito, ang kinis
at lambot ng anyong iyon na kinabaliwan niya ay hindi umakit sa kaniya nang
gabing iyon.
Hindi sumagot si Mig. Nakatingin lamang kay Flora, naghihintay na papasukin
siya.
May bisita ako
Hindi siya tuminag. Kahit alam niyang pinaaalis siya, noon din.
Saka narinig nila ang busina sa may tarangkahan ng bahay. Tumakbo ang
isang babaing katulong sa bahay, binuksan iyon. Nang Makita siya ng mga
magulang ni Flora na siyang sakay ng kotse, pinatuloy siya.
Magkakasakit ka nyan, Mig, puna ni Misis Dazo.
Pahiramin mo siya ng damit, Mario. Magkasukat naman kayo ng Ktawan.
Tumuloy siya, ngunit hindi nagtungo sa pinakasalas ng bahay. Tumulo nga
ang damit niya. Hindi iyon ang dahilan. Sa isang sopa, nakaupo, nakdekwatro
ang isang lalaki. May gulang sa kaniya. magandang lalaki rin. Nagpapakita ng
tiwala sa sarili.
Hindi nah o, sabi ni Mig pagkaraang Makita ang lalaki.
Tutuloy na ho ako. Napadaan lamang naman ako.
Hindi siya napigil. Tinahak niya ang ulan. May kalahating oras bago siya
naksakay ng jeepney sa labasan.

TATLONG araw pagkaraan, nagtungo isang tanghali sa bourding house niya si


Flora. Nagyakag na lumabas. Nagtungo sila sa paborito nilang motel sa pasig.
madalang, ngunit buong araw kung magtungo sila sa motel na iyon.
Sorry, tinikis kita nung magpunta ka sa amin, halos naman na turing sa
kaniya ni Flora at yumupyop ito sa kaniyang dibdib.
Sino yung bisita mo?
Lumiligaw.
Okey naman siya sayo.
Lalong yumupyop si Flora sa kaniya, parang ibinabalik ang nawala niyang
tiwala rito.
Hwag na siyang paguusapan natin, Mig, sabi nito at hinarap siya, hinagkan
sa bibig at binuksan ang poloshirt niya sa dibdib.
Pinigil niya ni Flora.
Saan mo siya nakilala?
Nakita ko siya sa embassy, nung mag-apply ako ng visa.
Ganoon mo siya katagal-kakilala?
Two weeks
Parang walang ano man kay Flora ang pa-uusap nilang iyon. Ibinuyangyang na
nito nang tuluyan ang dibdib ni Mig. Hinaplos iyon. Pababa, pataas.
Wala yon, Mig, paniniyak ni Flora na nakayakap na.
Mahal kiat, Mig.
Malakas na ang agos. Natatangay na siya. Sinasaklot siya ng malaking bulwak
ng tubig.
Nakaluhod na si Flora.
Nahubaran na rin siya ni Flora.
Ngayon, nagbabanta ang uli-uli. Hinihigop na siya.
Kumakapit siya nang mahigpit. Malulunod na siya. Ibig niyang sumigaw.
Ano ba? Hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko?
Si Flora. Nakadapa, maputi, malambot, parang bulak ang kutis. Nakasampa sa
kaniyang dibdib ang kalahati ng katawan nito. Hupa na nag daluyong sa
kanilang katawan at kalooban.
Ano bang sinabi mo?
Ibig kong pag-usapan uli natin ang pag-abroad natin.
Mag-aabugado ako, Flora.
Alam ko yon. Pero maari mong gawin yon pagkaraang makagaling tayo sa
ibang bansa. Four yeasrs after. Six Years. Bata ka pa. O maaaring doon ka na
mag-aral. Pagtutulungan natin.
Iisa akong anak. May tungkulin akong pakinggan. Gusto kong magabroad.
May obligasyon ako sa dalawa kong kapatid. Sa tumatanda ko nang ama, ina.
Gusto kong mapaginhawa sila.
Tinitigan pa siya ni Flora. Mapungay ang mga mata.
Ngayon n asana. Ayoko ng maliit na bahay.Lumang kotse. Lugar na parang
bukid. Samahan mo na ako, Mig.
Mahal kita, Mig.
Sumubsob si Flora sa kaniyang leeg. Humalik at umiyak doon. Naglambing,
tulad ng dating ginagawa, hanggang sa mangako siyang iisipin ang sinasabi
nito.
TINAMPAL siya ni Rina sa kamao niyang nakapatong sa mesa.
Ang lalim ng iniisip ng mamang ito, sabing nakangiti, nangungusap pati mga
mata.
Hindi
Ano bang dessert ang gusto mo?Leche flan ang paboito kong himagas.
Leche flan nga ang paboritong himagas ni Flora. Hindi naman ito tumataba.
Balingkiniti. Seksi.
Yon na rin.
Tinawag ni Rina ang waiter.
PINAGISIPAN niya ang gusto ni Flora. Ngunit talagang ayaw niyang mangibang
bansa. Maraming dahilan. Sinabi na niya. Noon pa.
Makasarili ka, Mg, sabi ni Flora nang magpunta uli sa motel na iyon. Apat
na taon akong naghintay sayo. Dalawang taon ko nang ibinibigay ang sarili ko
sayo. Handa pa siguro akong magbigay ng another two years sayo.
Maari kang sumunod kung yaw mong lumakad ngayon. Makapaghihintay ako,
Mig.
Ayaw kong maging plastics sayo, Flora. Talagang ayaw ko sa ibang bansa.
Ang paniwala koy uunlad ditto sa atin. Palagay koy nasisiyahan ako rito.
Inilagay mo ako sa alanganin, MIg.
Hindi natin pinag-usapan yang pag-abroad nung mag-uumpisa tayo.
Mig, ayokong magkahiwalay tayo.
Siya naman ang nakadapa kay Flora. Parang bangkang nakakawing ito sa
kaniya. Hupa na uli ang kanilang dibdib. Lumalamig na ang kanilang katawan.
Iyon ang huling punta nila ni Flora sa Pasig. Tumatawag na lamang ito sa
kaniya sa boarding house. Nagkikita na lamang sila sa restawran. Patuloy pa
rin ito sa paghihintay sa visa. Hanggang isang araw, nagyakag si Flora sa
Tagaytay. Umupo sila sa alpombrang damuhan ng Agosto, sa isang dalisdis ng
Taal Lake.
Buntis ako , Mig.
Nakatingala si Mig sa langit. Bumaling siya rito. nagpahiwatig na hindi niya
narinig si Flora.
Buntis ako, Mig, ulit nito.
Aba, di hindi ka na makapag-a-abroad!
Ipalaglag ko to.
Ano? Una mong baby yan. Mag-isip ka.
Nakapapag-isip na ako.
Bat sinasabi mo sa akin?
Boyfriend pa rin kita, di ba?
Hindi siya nakakibo. Ngunit naalarma siya sa pasiya nito.
Kailangang pigilan niya ang balak ni Flora.

PINAKASALAN mi siya? usisa ni Rina, nawili na nang husto sa pakikinig sa


kaniyang kuwento.inalok ko. Nagulat ako. Ayaw. Katawan daw niya iyon. At
sa kalagayan niya, siya lang daw ang magpapasiya kung ilalaglag o hindi ang
bata.
Headstrong na babae.
Iginiit ko na dapat siyang pakasal sa akin. Pero alam mo ang kaniyang
isinagot?
Ayaw gambalain ni Rina ng sariling tinig ang kaniyang pakikinig.
Kahit gusto raw niyang pasakasal sa akin, hindi siya maaaring magpakasal!
Ang gulo! protesta ni Rina.
Hindi.May nalimutan lang ako.
Tumitig sa kaniya ang dalaga.
Hindi ko naitanong, dahil sa sobrang tiwala ko sa sarili, kung ako ang ama ng
bata.

KABANATA 6
SORRY, di ko pala dapat ipinakuwento ang buhay mo!
Okey lang yon, Rina. Sabi ko na sayo, matagal na. oo, masakit isipin, pero
tapos na yon. Saka naisip ko nga, pinaasa ko yung tao na kaming dalawa
habang buhay. Masakit sa kaniya na tanggihan kong gusto niya. Sumubo siya
kay Roger. May green card ang Daddy ni Roger. Natulungan sila pareho.
Nasa States na sila, ano?
Oo at ang bata.
Hindi ipina-abort?
Hindi nagging pang-abala sa pag-a-abroad niya. Hindi pa naman noon
halata.
Dumating ang himagas.kinain nila. Paminsan-minsan ay nagkakatingin sila.
Magtatawanan.
Are you sure, nostalgia na lang. Wala nang galit, wala nang hinanakit?
Narito ka na, kailangan pa ba ang mga yon?
Oy, wag kang magbiro. Pikon ako!
Naging masaya ang dulo ng kanilang tanghalian.
PISTA nang umuwi si Mig sa Mulawin. Nakapagtanim na sa mga linang,
maliban sa mga salog na dahil mababa ay lagi na lamang malalim ang tubig.
Hindi pa ito maaaring tamnan. Nahawan na rin ang mga sukal sa mga
duluhan at nakaabang na ang mga bagong balag para sa gumagapang na mga
gulay. Natabas na ang sobrang haba na mga sanga ng mga punong manga,
tsiko, kaymito at mga sinigwelas bilang paghahanda sa maaaring dumating na
mga bagyo.
May prusisyon sa San Isidro. May karera ng mga kalabaw. May habulan ng
mga hinuli at pinakawalang pugo para sa mga bata. May tunggaan ng mga
inuming tulad ng tuba, beer at markahang demonyo. Ngunit sa kabila ng
maingay na kasayahang iyon ay nangingibaw ang karaingan sa kamahalan ng
fertilizer at pesticide, irigasyon at upa sa mga kinakatulong sa bukid.
Panapat lang, sabi ni Kaka Indo kay Mig. Ang yumayaman e yung pabrika
ng pataba at gamot.
Hindi dapat mabahala si Mig sa kalagayang iyon. Tesorero sa kanilang
bayan ang kaniyang ama. Maestro sa primarya ang kaniyang ina. Sa Mulawin,
pinakamalapit na ngayon sa bayan, kinikilala ang pamilya nina Mig. Hindi sila
mayaman, ngunit pinagpipitagan ang kaunting kabuhayan nilang naimpok
mula sa pagpapatulo ng pawis. Kilala rin ang kanilang pamilya sa pagpulong
at pagsimpatiya sa mga walang-wala.
Dapat nga hong sukatin ang tagumpay ng land reform sa paglaki ng
kinikita ng mga magsasa, yung neto! sabi ni Mig kay Kaka indo.
Nakow, yang pag-aabugado ang atupagin mo at hindi tong pulitika. Masisira
ka lang, bata ka! babala sa kaniya ng matanda pagkarinig sa kaniyang sinabi.
May aktibista nang galing sa Mulawin. Romulo Sagadsad ang pangalan.
Nauna sa kaniya na magtapos ng haiskul. Saglit lang nag-aral sa Maynila.
Bumaba sa Mulawin nang ideklara ang martial law. Nagtago sa bundok. Kapag
walang mga sundalo, bumababa sa Mulawin at iba pang nayon. Natambangan
isang gabi nang manligaw sa isang tinder sa ponda.
Wag kang tumulad kay Mulong. Wala ka nang sasabihing hindi niya
sinabi. Umalis siya, bumalik at napatay, walang nagbago sa Mulawin. Tumindi
pang hirap dito.
Nagunita niya si bayani. Katulad ni Romulo Sagadsad. Nanindigan. May
ipinakipaglaban. Napatay.
Magreretiro na ako, sabi ng kanyang ama nang umuwi siya pagkaraang
libutin sa bukid ang kilala niyang mga magsasaka. Ibig kong ikaw ang
magpatuloy ng pangalan ko sa serbisyo sa gobyerno. May posisyon daw sa
Kapitolyo na inilaan sa yo si Gobernador. Technical assistant yata. Pumunta
kat ninong mo naman yon.
Hindi na makatingin si Mig sa kanyang ama at ina. May sumbat na
siyang nakikita, gayong hindi pa niya ibinubunyag ang nasa kanyang
kalooban.
Isinulat nyo na ho sa akin yan. At sinagot ko na kayo. Salamat na lang
ho kay Gobernador.
Magandang stepping stone, Mig, patuloy ng kani ama.
Pagkaraan,mailalagay ka bilang piskal, saka huwes depas. Maraming
posibilidad.
Pasensia na ho kayo, Nanay, Tatay. Alam kong nagkagasta kayo sa akin
nang malaki. Kinikilala ko ho yon. Pero may iba po akong balak.
Mapanganib ang panahon, Mig, salon g kanyang ina. Hindi mo na
ngayon alam, kung sino ang kaibigan at kaaway.
Mag-iingat ho ako. Saka baka naman makatawid tayo sa krisis. Baka
magkaroon ng malalaking pagbabago.
Maraming baka ang nasabi. Ng maraming tao. Sa maraming panahon
Sinabi niya iyon upang bigyan-tiwala ang kalooban ng kanyang mga magulang.
Walang katotohanan kapiraso man sa mga bakang iyon.
Malungkot ang mag-asawa sa dalawang lingo pa niyang pananatili sa
Mulawin. Nagpakain ang mga ito para sa pagaabugado ni Mig, ngunit mga
kapitbahay at malapit na kamag-anak lamang ang inimbita.
Kaya lamang naging masaya ang mga ito ay nang dumating si Clarita,
kasama ang tatlo pang dalaga. Ibig magbakasyon ng apat na araw. At
nakagaan ng kalooban ng matanda si Clarita.
Mahusay magluto ang bata yan, papuri ng kanyang ina isang
tanghaling tulungan ito ni Clarita habang ang tatlong dalaga ay kinayag ni Mig
nanguha ng bayabas sa duluhan. Alam na alam ang dapit isahog na mga
rekado.
Cook yata ho ako sa dormitory, pagmamalaki naman ni Clarita.
Tagatikim ko nga ho si Mig.
Nanananghalain na sila noon. Katabi ni Clarita si Mig. Paminsan-minsan
ay ipinaghihimay pa siya ni Clarita ng alinmangong-bukid.
Tapusin mo na agad, iha, ang pag-aaral mo. Mabuti na yung tapos bago
dumating ang kapalaran, sabi pa ng kaniyang ina.
Hindi ho problema yon, agaw ni Clarita. may private tutor naman ho
ako. Abugado pa!
Nagkatawan ang mga nananaghalan, abo tang mga halakhak sa bakuran
ng mga kapitbahay.
RUPRT BRIONES U DER ARREST! HURLS CRIES ILLEGAL!
Si Rupert Briones ang secretary-general ng hUman Rights Lawyers in Society.
hello?
Narinig ni Mig ang maingat na pag-aangat ng telepono. Narinig niya ang
mahinang paghinga sa kabilang dulo ng kawad.
Si Mig ito,
Si Pastor ito, nasaan ka?
Sa drudstore, nakikitawag. Anong lagay sa headquarters?
Walang tao kundi ako at si Deng. Magsasara na kami. Nagsipagtago na
ang mga kasama.
Bakit ba? Masyadong kapos ang impormasyon sa pagkadakip kay
Rupert?
May nagtanim, isang kalibre.45 at isang bag na polyeto. Frame-up ito.
Amoy-imprenta pa ang mga polyeto. Pinalilitaw sa isang polyeto na front
ang HURLS.
May abugado na bas i Rupert?
Inaasahan ka roon. Dumiretso ka na sa Crame. Magpipyano siya roon.
Babasahan ng impormasyon at kung wala nang lugar doon, ililipat siya
sa Camp Bagong Diwa.
Sige
Bumalik si Mig sa dormitory. Nakaupo sa gilid ng kaniyang kama si
Clarita. May nakapatong na tray ng pagkain sa mesang katabi ng kama.
Miryenda ka muna, sabi nito.
Nagmamadali ako. Nahuli si Rupert. Pupunta ako sa Crame.
Oy,niluto ko yata yan!
Sige na nga.
Ginatang mais. Tsa. Kapirasong biko. Nagustuhan ni Mig. May tumawag
sayo Mababa ang boses ni Clarita, parang ibig balewalain ang
sinasabi.
Nakaupo siya sa isang bangkito at nasa tabi niya, sa kanan, si Clarita,
parang ibig balewalain ang sinasabi.
Nakaupo siya sa isang bangkito at nasa tabi niya, sa kanan, si Clarita.
Binalingan niya ito at nakita niyang nakatungo.
Sino?
Rina.
A..?
Yun reporter ng Daily Globe?
Ano ang message?
Tawagin mo raw siya.
Sige..
Nakatingin sa kaniya si Clarita habang inuubos niya ang ginatang mais.
Pagkaraan, nagtungo siya sa banyo at naghilamos. Hindi na siya
nagpalit ng pantalon. Isang maluma-lumang t-shirt ang kaniyang isinuot.
Sumugod na siya sa Crame.
Naroon na siya Rina. Kausap ng isang major. May isinusulat sa maliit
nitong notebook.naka-slacks ito. Abuhin. Maputlang rosas ang kulay ng
t-shirt na suot. Nakayungyong sa mukha ang isang gagap na buhok.
Nakasulyap ang kausap sa major sa nakabukas na biyak ng t-shirt sa
dibdib.
Lumapit si Mig kay Rina.
Wala ka sa opisina, sumbat niya sa dalaga.
A, nandyan ka na pala, at sumenyas ito sa major na nagpapasalamat.
Umalis na tayo rito. Ayokong sumbit ka.

KABANATA 7

PAANAS ang babala ni Rina. Halos hatakin siyang palayo, hindi saklaw ang
tingin ng major na kausap nito kangina.
Bakit naman ako sasabit? mahinang usisa ni Mig.
Nakita kong listahan ng mga miyembro ng HURLS. Wala ka pa roon. Lumang
listahan yata.
Legit ang HURLS.
Walang legits sa panahong tiniyak na ng administrasyon kung ano at sino ang
panganib sa gobyernong ito. Nagkataong identified ang HURLS. Front
organization.
Nasa labas na sila, sa harap ng gusali. May sasakyang nakaparada sa kanan
ng hagdanang bato. Binuksan ni Rina ang pinto sa drivers side.
Kailangan kong makausap si Rupert.
Maraming panahon para siya kausapin, huwag ngaton.
Rina, sige na. Pupuntahan ko si Rupert.
Tumigas ang mukha ng dalaga. Mig, sinabi sa akin ni Major Curameng,
lalansagin ang HURLS. Pipigilin sa kulungan ang lahat ng mga kasapi, kung
kailangan. Ayokong mapabilang ka sa PDA.
Si Rupert, mapipi-PDA?
Lahat kayo.
legit ang HURLS, Rina. Hukuman lamang ang magpapasiya kung may ginawa
itong pagkakasala sa tingin ng estado.
Lumamig ang simoy. Umiitim ko kung sang building naka-detain si Rupert.
Lumakad si MIg, palayo sa gusaling iyon. May Quonset hut sa dakong
silangan. Nakasalubong niya isang sarhento. Ituro sa kaniya ang Quonset hut.
Nagmadali siya sa paghakbang. Patuloy ang paglamig ng hangin. Lumalakas
ang tampal ng hangin samga dahon.
Narinig niya ang lagunlong ng kotse sa kaniyang likuran. Paglingon niya,
nakatultol sa kaniya si Rina, nagmamaneho. Nakangiti ito.
Sige na.. taboy niya.
Sumungaw ang ulo ni Rina sa bintanang salamin. Hihintayin kita.
Tuluyan na siyang pumasok sa Quonset hut.
Usli-usli, di-pantay ang tumutubong balbas ni Rupert. Tabain ito, pandak at
malaki ang ulo. Mabagal kumilos. Ang katangi-tangi kay Rupert ay ang mga
mata nitong halos walang kurap, nagsusuri, naghahalukay ng mga bagay na
nasa ilalim. Edad kuwarenta ito.
Pinuntahan ako ni Pastor, sabi niya kay Rupert.
Umiling si Rupert. Umalis ka na, mag-lie low nang ilang linggo. Bahala na sa
akin sina senador Diokno at Tanada.
Kaya ko na ito.
Naririnig sila ng nagbabantay na enlisted men.
Ang HURLS, papaano gagalaw? Ibinaba ni Mi gang kaniyang boses.
Ngayon nga malalaman sa panahon ng krisis.
Sigurado ka, hindi ako kailangan?
Gusto kitang kasama, MIg, pero di rito sa detention cell. Umalis kana.
Sinunod ni MI gang gusto ni Rupert. Nagmamadali siyang lumabas ng Quonset
hut . nag-aabang pa rin si Rina. Lumalakas na ang ulan sa labas. Parang
bandilang iwinawagayway ng hangin ang mga sangang mabigat sa mga dahon.
Sinabi ni Mig kay Rina ang pag-uusap nila ni Rupert. Bumubuhos na ang
ulan.
Ihatid mo na ako sa dormitory, akong bahala sa gasoline, sabi ni Mig kay
Rina.
Masaya ka!
Akala ni Mig ay tinutudyo lamang siya ni Rina. Hindi niya pinansin ang
kanilang dinaraanang mga kalye. May balabal na bulak na likha ng ulan ang
kapaligiran.
Saan tayo pupunta?
Akong bahala sayo. Ligtas ka sa akin.
Hindi mapilit ni MIg si Rina na sabihin kung saan siya nito dadalhin. Sa
paminsang- minsang pagpatlang ng malalakas na hampas ng hangin at ulan,
nakikita niya ang paligid.
Nasa Sta. Mesa na tayo, sabi ni Mig.
Hindi sumagot si Rina. Nagpatuloy ang sasakyan sa pagtahak sa masungit na
panahon. Hanggang sa magkaanyubog ang isang bahay. Lumat yari sa kahoy
at yero. Abot ang tubig hanggang sa ikatlong baiting ng hagdanan. Sa tabi ng
hagdanan inihinto ni Rina ang sasakyan.
Etong amin.
Bakit dito?
ligtas ka rito.
Nanaog si Rina. Hiniklat ng hangin ang kaniyang hawak na payong. Hindi na
maibalik iyon sa orihinal na kaayusan, kay hindi na hinintay ni Mig na
magamit pa niya iyon sa ulan. Kumaripas siya ng takbo, patungo sa pintuan.
Hindi makaangi doon ang ulan.
Binuksan ni Rina ng susi ang pintuan. Kinapa nito ang switch ng ilaw. Nang
bumaha ng liwanag sa salas, narinig nila ang langitngit ng isang pintong
bumukas.
Rina.
Lumitaw sa isang pasilyo sa gagawing kanan ang isang lalaking may gulang na
limampu. Mukhang bata pa ang katawan, ngunit ang mukha ay marami nang
gatla. Walang ipinakitang emosyon ito sa harap ng dalawa.
Daddy, si Mig. Inabutan siya ng baha. Dito na kako siya matulog.
Nakakahiya ho sa inyo, sambit naman ni MIg.
May bakanteng kuwarto dyan sa mezzanine. Kung may bisita ay ipinag
agamit.
Nagpasalamat si Mig. Sinamahan siya roon ni Rina. May mga gamit sa loob.
Pati padyama ng lalaki ay may nakahanda.
Marami kaming kamag-anak mula sa probinsiya na dumadalaw sa main. Dito
sila natutulog.
Mukhang on the level ang Daddy mo.
Conservative din yan, pero malaki ang tiwala niya sa akin. Wala naman
akong sikreto sa kaniya.
O, ako nang bahala. Matulog ka na rin at gabi na.
Mag-ayos ka muna. Papanhik lamang ako. Pagbaba ko, magkakape tayo sa
kusina.
Hindi naman gaanong halata ang pagkabasa ng kaniyang pantaloon, kaya
padyamang pantaas na lamang ang kaniyang isinuot. Naghilamos siya,
nagsuklay ng buhok, saka tiningnan niya ang sarili sa salamin. Kumatok si
Rina sa pinto.
Halikat magkape tayo, sabi nito.
Nagkarobang maikli si Rina, hanta dang bilugan nitong mga hita. Nakaladlad
na ang buhok nitong pantay-balikat at may haplos na ng tubig ang mukha
nito. Mas maganda si Rina kung hindi nakaayos-panlakad, naisip ni Mig.
Sumunod siya kay Rina sa kusina. Nakita niya ang imbay ng balakang
nito, ang tatag ng laman sa mga binti at hita, ang samyo ng katawan nitoy
naiiwan sa kaniyang likuran. May ginigising sa kaniyang kalooban. May
ibinubulong sa kaniyang puso. May pinupukaw sa kaniyang katawan.
Dark o light? tanong ni Rina hinggil sa timpla ng kape.
Dark, pero ako nang magtitimpla.
Hindi siya pinakinggan ni Rina. Tinimpla ang kape niya at nang iabot ang
puswelo sa kaniya ay nasalat niya ang mainit nitong daliri. Nakatinginan sila.
Nag-usap saglit ang mga mata. Si Rina ang unang umiwas.
TINANGHALIAN ng gising si Mig. Napukaw siya ng salitaan sa ibaba. Nakita
niya, bahagyang nakaawang ang pinto ng silid. Dali-dali siyang bumangon.
Nagtungo sa banyo. Paglabas, nakahilamos na siya. Inayos niya ang kaniyang
natuyo nang t-shirt.
Saka niya narinig ang boses ni Rina.
Okey bang tulog mo? hindi nakatingin sa kaniya si Rina, parang nahihiya.
Nakakahiya naman, tanghali nap ala!
Nakapantalon na si Rina. Naroon ang ama ni Rina. Naasiwa si Mig.
Kain na, sabi ni Arsenio Veloso. Masikip lang yung kuwartong tinulugan
mo.
Maayos naman ho, sangga ni Mig sa waring pagpapaumanhin ng ama ni
Rina. Aalis na rin yata kayo.
Abugado ka pala. Ako, nego-negosyo na lang. Commerce graduate ako.
Finance. Pero ang hlig koy gumala, makipag-usap sa tao.
Okey nga ho yang negosyo. Malakas pa ang kita.
Hindi ngayon. Alam mo na naman. May krisis. Nabubuhay-buhay lang.
Ano ho ba ang negosyo ninyo?
Nagsu-supply ako ng canvas products sa army. Tolda. Sapatos. Canvas bags.
Iba pang kagamitan. Mahirap lang maningil. Red tape. PR. Kailangang
makisama.
Nakatingin ito kay Rina.
Hindi dahil sa akin. Dahil sa kaniya. Siya nagng nakatutulong sa negosyo ko.
Mahusay sa PR ang batang yan.
Si Daddy naman. Wala yon. Produkto ang pinag-uusapan dyan.
Dumipensa pa. sabi ko nga dyan, tulungan na lang akong mag-business.
Walang kita sa journalism. Marami pang disgrasya. Lalo na sa panahong ito.
Daddy. Parang naiinis si Rina. Ayokong sasabihin nyo uli yan. Ayokong
isipin nino man na influence peddler ako sa army.
Tatawa-tawang tinapos ni Arsenio Veloso ang pag-aalmusal. Tumindig.
Yan ang gusto ko sa anak kong yan, wikang nakatingin kay Mig. humble.
Kaya nga nagmamalaki ako. Napapadaldal tuloy.
Big mouth! Gigil ang bulalas ni Rina nang makaalis na ang ama nito.
Kabanata 8
Maraming nangyari sa kanyang buhay sapul nang maging abugado siya,
naisip ni Mig.
Napatay sa piket si Bayani. Tinaanggihan niya ang nanga-ngako ng
salaping puwesto sa Salazar & Salazar. Nabunyag na ang pagkahaling sa
kaniya ni Clarita na alam niyaang isang tukso. Nakilaala nita si Rina na
nagging dahilan ng kaniyang pagkalitosa sarili. At ngayon, dinakip si Rupert at
alalang-alala siya.
Ngunit hindi lamang pala ang mga iyon ang dumating sa kaniyang
buhay. Nang matiyak niyang hindi agad-agad makalalabas sa detention si
Rupertay nabuo na ang kaniyang pasiya.
Tinawag siya ni Clarita nang umagang iyon. Tulad nang dati, pumasok ito s
kaniyang silid, walang paniming naupo sa gilid ng kaniyang kama.
Pastor daw
Si Pastor. Hindi na sila ngkita magmula nang isara ang headquartes g
HURLS. Nag lie low ang mga abugadong kasai ng samahan. Alinaw ang
patakaran. Mabuti na angnagtatago kaysa ang nakabilanggo na isang pasanin.
Kipit ang kumot sa kaniyang katawan, nagtungo si Mig sa banyo.
Dinampot ang pantalong nakasabit sa ulunan ng kaniyang higaan.
Saglit lang kaamo
Hindi tuminag si Clarita. Pinagmasdan ang kaniyang katawang hubad
hanggang baywang.
Baka mainip iyon, untg niya kay Clarita.
Saka lamang ito kumilos. Parang namalikmata.
Pastor, anong nangyari? usisa niya nang makalabas siya.
May miting mamaya gabi. Undisclosed pa ang lugar. Importante, lalo na
sayo..
Sa akin, bakit?
Hindi agad sumagot si Pastor sa kabilang dulo ng kawad. Parang may naisip.
Hindi ko dapat itong i-leak sayo, sabi ni Pastor. Pero ibig ko naming ikaw ay
makapaaghanda.
Si Mig naman ang hindi nakapagsalita agad.
Ikaw ang napagkasunduan na ilagay sa bagong posisyon, chairman ng
HURLS.
Hindi makapagsalita si Mig. Nagkonsensus ang mga kaasapi ng HURLS.
Magkikita kayo ni Deng sa Cindys, sabi ni Pastor. Alas otso. Siyang
magiging guide mo.
Patuloy ang pag-iisip niya.
Darating ka, ha? Ngayon, higit sa lahat, kailangan ka ng HURLS.
Sige, darating ako, nasabi na lamang ni Mig.
Ang babaing pumasok sa Cindys ay ordinaryo sa ganda, damit at paagkilos.
Wala pa itong limang talampakan. Ang kapansin-pansin lamang ditto ay ang
masayang liwanag ng mukha.
Mig, lika na, sabi nito, nag-aapura.
Kain ka muna, Deng.
Wag na. Hinihintay tayo ni Pastor.
Tumindig si Mig. Hindi na niyaa inubos ang juice sa plastic na inuman.
Sumunod na siya kay Deng na sumakay sa taksing nag-aabang.
Kumusta si Pastor?

Sa bahay ba naming nagtago ang kumaag. Akala tuloy ng Daddy ko,


magpapakasal na kami.
Natawa si Mis. Naisip niya si Pastor at Deng. Mutt & eff ang tawag nila sa
dalawa. Pandak si Deng; matangkad si Pastor. Ngunit magkasundong-
magkasundo ang dalawa sa ugali, panlasa, maging sa simpleng pananamit.
Sarap nyo naman. Di asikasong-asikaso mo si Pastor?
Tudyo ni Mig at saglit na napawi ang tensiyon na nakagapos sa kaniya.
Yung biyenan niyang hilaw ang nag-aasikaso. Alam kasi ni Mommy na wala
akong alam na trabaho sa bahay.
Di inspired ka sa pagre-review sa bar?
Hindi pansin ni Deng ang panunudyo niya. Abala pa nga, e. Lagi akong
kinakausap at lagging HURLS ang paksa.
Huminto sila sa isang eskinita. Nagbayad si Deng at niyakag na bumaba si
Mig. Naglakad sila hanggang sa dulo ng eskinita. May isang luamang kotseng
nakaabang doon. Bumukas ang pinto sa hulihan.
Sakay na, Mig. Si Pastor ang nakita niya.
Pinauna ni Mig si Deng. Saka siya sumakay May dalawa pang kasama si
Pastor. Namumukhaan niya. Ang isay may hawak ng manibela.
Hindi nagtagal ang miting ng labinlimang kagawad ng National Executive
Council ng HURLS. Nakasangguni na sa karamihan sa mga kasapi ng
konseho. Isang malinis na pangalan ang kailangan ng HURLS. Kailangan din
na may malalim na interes at kakayahan.
Inihalal si Mig bilang chairman ng HURLS. Pinagyayakap siya ng mga naroon.
Isa na naming pangyayari ang dumating sa kaniyang buhay.
Ganyan din si Baayani. Puro bayan. Puro masa. Lagi naming problema at
kagipitan ang isinasagot ng bayan at ng masa. Napakain ba kayo ng bayan o
ng masa?
Look Clarita, harang ni Mig. Dinidiskas naman sa klase ang mga sinasabi
ko. Naiintindihan mo naman ako!
Malabo. Yun ngang propesor ko sa History istorya nang istorya tungkol sa
pre-martial law days. Org nang org. Organization ng nagpahamak kay Bayani,
ang naghatid kay Rupert sa detention cell.
Bata pa kasi.
Hinarap si Mig ni Clarita. Pinandilatan siya nito.
Bat ba di mo intindihin ang sarili mo? Bat ba ang kinabukasan moy di mo
ilagay sa isip mo? Org, bayan, masa, rally, protesta! Nakukulele na ako!
Nirerespeto kita sa opinyon mo, Clarita. Pero may paniwala ako, tulad ng
maraming nasa kalagayan ko, na imposibleng sumulong ang isang indibidwal
kung hindi natin isusulong ang pagakakaroon ng tunay na kalayaan. Kung
tayo ay Malaya, di mga banyaga at mga kasabwat na naghaharing-uri ang
magpapasiya ng kapalaran ng nakakarami. Tayo, tayo ang magpapasiya.
Imposibleng magpasiya nang pabor sa atin ang mga banyaga at kasabwat
nilang mga Pilipino.
Napakalaki ng niyayakap mo, Mig. Sakit natin yata yan. Bakit hindi na lang
tayo nakuntento sa magagawa natin para sa ating sarili?
Mag-aral ka, Cllarita. Magbasa ka. Makipagdiskusyon ka.
Hindi ko nalinawan ang lahat sa isang iglap lamang. Nang mapatay lamang sa
piket si Bayani nagliwanag sa akin ang lahat.
Tumungo si Clarita. Narinig niya ang mahina nitong paghikbi.
Ayokong mapatay ka sa piket. Ayoko!
Inabot ni Mig ang kamay ni Clarita. Maiintindihan mo rin ako, Clarita.
Tumindig si Mig. Iniwang hmihikbi ang dalaga.
BUKOD sa dalawang abugadong dating senador, si Mig ay nagharap ng
manipestasyon sa hukuman na kabilang siya sa mga nagtatanggol kay Rupert.
Alam ni Mig na madidiyaryo siya. Marami ang makakaalam na siya na ang
bagong taga-pangulo ng HURLS.
Kabilang sa mga nakaalam ang kaniyang ina. Dumating ito sa isang umaga.
Alas kuwatro, madilim pa nang umalis ito sa probinsiya.
Si Clarita na naman ang naghatid dito sa silid ni MIg.
Salamat, Clarita, iha at inalis ng isang braso sa pagkakaakbay ng dalaga.
Sige nat naabala kita.
Naintindihan ni Clarita na gusto nitong makasarilinan si Mig.
Nagustuhan naman ni Mig ang paglabas ni Clarita. Ayaw niyang apuyan nit
ang pagtutol ng kaniyang ina.
Hindi tinatawaran ng Tatay mo ang pasiya mong mamuno sa inyong
samahan. Pero ibig niyang ihatid ko sa iyo ang isang paalala na ang sitwasyon
ngayon sa bansa ay parang may darating na buhawi. Kailangan natin ang
magsuhay, mag-impok ng pagkain, laksan ang ating kalooban at huwag
mawalan ng pag-asa na ang lahat ay lilipas din. Pero sinabi rin niyang may isa
pang maaari tayong gawin. Ang umiwas kung makaiiwas sa buhawing ito.
Gumawa ng paraan. Huwag mong sakyan ang buhwi, anak, sabi ng Tatay mo.
Napatungo si Mig. Alam niya ng bigat ng dinadala sa kalooban ng kaniyang
ama. Gayon din ang dala-dalang bigat ng kaniyang ina. May bahagi rin sa
dala-dalang iyon sina Clarita at Rina na ayon sa hiwatig at pagsasalita ng mga
ito. At ibig niyang bigyan ang mga iyon ng pahalaga.
Kaya lamang
Nanay, hindi ko kayo itinatakwil. Alam kong ako lamang ang inyong anak.
Pero nang sumama ako sa HURLS , tumalikod na ako bilang anak lamang ng
mag-asawa. Naging anak na ako ng bayan.
Natigilan ang kaniyang ina. Alam niyang nakatingin ito sa kaniya. Hindi niya
masalubong ang tingin nito. Natatakot siyang matibag ang kaniyang pasiya.
Walang matalim na sandata laban sa luha. Walang bakal na kalooban sa
papagpapahayg ng pag-aaalala at pagmamahal.
Iginagalang kong sinabi mo, Mig, sabi ng kaniyang ina. Wala kaming
magagawa ng Tatay mo para baguhin ang kalooban mo. Abugado ka may
sariling pag-iisip. Hindi ka na nakasandig sa mga magulang. Kaya lang, mag-
ingat ka. Natatakot kami ng Tatay mo na hindi sapat ang aming panalangin
para iligtas ka sa mga haharapin mo.
Mabigat na mga pananalita. Nakadagan sa mga balikat niya. Tumindig siya at
niyakap ang ina. Hindi ito umiyak. Yumakap din ito at muli niyang nadama
ang init ng katawang ina na hinahanap ng isang sanggol.
Nang ihatid niya ang ina sa estaasyon ng bus, kumaway ito nang umalis siya.
Nadama niyang parang hindi na sila magkikitang muli.

Kabanata 9
INIABOT sa kaniya ni Clarita ang isang sulat, dala ng isang empleyado ng JRM
Messengerial Services. Walang return address sa kaliwang itaas ng sobre.
Hinintay ni Mig na mulabas si Clarita bago niya binuksan ang sulat.
Kay Rina galing ang sulat
Sabi: Alam kong kayang-kaya mo ang bago mong trabaho. May talino ka,
personlidad at interes. Ayokong batiin ka. Hindi kasi totoong natutuwa ako sa
nangyayari sa iyo. Iniiisip ko pa rin na nasa isang sikat na law office ka,
nagtatrabaho para maging isang law partner. Tawagan mo naman ako. O baka
naman sobra ang pagka-busy mo?
Nagmaamaktol si Clarita nang masalubong niya sa may salas. Dinampot niya
ang telepono.
Tinawaga niya ang Daily Globe.
Hello, si Mig ito. Sabi niya , nakasulyap kay Clarita na may ginagawang
kung ano sa bungad ng salas.
Tiyempo. May sinusulat ako rito.
Busy ka pala, saka na lang tayo mag-usap.
Ikaw ang sinusulat ko. Kulang ako ng data.
Bakit?
You desrve to make it on front pages. Chairman ka na.
Huwag na lang. Ayoko ng publicity.
Kailangan ni Rupert para hindi siya mabulok sa kulungan.
Naisip niya ang sinabi ni RIna, kapangyarihan ng peryodismo.
Sige,kailan tayo magkikita?
Ngayong tanghali. Natanggap mo nang sulat ko?
Oo, darating ako. Sa Midges?

HINDI nag-iisa si Rina nang dumating si Mig sa maliit na restawran na iyon sa


Padre Faura. May dalawang lalaki itong kasama, nakaniti sa kaniya nang
magpakilala.
Ako si Godo, Evening Clarion.
Clemen B. ng DZMT, sabi ng isa.
Tumingin si Mig kay Rina. Yung B. Baldoza. B lang ang pakilala niya para di
pansinin.
Nagtawanan ang dalawang laalaki.
Order na. Mukhang gutom ka, sabi pa ni Rina.
Gutom si Mig. Hindi siya gaanong nakapag-almusal. Masyadong asikaso siya
ni Clarita at ayaw niyang makahalata ang ina nito. May pikot pa rin kahit
nakarating na ang tao sa buwan, naisip niya.
Alam mo, Mig, sabi ni Rina nang kumakain na sila.
Kailangan mo itong mga kaibigan ko. Yung kaso ni Rupert, kailangang may
sustained publicity. Alam mo naman yung dailies, sa umpisa lang malaki ang
mga balita. Pag may sumunod na malalaking pangyayari, wala na ang nauna.
Kailangan mo pang gumawa ng drama.
Sympathetic kasi kami sa kalagayan ng mga detainee. Wala talagang laban sa
PDA. Kailangang suportahan.
Thanks, wika ni Mig na nakadama ng katuwaan.
Sabihin mo na sa dalawa ang masasabi mo. Tatanungin ka rin nila.
Pagkatapos, ako nang magpa-follow up.
Pagkakain, kinapanayam si Mig ng dalawang reporter. Ikadalawa nang hapon
nang matapos sila.
Hinintay ni Mig na ulitin ni Rina ang nasulat nito sa kaniya. Masaya si Rina.
Nagkukuwento tungkol sa isang outing nito at ng mga kasama noong Linggo.
Paminsan-minsan, relaxation naman, sabi pa nito. Niyay tungkol sa kanilang
dalawa ang pag-uusapan nila. At nagpaalam itong babalik sa opisina nang
hindi man lamang itinanong kung kailan sila magkikita.

TATLONG ARAW na sunod-sunod ang pagharap ni Mig sa korte. Mahina ang


ebidensiya ng military, ngunit mahusay ang prosecution. Nateknikal sina Mig
sa pagsusumite ng ilang papel, sa kawalan ng apidabit ng iniharap nilang mga
testigo at iba pa. Ngunit natitiyak ni Mig na maglalalabas nila si Rupert sa
lalong madaling panahon.
Pagkaraang mag-recess ang paglilitis, hindi inaasahan ni Mig ang darating.
Tinawagan siya ng tanggapan ng dalawang senador na kasama niya sa
pagtatanggol kay Rupert.
Attorney, lumabas na ang PDA. Hindi na matutuloy ang pagpapiyansa kay
Rupert. Aamendahan pa nila ang demanda ng conspiracy.
Conspiracy?
Dalawa sa mga nakalista sa mga kasanib ng HURLS ay testigo laban kay
Rupert. Umano, kasama ang mga ito ni Rupert sa pagbabalak ng mga hakbang
laban sa gobyerno.
Sinabi ng nasa kabilang dulo ng linya ang ngalan ng mga testigo.
Hindi ko sila kilala. Idinagdag lang nila ang pangalan sa listahan.
Makipag-meeting kayo kina Senador bukas, alas nuwebe.
Nagngitnggit si Mig. Natangay siya ng damdamin. Api si Rupert. Hindi
makatarungan ang pamahalaaan. Ngunit saglit naisip niya. Kailangan nitong
magtanggol. Kasangkapan nito ang military. Gagamitin iyon ng pamahalaan
upang maipag-tanggol ang sariling buhay nito.
Hindi ka dapat maghinanakit, Mig, sabi niya sa sarili.
Karapatan nila iyon.
Nagiging liberal, mapagpaubaya siya. Sinasabi na ng mga kasama niya at ng
iba pang radikal na organisasyon na ang pamahalaan ay hawak ng iilan aat
kumikilos para sa interes ng iilang ito. Bakit bibigyan pa niya ng katwiran
ito?
Dapat patunayang mali sila, dito man lamang sa kaso ni Rupert. Hindi sila
magagapi sa pagpoprotesta, sa pagsigaw-sigaw. Tatapatan naming ang
kanilang mga testigo.
Nakipagpulong nga si Mig sa dalawang dating senador. Pinag-uusapan nila ang
pagkumpleto sa mga papel na kailangan at sa ihaharap na mga testigo.
Tanghali na rin nang makatapos sila. Isang sekretarya ang nag-abot sa
kaniyang isang pirasong papel.
Narito ako sa reception room. Eleven pa ako rito. Magla-lunch tayo. Rina
Natuwa siya. Pagkakamay sa dalawang kausap ay nagmamadali siyang
lumabas. Naroon si Rina. Nakabestida. Hindi na ang lagi nitong suot na
pantalon, slacks. Hindi na rin T-Shirt ang pang-itaaas.
Saan tayo? sabi niya.
Birthday ko.
Nakatitig sa kaniya si Rina. Parang walang anuman ang pagkakasabi ng araw
ng kapanganakan nito. Parang may sina-salamin sa kaniyang mukha.
Di mo naman sinabi. Sana, nakabili ako kahit ano!
Gusto mo sa Ongpin? Maraming Chinese restaurant doon.
Kahit saan
Nakatindig na si Rina. Tinampal siya sa braso. Mayamaya, dalhin kita sa
turo-turo, sumama tuloy ang tiyan mo.
Kumakain ako sa turo-turo.
Alam ko. Pero may mga turo-turong nagsisilbi pa rin ng pagkaing panis na.
Bat ba tayo magtatalo sa negosyo ng turo-turo? Halika na!
Kinawit ni Rina si Mig. Nakadama ng katuwaan ang lalaki.
Nakadikit si Rina sa kanyang katawan. Nadarama niya ang init nito.
Gutom ka siguro. Hindi ka pinakain ng magigiting na senador?
Pinakainng maraming ebidensiya, mga tanong at iba pang kalabuan.
Nagtawa si Rina. Justice versus PDA. Alin kaya ang mananalo? Abangan angg
susunod na kabanata.
Masarap ang pagkain sa Manosa. Masikip ang restawran, ngunit talagang
masarap ang pagkain. Tinandaan iyon ni Mig. Gusto niya uling kumain
doonnang kasama si Rina.
Ngayong busog ka na, saan mo pa gustong pumunta?
Tumingin siya kay Rina.
Wala akong pera.
Alam ko iyon, kaya nagdala ako ng maraming pera.
Tama nang blow-out itong lunch.
Ipino-propose mo ba na sa pag-iisa ko ubusin ang araw ng birthday ko?
Napahiya si Mig. Dapat ay generous siya kay Rina, naisip niya. Nalilito lamang
siya sa sarili. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, ikikilos, at iisipin kung
kasama ang dalaga.
O hindi ka na sumagot!
Ikaw, nahihiya kasi ako. Mula nang magkakilala tayo, ikaw na lang ang
gumagasta. Ako ang lalaki.
Katwirang macho, Kung walang pera ang lalaki at meron naman si babae,
sino ang gagasta?
Nagtawa si Mig. Naintindihan niya ang dominanteng kalagayan ng mga lalaki.
Na siya dapat ang lahat. At ang mga babae ay tagasunod lamang.
May French film sa EDP, hindi bold, gusto mo?
Hindi pa nga ako nakakapanood doon.
Ano? Hindi ka pa nakakapila sa mga bold films sa Film Center.
Nagtuloy sila roon. Nakadalawa silang film. Madilim na nang lumabas sila.
Nagtungo sila Sa Fiesta Island. Tinanaw ang maabok na panganorin sa ibabaw
ng dagat.
At naisip ni Mig. Si Rina ang nagyaya sa kaniya sa Fiesta Island. Tahimik at
iilan ang taong namamasyal doon.
Nagpapakita ba ito ng motibo?

KABANATA 10
SINUPIL ni Mig sa isip ang tanong na iyon. Hindi lahat ng babaing sumasama
sa isang lalaki upang mamasyal, sa gayong oras ng gabi ay masasabing
umiibig dito. Maaaring ang babae ay nalulungkot, natatangay, natutuwa, at
maaaring sinusubok ang reaksiyon ng isang lalaki.
Pinagtawanan ni Mig ang kaniyang sarili.
Ngunit bakit bigla silang natahimik sa isat isa? Nakatingin si Rina sa laot.
Hindi naman siya makatagal ng pagtitig sa dalaga. Ano ang lihim ng kanilang
damdamin?
Natawa man si Mig sa sarili, hindi rin niya maitatwa na may nahuhubog na
damdamin sa kaniya para kay Rina Hindi nga lamang niya kilala. O natatakot
siyang makilala na iyon ngayon.
May iniisip ka, ano, Mig?
Ngayon, may dahilan siya upang patagalin ang tingin kay ina.
Bakit ba pag-aawayan ang pagmamahal sa bayan?
Nabigla si Mig sa layo ng sinabi ni Rina sa kaniyang inaasahan.
Paano yon? usisa niya.
Ikaw, kayo, na hayagan o lihim na binabansagang komunista ay madiin sa
pagsasabing mahal ninyo ang ating bayan.
Totoo yon, Rina, sabi ni MIg na handang magpaliwanag.
Pero sila, ang pagmamahal nila sa bayan ay hindi para sa lahat, kundi para
sa iilang naghaharing uri lamang.
Naghaharing uri? Sa mga bansang sosyolista, Rusya, Tsina, Cuba, East
Germany may mga naghaharing uri rin.
Ano ang pagkakaiba ng ruling classes na yan?
Bakit Hindi ba sa mga bansang yan ay may agwat din ang buhay ng mga
ordinaryong tao at ng mga nagpapatakbo sa pamahaalaan?
Napaparusahan sa kanila ang nagpapasasa!
Iba ang sa atin, kapitalista. May karapatan tayong gugulin ang ating
pinagtrabahuan hanggang ating gusto. Iyan ang insentibo, pampasigla upang
magbanat lalo ng buto ang mga tao at nang sa gayon ay higit na tumaas ang
pambansang produksiyon.
Pero ilang tao nga laamang ang nakikinabang. Sila ang may kapital, may
impluwensiya sa pulitika, may koneksyon sa mga dayuhan. Papaano ang
nakakarami? Ano ang oportunidad nila na maging mano-mano ang
kumpetisyon para umunlad?
Sinisikap ng pamahalaan na remedyuhan yan. May mga batas.
Umiling si MIg. Sino ba ang gumagawa ng mga batas?
Hindi bat ang naghaharing uri? Papaano sila makagagawa ng batas na pabor
sa marami at kontra sa kanila?
Mig, komunista ka nga. Ibig mo, tulad ng iyong mga kasama na ang ating
bayan ay isunod sa sistema ng Rusya o ng Tsina. Ibig mong wa akin ang
kapitalismo.
Wala kaming sinasabing ganyan!
Ewan ko, Mig, kung minsan, nalilito na ako sa nagyayaring conflict na ito sa
ating bayan. Siguro, kailangan na nating tumahimik sa pulitika, sa ideolohiya
at maka concentrate tayo sa pagapaunlad ng ating ekonomiya. Kaawa-awa ang
ating bayan.
Katahimikan sa ibabaw ng pagsasamantala sa mga mamamayan?
Mig, nalagot lang sa Daddy ko ang revolutionary tradition sa aming pamilya.
Sa ilalim ng mga kastila, lumalaban sa mga ninuno ko sa mga nanakop na
Englishmen. Nakibaka rin sila sa mga Muslim sa ngalan ng Kristiyanismo.
Noong rebolusyon ni Bonifacio, maraming kabilang sa aming angkan ang
nasangkot. Isang lolo ko sa panig ng aking ina ang naging ayudante ni
Hen.Antonio Luna. Basta lumaban lamang sila para sa kapakanan ng ating
bayan. Wala sa kanila kung sino ang nakatataas sa kanila. Ang pagsulong ng
bayan ang mahalaga.
Malabo ang kaniyang sinabi, naisip ni Mig. Ngunit iba ang pandaigdig na
pananaw ni Rina. Hindi nakikita ang tunay na sanhi ng pagkadayukdok ng
sambayanan.
Nagtawa si Mig. Nagpunta ba tayo rito para magtalo? Wala yata tayong
agreement na yan ang ating pag-uusapan! Really, I dont want to spoil your
birthday.
Tumingin sa kaniya si Rina. Kumikislap sa dilim ang mga mata nito. At may
nakita siya roonbunga marahil ng kaniyang sinabi.
Naniniwala ako sayo, at lumapit sa kaniya si Rina, sumiksik sa kaniya sa
pagkakaupo sa ibabaw ng batong pader na sangga sa mga alon.
May pitlag ng pagkalalaki kay Mig. Bigla at nagtutulak. Ipinatong niya sa
balikat ni Rina ang isang bisig niya. Kinabig niya ang mukha nito. Nang
tumingin sa kaniya ang dalaga, siniil niya ito ng halik.
Bango, init, lambot. Sumapol iyon sa pagkaunawa ni Mig. Tuluyan niya itong
iniharap sa kaniya, niyakap ng dalawang bisig, muling hinalikan.
Umungol muna si Rina. Ibig pumitlag. Parang ibong nagpiglas at hangad
lumaya. Hanggang doon lamang pala si Rina, naisip ni Mig. Bumuka nang
bahagya ang bibig nito, nasalat ng kaniyang dila ang dila ng dalaga.
Nakahahaling ang bango, init at lambot. Hawak ngayon sa baywang, inihiga
niya ito sa konkreto at batuhang pader. Lumapat ang kaniyang katawan sa
tapat ng pagkababae nito. Umungol uli si Rina. Napayakap ito, pabigla sa
kaniyang likod. Patuloy ang paghahalikan nilang pinuputol lamang ng
pasaglit-saglit na mga singhap.
Mga labinlimang minuto sila sa gayong ayos. Tinuklas na ng mga palad ni Mig
ang katawan ni Rina. Pumikit at umungol ang dalaga habang ang mga ilaw ng
mga bapor sa dagat ay tumitingkad, parang mga matang nakamasid, naiinggit
sa tanawin sa may pader.
Hindi sila makapagsalita nang matagal. Magkatabi uli sa pagkakaupo, sapo ng
isang bisig niya ang baywang ng dalaga, abot ng kaniyang palad ang lambot ng
dibdib at init sa tiyan nito.
Natatakot ako, Mig Halos hindi nariniig ang tinig ni Rina, nakasalikop din
sa katawan ni Mig ang isang bisig, nakatingin dito, nag-uusisa.
Wala akong ginawa sayo
Hindi yon.
Naghintay si Mig.
Bakit ka pa nag-chairman ng HURLS?
Hindi sumagot si Mig.Nababasa mo naman sa mga diyaryo ang kalagayan
ngayon. Lahat ay posibleng mangyari . Ikaw, kayo ang unang-unang
masasalanta.
Hindi natakot ang mga ninuno mo, pagunita ni Mig.
Hindi ako natatakot, kung sa sarili ko lang.
Yumupyop si Rina kay Mig.
Mahal kita , Rina, bulong ni Mig at hinagkan niya ito sa mga mata.
Salamat at naintindihan mo ako.
Muli, naglapat ang kanilang katawan. Nakatitig sila sa isat isa. Kusa nang
humiga sa batuhang pader si Rina muli, lumapat ang katawan ni Mig sa
dalaga. Naghanap naman ang kanilang bibig. Gumagalugad naman, may ibig
pang tuklasin, ang kaniyang palad.
A-ayoko dito, Mig, baka may biglang dumating.
Huminto ang palad ni Mig. Ngyakapan sila, parang ayaw nang maghiwalay
kailan pa man.
DALAWANG buwang hindi nagkita sina Mig at Rina. Isang buwan nang hindi
umuuwi si Mig sa dormitoryo nang tawagan niya si Clarita.
Nasaan ka? Parang maiiyak ang dalaga.
Okey ako. Musta? May panunudyo sa tinig niya.
Naloloko na kami sa pag-iisip tungkol sayo.
Kung may uupa sa room ko, sige na.
Hindi iyon, e. Bayad ka naman nang dalawang buwan. Kaya lang, akala ko,
kung anon na ang nangyari sayo
Marami ngang nangyayari, pero okey naman ako.
Ibig kitang makita, Mig.
Imposible, Clarita.
Bakit tumawag ka pa? Nagmamaktol si Clarita.
Ayaw mo bang kumustahin kita?
Hindi agad sumagot si Clarita. Naisip ni Mig na natuwa ito.
Ibig kitang Makita, Mig.
Saka na. May hihilingin ako sayo.
Ano yon?
May darating dyang isang tao, baka bukas o sa makalawa. May dalang sulat.
Ihatid mo kay Pastor. Ibibigay sayo ang krokis.
Ako ang magdadala? May pagtutol kay Clarita.
Sige na. Ikaw lamang ang posible ngayong magdala ng sulat na iyan kay
Pastor.
O sige. Pero bumalik ka agad. Inig na kitang makita..
Oo..oo.!
NAIHATID ni Clarita kay Pastor ang sulat. Kailangan niya si Pastor.
Isang gabi, dumating ito sa bahay na pansamantala niyang kinatitirhan. Bahay
ng isang kasapi ng HURLS.. Hindi masyadong kilalang kasapi.
Ang hirap pala ng naka-PDA , sabi ni Pastor.Dungaw na lamang ako nang
dungaw sa bintana.
Payat si Pastor. Malalim pa ang mga mata.
Kumusta si Deng?
Hindi na kami nagkita mula nang sumepti ako. Sinabi kong mag-lie low.
Walang kontak kahit kanginong kasama.
Good. Yung mga di inili-link ang dapat nakalitaw. Yung mga nakalubog,
paglitaw, kasama ng marami. Mhirap madampot sa gayong paraan.
Ikaw, kumusta? usisa ni Pastor.
Kaya kita ipinatawag, magtatrabaho ka sa lubog. Papalitan mo ako.
Bakit, lilitaw ka na agad?
Wala naman akong PDA.
Hinihintay ka lang na mag-active bago ilabas ang PDA laban sa iyo.
Tumawa si Mig. Ill cross the bridge when I am there.
Ayaw naming Makita ka na kasama ni Rupert sa loob.
Legit lahat ang ginagawa natin. Protesta. Link-up sa ibang human rights
organizations. Umalis lang ako sa eksena dahil masyadong mainit.
Malamig na ngayon? Nakatitig si Pastor kay Mig.
Malamig na.
Ayokong pare-pareho tayong magsisi.

KABANATA 11

PARANG naririnig pa ni Mig ang babala ni Pastor; Ayokong pareho tayong


magsisi. Ngunit naiisip niya ito. Tanging anak na lalaki ng isang may kayang
negosyante sa Quezon. Nagrebelde sa ama. Drop out sa school of law. Nagtiis
magtrabaho sa isang imprenta nang tatlong taon para mabuhay.
Babalik lang ako sa amin kung maiintindihan ng tatay ko ang ating mga
ginagawa, sabi sa kaniya ni Pator.
Si Deng, naiintindihan ka..
Yon ang sabi niya, pero sumasama lang siya sa akin para tiyaking ligtas ako.
Matagal pa, bago maintindihan ang ating mga ginagawa.
Naiisip nga niya si Pastor.. Paakyat na siya sa ikalawang palapag ng
dormitoryo nang gabing iyon ay si Pastor pa rin ang nakasilid sa kaniyang
isip..
Yung mga kasalanan ni Tatay sa mga mangkokopra, akong tutubos. Binuhay
niya ako sa perang galing sa pawis ng mga dukha. May guilty feeling ako.
Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng kaniyang magulang.
Tunkulin naman siguro ng isang anak na iwasto ang nagging pagkakamali ng
kaniyang magulang sa ibang tao.
May pansariling dahilan si Pastor sa paglahok sa mga pulubi, na nagnakaw ng
isang pirasong enseymada sa bakery sa Quapo. Hinabol ng pulis. Nagtuloy sa
pagtakbo. Binaril. Isang bala ang nagpasabog sa mukha nito.
Bayani! Bayani! Umiyak ito nang dumating sa dormitoryo.
Pinatay nila ang bata. Pinatay nila!
Isa iyon sa iilang pagkakataon na umiyak ito.
Sinubaybayan ni Pastor ang kaso ng bata. Inalisan ng armas ang pulis. Na-
stockade sa Crame. Inihabla ng homicide.
Kalimutan mo na yon, sabi ni Bayani kay Pastor.
Marami nang ganyang kaso.

Naabsuwelto ngang pulis. Iyon ang dahilan kung bakit ibig ni Bayani na
kalimutan na niya ang kaso . Mabibigo lamang siya sa kanyang inaasahan.
Ang pagakakaugnay ba niya sa HURLS ay sabit lamang?
Walang ugat sa sarili ang kaniyang protesta. Ga pangyayari lamang ang
nagtutulong-tulong upang mapasubo siya sa kanilang kilusan. Wala siyang
hinanakit sa mundo. Bakit siya nasa gitna ng pagtutol at binggit ng
paghihimagsik?
Wala si Claritaa nang dumating siya sa dormitory. Hindi na siya nagtanong pa.
Pagod siya. Katawan. Isip. Damdamin. Ibig niyang mahimbing na matulog. Ibig
niyang makabawi bago mag-umaga.
Saka na si Rina. Saka na si Rupert. Saka na ang maraming detalye sa
kaniyang buhay. Lugmok ang kaniyang katawan. Ang dalawang buwan sa
kubling bahay na iyon ay nagpalaya sa kaniya upang makagawa ng maraming
pakikipag-ugnayan para sa HURLS.

Nahiga siya. Madali siyang nahimbing.


Nang siyay magising, umaga na. Nagulat siya pagkakakita kay Clarita.
Nakatunghay ito sa kaniya, nakatitig, seryosong seryoso ang mukha. May
determinasyong nakabanaag sa mga maata nito. Sa pagkakatayo roon, naisip
niya niyang matagal na siya nitong pinanununghayan..
Hindi kita ginising, tulog na tulog ka.
Kumusta ka na? Alangan ang kaniyang pagtatanong.
Biglang yumuko sa kaniya si Clarita, isinunod ang katawan. Bago nakaiwas si
Mig, nakayakap na sa kaniya ang dalaga. Hinahakikan na siya. Umingit na
wariy isang batang may masidihing hinihingi sa handang magapasusong ina.
Clarita! Clarita! Mariin, ngunit paanas na saway ni Mig.
Sabik na sabik na ako sayo, Mig. Ang tagal mong nawala. Ayoko nang
humiwalay sayo. Pakasalan mo na ako, Mig. Gawin mo nang gusto mo sa
akin, Mig.
Habang nagsasalita, pilit na binabaklas ni Mig ang kaniyang katawan sa
dalaga.
Loka ka ba? Sinabi ko na sayong baka mapasukan tayo ditto ng nanay mo.
Ano na lang ang sasabihin niya? Pinagsasamantalahan kita Clarita, mag-isip-
isip ka.
Ewan ko Mig. Maloloko na yata ako. Pag hindi mo ako minahal,
magpapakamatay ako. Kasunod niyon, tinanggal ni Clarita ang taling
nagpaikom ng damit sa dibdib nito. Nahagip ng tingin niya ang nanunuksong
kahinungan ng pagkababae nito.
Ngayon, aaminin niya sa sarili, naisip ni Mg, dumupok ang kaniyang
pagkakalalaki. Hindi na niya binabaklas si Clarita. Napayakap na rin siya sa
katawan ng dalaga. Hindi na rin niya iniwasan ang bibig nito.
Tuluyan nang naghubad ng damit si Clarita. Sumiping sa kaniyang parang
sanggol. Sumiksik. Inaapuyan na si Mig. Sa dantay ng balat ni Clarita sa
kaniyang hubad na katawan, ang sagitsit ng apoy ay nauwi na sa lagablab.
Higit na sa init na dulot ni Rina.
Si Rina!
Napapitlag si Mig.
Mig..Mig anas ni Clarita, nakasiksik, hinahaagkan ang kanyang kahubdan.
Nagtiim-bagang siya. Kinuyom ang mga daliri. Saka paduhapang na sinambitla
si Clarita. Inihiwalay sa kaniyang kaatawan. Ininangon. Intinindig.
Hindi kaa pa handa, Clarita. Disiotso ka lang. Hindi mo pa alam ang
ibubunga nito. Mag-isip ka Clarita.

Hubad, nakayakap sa kasuotan nito, nakayuko si Clarita, nangangattal,


pinipigil ang sarili na mapabulalas ng iyak.
Please Clarita., understand our situation naman. Alam mo namang I care for
you. Pero ang mangyari sa atin ito, nahihiya ako. Hindi ka pa handa rito.
Marahang umiyak si Clarita. Dinampot ni Mig ang damit ni Clarita sa ulunan
ng kama. Tinulungang maisuot iyon. Pagkaraaan, itinaas niya ang mukha
ngdalaga.
Puwede ba, mag-usap uli tayo, pag hindi ka ganyan.

Hilam sa luha, gumalaw ang mga mata ni Clarita.


Talaga? Hindi ka galit sa akin? Mag-uusap tayo?
Oo, sige na. Nakakahiya ang ating ayos.
Bigla siyang dinukwang ni Clarita. Siniil siya ng halik.
Promise ha? Mag-uusap uli tayo..
Nagpasiya na si Mig pagkalabas ng silid ni Clarita. Lalaki siya at hindi habang
panahong makapagpipigil siya. Kahiya-hiya kay Mrs. Alegriia. Maraming
naipakitang kabutihan sa kaniya ang ginang.
Umalis naman nang umagang iyon si Clarita. Nagpaalam pa ito sa kaniya.
Nakapaligo na siya roon. Nasa dormitoryo si Mrs. Alegria. Alam niyang hindi ito
sumasama sa pamamalengke ng mga katulong. Kinatok siyat pinapapasok
naman ni Mig sa kaniyang silid.
Ikaw, ha? sumbat ni Mrs. Alegria, isang babaing maay apatnaput apat na
taong gulang, pustoryosa at masayahin. Ni hindi namin alam kung nasaan
ka!
Pasensiya na ho, sabi ni Mig. Nakayag ho ako ng isang kaibigang
magbakasyon sa kanila.
Sinabi nga sa akin ni Claarita.
Baka lalo kayong magtampo sa akin sa sasabihin ko.
Ipinagtitimpla siya nito ng kape nang nasa kumedor na sila.
Lilipat na ho ako ng tirahan, sabi niya.
Napaupo si Mrs. Alegria. Umupo rin si Mig. Nagkatinginan sila. Isinulong sa
kaniya ng babae ang tasa ng kape. Humigop siya.
Alam mo, dapat sanang magpasalaamat ako sayo.
Muntik nang mabitiwan Mig ang hawak naa tasa ng kape. Nahulaan agad niya
ang sasabihin nito.
Mabuti kang tao,Mig. Hindi mo sinasamantala ang kabaliwan sayo ng ank ko.
Pero gaya ng sabi ko, dapat akong magpasalamat. Kaya lang, nag-alala ako sa
kaniya.
Mapula agad ang mga mata ni Mrs. Alegria. Iyakin ito, naobserbahan na niya.
Kapusukan siya. Mig. Baka pag wala ka na ritot di niya nakikita, kng ano-
ano nang kalokohan ang kaniyang gawin.
Hindi naman ho siguro.
Napaka sipag niyang mag-aral ngayon. Mabilis siyang magtrabaho sa bahay.
Palaging naakaasuubaybay sa mga balita sa diyaryo. Napakaingat pa sa
katawan. Nagyayari ang mga iyan dahil sayo. Kung mawawala ka, ewan ko
kung mananatili siyang ganyan.
Problema nga. Delikado. Ilang kabataan ang nagpapakamataay, nagpabaya
kaya sa sarili at pumatol sa mga mapagsamantala sa kapurihan pagkaaraaang
mabigo ang unang pag-ibig? Parang kapatid niya si Clarita. Ayaw niyang
mangyari ang kapahamakan sa dalaga na ipagsisissi niya sa bandang
huli.Ngunit alam niyang marpuok siya. Sa pagtatalik nila sa Fiesta Island ni
Rina, buong-buong nagising ang kaniyang pagkalalaki. Parang isang
manlalakbay disyerto, nakaramdam na siya ng matinding uhaw. Linggo o
arraw na lamang ang hinihintay. Titighawin niya ang uhaw na iyon at ayaw
niyang si Clarita ang maging balon na sasalukan niya at iinuman ng tubig.
Hayaan nyo, kakausapin ko siya.
Tatanawin kong utang na loob. Kung tapos na sana siya at kung alam kong
mahal mo siya, sino kong tatanggi? Pero alam ko,, si Clarita aay isang kapatid
lamang para sayo.
Ganoon nga ho, Misis
Alam kong nagpupunta siya sa kuwarto mo noon pero alam ko rin, walang
nagyaayari dahil maginoo ka. Tulungan mo ako.
Saka namalayan ni Mig ang pagkahawak ni Mrs.Alegria sa isa niyang kamay.
Mahigpit ang pagkakahawak na iyon.
Sige ho, maaasahan ninyo!
Binitawan lamang ni Mrs. Alegria ang kaniyang kamay ang pumaasok sa
kumedor ang katulong.
Mig, sabi ng katulong na si Henaa. May bisita kang babae, nandoon sa
salas.
Si Rina?

KABANATA 12

TUMINDIG si Mig. Saglit na tiningnan si Mrs. Alegria bago sumunod kay Hena.
Nagtungo siya sa salas. Si Rina nga ang naroon.
Hi! bati ni Rina.
ikaw pala.
Nakatindig, nagkaharap sila. Halos magkapantay ang kanilang taas.
Nagbasahan sila ng mga gusto nilang sabihin sa kanilang mga mata.
Aalis na ako, sabi ni Rina.
Ha?
Nakita na kita.
Mabilis na tumalikod si Rina. Tinungo ang hagdanan. Sinundan agad ni Mig,
inabot sa kalagitnaan ng mga baitang.
Inagapan niya agad ito ng braso.
Bakit ba? at nagkatutukan sila ng paningin.
Narito ka lang pala, ni hindi ka man lang tumawag, sabi ni Rina, saka
nagpatuloy sa pagpanaog.
Sumunod si Mig hanggang sa ibaba, hanggang sa labas ng bahay. Maingay sa
bangketa, maraming tao. Nakahabol pa rin siya kay Rina, ibig uling abutin ang
braso nito.
Dalawang buwan kang nawala. Kahit isang salita. Dinig niya sa ugong ng
paligid ng sumbat nito.
Teka, tekasaglit lang! takot siyang kainin ng kapaligiran ang kanyang
boses.
Binilisan pa ni Rina ang paglakad, galit talaga. Sino nga ba ako? Hindi mo
naman ako kaano-ano.
Nakita ni Mi gang isang bakanteng taksi, mabagal ang takbo. Sinenyasan niya
iyon, sabay sunggab sa braso ni Rina. Nagtangkang kumawala ang dalaga.
Pinagtinginan na ang katawa-tawang ayos nila sa bangketa.
sakay na, utos niya kay Rina, Mariin.
Saan tayo pupunta? iwinagwag pa ni Rina ang kamay ni Mig.
Basta sakay na! hinila na ni Mig si Rina sa binuksan niyang pinto ng
sasakyan.
Sumakay naman si Rina. Nakasimangot. Tinabihan ni Mig. Saka dumukwang
siya sa drayber. Binulungan sa kaliwang tainga nito.
Areglado, Boss
Humarurot ang taksi. Nakahalukipkip si Rina. Sa pagkakatikom ng bibig,
nakasimangot, halatang may tinitimpi.
Pasensiya na. nakasiksik na si Mig kay Rina na umipod lampas sa gitna ng
upuan. Mapag-uusapan naman natin ito.
Dalawang buwan, anas ni Rina, gigil. Kahit isang salita
Nakayag ako ng isang kaibigan, anas din ni Mig.
Ibig mong maniwala ako sayo? pumantay uli sa mga mata niya ang
nandidilat nitong tingin. Ibig mong sakyan kong pagsisinungaling mo?
Binawi ni Mig ang tingin kay Rina. Nananalasang parang labaha ang mga mata
nito.
Parang hindi na makapagpakumbaba, bahagyang napalakas ang sagot ni Mig.
Okey, inasikaso ko ang HURLS.
Ihina mo lang ang boses mo, pakadyot na sansala ni Rina. Sinabi mo lang
sana na busy ka
Busy ka rin naman. Panay ang sulat mo sa Daily Globe. Maingat ang
panunumbat ni Mig.
Hindi yon, e. Hindi ko alam kung nasaan ka. Hindi ko alam kung may
nangyari sayo. Nakidnap ka kaya tulad ni Olivarez? Na-salvage ka kaya tulad
ng ilang labor leaders?
Nagtago ka kaya dahil nakatunog na mapapatungan ka ng PDA? Ang labo mo,
e.
Lumalakas na ang boses mo, ha? Baka maintindihan na ng driver pati mga
detalye ng pinag-uusapan natin!
Tumahimik si Rina. Tumigil din sa pag-ipod nang palayo sa kaniya.
Sumasampa na sa tulay ng Sta. Mesa ang kanilang sinasakyang taksi. Narinig
pa ni ni Mi gang huuut , huut. Ng nagdaraang tren sa ilalim niyon.
Gusto mong scoop? Hindi ko to ibibigay sa ibang diyaryo hanggang hindi
nailalabas ng Daily Globe? Ibig na niyang bawasan ang tenisyon sa pagitan
nila.
Ayoko ng scoop! singhal ni Rina. Ano yon, suhol?
Gago ka, sabi ni Mig sa sarili. galit pa rin si Rina.
okey, ride na lang ako! sabi ni Mig at sinampayan niya ng kanyang bisig ang
balikat ni rina. Umipod uling palayo sa kanya ang dalaga. Siniksik niya uli ito
hanggang siya na lamang ang hagip ng rear mirror ng sasakyan ang drayber
ng sasakyan.
Giniginaw naman ako! bulong naman niya.
Ang kulit mo talaga! at kinurot nang mariin ni Rina si Mig.
O, bumabaon ang daliri mo. dudugo yan! paanas niyang babala sa katabi.
Diniinan pa ni Rina ang pagkurot sa kaniya. Dumugo ang kanang braso ni
Mig. Sinipsip niya iyon nang bitiwan siya ng dalaga.
Masakit! humaluyhoy siya nang bahagya.
Huh! At tumuwid ng tingin si Rina.
Saka nakita ni Mig na napanganga ito. Bumaling sa kaniya. Walang masabing
ano man. Hindi nakapag-usisa sa pagkabigla.
Bumawi tayo, anas ni Mig sa tainga ni Rina.
Hindi nakasagot si Rina. Kinurot uli siya. Ngayon, walang iniwan iyon sa balat
niya kahit gurlis.
Bahagyang nag-angat ng tingin ang drayber ng taksi, nakita ni Mig sa rear
mirror ng sasakyan. Boss, sa espesyal ba?
Sige
Yumukot itinakip ni Rina sa mukha ang dalawang kamay nito. Ilang saglit pa,
pumasok ang taksi sa nakabukas na garahe. Isinara agad iyon ng isang
bellboy.
Nagbayad si Mig sa drayber ng taksi. Hila niya, paitaas ng hagdanan.
Nagpapabigat ito, pero tawa nang tawa. Narinig niya ang pagbukas uli ng
garahe, pag-alis ng taksing naghatid sa kanila.
NANINIGARILYO si Mig. Natuto siyang manigarilyo sa dalawang buwang
pagtigil niya sa kubling bahay ng isa nilang kasama. Nakatingin siya sa
kikindat-kindat na neon lights.
Masaya ang Lungsod sa pook na iyon.
Hinihintay niya si Clarita. Sinabihan niya si Mrs. Alegria pagdating niya nang
dakong ika-anim ng gabi na makabubuting kausapin na niya si Clarita.,
paliwanagan, pangakuan. Hindi na niya maipagpapabukas pa iyon. Basang-
basa niya sa mukha ng ginang ang pangangailangang iyon.
Ikapito na. wala pa si Clarita. Siguroy may extra-curricular activities sa
unibersidad.
May kitib pa ang kanyang pagkalalaki. May halimuyak pa ang kanyang
katawan. May sigid pa ng init sa kanyang mga hita at puson. May lagkit pa ng
kanilang laway ni Rina ang ibaba ng kaniyang labi, ang itaas ang kaniyang
nguso.
Pagkapanhik nila ni Rina sa huling baytang ng hagdanang iyon, nagbantulot
ito. Nanlamig ang isang kamay na hawak-hawak niya. Saka tumingin sa
kaniya, parang ibig magtanong.
Nginitian niya si Rina, may kasamang tudyo. Ibig mong umatras?
Ang bilis mo kasi Naipasok na niya si Rina sa pintuang kaharap sa huling
baytang ng hagdanan.
Patampo-tampo ka pa kasi. Tuloy ang panunudyo sa tinig niya.
Tumigil ka nga dyan! alalay na sigaw nito sa kanya.
Tumalab ang tudyo, naisip ni Mig . hindi na mag-uusisa ito. Hindi na
magbabantulot.
Maaalis mo bas a akin yun? agap ni Rina. Kung ako kaya ang hindi
magpapakita sayo ng dalawang buwan?
Talagang ibig mong sagutin ko ang tanong na iyan?
Ikaw? Pakialam ko kung ayaw mong sagutin.
Pinihit niya si Rina. Kinabig ng dalawang palad Sa likod nito.
Hahanapin kita. Kahit saang sulok ng mundo. pag nakita kita, kakaladkarin
kita
Kinaladkad nga ni Mig si Rina, papasok sa kuwarto na may dinding at kisame
na ballot kapwa ng salamin at isang matrimonial na kama.
Nasasaktan ako reklamo ni Rina.
Dito kita ikukulong, dito sa kwartong ito hindi binibitawan ni Mi gang
kanang bisig nito.
Saka lumingon na siya, patalikod na sinipa ng kanang paa ang pinto at
palagapak na sumara iyon,
Pagkaraan, huhubaran kita. Nasa butones na ng blouse ang isang kamay ni
Mig.
Teka, ano ba? ani ni Rina na iniurong ang dibdib para mailayo sa mga daliri
ni Mig na nag-aapuhap na sa butones ng blusa.
Ngunit nagpatuloy si Mig. Parang baliw na nagsasalita. Patuloy pa rin ang mga
daliri sa napasimulang gawin.
Masama bang magmadali?
Halaka, pag natanggal ang isa mang butones diyan pabibilhin kita ng blazer!
Hindi na sumasagot si Mig. Nahubad na niya ang blouse ni Rina. Mayroon na
siyang ibang isinusunod.
Yakap ng isang kamay sa likod si Rina, abala naman ang isa pang kamay ni
Mig.
Hahalikan kita bulong ni Mig at dumaiti ang bibig niya sa leeg ni Rina.
Pumiglas itong parang ibong nabitag. Napatili. Saka nila narinig ang sunod-
sunod na mga katok.
Yung boy! sabi ni Rina, sabay awat kay Mig na napasimangot.
O ano? inihit ng tawa si Rina. Hinintay ni Mig na idugtong nito; o ano
nabitin ka!
Lumabas si Mig, pumirma sa Register book. Binigyan ng tip ang boy. Oorder
kayo, Sir?
Mamaya natawag na lang ako.
Iniihit pa rin ng tawa si Rina ng pumasok si Mig. Pagkasara ng pinto, hinarap
niya agad ito. Nakaharang ng kapawa ang dalawang kamay nito sa dibdib,
nakita niyang maingat nang napatong sa sandalan ng isang silya sa tabi ng
pinto ang nahubad nang blouse.
Napatawa na lamang si Mig. Nagtuloy sa banyo. Tiningnan ang mga gripo. May
mainit at may malamig.
Baka gusto mong maligo? alok niya kay Rina, hindi na sumungaw sa pinto
ng banyo.
kagagaling ko lang sa bahay. Bakit, mabaho nab a ako?
Hindi naman. This bathtub is good for two! tudyo pa rin niya.
Masaya ka ha? Ikaw na lang!
Nakatapis sa katawan ng tuwalya, lumabas ng banyo si Mig. Nakita niya,
nakahiga na si Rina sa kama. Nakapikit ito, nakakumot mula paa hanggang
leeg. Sa tabi ng pinto, napapatungan na ng isang nakasampay na blouse ang
isang jeans.
Iniisip na hindi pa siya namamalayan ni Rina, lumapit sa kama. Pinagmasdan
ang kabuuan ng mukha nito. Ang hubog-kabibeng bibig na waring inaalalayan
ng bahagyang pinapandak nang namumurok na mga pisngi, ang mga talukap
ng mga matang parang mga talutot ng bulaklAK na hindi pa bumubukad, ang
mga kilay na pinino man ang pagkakahubog ay parang hiniram sa mga silahis
na mga bahaghari. Naisip niya, iyon pa rin ang isa sa mga anyo ng dalagang
Pilipina na ikinukwento sa kanya ng mga matatanda sa kanilang nayon noong
magsimula siyang mag high school sa bayan.
Umupo si Mig sa gilid ng kama. Hindi kumilos si Rina. Inakalang napaidlip
lamang, inisip niyang gisingin ito na isang matagal na halik. Ngunit sa
pagyuko niya nakadilat na ito, may ningning sa mga mata. Sa buong
pagkamangha niya bumuka pa nang bahagya ang bibig nito na parang
nakahanda na sa kanilang gagawin. Nagkakatitigan sila.
Rina!
Matagal ang unang halik; higit na matagal ang pangalawa at sa pangatlo, nag-
aapuhap na sila ng hangin. Waring sa mga sandaling iyon, tiniyak na nila ang
mga kaluwalhatian ng mga halik nang nakalipas na umabot lamang ng
katamisan sa nakaw na mga sandal.
At gayundin sa pagdausdos ng kumot sa katawan ni Rina, ang mga nasalat
lamng niya nang silay nasa pader ng fiesta Island sa kapaligiran ng CCP
Complex, nakatambad ngayon ang buong kaningningan, parang mga hiyas na
kabilang sa mga natuklasang matagal nang nakakubling yaman. Kangina pa
rin namalayan ni Mig pagkalaglag sa sahig ng tuwalyang nakatapi sa kanyang
kabuuan. Hindi bumibitiw sa kanya si Rina, ibinaba niya rito ang kanyang
dibdib , isa-isang iniangat sa kama ang kanyang mga hita, hanggang sa
maramdaman niyang magkaakmang magkaakma na ang kanilang katawan.
Ilang sandal hindi muna tuminag si Mig. Hindi rin kumikilos si Rina. Parang
mga metal silang nagpapalitan ng enerhiya. Dhan-dahan, kinapa niya at
tinuunan ang switch sa ulunan ng kanilang kama. Napapalit na mga tindi ng
liwanag ang mailaw hanggang kanipisan na inipon na lamang ng tingin ang
nalabi. Nang balingan niya si Rina, waring anag-ag ng tubig sa gabi ang
tanging nakadampuhay sa katawan ntio. Litaw pa rin sa dantay ng mga anino
ang mithiing luwasat hulo ng paghahanap.
Mig Umaanas si Rina. Careful , Mig..
May mensaheng humampas sa kaniyang utak. Totoo kaya? Parang hindi siya
makapaniwala.
Nagdahan-dahan si Mig. Ang hubad na niyang likod ang pinagdurugo ng mga
kuko ng paghahanap. Sa kaniyang balikat, mayiinabaon na ang maputing
perlas.
Ayoko na, Mig
Bahagya na niyang narinig ang daing nito pagkaraan ng paulit-ulit na
daluyong. Sa huling baba ng katawan niya sa kandungan nito, parang may
piniga sa kaniya, saka magaan na isinanib sa kung anong alimpuyo, tinangay
sa isang malawak na katawang-tubig, pagkaraay nakitunggali sa mabilis na
pagkaanod at pagkalunod- at kumawag siya, sumikad, kumampay, lumiyad
hanggang sa inihele siya ng hindi mapigilang antok.
May matingkad na bakas na naiwan sa kubrekama.

KABANATA 13

LUMANGITNGIT ang pinto ng kanyang solid. Nakangiti Nang pumasok doon si


Clarita. "Kumain ka na?" tanong nito na sumalampak agad sa kutson sa
paanang bahagi ng kanyang katre.
"Busog pa ako, e, l" sambot niya.
Busog pa nga siya. Naghapunan na sila ni Rina sa motel bago sila lumabas.
"May ikukuwento ako sa'yo," sabi ni Clarita nang hindi siya nagpatuloy sa
pagsasalita.
"O?"
"Umatend ako ng forum ng LCS sa aming school..tungkol sa National Service
Law."
"LCS?"
"League of Concerned Students sa aming school. Militant 'yung grupo.
Hahantong daw sa militarization at brainwashing ang pagpapatupad ng batas
na iyan."
"Sabi ni Minister Kaya, mat alternative pa raw sa batas na'yan ang mga
estudyante. Hindi lamang daw military training kundi civic at law enforcement
ang mapagpipilian ng mga estudyante."
"Teka nga. Panig ka ba sa National Service Law?"
Nagtawa si Mig, nanunudyo. "Ayaw mo n'on? Hindi na lang magmartsa sa init
ng araw ang mga estudyante. Sasanayin silabg magtraffic at tumulong sa mga
magbubukid sa mga kanayunan. May pakinabang ang mga estudyante, pati na
ang bansa."
"Hindi traffic enforcement ang ibig sabihin ng batas na 'ton. Pagsupil sa mga
rally, demonstration, iba pang magugulong pagtitipon-tipon. Ani'ng
manyayari? Mga estudyante laban sa kanilang kapwa. Maghahari ang
pagkakahati-hatu ng mga kabataan sa bansang ito."
"E paano yung civic at work? Di ba magaling 'yon?
Matutulungan ang mga sukha, ang mga mangmang, ang mga walang
oportunidad, di ba?"
"Di magpoporoganda lang ang gobyerno doon?"
"Legitimate ang pamahalaan. Karapatan niya iyon!"
Tumindig si Clarita. Nandilat.
"Teka nga. Ako bay niloloko mo? Paliwanag ako nang paliwanag. Akala mo
kung sinong reaksiyonaryo ang kaharap ko?"
Saka nilapitan si Mig, pinakukurot, hanggang sa mapahawak si Clarita sa mag
kanilang iba k okay niya.
"Ginawa ko yung paglahok doon para sayo," sabi ni Clarita, seryoso. "Ibig Kong
maintindihan ang ginagawa mo. Ibig Kong makasunod sa mga iniisip mo."
Inagapan ni Mig na Hindi mapayakap sa kaniya si Clarita.
"Iniintindi ko'ng ginagawa mo, bakit binabalewala mo ako?"
"Bata ka pa, Clarita."
"Bata pa ba ako? Buwan-buwan, nagme mens na ako. Pwede na akong mag-
asawa, pwede na akong magkaanak!"
Inilayo ni Mig si Clarita sa kanyang katawan.
"Clarita, pwede ka na nga sa mga sinasabi mo. Pero puwede ka ring
mapahamak.. Di makatapos ng pag-aaral, di makapagtrabaho nang maayos, di
makapaghanda sa pagpapalaki ng iyong mga anak."
Ngumuyngoy na si Clarita. Marahan.
"Bakit naman ako mapapahak? Ikaw nan ang gusto ko!"
Naupo na uli si Clarita sa kutson sa paanang bahagi ng katre.
"Hindi nation alam Kong 'yan nga ang talagang NASA kalooban mi. Isa o
dalawang taon pa, malalaman mo rin kung totoo 'yang naramdaman mo.
Paniwalaan mo ako, Clarita."
Nakabaling uli si Clarita kay Mig. Nanunumbat.
"Ba't ba ganito? Lagi na lang tayong nag-aaway tuwing tayo'y mag-uusap."
"Nagpapaliwanagan lang naman tayo."
"Sinasadya no yata na ilayo ang sarili mo sa akin e."
Ngayon, nangangamba si Mig. Naisip niya ang sinabi sa kaniya ng INA nito, ni
Misis Alegria. Maaari pa bang buksan niya ngayon kay Clarita ang nalalapit
niyang pag-alus sa dormitoryong iyon?
"Bakit Hindi mo pa sabihin sa akin, na wala ako sayo? Bakit nagpapasikot-
sikot ka pa? Deretsahan na tayo."
Hindi nagsalita si Mig. Matagal. Nakatingin lamang siya kay Clarita.
Tumigil na rin ito sa pagsasalita. Parang natakot. Parang nabigatan sa sinabi.
"Aalis na ako rito..." Marahan, ngunit mariin niyang pagsisiwalat.
Nakatingin lamang sa kaniya si Clarita. Parang walang narinig.
"Delikado na akong tumigil dito.." Patuloy niya, atubiling dagdagan pang
kanyang mga sinabi.
May sumuwal na kung ano wati sa lalamunan ni Clarita. Parang ibig masuka.
Natutop ang bibig.
"Papasyal naman ako sa'yo, sa Mommy mo."
Bigla, nanlilisik anggaata, hinarap siya ni Clarita.
"Umalis ka na! Huwag ka Nang bumalik dito! Umalis ka na!"
Nangangatal si Clarita. Patuloy ang panlilisik ng mga mata.
"Clarita...'wag kang ganyan sa akin."
Ngumuyngoy uli ito, pigil, yanig ang mga balikat. Lumapit si Mig sa dalaga.
"Relaks ka lang. Aalis lang naman ako, pero Hindi naman kita kakalimutan.
Babalikan kita. At magtatawagan tayo. Promise yan,Clarita. Huwag kang
magalit sa akin."
Umiling si Clarita. Malakas na pag-iling. Naupo sa gilid ng kama. Isinubsob
ang mukha sa dalawang palad. Hindi na niya naririnig ang nguyngoy ng
dalaga, ngunit nayayanig pa rin ang mga balikat nito.
Saka naramdaman ni Mig, may nakatayo na sa bumukas na pinto. Si Misis
Alegria. Nakatingin sa anak. Malalim sa pag-alala ang gatlasa mukha.
"Sorry ho, Mrs. Alegria. Nakatingin sa anak. Malalim sa pag-aalala ang gatla sa
mukha.
" Sorry ho, Mrs.Alegria. Hindi lang ako naiintindihan ni Clarita. Papasyalan ko
naman ho siya. Tatawagan ko siya sa telepono."
Bumaling sa kaniya ng tingin ang ginang. May bakas ng sumbat sa
paghahayag ng mga mata nito.
"Halika na, Clarita ... halika na!"
Nakita ni Mig ang pagkalaglag ng mga balikat nito. Ang payukong pagtindig.
Ang pagyaposng isang bisig ni Misis Alegria sa Matawan ng anak.
"Umalis ka na, Mig."
Marahan, narinig niya ang paglapat ng pinto.
LUMIPAT si Mig sa isang malaki-laking kuwarto sa mezzanine ng garage ng
isang malaking bagay sa New Manila. Isang dating panggitnang during
komunidad iyon, na ngayo'y natabunan na ang katanyagan ng Magallanes
Village, ng BF Homes, ng nagsulputang maraming naggagandahang
subdivision sa paligid ng Maynila. Sa harapan ng bahay ay laging maraming
tao sa grocery. May katabi pang isang gusali na pinupuntahan ng mga kawani
ng pamahalaan na nagsasaayos ng mga papeles para sa kanilang pensiyon.
Maliwanag din doon kung gabi. Maraming sasakyang nagdaraan l. Hindi
mapanganib ang pataksil na pagdampot sa kaniya. May telepono. Solo niya
ngayon. Ekstensiyon dati iyon sa wala ng malaking bahay na pag-aari ng
dating sekretaryo ng isang departamento ng pamahalaan.
Doon niya tinawagan si Clarita.
"Hello," tinig iyon ng dalaga.
"Kumusta ka na, Clarita?"
Hindi nagsalita si Clarita sa kabilang dulo ng linya.
"Isang sakay lang mula sa inyo ang nilipatan ko."
Talagang ayaw pa ring nagsalita ni Clarita.
"Pwede ka naming pumasyal dito, e," patuloy niya. "Kaya lang, tatawag ka
muna. Siyempre, palagi akong wala rito."
"Kung palagi kang wala d'yan, ba't nag-aanyaya ka pa?"
Napatawa si Mig. "Ay, salamat, nagsalita rin."
"Bakit ka tumawag?" pormal, matigas ang pag-uusisa ni Clarita. "Baka
maaksaya lang ang panahon mo?"
"Naiisip kita."
Tumahimik si Clarita.
"Kasi, baka makagulo ako sa buhay mo. Ibig ko, mag-aral kang mabuti,
magtapos sa university, makapagtrabaho nang maayos. Matutuwa ako kapag
nangyari 'yan. Siguro, papasyalan kita sa graduation n'yo. Ririgaluhan kita.
Ano ba ang gusto mo?"
Ayaw na namang nagsalita si Clarita.
"Seven years naman kasi agwat ng edad natin, Clarita. Siguro, kung halos
magkaedad tayo, naiintindihan mo agad ako."
"Bakit? Sa edad ko ba, tanga ako sa tingin mo?"
Naisip ni Mig, mabuti na ang nagsasalita si Clarita.
Maihihinga nito ang nasa kalooban.
"Hindi naman. Kaya lang..."
"Dahil abugado ka, chairman ng HURLS at palasubaybay sa lahat ng mga
nangyayari. Samantalang ako, isang kalalampas lang sa pagka-tin-edyer, isang
mama's girl, walang karanasan, walang alam sa mundo."
"Hindi ikaw 'iyon. Alam kong bright ka, handang umintindi, madaling matuto.
Kaya lang. 'yang feelings mo, 'yang emotion mo, 'yan ang kalooban mo."
"A, ganoon? Hindi ko kayang hawakan ang damdamin ko? Dahil umiyak ako e
nagkalat na ako, emotionally?"
"Hindi pa kasi matures enough..."
"Hindi matured? Bakit Hindi mo itanong sa girlfriend mo kung gaani ako ka-
matured?"
"Girlfriend?"
"Si Rina mo!"

KABANATA 14
KAILAN ba sila huling nagkita ni Rina? Dalawang araw pa lamang ang
nakakaraan. Walang sinabi sa kaniya ang dalaga na nagkausap ito at si
clarita.

Hello? Hello?

wala nang koneksyon. Biglang pinutol ni Clarita ang linya ng telepono.

Napaupo si Mig sa isang bangko. Sinuklay niya ng mga daliri niya ang
kaniyang mga buhok. Nakipag-usap nga kaya si Clarita kay Rina? Bakit ? ano
kaya ang sinabi ni Clarita sa kasintahan niya?

Dumayal siya. Narinig ang niya ang bilis, nag-aapurang kuriring ng


telepono sa kabilang dulo ng linya.

Sino ito?

Rina?

Oo, nasa DailyGlobe ako.

Alam ko, kaya nga ako tumawag.

Bakit ba? May nira-rush ako rito.

Dito ka na mag-dinner.

Saang dito?

Sa mezzanine ko.

May makakain ba dyan?

May cook book ako rito, di kalayuan ang grocery. O, ano? Mamaya?

Anong okasyon? Masaya na ang boses ni Rina.

Room warming.

May pari ba? Nagtatawa na si Rina.

Ako na lang.
Salbahe!

Serious. Anong gusto mong pagkain?

Kung ano ang gusto mo. O, darating ako ng seven?

Sharp.

Sharp.

Parang matagal nang hindi nabubuksan ang maliit na bintanang iyon.


Maalikabok. Kulabo ang salamin. May kagat na ng kalawang ang bakal na
nakakuwadro sa salamin.

Inilis ni Mig ang pagkakatrangka. Itinulak . lumangitngit. Inilikas niya


ang pagtulak. Bumukas. At nakita niya, kitang-kita sa maliit na bintanang
iyon ang kanto, ang di-kalakhang grocery na naroon, ang mga sasakyang
nakaparada.

Okey palang bintanang ito, naisip niya. kaya siguro isinara ng dating
nakatira e dahil papasok ang pullated air.

Malakas pa ang kaniyang baga. Kayang-kaya niya ang hanging may


langkap na buga ng mga tambutso at singaw ng mga makina ng mga
sasakyang nagdaraan.

Minsan pa niyang sinipat ang kanto. At noon niya nakita ang lumang
jeep na iyon. Dahan-dahang pumarada, di-kalayuan sa grocery. Asul ang pinta
ng gilid. Kanbas ang bubong. May nakadapang isang tansong kabayo sa takip
ng makina.

Hindi sana papansin ni Mig ang jeep na iyon, ngunit ang dalawang
sakay na lalaki ay nakamasid sa malaking bahay. Palihim na nag-uusap.
Parang nagpapalitan ng obserbasyon.
Baka naman may tinitingnan lamang naisip niya. Bumalik siya sa
maliit niyang kusina. Tiningnan ang kaniyang mga niluluto. May dalawang
oras pa siya para makapaghanda bago dumating si Rina.

Inayos niya ang kaniyang munting mesa. Nilagyan ng tapete. Itinaob


niya ang isang baso. Nagsundi ng kandila at pinatakan ng mga luha nito ang
puwit ng baso. Saka itinindig doon ang kandila. Candle Light Dinner, nawika
niya sa sarili.

Nawili si Mig sa ginagawa. Nang maisip niya ang jeep na nakaparada sa


kanto ay parang binatak siyang patungo sa munting bintana. Sumilip siya.
Wala na ang jeep. Wala na ang dalawang tao. Madilim na. Maliwanag nga
lamang ang kanto dahil sa mga ilaw mula sa poste ng Meralco.

Binalikan niya ang niluluto. Nilasa ang mga ulam. Tinimplahan ng


pampasarap. Saka nagbalik sa munting mesa. Muling inayos ang mga pinggan,
kubyertos, baso at serbilyeta. Napangiti siya.

Hustong hinahango na niya ang mga ulam at inililipat na sa mesa nang


makarinig siya ng kuliling ng munting kampana mula sa maliit na trangkahan
sa gilid ng bahay. Sa kaniya ang trangkahang iyon. Ang garahe ay sarado sa
kabuuan ng malaking bahay. May maliit na pintuan patungo sa bahagi ng
garahe na kinaroroonan ng mga kotse.

Mabilis siyang nanaog. Sumilip sa butas-butas na silipan ng


trangkahan. Si Rina.

Hi! sabi nito nang pagbuksan niya.

Kiss, sabi niya.

Kinurot siya sa ilong ni Rina. Sa itaas na. Baka may tao. Pumanhik
sila.

Ito palang bago mong palasyo.

Lumibot ang tingin ni Rina. Nakita ang nakahandang mesa. Napatawa.


For two, ha? Sabi ng dalaga.

Bakit, may iba pa ba akong iimbitahan? Tumitig si Rina kay Mig.

Bakit?

Si Clarita mo!

Natigilan si Mig. Bigla niyang naisip na isa iyon sa mga dahilan kung
bakit inimbitahan na niya si Rina sa kuwarto niyang iyon.

Halika, tulungan mo akong mailagay na sa mesa ang lahat-lahat. At


saka tayo mag-usap.

Ibig ni Mig na makapag-isip pa. hindi niya akalaing mabububksan na


agad ang paksa tungkol kay Clarita. Ibig niyang sa huling mga sandali ni Rina
sa mezzanine, mabuksan niya ang paksang iyon.

Tumulong naman si Rina. Ilang sandali pa, magkaharap na sila sa mesa.


May sindi na ang kandilang nakatulos sa puwit ng baso.

Okey ka palang magluto.

Natutuhan ko sa inay ko. Masarap siyang magluto

Hindi ako marunong magluto.

E, ano? Marami namang restawran.

Si Clarita, marunong ba siyang magluto?

Kailangang harapin na ang isyu, naisip ni Mig. Ayaw ng paawat si Rina.


Aywan lamang siya kung nagseselos si Rina kaya isinisulpot pilit sa knailang
usapan si Clarita.

Mommy niya ang nagluluto sa dormitory.

Siguro naman, mas maraming alam na gawaing-bahay si Clarita kaysa


akin.
Nag-usap kayo ni Clarita?

Hindi nagitla si Rina. Ngumunguya, ngunit nakatingin sa kaniya.

Masarap siyang kausap. Madetalye kung magkuwento. Gusto kong


babaing yon.

Paano kayo nag-usap?

Tinawagan niya ako sa Daily Globe. Naghintay si Mig.

Nakipag-appointment. Pumayag ako.

Yumuko si Rina. Dumukwang ng pagkain. Sumubo. Ngumuya na parang


nakalimutan na ang kanilang pinag-usapan.

Anong pinag-usapan nyo? ngumiti si Rina. Nilunok ang kinakain.

Ikaw. Nagkatitigan sila ni Rina. Bata lang yon!

Bata nga. Malaking bulas. Ganda ng katawan. Yung curves, daig pa


yata si Vivian Velez. Saka malambing.

Anong inyong pinag-usapan.

Nakakatawa siya. Kuwento ng kuwento. Pagkaraan, biglang tinanong


kung mahal daw kita.

Anong sabi mo?

Sabi ko, magkaibigan tayo. Naghintay si Mig ng karugtong.

Ayaw niynag maniwala. At sinalakab pa ako. Inamin mo raw sa kaniya,


mag boyfriend tayo.

Bat nga?

Hindi, Mig, at tinitigan siya, matiim. Diniretsa ako. Sabi sa akin, siya
raw ang may karapatan sayo. Naglingkod daw siya sayo. Two years daw.
Malaking investment niya sayo.
Parang galit si Rina. Mabilis ang pagsasalita. Susubo ng pagkain, mabilis
na ngunguyain, saka lulunukin agad.

Minsan daw, nilagnat ka. Forty yata. Hibang ka raw, e. Siya raw ang
nagpunas sayo ng malamig na tubig na may alcohol. Binantayan ka,
magdamag. Hindi raw pumasok si Clarita sa iskuwela kinabukasan.

Hindi umimik si Mig. Galit nga si Rina. Mabilis ang pagsubo. Parang sa
panguya at paglunok ibinubuhos ang kung anong ngitngit!

Pati raw nga damit mo, siyang nag-asikaso. Personal daw niyang
nililinis ang kuwarto mo.

Ibig ng sawatain ni Mig si Rina. Ayaw niyang masira ang paghahapunan


nila.

Totoo nga bang sinabi niya? nakatitig sa kaniya si Rina. Nakahanda sa


kaniyang isasagot. Kahit ano iyon. Tumango si Mig.

` Ako naman ang premyo nya? usisa ni Rina, yumuko at sumubo ng


pagkain.

Kung napremyuhan ko ba si Clarita, pupuntahan ka ba niya at


sasabihin ang lahat ng sinabi sayo? ngumiti si Rina. Walang paniwala sa
sinabi ni Mig. Naalarma si Mig.

Hanggang dyan na lang, Rina. Wala ka nang ibang sasabihin. Ako


naman. Ibig ko lang marinig mo, kahit ano pa ang iniisip mo, na walang
nangyari sa amn ni Clarita. Hindi ko siya katalo. Iginagalang ko ang kaniyang
ina. Iginagalang ko rin ang aking sarili.

Okey ba, Rina? marahan, tulad ng paggapang ng kaniyang palad sa


braso ng dalaga, ang kaniyang tinig. Nagtaas ng muka si Rina. Nagtama ang
kanilang paningin. Nagkaugnay.
Bakit? Sa palagay mo ba, papayag akong ma-spoil ng sino mang babae
ang unang gabi nating ito sa iyong palasyo?

15
KUNG nagselos si Rina sa pakikipag-usap dtio ni Clarita, hinulaan na
lamang niya. Ngunit ang pag-alala niya hinggil doon ay pinawi ng desisyon
nitong matulog sa mezzanine nang gabing iyon.

Napawi na ang daluyong sa kaniyang katawan. Nauhaw siya. Tinungo


ang cooler. May tubig pang malamig sa bote. Uminom siya. Pabalik na siya sa
kamang kinahihigan ng nahihimbing na si Rina nang mapansin niyang bukas
pa ang maliit na bintana. Baka umulan, naisip niya. Ipinasiya niyang sarhan
iyon.

Natigilan si Mig nang mula sa bintanang iyon ay nasilip niya ang dyip,
nakaparada sa kanto, nag-iisa. May sakay itong dalawang lalaki. Hindi niya
makilala kung iyon ang dalawang lalaki. Hindi niya isinira ang bintana.
Bumalik siya sa higaan. Pumikit siya upang makatulog. Gising ang kaniyang
isip. Nagtatanong siya sa sarili.

Bakit naroon ang dyip? May binabantayan ba? Sino? Bakit hanggang sa
gayong oras?

Dumilat si Mig. Tiningnan ang orasan sa bisig. Ikadalawa ng umaga.


Bumangon uli si Mig. Tinungo ang munting bintana. Sumilip. Naroon pa rin
ang dyip. Hindi alam ang gagawin, bumalik siya sa kama. Sumiping kay Rina.
Yumakap. Dinama ang lambot ng katawan ng katabi. Ngunit hindi nawala sa
isip niya ang dyip.
Inaantok na siya nang ikaapat ng umaga nang kumilos si Rina.
Dumilat. Tiningnan siya.

Galaw ka nang galaw, sabi nito.

Gising ka pala. Yumakap sa kaniya si Rina.

Twilight nararamdaman kong bumabangon ka.

Nag-alis lang ng laman ng pantog, pabiro niyang tugon.

kaya? at lalong humigpit ang yapos sa kaniya. Baka naman gusto mo


pa?

Namangha si Mig. Gusto nga niya. At idinaos nila. Nagpakalunod sila ni


Rina. May tama siya sa katawan. Saka muling nakatulog si Rina. Ibig niyang
matulog din. Ngunit naiisip na naman niya ang dyip. Bumangon siya. Sinilip
sa bintana ang sasakyan. Wala na iyon doon. Sumiping uli si Mig kay rina.
Nakatulog siya sa init ng katawan nito.

NAKIISA ang HURLS sa isang demonstrasyon sa harap ng korte


Suprema. May isang libong katao ang humingi sa pinakamataas sa hukuman
ng bansa na magpasiya ng pabor sa bayan hinggil sa isyu ng PDA. May hawak
na plakard si Mig. Nakatingala siya sa nagtatalumpating kasamahang abogado
na nakatuntong sa ibabaw ng isang pick-up.

Noon niya nakita si Deng. May labinlimang dipa ang layo sa kaniya. Sa
ilalim ng puno. Kumaway ito ng pantay sa dibdib ang mga daliri. Saka parang
may inilaglag na kapirasong papel. Kitang-kita niyang nasalalak ang papel sa
pagitan ng sala-salabid na mga ugat ng punong kaymito.

Iniiwas ni Mig ang tingin kay Deng. Bumaling siya sa nagsasalita.


Nakinig. Pagkaraan ng limang minuto, sinibat niya ng tingin ang puno. Wala
na si Deng.
Alam na niya ang ibig sabihin niyon. Kailangan siyang makausap ni
Pastor. Nagtatago si Pastor. Wala pang linaw ang isyu ng PDA na inilabas
kasama ang pangalan nito.

Katanghalian na. Nagtapos na ang huling ngasalita. Nagkulusan na ang


mga sumama sa demonstrasyon. Umuna na ang iba sa pagsakay sa
nagdaraang mga dyipni. Kumilos si Mig. Nakikita pa rin niya ang kapirasong
papel na nakasalahak sa mga ugat ng kaymito.

Dumaan siya roon. Kunway sumabit sa puno ang dala niyang plakard at
nalaglag mula sa kaniyang kamay. Yumuko siya. Pagdampot sa plakard ay
dinampot din niya ang papel. Ibinulsa, kasunod ng paghugot ng isang
panyolito na ipinunas niya sa pawisang mukha.

Nagtuloy siya sa isang restawran. Umorder ng lugaw. Kumain. Sa aktong


pagbabayad, inilabas niya ang papel. Numero ng telepono. Tumindig. Tinungo
ang telepono sa may sulok. Naghulog ng mga sensilyo.

Maraming tao?

Hindi naman.

Saan ba yan?

Sinabi ni Mig. Pinaghintay niya ni Pastor. Sampung minuto lamang,


namangha siya, naroon na si Pastor. At dalawang minuto pa, naroon na rin si
Deng.

Nandyan lang kami sa isang opisina ng kaibigan.

Anong gusto nyong kanin? usisa ni Mig.

Lugaw na rin pareho. Sabi ni Deng. Umorder sila. Kumain ang dalawa.

Anong balita? usisa ni Mig.

Delikado. Nagkunot-noo si Mig.


Yung taong pinagtatag natin ng chapter sa Cebu, informer pala.
Dalawang kasama natin ang nawawala. Ewan kung na-salvage. Wala silang
kontak sa mga tao natin. Ni hindi tumembre sa kani-kanilang pamilya.

wala pa sa dyaryo.

Inimbestigahan pa. kung madidiyraryo, baka hindi na ilitaw.

Ano ang dapat gawin?

kung may kontak sa military

Paano yon?

kung may malakas sa military, hindi problema ang pagtatanong.


Madaling matutunton naisip ni Mig si Rina.

Sige nga, isulat mong buong pangalan. Ipapasa ko.

Kangino?

Isang kaibigan.

NAGDALA sila ng kotse. Ikasampu na ng gabi. Daraanan natin si


Tenyente, kaibigan ng pamilya, sabi ni Rina na may hawak ng manibela.

Ano ang kaniyang magagawa?

Kaibigan niya si Col Zafro, ang may hawak ng log book ng mga
dinarakip kaugnay ng subversion cases.

Saan natin pupuntahin?

Sa bahay, sa Marikina.

Naiparte na ba sa kaniya ang mga pangalan?

Ipinahanap na ni Tenyente. Sabi nga, puntahan siya sa bahay, gabi.


Kahit na raw late at night.

Kilala ba ako ni Tenyente?.


Para kang subversive kung magsalita. Legit kayo, di ba? at nagtawa pa
si Rina. Lumiko sila sa may West Avenue, patungo sa may Veterans Memorial
Hospital sa isang bungalo, sa tabi ng pader ng ospital, huminto sila.

Lumabas ang isang nakasibilyang lalaki. May gulang na 35 lamang.


Hindi kagandahang-lalaki, ngunit sa isang militar ang tindig.

Rina, baba munat magkape tayo.

Huwag na, Dino. Gagabihin tayo. Si Mig. Nakipagkamay si Mig sa lalaki


nang hindi bumaba sa kotse. Nakatitig sa kaniya ang lalaki. Parang kinikilala
siya. Lumipat si Mig sa likurang-upuan. Sumakay si Dino. Katabi ni Rina.

Walang telepono si Col.., sabi nito. Ayaw pa kasing lumipat sa


Diliman.

Sabi mo may poultry farm doon.

Wala namang kinikita. Baka nga ikabit ni Col. Zafro. Maliit na bahay,
ngunit dalawang palapag. Malwak ang bakuran. May mga istruktura na
silungan ng mga manok at baboy.

Magsisingkuwenta na si Col. Zafro. Masayahin. Kaya nang ipakilala si


Mig ni Rina, walang ano mang napansin dito. Parang dating kakilala ang tatlo.

Apat na araw mula ngayon, ipupubliko ang pagdadakip sa dalawang


pangalang yan. May inihahanda nang PDA.

Nasaan sila?

Nasa Cebu pa.

Baka nadidisgrasya, Col? sabi ni Mig. Umiling ang opisyal. Kahit


galos, wala, ayon sa ulat. Ayaw ng military na masira ang image sa tingin ng
publiko.

Ano kayang magagawa natin para sa dalawa? Si Rina naman ang


nagtanong.
Ihanap naman ng mga abugado. Nagkatinginan sina Mig at Rina.

Chairman ho siya ng HURLS, amin ni Rina.

Bilang isa sa mga topnatcher sa bar ang pagkakakilala ko sa iyo,


binata! swalang nadarama si Mig, ni wala siyang naiisip. Gumagawa rin ng
paraan para ipagtanggol ang sarili. Sa PDA, lahat ng potensiyal na panganib s
aestado ay pipiliin. Daraanin lahat sa mahinahon at legal na paraan. Pero may
mainit ang ulo. May nadidisgrasya. Ibig ni Mig na takasan ang lugar na iyon
nang mga sandaling iyon.

16
HINDI agad naintindihan ni Mig kung bakit natakot siya sa babalang sinabi ni
Col Zafro. Naihatid na nila Rina ang tenyenteng nagsama sa kanila sa bahay
ng koronel ay malalim pa rin ang pag-iisip niya.

Malagim ang mga larawan sa guniguni niya. Si Rupert, nakatimbuwag sa


isang kanal sa isang malayong highway, tadtad ng bala sa dibdib. Si Pastor,
nakdapa sa bangketa, durog ang gulugod sa pagkakasagasa ng isang behikulo.
Ang dalawang kasama nila sa HURLS sa Cebu, hindi na makita, nabura pa
ang pangalan sa logbook ng militar.

Ang mga iyon ba ang aking ikibnatakot? Tanong ni Mig sa sarili.


Marahang napabaling siya kay Rina na nagmamaneho ng sasakyan, sa dilim
na tinutuhog ng liwanag ng mga headlight. Waring may naisip din si Rina.

Ngayon naisip ni Mig kung bakit siya natakot. Nagkaugnay na ang


damdamin nila ni Rina. Naghiraman na ng init ang kanilang katawan. Naging
iisa na ang kanilang kaluluwa. Mahal siya ni Rina. At ayaw niyang magdusa ito
kapag sumapit sa kaniya ang malalagim na larawang dumaan sa kaniyang
guniguni.
Nakapagpapaduwag pala ang pag-ibig, naisip ni Mig. Lalot pag-ibig na
pansarili at walang pakialam ang sambayanan! Napansin ni Rina ang
pagbaling niya rito. Parang anak ang turing sa akin ni Col. Zafro. Kaya siguro,
pati ikaw, pinaalalahanin. Halata niya siguro tayong dalawa.

Nakangiti si Rina. Minsan pang sumulyap sa kaniya bago palagiang


itinutok ang tingin sa unahan ng sasakyan.

Matagal mo na siyang kilala?

Siyang una kong interview. Noong ipagharap niya ng sumbong na


kriminal ang dalawang sundalo sa Judge Advocate General. Scoop ko yon
oneyear ago.

Mapagtitiwalaan bang kaniyang sinabi tungkol sa dalawa naming


kasamang nawala?

Garantisado.

E, yung paalala niya?

Bakit hindi? Pati ako, nag-iisip ngayon.

Anong iniisip mo?

Ikaw. Masyadong malalim nang involvement mo sa HURLS. Communist


front organization yan. Hindi lulubayan yan ng gobyerno hanggat hindi
nalalansag at naibibilanggo ang mga lider.

Cause-oriented organization kami. May paniniwala. May panindigan.


Tutol kami sa imperyalismong Amerikano. Tutol kami sa mga
mapagsamantalang naghaharing-uri. Kalayaan at katarungan ang ibig naming
mamayani sa bansa natin.

Hindi kayo tutol sa socialist imperialism?

Wala ni isang Ruso na nagsasamantala sa pilipinas. Papaano natin sila


lalabanan? Ang nagpapahirap sa atin ay mga Amerikanong may control ng
pandaigdig na negosyo at serbisyong komersiyal. Sila ang dapat nating
bakahin.

Darating tayo sa imperyalismong Sobyet kapag ang bansang ito ay


bumagsak sa kamay ng mga komunistang rebelde ngayon.

Samabayanan ang magpapasiya kung magiging komunista tayo o hindi?


Saka na muna ang usaping iyan. Ang kailangan ngayon ay wasakin ang
kasalukuyang sistema na nagluluwal ng matinding kahirapan. Kawalang-
katarungan, pagkakahati-hati ng mga Pilipino at pagtatakwil sa sariling
kakaniyahan.

Ang bilis mong natuto, Mig. Parang nasaktan si Rina batay sa garalgal
na boses nito.

Hindi ka naniniwala sa akin? umiling si Rina. Ang pinaniniwalaan ko,


mahal mo ako.

Isinampay ni Mig ang isang braso niya sa balikat ni Rina. Patuloy ito sa
pagmamaneho. Nakatingin sa unahan ng sasakyan, sa kadilimang binubusbos
ng liwanag ng ng headlights ng kanilang sinasakyan.

Siya, hanggang dyan na lang ang paliwanagan, saway ni Mig. Saan ba


tayo sa inyo o sa palasyo ko? Siniko ni Rina si Mig sa tagiliran. Ihahatid lang
kita. Uuwi ako.

Ikaw, ha? Baka magisi ka? siniko siya uli ni Rina. Mahina lamang.

DUMALAW si Mig kay Rupert bilang isa sa mga abugado nito. Payat si
Rupert. Malaki ang inihulog ng katawan.

Naiinsomniya ako, daing ni Rupert.

Nag-iisip ka pa kasi. Pabayaan mo na kaming nasa labas. Huwag kang


patangay sa lungkot at kawalang pag-asa. Kailangan ka namin nang buhay,
malusog at malinaw ang pag-iisip.
Sinapol ng isang palad ni Rupert ang braso ni Mig. Yung dalawang
kasama natin sa Cebu, maililipat na ba sa Metro Manila.

Naghanap na kami ng petisyon. Nasa kanila yon.

Mag-lie low kaya kayo. Mainit na mainit sila sa HURLS.

Maraming research sa human rights violations na natunton sa HURLS.


Yung mga protestang umaabot sa maraming kapanalig natin sa abroad ay
kayod natin. Natutuliro sila sa HURLS.

Kung malansag ang HURLS?

Hindi baleng malansag ang HURLS kung maikalat naman natin sa


kamalayan ng sambayanan ang pangangailangan ng kalayaan at katarungan
sa bansang ito.

Sina Pastor at Deng, pag-ingatin mo, bilin ni Rupert.

Malaking serbisyo nila. Hindi sila dapat matimbog mapipilay ang isang
paa ko.

Panay ang publisidad mo sa Daily Globe. Sino ba yung may by-line?


Paborito ka yata.

Isang kaibigan. Nakangiti si Mig.

Mahusay sumulat. Maraming datos na alam. Sino kaya ang nagsu-


supply sa kaniya ng mga impormasyon?

Investigate reporting walang sawa siya sa pag-iimbestiga. Susulat


lamang yan kung kumpleto na ang datos.

Parang intelligence officer

Masipag lang, matiyaga.

O, basta, mag-iingat ka lang. Ngayon, hindi mo alam kung sino ang


iyong mag kaibigan, ang iyong mga kaaway. Nagyakap sila.
Hanggang sa susunod na trial, ha?

KAY Rina naidaing ni Mig ang pagkabigo ng petisyon niya na mailapat ang
dalawang kasama nila sa HURLS Cebu sa pansamantalang piitan sa Metro
Manila. Patuloy ang dating ng impormasyon na delikado ang kalagayan ng
dalawa roon.

Ibig mong lumapit ako sa mataas-taas? ani Rina nang minsang yakagin
siya nito sa isang restawran pagkaraan ng trabaho nito sa Daily Globe.

Kay Minister Enrile?

Mataas na yan.

Sino? napangiti si Rina. Ako nang bahala roon. Basta bigyan mo lang
ako ng kopya ng petisyon mo.

Talaga?

Mig, baka nakalimutan mo, sinamahan kita kay Col. Zafro! Nakakuha
ka ng impormasyon at tama ang impormasyon.

Blessing in disguise ka sa akin, Rina, sabi ni Mig at pinakatitigan ang


nobya. Alam mo, may moral obligation ako sa mga kasama naming iyon sa
Cebu. Ilang mass action ng HURLS ang kanilang inilunsad at nagtagumpay
naman. Kailangan ko silang mapangalagaan. May mga nakaengkuwentro
silang para-military sa ilang demonstrasyon at rallies. Baka sila madisgrasya.

Sana, Mig, Yang gagawin mong pagtulong sa pamamagitan ko e maging


panghuli na. lalo na siyang napatitig kay Rina. Nag-uusisa ang mga mata
niya.

Natatakot ako.

Si Pastor, si Rupert, yung ilang kasama ko, natatakot din sila para sa
akin. Ano na bang nangyayari? Grabe na ba ang sitwasyon? tamilmil na si
Rina sa pagsubo ng pagkain.
Wala ka bang balak para sa atin? tumingin si Mig kay Rina.

Alam mong wala ako sa kalagayan para ipangako yan sa yo. Alam
mong trabaho ko. Saka na kapag lumipas na ang lahat ng ito. Tutal, nalalapit
na ang mga araw ng pagbabago.

Nagtatanong lang ako. Umibig ako at nagpaubaya sayo nang hindi ako
humingi ng pangako. Kaya lang, masarap sa isang babae ang may tinatanaw.

Mahal kita, Rina. Ang kinabukasan natin ay nakasalalay sa


pakikipaglabang ito.

Para bukas? Sa habang buhay?

Walang katapusan ang tunggalian. Ang mga magwawagi bukas ay


muling makikipaglaban sa makalawa.

Puwede tayong maghintay hanggang sa makalawa, hanggang isang


linggo, isang buwan, isang taon, isang dekada.

Namanglaw ang mga mata ni Rina.

Ibig mo akong maging martir, Mig?

Hindi sa ganoon, Rina. Ibig ko, tulungan mo ako sa lahat ng oras para
mapadali ang labanang ito. Mahal kita, Rina.

Ewan ko, Mig, pero wala mang tiyak na kinabukasang mahihintay ako
sayo, mamahalin pa rin kita. Bahala na ang bukas.

Nabasag ang boses ni Rina.

17
ALAM ni Mig: natangay siya ng mga sinabi sa kaniya ni Rina. Ibig na
niyang mangako, ibig niyang bigyan ito ng pag-asa. Higit niyang naunawaan
na ang prinsipyo ng isang tao ay pinagbabantaan ng pag-ibig.

Ngunit sa huling sandali ay nilabanan ni Mig ang kaniyang sarili. hindi


makatarungang mangako sa isang babae ng kinabukasan kung ang darating
ay magiging larangan ng labanan. Walang kasigurahan ang lahat. Maaaring
humihingi lamang ng lambing si Rina. Pakunsuwelo. Ngunit hindi siya
gayong uri ng lalaki. Kapag nangako siya ay tutupad siya.

Nagkita sila ni Rina pagkaraan ng ilang araw. May iniabot sa kaniyang


sulat. Mula sa Ministry of National Defense. Iniuutos sa Regional Command sa
Cebu na ilipat ang dalawang detenido ng HURLS sa Metro Manila.

Malaking tulong ito sa HURLS, sabi ni Mig.

Malaking tulong sa akin dahil hindi ako mag-aalala tungkol sayo kung
dito na sa Metro Manila ang trial ng dalawa. Nagtawa siya. Seryoso si Rina.

Anong igaganti namin?

Totoo ba ang tanong na yan? Nakatitig sa kaniya si Rina.

Kung totoo?

Hindi maibibigay ng HURLS! Hihilingin ko na pawalan ka sa komitment


mo sa kanila! napanganga si Mig.

Nakita mo na! mula noon dalawang linggong hindi nagpakita sa kaniya


ang dalaga.

Isang gabi, dakong ikasiyam, dinatnan niya si Mrs. Alergria na nag-


aabang sa maliit na pintuan ng bakurang iyon.

May nangyari ho ba? gulat na gulat siya.

Lumayas si Clarita napatanga siya.


Umuwi siya kagabi nang alas dos na. Inihatid pa ng isang katerbang
lalaki. May sosyolan daw sa ikswuwelahan. Naghintay si Mig ng iba pang
maririnig.

Hindi ko siya pinagalitan kagabi. Kanginang umaga, binawalan ko


siyang lumabas. Wala naman kasing pasok. Sumagot siya. Sa buong buhay
daw niya, mabait siya. Pero bakit daw hindi niya makuha ang kaniyang gusto
sa buhay. Sinabi niya sa akin, ang mga gusto niya sa buhay ay kukunin niya
sa ibang paraan, kahit masamang paraan, kahit masamang paraan. Noon ko
siya nasampal.

Pinapasok ni Mig si Mrs. Alegria sa bakuran. Ayaw na nitong pumanhik


sa mezzanine.

Pagkakain ng almusal, naligo lamang ako. Pagkabihis ko, wala na siya.


Kakaunti lang ang dala niyang damit.

Ako ho ang dahilan.

Baka kako nagpunta rito.

Baka ho, pero maghapon ho akong wala rito.

Kung magawi rito, iuwi mo siya sa akin. papatayin ako sa nerbiyos ng


batang yan.

Kalmado lang kayo. Tawagan nyong lahat ang maiisip ninyong mga
kaibigan ni Clarita.

Ginawa ko na. Pati pulisya. Nakaramdam ng kitib sa sentido si Mig.


Inihatid niya sa kanto at isinakay ng taksi si Misis Alegria.

Pagbalik niya sa loob ng bakuran, nakita niyang nakaupo sa may


hagdanang paakyat sa mezzanine si Clarita. Nakapantalong maong ito, naka-t-
shirt, may nakalapag na traveling bag sa paanan.

Nakita mong mommy mo? bungad ni Mig.


Kangina pa ako rito, alas siyete pa. Nang dumating si Mommy, nagtago
ako. Naghahanap ako ng matutulugan. Tumindig si Clarita. Dinampot ang
dalang bag.

Sabi niya, iuwi kita.

Susundin mo naman siya?

Ina mo siya.

Hindi ko naman siya tinatalikuran. Ibig ko lang umalis sa amin. Ayoko


na ng ganoong buhay. Pare-pareho. Wala nang maramdaman akong bago.

Alam mong hindi ka puwedeng matulog dito.

Kung ayaw mo akong patulugin sa itaas, sa kalye ako matutulog!

Magkaharap na sila. May tigas ang kaanyuan ng mukha ni Clarita.

Sige, sige! Halika sa itaas!

Tumaas ang boses ni Clarita sa bawat pagsasalita. Baka may makarinig


sa kanila. Baka may dumungaw sa mga bintana sa ikalawang palapag.

Pakaladkad na ipinanhik ni Mig ang dalaga.

O, saan ka matutulog dito? Iisa ang kama, maliit pa. Iisa rin ang aking
kulambo.

Kahit sa ilalim ng kama! inis na sagot ni Clarita. Umupo si Mig sa


isang silya. Kinambatan si Clarita na umupo rin sa katapat ng silya.

Pag hindi ka agad nakauwi, baka atakihin ang mommy mo.

Hindi yon high-blood. Allergy lang sa balat ang sakit nyon!

Kumain ka na ba?

Hindi pa. may mailuluto ba?


Pagtindig ni Clarita, nahagod ito ng tingin ni Mig. Nanlalambot ito. Hindi
pa nga marahil kumakain.

Ikaw nang bahala dyan. Ibibili lang kita ng coke!

Mabilis, nanaog si Mig. Nagtungo sa kanto. Sa drugstore na 24-


hoursservice. Nakitawag siya.

Hello?

Rina, si Mig ito.

Parang may problema ka?

Meron nga. Nabitin si Mig nag-alangan.

O, ano?

Si Clarita, narito, napilitan din niyang sabihin. Naglayas sa kanila.

O, pakakasalan mo na?

Masakit nang ulo ko, nagbibiro ka pa!

O, ano pa ba ang dapat gawin dyan, di pakasalan!

Ibig kong dalhin sayo.

Ano? Gagawin mo akong baby-sitter.

Please naman, Rina. Baka mapalinawagan mo. Hihintay siya sa kanila


kagagaling lang dito ng kaniyang mommy. Pinagtaguan.

Matutulog na ako.

Niloloko mo ba ako? biglang nagtaas ang boses ni Mig. Natahimik si


Rina sa kabilang dulo ng linya.

Tulungan mo ako sa kaniya. Siguro babae ang dapat magpaliwanag sa


kaniya upang makaintindi.

Hindi sila nagkaintindihan ng mommy niya


Iba yon, sa kaniya may hinanakit. Sayo, wala. Magkakilala na naman
kayo, e!

Hindi niya ako gusto.

Hindi niya alam ang gusto niya. Lito siyo. O, ano pupunta kami dyan o
ikaw ang pupunta rito? alam niya, nag-isip si Rina.

Sige, magdadala ako ng sasakyan.

Pagkababa ni Mig ng telepono, nagbayad siya at mabilis na tumawid ng


lansangan. Napatda siya sa bangketa. Nakita na naman niya ang pamilyar na
dyip. Naroon na naman sa kanto. Parang may inaabangan. Dalawang lalaki
ang sakay, kapwa naninigarilyo. Ngunit hindi sa kaniya nakatingin ang mga
ito.

Binilisan niya ang paglakad. Pagkapasok sa bakuran, isinara niya ang


trangkahan. Pumanhik siya sa mezzanine at mula roon ay sinilip ang
sasakyan.

Bakit? usisa ni Clarita

Wala! Luto na ba tayo dyan, ha?

Kita mo na! pati pala ikaw, di pa kumakain?

Magkasalo silang maghapunan. Karne norte. Lamig na kanin. Patis-


batangas.

ANONG sinabi mo?

Tinawagan niya si Rina sa bahay. Ilang araw nang nakakauwi si Clarita


sa ina nito.

Muntik na palang may nangyari sa batang yon!

Bakit?
Nang maglayas, nagpunta pala sa kaibigang si Nory. Taga-sampaloc.
Tinawagan na naman ni Nory ang barkada. Sumipot ang tatlong lalaking
kinabibilangan ni Doy. Lumiligaw pala kay Clarita. Lumabas ang grupo, dala ni
Clarita ang kaniyang mga damit. Kung saan-saan nagpunta hanggang sa
gumabi.

Pagkatapos?

Humiwalay si Nory, kunwariy may bibilhin. Isinama si Clarita ng tatlo.


Dinala sa warehouse na walang laman sa may Intramuros. Binola roon ni Doy.
Nang hindi mahimok sa gusto, tinakot ng dalawang kasama. Hindi naman
nasiraan ng loob si Clarita. Inihambalos ang dalang bag. Nakapuslit at
sumakay ng taksi. Sayo nga nagpunta.

Nang ihatid mo sa kanila, ano na ang sabi?

Salamat daw.

Yun lang?

Salamat daw at sport ako.

Hindi kita maintindihan.

Kasi, pinangakuan ko siya na hindi ako magagalit at hindi hahadlang


sa kaniya kung patuloy siyang magkakagusto sayo

Bakit mo naman sinabi yon?

Bakit, hindi pa naman tayo kasal!

Pambihirang tao ka, oo. Di magkakaroon pa yon ng pag-asa. Ibig ko,


kalimutan na niya ako.

Kayong mga lalaki, akala, simple ang lahat. Tinamaan mo yung tao,
ganon lang ba para malimutan ka? Ako, sa nangyayari sa atin,
makakalimutan ba agad kita!

Sige na nga!
Siya nga pala, Mig. Ikaw ba, kayo ba, may kinalaman sa pangangalap
ng ebidensiya tungkol sa hidden wealth? Balitang balita na mga cause-
orientedorganization ang nagsu-suply ng artillery para magamit ng oposisyon
laban kay presidente.

Hindi yan totoo!

Wala kayong kinalaman sa planong impeachment kay Presidente?

Kung sino ang nagkakalat ng balitang yan e mga kalaban namin.


Magkaiba ang pulitika ng oposisyon sa Batasan at ang aming pulitika.

Mag-iingat ka, Mig. Painit ng painit ang sitwasyon!

Pagkaraan, nagbaba na ng telepono si Rina. Hindi pa nakalalayo si Mig


sa kinaroroonan ng telepono at tumunog uli iyon.

Hello!

Mig, si Pastor ito.

Kumusta?

Magkita lang tayo bukas ng umaga sa dating lugar natin. At naputol


ang linya.

18
DUMATING si Pastor sa restawran nang ganap na ikasiyam. Naroon na
si Mig, naghihintay.

Kumusta si Deng? usisa ni mig.


Okey naman. Maaasahan na siya para sa lakad natin. Natatakot lang
ako na baka madamay pati siya.

Pag-ingatin mong mabuti si Deng. Sayang ang kahit isang tao na


mabawas sa ating puwersa.

Kaya nga narito ako para makapagdagdag ng puwersa. May tatlong


bisita tayo sa safehouse. Galing Central Mindanao. May grupo na raw sila para
pangalanang HURLS.

Sinong kontak nila?

Si Mac Agro sa Cebu.

Na double check na ba?

Hindi yan ipadadala sa ating safehouse kung hindi pa sila sanitized.

Ibig kong makausap?

For instructions?

Kailan?

Puwede ka, alas diyes ng gabi mamaya?

Areglado. Anong feedback mula sa Laoag?

Pareho rin. Hindi pa makakilos ang HURLS doon.

Hindi kasi sila nag-ingat sa pagpili ng members. Yung may marka ng


military, huwag na lang sana.

Tinanggal na yung dalawa, pero hindi na maalis yon sa listahan ng


military.

Ang importante, hindi na makikitang kasama sa mga mass action ng


HURLS.
O, sige, Mig, hindi ko lang nasabi yang mga bisita kagabi. Kanginang
umaga ko lang na-confirm, about seven ang kanilang pagdating.

Hindi bale. Basta mamaya, alas diyes?

Tumango si Pastor, patalilis na lumabas ng restawran. Nagtungo sa


Korte Suprema si Mig at nagharap ng ilan pang apidabit upang
makapagpiyansa naman si Rupert. Saka nagtungo siya sa law office ng iba
pang abugado nito at tinalakay naman nila ang taktika sa pagtatanggol sa
dalawang kasapi ng HURLS na inilipat sa Metro Manila mula sa Cebu.
Pagkaraan ay nagtungo siya sa dormitoryo at doon na nananghalian.

Masaya na si Clarita. Sumalo ito sa kaniyang pagkain. Pati si Mrs.


Alegria ay parang nakipagsundo na sa anak.

Ang hindi ko lang gusto ngayon kay Clarita, pagbubukas ng ginang,


nawiwili yan sa grupo ng mga aktibista. Naririnig ko, nakikipag-usap pa kay
Rina. Itinutulak pa yata ng babaing yon.

Si Mommy naman! Marami nga akong natutuhan. Si Rina naman,


maraming ibinigay sa aking impormasyon na naipapasa ko naman sa mga
kaibigan kong radikal, sabad naman si Clarita.

Kaibigan ko ho si Rina, Mrs. Alegria, sambit naman ni Mig. Kilala ko


ho siya.

Tumingin si Clarita kay Mig. Parang nagselos sa sinabi nito.

Basta ba mag-iingat kayo. Umuwi nang dakong ikatlo si Mig. Naligo


siya, saka natulog. Ikalima na nang magising siya. Sinulat niya ang isang
bahagi ng pleadings o kahilingan sa hukuman tungkol sa sakdal sa dalawang
kasapi ng HURLS. Nagtagal siya sa kaniyang sinusulat. Ikawalo na ng gabi
nang matapos siya. May lamig pang kanin sa maliit niyang kusina. Nagbukas
siya ng sardinas at naghapunan. Pagkakain ay binalikan niya ang kaniyang
sinulat. Nirepaso. Isinulat uli ang ilang bahaging malabo. Matatapos na siya
nang tumunog ang telepono.

Hello? Rina?

Narito ako sa kanto.

Bakit ka nagulat?

Wala. Kuamin ka na ba?

Hindi pa nga, e. puwede bang pumanhik? naisip niya ang usapan nila
ni pastor. Maidadahilan ba niya iyon kay Rina?

Halika na. bubuksan kong gate.

Nanaog siya. Naghintay saglit sa may tarangkahan. Hindi nagtagal,


dumating si Rina. Nakabestida ito. Mukhang masaya.

Anong makakain? nanunudyo ang tingin ng dalaga.

May natira pang sardinas, sambot ni Mig.

Baka gusto mong kumain sa labas? usisa ni Rina.

May may lakad ako.

Ngayon?

Mamamayang alas diyes.

Sumimangot si Rina. Nag-alangan sa pagsunod kay Mig. Nang huminto


si Rina sa tabing hagdanan paakyat sa mezzanine, alam ni Mig na nagtatampo
ito.

Aalis na ako.

Aba, mag-usap muna tayo.

Saka na
Mabilis na lumapit si Mig kay Rina. Hinawakan ito sa Braso at
pinapanhik. Sumunod naman ang dalaga.

Importante yata ang lakad mo.

May lakad ba akong hindi imoportante? pabirong sagot ni Mig.

Conceited!

Nagtungo si Mig sa kusina. Naglabas ng pinggan. Naglagay ng kanin at


ulam sa isang malapad na plato. Inihain iyon kay Rina. Nagtimpla rin ng kape.

Pantulak, sabi ni Mig.

Napangiti si Rina. Hinarap ang inihain ni Mig. Nakapanood lamang siya.


Parang napakasarap ng pagkain ni Rina sa kaniyang tira-tirahan.

Pagkaraan, nagtungo sa lababo si Rina. Nagmugmog. Saka lumagok ng


maraming tubig.

Ang sarap! sabi nito at humarap kay Mig.

Niyapos ni Mig si Rina. Siniil ng halik sa bibig. Lasang sardinas ang bibig
ng dalaga. Gumanti si Rina. Parang ayaw bumitiw sa kaniya. At nadama ni Mig
na mahal nga niya ito. Ibig niyang makasama ito sa buong buhay niya.

Aalis na ako, sabi ni Rina at itinulak ang kaniyang katawan.

Teka, at muling niyakap ang dalaga. Isasama kita.

Saan?

kahit saan?

Ayoko na roon. Dito na lang.

Binitawan ni Mig si Rina. Loka. Sa isang lugar tayo pupunta. Basta


sumama ka.
Alam ni Mig na mapangahas ang kaniyang ipinasiya. Dapat ay sinagguni
niya si Pastor. dapat ay mabatid din ng mga bisitang taga-Mindanao na may
kasama siyang darating sa safehouse. ngunit nadama nga niya na dapat
maging bahagi ng kaniyang buhay si Rina. dapat nitong maintindihan ang
kaniyang mga ginagawa. tulad ni Deng, na nobya ni Pastor. dapat makatulong
sa kanila si Rina, patuloy na makatulong tulad ng mga ginawa na nito.

Sumakay sila ng taksi sa knato. Sinabi niya sa tsuper ang lugar. Matagal
na silang nakasakay sa taksi nang mapalingon siya. parang may jeep na
sumusunod sa kanila. ngunit may kalayuan ang sasakyang iyon. at saka Ilang
sandali pa ay hindi na niya nakitang nakatultol sa kanila.

Nanaog sila sa isang eskinita. naglakad sila ng dalawang bloke. Sa isang


lumang apartment, kumatok si Mig. Si pastor ang nagbukas ng pinto.

Si Rina, kilala mong by-line niya? sabi niya rito.

Hindi makahuma si Pastor. parang nalito. Parang ayaw silang


papasukin.

Nariyan na ba sila?

Oo, hinihintay ka na.

Nagbigay-daan si pastor. Parang wala sa sarili.

Napansin iyon ni Mig. kinawit sa braso si Pastor at binulungan.

Siyang tumulong sa dalawang nating kasama na mailipat sa Manila


mula sa Cebu.

Nabigla lang ako , Mig. Wala kasing nakararating dito na non members
ng HURLS.

Daig pang member siya ng HURLS, Pastor.

Okey lang , Mig . alam mo naman ang ginagawa mo .


Pinisil nya sa braso si Pastor . Saka tumuloy sila sa isang malaking kuwarto.
Doon , naghihintay ang dalawang lalaki at isang babae.

Nagpakikilala sila sa isat isa.

Handa na ang mga aplikante. Mga Muslim ang karamihan. Mga


edukado. Pinagtatalunan lng kung ung nababalitang mga kasama sa MNLF
ay papayagang makapasok sa atin, paliwanag ng isang tubong Magindanaw
ngunit mahusay magsalita ng Filipino.

Walang kaso , sambot ni Mig. Huwag lang yung babagsakan na sa


ulo ng PDA .

Nagkatawanan sila.

May kontribusyong salapi mula sa labas. patulo pa nito.

Ipapasok mula sa Sabah. Pero walang kinalaman ang pamahalaan doon.


Marahil, galing Middle East ang pera.

Patakaran ng organisasyong senrtal ang pagsasarili ninyo, paliwanag ni


Mig. Kaya lang, ibig namin , well-coordinated ang mga pagkilos. May disgrasya
sa kalituhan.

Mabuti. matagal ang panahong bale-wala ang Mindanao sa mga


pagpapasiya. Hanggang sa ngayon, marka ng kamangmangan at karahasan
ang maging Muslim.

Nagbabago ang lahat, sambot ni Mig. At magbabago pa. Kaya lang,


tayo ang magsusulong ng mga pagbabagong iyan.

Ikadalawa na ng madaling-araw nang lisanin nina Mig at Rina ang


safehouse. Sa mezzanine, nagtuloy ang dalawa. Pagod sila at nakatulog agad.
Ginising ni Mig ng tunog ng telepono umagang-umaga.

Mig, si Deng ito. Hindi umuwi sa kanila kagabi si Pastor!

Tinawagan mo yung teleponong malapit sa safehouse.


Umalis daw doon. alas dos media. Kasama ng tatlong bisita mula sa
Mindanao.

Baka sumama sa mga iyon.

Hindi, Mig, basag na ang boses ni Deng. May usapan kaming dito siya
sa bahay matutulog. Ipinahanda pa nga ng Papa ang Guest room namin.

Huwag kang mag-alala. Tuntunin ko siya kung saan naroroon.

Pagkababa ng awditibo, nasa tabi na niya si Rina.

Nawawala si Pastor, sabi niya rito.

19

NAKATINGIN sa kaniya si Rina. May hasik ng pangamba sa mukha nito.


Napatungo pagkaraan, saka napailing.

Pagkaalis ng tatlong bisitang galing Mindanao, umalis na rin si Pastor.


Ayon sa isang maggagawang nakasaksi, hinintuan daw ng isang owner
jeep,saka parang bigla raw norte ang takbo ng jeep.

May nakabangga ba si Pastor? usisa ni Rina.

Wala. Ni kay Deng wala siyang karibal. Isang tahimik na tao si Pastor.
Ni hindi yan napagkikita sa rally.

Ibig mong tulungan kita uli, Mig? tingnan sa military.

Military lang ang maaaring gumabot kat Pastor. Walang ibang dahilan
ang HURLS.
Mig, kung ang HURLS ay iniugnay na ninyo sa malaking prente na
kumakalaban sa gobyerno, mag-isip ka. Hindi isang patay na ahas ang
pamahalaan. Nagtatanggol ito sa sarili. Makatwirang pigilin ang mga tao o
grupo ng mga taong nagtatangka na ilagay sa panganib ang kaniyang buhay.

Kung ang pamahalaan naman ay para sa iilan Tumitig sa kaniya si


Rina. Matiim.

Sino ka, sino ako na huhusga na ang pamahalaang ito ay para sa


iilan?

Nakikita sa mga nangyayari.

Sa publisidad, sa mga polyeto. Papaano kung yan ay manipulasyon,


kung yan ay propaganda ng mga puwersang gusto namang makahawak ng
kapangyarihan?

Ang pamahalaan din ay nagpopropaganda, agaw ni Mig.

Balik tayo sa dating argumento. Dinamiko, buhay ang pamahalaan.


Magpopropaganda siya para ipagtanggol ang sariling buhay.

Gumagamit siya ng kasinungalingan, nanlilinlang siya sa karamihan. .


NapatitiNagkukubli sa kaniyang mapagbalatkayong postura sa harap ng
sambayanan.

Hindi monopolyo ng oposisyon ang kabutihan. Kung may ilang sektor


ng pamahalaan ang nagsisinungaling, hindi iyon patakaran ng pamahalaan.
Ang magkakasala sa paghawak ng tungkulin at iba pang responsibilidad sa
pamahalaan ay ipinaghaharap ng sakdal sa hukuman at kung napatunayang
nagkasala ay pinarurusahan.

Para kang abugado ng gobyerno kung magsasalita Napatigil si Rina.


Napatitig kay Mig. Nagsukatan sila ng tingin. Matagal na nagbasahan sila ng
kani-kanilang damdamin.
Gaano na ang lalim ng pagkalason sa iyong kaisipan, Mig? Pati ako na
nakikipagtalo lang sayo for the sake of argument ay hinuhusgahan mo na rin.

Si Mig naman ang napayuko. Nadama niya ang malakas na pagkasapol


sa kaniya ng sinabi ni Rina. Hindi makatarungang sabihin niya iyon sa dalaga.

Pero hindi kita sinusumbatan, Mig. Alam kong nabigla ka lang. Alam
kong nagugulo ang isip mo dahil si Pastor ay isang matalik mong kaibigan.
Puwede ba, wag na nating pag-usapan yan.

Nang hindi pa rin makapagsalita si Mig, niyakap siya ni Rina.

Ibig ko lang pagunitaan ka. Habang maaga, umiwas ka. Pag-isipan


mong mabuti ang nangyayari. Linawin mo ng paraan mo ng pagmamahal sa
bayan.

Saka sumubsob si Rina sa kaniyang dibdib. Umiyak. Dama niya ang


pagkabasa ng kaniyang dibdib sa luha ng dalaga. Nakabig niya ito nang
mahigpit. Saka hinagkan sa buhok.

Mahal kita, Rina mahal kita.

NAGUNITA ni Mig ang owner jeep na pumaparada sa tapat ng lumang


bahay ng kaniyang tinitirhan. Bumalik din sa kaniyang isip ang suspetsa
niyang pagsubaybay ng jeep na ito sa kanilang taksing sinakyan ni Rina
patungo sa safehouse ng HURLS.

Hindi na bumabalik sa pook nila ang owner jeepna iyon. Natupad na ba


nito ang misyon?

Ngunit bakit si Pastor ang ginabot ng mga sakay niyon, samantalang


siya ang sinubaybayan wari ng mga ito? Siya ba ang pakay, ngunit nawalan ng
pagkakataondahil kasama niya si Rina? Kung nagkataon bang wala si Rina ay
inagaw siya at sinalakay pati ang safehouse ng HURLS?

May kilabot na gumapang sa kaniyang katawan. kumatal ang kankyang


mga daliri.
Ngayon, patungo siya sa bahay nina Deng. Hindi lumalabas ng bahay si
Deng nang bigyan niya ng babala.

Kung sakaling inuusig si Pastor, hindi siya magsasalita. Ayokong pati


ikaw ay kunin nila at gamitin laban sa kaniya.

Maliit na babae si Deng, charming, at maliksing kumilos.

Ngunit ngayon, parang lalong lumiit si Deng dahil sa pagkakahukot. May dilim
wari sa mukha nito at naging matamlay pati ang pagsasalita nito.

Mapapahamak siya, Migsigurado ko.

Huwag mong unahan ang kapalaran, Deng, awat niya.

Hindi siya magsasalita kahit na ano ang gawin sa kaniya.

Hindi niya ipapahamak ang kaniyang mga kasama. Sa gayon, mawawalan ng


presensiya sa kaniya ang mga umuusig, pahihirapan siya, papatayin siya!

Umiyak, tahimik si Deng pagkasabi niyon. Kailangang yakapin ito ni Mig


upang maihinga ang sama ng loob.

Hinahanap siya. Tutulungan tayo ni Rina. May mga kaibigan siya sa


military.

Ewan ko, Mig. Pero masyadong malihim si pastor. Hindi lang sa HURLS
ang kaniyang koneksyon. Malalim pa. Ipinagkakagalit namin kung minsan ang
paglilihim niya.

May ganoong tao, Deng, hindi palasalita. May Prinsipyo.

Pero may taong nakaugnay sa kaniya, nagmamahal sa kaniya,


nangangarap para sa kaniya..

Sakripsiyo ang hinihingi sa bawat isa sa atin sa panahon ng krisis.

Ngayon mo naiisip,Mig. kung bakit kailangang dominahan ng isang


babae ang kaniyang kasintahan, ang kaniyang asawa. kapag napahamak ang
lalaki, siya ang magdurusa. Siya ang magiging balo at magpapasan ng
responsibilidad sa hinaharap.

Naisip ni Mig si Rina. Tinutulungan siya nito, ngunit nadarama niya na


ibig siyang pangibabawan nito sa mga pagpapasiya. Ngunit masisi ba niya ito?
Tulad ni Deng, si Rina ay umiibig, nangagarap. Kasalanan ba ang umibig at
ang mangarap?

Ibingay ko kay Rina ang number ng telepono mo. Sabi koy patungo ako
rito. Tatawagan niya ako ngayon.

Magmeryenda ka muna, Mig. May ginatang mais na iniluto ang mother


ko.

Sige, yan ang paborito ni Pastor.

Masarap ang ginatan at nakadalawang tasa si Mig. Paalis na sila sa


livingroom ng bahay nina Deng nang kumuriring ang telepono.

Si Deng ang sumagot. Ngunit pagkarinig sa sinasabi sa kabilang dulo ng


kawad ay ipinasa ang awditibo kay Mig.

Si Rina ito, Mig.

Nasaan ka na?

Kay Col. Zafro, kalalabas ko lang sa kaniyang opisina. Dalawang oras


akong kasama niya. lahat ng sinabihan niyay nagbigay na ng feeback.

Parang hindi makahinga si Mig. Parang ang sasabihin ni Rina ay nasa


pagitan ng buhay at kamatayan.

Wala, Mig. Hindi pumasok sa listahan si Pastor.

Na-double check na niya. At hanggang sa umalis ako ay nangako na


magiging round-the-clock ang kaniyang checking ng mga listahan.

Hindi sumagot si Mig. Naghintay ng iba pang sasabihin ni Rina.


Tungkol kay Pastor?

Huwag mo na akong usisain. Ibig ko lamang na makausap ka ngayon.

Saan?

Kahit saan, sabihin mo! Mariin, gigil ang pagsasalita ni Rina.

Sa mezzanine

Naroon ako ng seven..

NAMUTLA si Mig. kumikinig ang mga daliri niyang nakahawak sa mga


larawang iniabot sa kaniya ni Rina.

Isang human rights worker na ayaw pa-identify ang nag abot sa akin ng
mga yan.

Masyado nang bulok ang bangkay.

Hindi na nga makilala ang mukha

Ang mga damit, naitago?

Nakuhang mababaw nanakabaon sa lupa sa may Pampanga, Hubad,


basag ang mukha. Durog ang likod.

Nasaan ang Bangkay?

Kinuha ng mga pulis sa Purac.

kailangang puntahan natin, Sabi ni Mig.

Huwag, Mig. Hindi na ako papayag. Ang pamilya ni Pastor ang


kailangang bumeripika kung yan nga ang labi ng kanilang anak.

20
MATALIK kong kaibigan si Pastor, Rina, Kailangang naroon ako, bilang
chairman ng HURLS.

Madidiyaryo ka na naman. Ipa-publish nilang sasabihin mo. at alam


kong tutuigsain mo na naman ang military sa nangyari kay Pastor.

Hindi military ang tinutuligsa ko kundi ang krimen. Hindi tao ang
kinokondena ko, kundi ang nangyayari.

Ganoon na rin yon, Mig. Intindihin mo naman ako!

Rina, pinanghihina mo ang kalooban ko. Nililito mo ako!

Sobra-sobra na ang serbisyo mo para sa bayan, agaw ni Rina at


yumupyop kay Mig habang silay nakaupo sa gilid ng kama.

Hayaan mo naman ang iba.

Okey, Rina. Hindi ako sasama sa Pampanga, alang-alang sayo.

NANG araw na pumunta sa Pampaga ang pamilya ni Pastor, Si Rupert ay


binasahan ng hatol sa regional court ng Quezon City. Nagkasala si Rupert ng
pagkakalat ng mga dokumentong subersibo at pagtulong sa dalawang
umamin na kabilang sa isang sparrow unit na itinakdang kumilos sa
kamaynilaan.

Hindi humarap si Mig sa hukuman. Sapat nang naroon ang ibang


abugado. Nasa mezzanine siya, sinusulat ang isang bahagi ng appeal na
gagawin nila para sa kaso ni Rupert na ihaharap sa Korte Suprema.

Kayat nang gabing matulog siya, naging madali at malalim ang kaniyang
pagkahambing. Matagal na marahil kumukuriring ang telepono bago siya
napukaw.

Si Deng.

Mig, parine ka. Hindi ko na kaya ito! Hindi ko na kaya!


Bakit? Ano bang nangayri?

Si Pastor, patay na si Pastor!

Napatigagal siya. Nakinig na lamang siya sa panguyngoy ni Deng sa


telepono.

Sige, darating ako ngayon din!

Nanlulumong napaupo siya sa gilid ng kaniyang kama. Napaiyak din.


Saka nagbalik sa kaniyang isip ang pagdala ng bangkay na nahukay sa Porac
sa morge ng NBI. Inawtopsiya.

Hindi na nakialam si Rina sa pagkakaawptopsiya. Ayaw ni Rina na


mapag-uusapan nila si Pastor. Parang dinadaluyong ito ng kung anong
pagkakabalisa.

Ngayon, naisip niya ang mga sinabi ni Rina. Mahal siya nito. At ang
nangayari kay Pastor ay gagamitin nito upang pigilin siyang tuluyang
mapalulong sa kaniyang gawain bilang chairman ng HURLS.

Si Rina o ang HURLS? At nagtawa siya sa sarili.

Dumarating na sa tao ang panahon para mamili. kung isusulong ni Rina


ang isyu hinggil sa kaniyang mga gawain at ng kaniyang pag-ibig sa babaing
ito, ang HURLS ay mananaig.

Iyan ang resolusyong ipinaggiitan niya sa kaniyang sarili.

MATAHIMIK na inilibing si Pastor. At gaya ng prediksyon ni Rina,


nagpalathala si Mig ng mga pahayag sa malalaking diyaryo na kabilang sa
alternative press ng panunuligsa, kahit hindi deretso laban sa military.

Nahihiya ako kay Col. Zafro.. sabi sa kaniya ni Rina sa telepono.

Hindi siya ang tinutukoy.

Kabilang siya sa military establishment.


Okey, kung hindi naman siya kasapakat ay hindi siya dapat masaktan.

Ambivalent ka, Mig. kapag may kailangan ka sa military, napapatulong


ka. Pero kapag kumbinyente, tinutuligsa mo agad sila. May bagay na tinatawag
na moral.

Hindi ako lumalapit sa military para sa aking sarili, Rina. May


nawawalang mga tao na kailangang hanapin. tungkulin ng military na
tumulong sa paghahanap.

Okey! Okey! Papaano ang mukha ko? Ano ang sasabihin ko sa kanila?
Na ang tinulungan koy tumuligsa sa kanila?

Okey rin! Kung masama sa moralidad mo ang gayon, huwag mo na


akong tulungan.

Napika wari si Rina. Ibinagsak ang telepono. Humuhingal din siya sa


tindi ng damdamin. Nagtungo siay sa labaho. Sumahod ng tubig sa isang baso
at uminom. At sa labas, sa maabuk-abok nang kapaligiran, nakita naman ni
Mig ang owner jeep sa kanto. Nag-aabang na naman.

Nagpasiya si Mig. Haharapin niya ang mga sakay ng owner jeep.


Mangyari na ang mangyayari. Dapat matapos na ang pangamba, kawalang-
katiyakang nadarama niya sa tuwing makikita ang sasakyang iyon sa knato.

Mabilis na nagbihis si Mig. Nanaog. Mabilis ang paghakbang na


nagtungo sa may kanto. Ngunit hindi na siya nakalapit. Umusad na ang owner
jeep. Nakuha na lamang niya ang plate number.

Lumapit siya sa isang burger station sa knato. Kinausap niya ang mga
nagsisilbi roon. isang kabataang bigotilyo ang naging madaldal.

Tatlo ho sila karaniwan. Minsan ay dalawa lamang sila nang dumating.


Wala naman ho silang ginagawa. Basta ipaparada ang jeep nila. Kakain
dito.Saka sasakay sila uli. Pero hindi hindi naman agad sila aalis. Palilipasin
ang mga kalahati hanggang sa isang oras. Parang may binabantayan. Napag-
usapan nga ho rito

Mukha silang military?

Hindi ho, mga mukhang sanggano. kung minsan nga ho, natatakot
kami na baka pati kamiy holdapin.

Okey, salamat, ha? at isinulong ang dalawang prisong salaping papel


sa harapan ng kabataang bigotilyo.

Nang bumalik si Mig sa mezzanine, kumuriring ang telepopono. Isang


tinig na hindi kilala ang naghelo.

Si Mig ka?

Oo.

Okey. Nakatakas si Rupert nang ilipat sa Muntinglupa. Iniisip namin na


may kinalaman ka. Huwag mo lang isyang itago, please. hIndi ka pa namin
ginagalaw may koneksiyon ka. Pero hindi naman puwedeng ikaw na lang ang
nakakisa. Kung hindi ka mag-iingat, baka naman ang maisahan.

May koneksiyon siya? Hindi siya gibagalaw dahil doon! sino ang
nagprotekta sa kaniya?

Last warning naman ito. Please be a good boy! Hindi na siya nagsalita.
bakit pa?

KUMPIRMADO nang nakatakas si Rupert. Isinasakay pa lamang ito sa


isang van pagkaraang tumugon sa tawag ng pangangailangan sa isang
restawran sa may Alabang ay kumilos na ito. Dinagil ang guwardiyang nag-iisa
sa ibaba ng van at nang ito ay matimbuwang, kumaripas na ng takbo at
humabo sa karamihan ng mg ataong nag-aabang ng mga sasakyan. Maliksi
itong nakasabit sa isang nagdaraang bus patungo sa Laguna at bago
nakapagpagibik ang guwardiya ay malayo na ito.

Sa unang paghinto pa lamang ng bus ay nanaog na si Rupet. Sumakay


sa isang jeepney na patungo uli sa Alabang. Kayat nasalubong pa nito ang van
na humahabol sa bus. Pagadting sa Alabang, lumipat uli ito sa jeepney
patungo naman sa Calamba, na daraan sa expressway.

Ganoon ang ikinuwento kay Mig ng isang contact man nila na nakipag-
usap sa kaniya sa isang restawran sa Malate. Ligats si Rupert. Hindi nga
lamang makalilitaw. Patuloy na gagampanan, samakatuwid ni Mig ang pagka-
chairman ng HURLS.

Ikaw na raw ang bahala sa HURLS. Tumaas na raw ang antas ng


kaniyang pakikibaka. Huwag na raw asahang babalik siya sa HURLS sa
kaniyang sitwasyon. Magpatuloy ka raw, Sabi ni Rupert.

Idadalangin kong lagi siyang ligats. At sanay matalino siyang


nakapagpasiya.

Hindi sila gaanong nagtagal sa restawrang iyon. Parang napagod siya.


Ayaw niyang bumalik sa mezzanine. Hindi na siya ligtas? May pook ba sa
lipuanang ito na ligtas ang isang tulad niya.?

Lito siya sa mga pangyayari. Hindi na siya tinawagan ni Rina. Hindi na


rin pumasyal ito. May nagbabala sa kaniya sa telepono. Sa pagkatakas ni
Rupert at ng dalawang taga-Cebu. Ngunit abala ang telepono sa law office.
Naisipan niyang tumawag sa boarding house nina Clarita. Ibig lamang niyang
magpalipas ng iniisip sa pamamagitan ng pangungumusta sa mag-ina.
Matagal na rin siyang hindi kumontak.

Sino ito? Nag-alanganin siya. Ngunit naroon na.

Hindi mo kilala ang boses ko?

Mig!
Kumusta?

Hoy! Nasaan ka? Ibig kitang makausap. walang sumasagot sa


mezzanine mo. tungkol ito kay Rina

O, sabihin mo na rito!

personal, e. Marinig pa ni mommy.

Paano? busy ako.

Basta, hintayin mo ako sa Minims. Half-an-hour lang ako e nariyan na.


Okey?

Telepono na lang.

Hindi! ibababa ko na ito.

Teka, Clarita.

Naibaba na ni Clarita ang telepono. At nang tangkain niyang dumayal


uli, walang koneksiyon. Naka-hang ang telepono nina Clarita.

21

NASA restawran na si Clarita nang manaog siya sa dyip. Nakita niya sa


salaming dingding ang pagkaway nito sa kaniya.

Ini-hang mo ang telepono, ano? urirat agad niya kay Clarita.

Isang pilyang ngiti ang isinagot nito.

Kung ayaw mong makipagkita sa akin, hindi ko na lang sasabihin nag


tungkol kay Rina.
Hindi kami nagkikita.

Yun nga. Sang araw, two days ago to be exact, tumawag siya sa akin.
Naghahanap daw siya ng some shoulder to cry on. Mukhang may probelama
ang girlfriend mo.

Dumating na ang order nilang siomai at softdrinks.

Sabi ko, just pick up at the school. Okey raw at dumating siya ng about
four p.m. Nakakotse. Pinakain niya ako sa Ferinos sa philtrade, saka namasyal
kami sa may Cultural Center Complex.

Nakatingin s akaniya si Clarita habang sumusubo siya ng siomai.

Parang sinusuri ang kaniyang reaksyon sa mga sinasabi nito.

At laking gulat ko nang itanong sa akin kung gusto kita. Nagtawa si


Mig. Ibig niyang ikubli ang pagkabahalang bigla niyang naramdaman..

Sabi ko naman, gustong-gusto. Sabi ko pa, ang totooy naisip kong mag-
suicide, nun bang umalis ka sa amin. pero sabi ko, habang humihinga, may
pag-asa ako sayo. Natuwa siya. Kaya lang may sinabi siyang hanggang sa
ngayon ay iniisip ko.

Noon nagtaas ng tingin si Mig. Interesado siya sa bawat manggangaling


sa isip at kalooban ni Rina.

Napaka-uncertain daw ng panahon ngayon, patuloy ni Clarita na


nakayuko, parang lumalalim na ang iniisip. At ikaw daw, Mig, lalong uncertain
ang kapalaran. Kung matulungan ka pa raw niya, gagawin niya. Pero nagawa
na raw niya ang lahat. Matigas daw ang kalooban mo.

Kung matutulungan ka.

May mabigat na ibig sabihin ang pananalita ni Rina. Panganib? Iwinaksi


niya iyon sa isip. Sa kalagayan niya, natural lamang ang pagdatng ng
panganib.
Sabi pa niya, kung gustong-gusto raw kita, gumawa ako ng paraaan.
Kung nananaginip ka raw, gisingin kita. kung nagtulug-tulugan, i-shock daw
kita.

Itinuon ni Mig ang tingin kay Clarita. May latay ng pangamba at lungkot
ang anyo ng mukha nito. Tumigil na ito sa pagsubo at pagnguya.

Naramadaman wari ang init ng kaniyang tingin, nag-angat ito ng mukha.


Nagkatunginan sila.

Ano ba talaga ang gusto mo sa buhay, Mig?

Nagtawa siya, itinataboy pa rin ang mga iniisip.

Gumagawa ako ng pangalan. Ibig kong maging popular. Sa gayon,


kapag nagpapraktis na ako ng propesyon ko, magkakaroon ako ng maraming
kliyente.

Hindi totoo yang sinasabi mo! mariin, pagalit ang sambot ni Clarita.
Hindi ka ganyan, Kilala kita!

Kung kilala mo ako, bat nagtatanong ka pa? panaas, mariin din ang
kaniyang sagot.

Totoo palang impresyon ko sa mga sinabi ni Rina. Wala kang mahak


kahit sino. Mga magulang mo, kapatid, si Rina o ako. Ni hindi mo mahal ang
iyong sarili. Ni ang bayang sinasabi mo ay hindi mo mahal dahil tinutulunagan
mo, lalo lang nagugulo! Ewan ko, Mig, kung kilala mo amg mahal mo.

May katal sa labi ni Clarita. Hindi nito maiangat ang mga daliri sa
pagkakalapat ng mga palad sa mesa. Pati sa mga iyon, mahahalata marahil
ang alimpuyo ng kalooban.

Akala koy uma-attend ka ng discussions. Akala koy interesado ka sa


aking ipinipakikipaglaban. Nagkukunwari ka. Ibig mo lamang paniwalain
akong naiintindihan mo ako.
Noon yon, sabi ni Clarita. Pero ngayon, ayoko nang magkunwari.
nakipagkita ako sayo for the last time. Hindi habang panahong maloloko ako
sayo.

Clarita, sinasabi mo lang yan dahil frustrated ka sa akin. Kung ito na


ang huli nating pagkikita, wag ka namang makipag-away sa akin. Ibig kitang
maging kaibigan. Sa kabila ng mga ginagawa ko, ordinaryo pa rin akong tao
na ibig magkaroon ng mabuting relasyon sa mga nakatulong sa akin, tulad
mo. Intindihin mo naman ako, Clarita.

Hindi kita maintindihan, at umiyak, marahan si Clarita.

Wag kang umiyak dito. Maraming tao.

Saan ako iiyak? kailan pa ako iiyak Maari ko bang i-postpone ang
nararamdaman ko?

Tumindig si Mig. Binayaran sa kahera ang kanilang nakain. Binalikan si


Clarita at niyayang lumabas na sila ng restawran. Isinakay ito ng isang taksi at
binalak na ihatid sa dormitoryo.

Ngunit ayaw pang umuwi ni Clarita.

May pera ako. Dalhin mo ako kahit saan. Pagkatapos naman nito,
ayoko nang makipagkita sayo.

Kung totoo ang siansabi ni Clarita, makabubuti na rin iyon. Ayaw niyang
maging aninong parang laging nakahabol sa kaniya si Clarita. Ayaw niyang
masira ang buhay nito dahil sa kaniya. Ano man ang gusto nito sa kaniya,
pagbibigyan niya. Kung gusto nitong mamasyal, ipapasyal niya.

Ngunit iyon ang kaniyang pagkakamali, naisip niya pagkaraan. Sapagkat


nakapasok na sila sa mezzanine na kaniyang tinitirhan nang maintindihan
niya ang gusto ni Clarita.
Nangumpisal sa akin si Rina. Nagkaroon na raw kayo ng contact. Ibig
daw niyang magsisi pagkaraang ganap ka niyang makilala. Pero kaya lang,
mahal ka niya

Ow? Tinakpan niya ng pagmamaang-maangan ang sinabi ni Clarita.

First time daw niya, matindi raw! Hindi na niya malilimot. kaya nga raw
problema niya ang nangyayari sa inyo. nagtawa si Mig.

Kayong mga babae, kung ano-ano ang pinagkukuwentuhan nyo.

Okey ba siya in bed, Mig?

Gusto mo bang pagkuwentuhan ng iba nag ginawa mong very private,


halimbaway lovemaking.

Why not? Kung ang karanasan ay maganda

Napipilan si Mig. Ano ang kaniyang sasabihin sa babaing ito?

Hindi ka na sumagot. Pero hindi bale, alam kong okey si Rina. Yung
gandang yon, mature na mature ang kaniyang katawan. kakainggit nga siya.

Sumiksik si Clarita sa kaniyang tabi. Mabilis ang takbo ng taksi.

Saka hindi na nagsalita si Clarita. Nanatiling nakasiksik sa kaniya.


Saglit na parang nag-iisip. Ngunit mayamaya, umiyak na naman ito. Tulad ng
pag-iyak kangina sa restawran.

Kung tulad ako ni Rina, natatandaan niyang tanong noon sa kaniya ni


Clarita nang nasa dormitoryo pa siya, hindi na kaya parang bata ang tingin
mo sa akin ngayon?

Ngayon, alam niyang sa huling sinabi nito, minaliit nito ang sarili sa
harap niya.
Aywan kung ibig lamang niyang pagbigyan si Clarita, Kinabig niya ito,
saka inalo-alo. Binulungan. Natatakot ba siya na magsuspetsa ang tsuper ng
taksi na may nangyari na sa kanilang dalawa.

Relax ka lang, isang babae naman ang tingin ko sayo. Tulad din ng
tingin ko kay Rina, sa iba pa. Wala kang pagkakaiba sa kanila, Clarita.

Nasabi niya iyon nang paanas, saka sinabi niya sa tsuper ng taksi na
ihatid na sila sa lugar na kinaroroonan ng kaniyang mezzanine.

Ngayon, umupo na si Clarita sa gilid ng kaniyang kama. Malamlam na


ang liwanag ng nag-iisang bombilya sa silid na iyon. At alam ni Mig na alam ni
Clarita kung bakit sila naroroon. Nahihiya ito sa paminsan-minsang
pagsulyap sa kaniya, ngunit sa kalooban nito, may naglalagablab na
kasiyahan. May libo-libong tinig ng katutubong mga bahagi ng isang malaking
ritwal ng pagbubunyi ng kaluwalhtaian.

Gusto mong kuamin? Ipagluluto kita? Luampit si Mig kay Clarita na


patingin-tingin lamang sa kaniya. Umiling si Clarita.

How about a drink? tanong niya. May nagbigay sa akin ng kalahating


boteng Fundador.

Talaga? Hindi ang bote ng alak. Nagpatulo sa dalawang maliit na baso.


Ibinigay ang isa kay Clarita. Tumungga agad ito.

Malapit! ang bulalas, pagkaraan.

Nakangiting nakamasid si Mig. Ang init. mayamayay idinugtong.

Sinaid nito ang laman ng baso. Sumunod si Mig.

Isa pa. sabi ni Clarita.

Wag na, Baka di mo na kaya?

Nagustuhan ko, e!

Pinatuluan pa ni Mig ng kaunting alak ang baso ni Clarita.


Tinatalaban na yata ako. Gusto kong maligo. Ang init-init, ang sabi at
pagtutok ng tingin sa banyo ay naghubad ng blusa.

Natigilan si Mig. Nakatingin lamang siya nang alisin nito ang bra, ang
pantalong suot at sa pagkakatalikod, nakita niyang ang kabuuan ng
kahinugan ng katawan nito ay hindi pahuhuli sa angkin ni Rina.

22

NAGLABAS si Mig ng malinis na tuwalya niya sa isang pako sa tabi ng


pintuan ng banyo. Itinago niya ang bote ng alak, saka tiningnan ang
minamakinilya. kung maglalamay siya, matatapos niya bago mag-umaga ang
bahagi ng apela na ihaharap nila sa Korte Suprema para kay Rupert.

Ngunit bakit pa niya tatapusin iyon? Nakatakas na si Rupert. Bahala


nang tapusin iyon kung madakip si Rupert at kailangang ipagtanggol na
naman.

Lumabas ng banyo si Clarita. balot ng tuwalya ang katawan. Nakaladlad


ang pantay-batok na buhok. At sa malamlam na liwanag , si Clarita ay naging
larawan ng isang tunay na babae.

Humiram si Clarita ng suklay kay Mig. Pagkaraang ayusin ang buhok,


humiga na ito sa kama at naghintay.

Maliligo ako sabi ni Mig, na hanggang sa mga sandaling iyon ay


bantulot sa pagpapasiya.

Wag na, mabango ka pa. Naamoy yata kita sa taksi.


Lumapit si Mig sa switch ng ilaw. pinindot iyon. Hindi ganap ng nagdilim
ang kuwarto sapagkat sa labas, ang mga ilaw sa poste ay sapat na para sa mga
mata. Kita pa rin niya si Clarita, naghihintay sa kama.

Naghubad si Mig. Mabagal. Parang ibig pa ring antalahin ang pagdating


wari kamatayan. Pagsasamantala ang angkinin ang babaing ito na hindi
naman niya mahal at hindi naman niya mapananagutan.

Ngunit kung walang mangyari sa kanila ngayong gabi, ano naman ang
magiging reaksiyon ninClarita? Alam niya, nasukat na niya na kung baga sa
pulubi ay kaunting mumo lamang ang kailangan nito. Hindi ito sakim. Hindi
ang kaniyang kabuuan ang gusto nito. Atensiyon lamang. kaunting pansin

Humakbang siya patungo sa kama. Tinabihan si Clarita. Hindi ito


tuminag. Hindi inalis ang tuwalyang nakabalot sa katawan.

Nangangarap yata ako, Mig waring wala sa sariling anas ni Clarita.

Hindi siya sumagot. Tinungahan ang babae. Nakatingin sa kaniya,


parang nakikiusap ito. Parang may takot na hindi maging ganap sa kanila ang
gabing iyon.

Siniil niya ng halik sa bibig si Clarita.Mabango ang bibig na


iyon.Malabot, parang salat ng daliri sa talulot ng isang bulaklak.

Inulit niya at naramdaman niya ang kabig ng isang palad nito sa


kaniyang batok.

Dumagan ang kaniyang katawan kay Clarita. Iniangat nito ang sarili.
Tinanggal ang tuwalya. Tumulong si Mig na batakin iyon. Muling nagdaop ang
kanilang katawan. Parang kinain ng apoy ang isang pirasong papel. Ayaw ng
bumitiw sa kaniya ni Clarita. Umuungol, ngunit hindi nasasaktan. Ibig
umiyak, ngunit dahil sa katuwaan.
Burado na ang paligid kay Mig. Wala na ang nakaraan at ang
kasalukuyan. Walang kuwenta ang hinaharap. Ang nasa kaniyang harapan ay
isang uri ng alak na hindi na matatanggihan. Umigtad si Clarita.

Mig.. Nakapikit ito, kagat ang labi.

Puwede ka na? anas ni Mig, may takot sa pagkaunawang iyon ang


unang karanasan ni Clarita.

Saglit na dumilat si Clarita, saka marahang tumango. Nang ibaba ni Mig


ang sarili sa katawan nito, ni hindi ito tuminag. Ngunit dama niyang may
tensiyon sa kalooban. Dama niyang ayaw nitong sirain ang reaksiyon ang
ritwal na kanilang ginagawa. Natatakot itong di-matuloy, di maging ganap ang
kaluwalhatian ng seremonyang iyon.

Pagkaraan, nang sinagin ni Mig ang mukha ni Clarita, nakangiti ito.


Ngunit parang umiiyak. Sinalat niya ang pisngi nito. Basa ng luha.

Nasaktan ka?

Oo, pero di bale.

Umiiyak ka

Natutuwa naman ako.

Paano ngayon?

Wala sa akin yon. Gusto ko lang, ikaw ang mauna. Kasi maraming
nagkakagusto sa akin. Ibig ko nang patangay. pero sabi ko noon, ikaw talaga
ang mahal ko. Nang alam kong di na kita makukuha dahil makukuha dahil
on na kayo ni Rina, ito na lang ang hiniling ko. Kailangan kong maging
matapang, pag hindi, di mangyayari ito.

May ibang babae, pagkaraan ng first experience, makakagusto sayo


yung tapat, yung pakakasalan ka.

Hindi ako ganoon, ako nang bahala.


Umulit silang nang dakong ikasampu, nagpasakay na lamang ito ng
taksi.

Mag-iingat ka. ayokong may disgrasyang mangyari sayo, sabi pa nito


at kinawayan siya.

ILANG araw nang lulugo-lugo si Mig. Tuwing tawagan niya si Rina sa


DailyGlobe, abala ang telepono. Wala kaya si Rina o not yet in sevice ang
telepono.

Naisip niya, iniiwasan siya ni Rina.

Minsan, pinuntahan niya ito sa bahay sa sta. Mesa. Wala ang mga
magulang nito, gayong gabi. Sabi ng katulong, hindi nag-uuwi roo si Rina.

Minsan ay kinontak ni Mig si Clarita, ngunit hindi ito nakipa-usap sa


kaniya. Si Mrs. Alegria ang nagpaliwanag na mukhang umiiwas na ito sa
kaniya.

Pero hindi naman desperado kung tingnan ko. Patag. Patuloy sa pag-
aaral. Nalalapit na kasi ang graduation. At napaliligaw na. Na-outgrown na
siguro yung feelings sayo.

Palagay ko nga ho.

Salamat sayo, Mig, matutupad ko rin ang pangarap ko sa aking anak!

Natutuwa ho ako.

Hindi rin nadarakip si Rupert. Walang balita tungkol dito. Nalagay


lamang sa file ang apela para rito. Samantala, ang HURLS ay patuloy na
lumaganap sapagkat ang mga abugado ay mulat na rin, wala na sa gitna at
pumanig na sa katarungan, kalayaaan at demokrasya. Kaya lamang,
kinabahan si Mig. May mga elemento sa HURLS na lubhang abenturado.
Waalng takot. Kadalasan, hindi na nililinaw sa pambansang konseho ang
ibang mga gawain.

ISANG gabi, hindi niya inaasahan, tinawagan siya ni Deng.

Saan ka namin makikita?

Sino kayo?

May mga kasama ako, mula sa HURLS sa Iligan City. Ibig kang
makausap.

Akala ko, Deng, hindi ka na kasama?

Talaga naman hindi ako kasama, pabirong tugon nito.

Hindi naman ako abugado.

Executive member ka naman dati.

Bakit? Sa palagay mo ba, madaling talikuran ang inumpisahan ni


Pastor?

Pasensiya na, Deng.

Wala yon, agaw nito. Oo, saan tayo magkikita?

Alam mo yung isang bahay na laging pinupuntahan namin ni Pastor sa


sampaloc.dalawang barangay ang layo roon sa dating safehouse?

Dun na ba?

Sige

Isang nakaproblematikong sangay ng Human Rights Lawyers in Society


ang nasa Iligan City. hindi malayo ang mga ito sa mga puwersang nasa
kanayunan at ang iwasan ang kontak sa mga iyon ay next to impossible, wika
nga. Dalawang kasapi nila roon ang nadakip kamakailan. Nahulian ng baril,
polyeto ta isang krokis ng mga daan patungo sa ilang liblib na lugar.

Natural na bimbinin sa detention cell ng military ang dalawang iyon.


Pagkaraan pa ng tatlong araw, ipinagharap na ang dalawa ng sakdal na
illegalpossession of firearm at subersiyon.

Ngayon na ang pagkakataon upang pagsabihan nang opisyal ang mga


kinatawan ng HURLS doon na huwag na munang kumilos. Pangangatuwiran
niya ang kaniyang pasiya sa dalawang kinatawan.

Amoy-umok ang binuksan niyang bahay. Maliit lamang. Walang mag-


aakalang maraming malalaking desisyon sa mga protesta ang isinasagawa
roon.

Payat si Deng. May itim na laso sa dibdib. Mapanglaw pa rin. Ngunit


makikita rito na ang nakaraan ay hindi nito ginagawang sagabal sa pagkilos sa
kasalukuyan at sa hinaharap.

May gamit kayong dala? usisa agad ni Mig, isang karaniwang hakbang
para sa seguridad.

Wala, sabi ni Isidro Gasco, isang papandaking lalaki na nasa


kalagitnaan ng treinta. Papel, mayroon.

Tungkol saan?

Hinihiling ng mga nasa kanayunan na balikatin natin ang pagtulong sa


pampinansiya para makakilos naman sila.

Napailing si Mig. Ipagtanggol ang mga biktima ng kawalang katarungan


ang ating pangunahing tungkulin. hindi kabilang ang mangalap ng tulong para
sa mga lubog na puwersa.

Ginagawa ang ganoong uri ng tulong ng karamihan sa mga sangay ng


HURLS sa kabisayaan at sa Mindanao.
Walang clearance yan mula sa pambansang konseho.

Bakit kailangan pa ang clearance? Ang makipag-ugnayan sa mga


progresibong puwersa ay hindi kamalian. Saka patakaran ng HURLS ang
pagsasarili ng bawat sangay.

Buhay ng HURLS ang nakasalalay sa ganyang uri ng koneksiyon. May


panganib na tuluyan nang lansangin ang ating samahan. Isang presidental
decree lang at magiging illegal na tayo.

Maisasagawa ng palihim ang pagtulong

At kung madiskubre?

Kung hindi tayo tutulong, magiging isolated ang HURLS sa mga


progresibong sektor.

May biglang lumagapak sa pinto. Nagkatinginan sila. Nakiramdam.

May mga tao, Sabi ni Deng.

Tumigil wari ang oras sa kanilang mga sinaklot-ng-takot na kaisipan.

23

ISA pang lagapak at bumagsak ang pinto.

May bintana ba sa likod? pabalikwas ang pagtayo ni Isidro Gasco,


kasabay ng pagbunot ng baril.

Nandun, sagot ni Deng, nakaturo sa gawing kaliwa nito.

Napamaang si Mig. Nagbulaan sa kanila ni Deng, ang dalawang taga-


Iligan. May sukbit palang mga baril ang mga ito.
Sumugod ang dalawa sa itinuro ni Deng. May Rumaragasang mga yabag
mula sa pinto.

Dapa, Deng! impit na sigaw ni Mig.

Dumapa si Deng, kasunod ni Mig. Sa isang iglap, bumuga ang mga


putok. May nagsigawan sa labas. Ceasefire!

Natigil ang putukan. May ragasa pa rin ng mga yabag, sa labas at sa


loob.

Okey, tindig na kayo dyan! Bangon!

Bumaling si Mig sa kaliwa. Isang nakauniporme ng PC ang nakita niyang


nakatunghay sa kanila, may hawak na isang kalibre .45.

Tumindig si Mig. Inalalayan niya si Deng.

Youre under arrest, sabi ng opisyal.

Mr. officer, may warrant of arrest kayo?

Sa halip na sumagot, kinuha nito sa bulsa ng bush jacket ang isang


papel. Inaabot kay Mig.

PDA.

Sinuri ni Mig ang papel. May perma nga ng pangulo ng bansa. At hindi
siya magkakamali sa pagbasa ng kaniyang pangalan.

Wala roon ang ngalan ni Deng.

Pero hindi ka lang made-detain, Atty. Magdiwang. will press charges


onyou. You harbored two terrorists from Iligan City.

Terrorists?

Yung dalawang nagtangkang tumakas sa likod ng bahay, patay na ang


isa. Sugatan ang kasama.
Can she go? tanong ni Mig sa opisyal na ang tinutukoy ay si Deng.

Shell be investigated

Okey lang, Mig, okey lang! sabi ni Deng at inabot ang isa niyang palad,
pinisil.

Dont you worry, Deng. Hindi ka made-detain, pangako niya nang


tumalikod na ang opisyal.

Lumabas sial ng bahay. Maraming tao sa paligid. Nag-uusyoso.


Hinawakan siya sa braso ng isang naka unipormeng military man. Dinala sa
likod-bahay. Nakatimbuwang si Isidro Gasco. May tama ng mga bala sa dibdib
at sa leeg.

Under surveillance siya mula nang bumaba sa bapor three days ago.
May tatlo pang kasama ang dalawang yan na nadakip n arin kanginang alas
siyete. Umamin na ang dalawang kasama ay kokontak sa HURLS.

Hindi kumibo si Mig. Muli siyang hinawakan sa braso at isinakay sa


isang van. Naroon na si Deng, nakaupo sa isang sulok, tahimik lamang.

Sorry, Mig, akong nagdala sa iyo sa dalawa, sabi ni Deng, na ngayoy


parang maiiyak.

Tungkulin yon, hindi mo pagkakamali.

Paano na ngayon? sabi ni Deng. Ikaw, tiyak na bimbimbinin.

Ngumiti si Mig kay Deng. Matagal ko nang pinaghahandaan yan Deng,


noon pang ihatid ko sa libangan si Bayani.

Kung palalayin nila ako, gagawin kong magagawa ko para tulungan


ka.

Sasabihin ko sayo, kung kailangan ko ang tulong. Relax ka lang muna.

Binawi ni Mig ang tingin kay Deng. Maliit na bukasan ang kambal na
pinto ng van sa likod. Napansin niya ang isang owner jeep na sumusunod sa
kanilang sasakyan. pinagmasdan niyang mabuti. Hindi siya maaaring
magkamali. Iyon ang owner jeep na madalas pumarada sa tapat ng tinitirhan
niyang bahay. Sigurado siya.

Maraming naipong impormasyon laban sa kaniya ang owner jeep na


iyon mula nang subaybayan siya ng mga nakasakay doon. Tiyak niyang ang
pagdadakip sa kaniya nagyon ay bahagi ng koordiansyon ng behikulong iyon.

Mig, tutulungan ka siguro ni Rina, mayamayay wika ni Deng para


marahil siya naman ang aliwin.

Hindi na kami nagkikita ni Rina, Deng.

Bakit, nagkagalit na ba kayo?

Busy siya, busy rin ako.

Hindi, tutulungan ka ni Rina. Tutulungan ka!

Ibig magpasalamat ni Mig kay Deng. Ngunit alam niyang sinasabi


lamang ito ni Deng upang libangin siya. Upang itaboy kung ano mang malagim
na bagay ang nasa kaniyang isip.

DINALA muna sina Mig sa Crame. Pagkaraang kunin ang kanilang


fingerprints at iba pang datos tungkol sa kanila, pinaghiwalay sila.

Dito na raw muna ako, sabi ni Deng Pinatawagan ko nang parents


ko.

Mag-ingat ka, ha? sabi ni Mig. Mukhang sa bagong diwa ako


dadalhin.

Madilim na ang sabi. Sa van na pinagsakyan sa kaniya, hindi niya


makilala ang kanilang dinaraanan. Nakita na lamang niya ang pagpasok ng
vansa isang tarangkahan, pagligoy sa isang compound na may lima o anim na
gusaling may tig-iisang palapag.
Dinala siya sa isang ordinaryong silid. Walang laman liban sa dalawang
silya. Naisip niya: ang isay para sa kaniya; ang isay para sa imbestigador.

Pinaupo siya sa silya. May bombilyang naiisa sa kisame. Mainit ang


kuwarto. Walang bintana sapagkat wala s atabi ng gusali. Ang bentilasyon ay
nagmumula sa nakaawang na pinto sa dakong ibaba.

Iniwan si Mig, nag-iisa. Mga isang oras. Nainip siya. Naiihi siya, ngunit
wala siyang matawag. Nagtiis siyang mag-impit. Mayamaya, nakarinig siya ng
mga yabag. Bumukas ang pinto.

Sana nga, Mr. Officer.

Tawagin mo na lang akong Major Quino.

Salamat, major, sabi niya at tumindig at sumama sa isang sundalo.

Nang ibalik siya sa kuwarto, nakaupo na si Major Quino sa silya.


naghihintay. Pinapawisan ito.

Maupo ka, sabi nito kay Mig.

Darating yung abugado mo. Sisikaping kontakin ngayong gabi.


Maaasahan mo, not later than tomorrow mornimg.

Salamat, Major.

Mainit lang ang kuwartong ito, Atty. Magdiwang. kung matatapos agad
tayo ng usapan, we can transfer you to a more comfortable room.

Madali naman akong kausap, Major. sambot ni Mig na naiintindihan


ang sabihin ng opisyal.

Mukhang tunay kang lalaki, sabi nga ni Ruel Vernal! At nagtawa si


Major Quino.

Hindi ako umiinom, Major.

Talaga?
Kinambatan nto ang sundalo na pumasok at may iniabot na tape
recorder.

Tingnan natin.

Pinaandar ng opisyal ang taperecoreder. Maraming ugong na hindi niya


narinig, mawawaan kaya o lubhang malakas.

Ngunit saglit lamang iyon. Narinig niya agad ang boses ni Clarita.

Nakangita , nakatingin kay Mig ang opisyal. Pinagpawisang lalo si Mig.

Kung gayon, they bugged my room! naisaloob niya.

Sumakit ang kaniyang ulo. Alin-alin kayang usapan ang nakuha ng


intellegence natin. Parang sa James Bond movie.

Special case ka kasi. Mahal ang cassette. Magastos din ang operations.

Malaki ng budget ng military.

Kailangan. Maraming gastos na unpredictable. Magastos talaga ang pag-


aalaga ng national security.

O security para sa mga ibig manatili sa kapangyarihan?

Puwede ba, Atty. Magdiwang, masyadong mainit sa kuwartong ito.


Sagutin mo lang ang mga tanong ko?

Parang nawalan ng pasensiya si Major Quino. Tumindig at tumunghay


kay Mig.

Wala kaming pera.

Full-time ka sa HURLS, Atty. Magdiwang. Wala kang hanapbuhay.


Saang mo kinukuha ang pambayad mo sa mezzanine room mo? Sa taxi fare, sa
pagkain, sa pag-upo-upo mo sa mga restawran?

Personal ang mga tanong mo, Major?


Damn it! Sinabi ko nang sagutin mo lang ang itinatanong ko, Atty.
Magdiwang!

Tumindig din si Mig, I refuse to answer your questionswithout


thepresence of my lawyers!

Akala koy lalaki ka, Atty. Magdiwang. Okey, ililipat na kita ng kuwarto.
Kaya lang, walang garantiya ns mas komportable yon kaysa kuwartong ito.

24
NAGKATITIGAN sina Mig at Major Quino. Nakita ni Mig na sa sinabi nito,
binibigyan pa siya ng isang pagkakaton na sumagot nang maayos.

Ngunit nakahanda na si Mig. Hindi siya sasagot sa mga tanong ng major


hanggat hindi nito tinatawag ang mga abugadong kaniyang inilista upang
siyay tulungan.

Bahagyang tumiim ang bibig ni Major Quino. Lumabas at palagapak na


isinara ang pinto. Nanatiling nakatindig si Mig, parang inaasahan na ang
susunod na mangyayari.

Limang minuto ang lumipas. Masyadong umiinit ang loob ng kuwarto.


Parang hindi siya makahinga. Binuksan niya ang damit sa kaniyang dibdib,
kinapa niya ng palad ang balat doon. Basa na ng pawis.

Sampung minuto pa uli ang lumipas. Walang ingay sa labas. Wala ni


mga yabag. Parang Nagsabwatan ang lahat sa paligid upang bigyan siya ng
pagkakataong mag-isip.

Kalahating oras pa ang lumipas. Walang indikasyon na may darating.


Humakbang siya: gusto lamang niyang kumilos. Gusto lamang niyang
makarinig kahit na anong ingay. Baka may mabulabog na mga kulisap: lamok,
langaw, pulgas. May bubuwit kaya sa isang sulok?

Namintig ang kaniyang mga binti pagkaraan ng isang oras. Sumandal


siya sa tabikeng kahoy ng kuwarto. Nagpadausdaus sa pag-upo. Sumalampak
sa sahig at pumikit. Naglalawa sa pawis ang kaniyang didib, tagiliran, tiyan.
Nagkakatubig na ang kaniyang ilong. May balong na rin ng pawis sa puno ng
bawat hibla ng kaniyang buhok.

Tiningnan ni Mig ang kaniyang relo. Ikasampu pa lamang ng gabi. Wala


pang dalawang oras na nangyari ang pagkakadakip sa kaniya. Paano kaya si
Deng? Ang kasama ng napatay na si Gasco?

Ayaw niyang sisihin ang sino man sa nangyari.Totoo ang sinabi ni


Gasco. Independiyente ang bawat sangay ng HURLS. May pangkalahatang
guidelines o panuntanan na dapat sundin ang bawat sangay. May
interpretasyon sina Gasco. Wala siyang magagawa roon kundi ang
magpagunita, magpayo.

Ngunit tapos na ang lahat. Patay na si Gasco. Natutop na sila. At bukas


lamang, Nasa front pagesng mga diyaryo ang kaniyang larawan, pati na ang
larawan ng bangkay na si Gasco.

Ano kaya ang iisipin ni Rina? Papaano kaya kikilos ang kaniyang mga
kasama? Mabibigla ang mga ito? Hindi pa nagtatagal na nakatakas si Rupert.
Narito na naman ang bagong pangyayari.

Nakarinig siya ng ingit ng pinto. Pumasok ang isang lalaking


nakasibilyan.

Atty. Magdiwang, lilipat kayo.

Ni hindi siya tiningnan ng lalaki. Hindi ito naghintay ng ano mang


sasabihin niya. Tinungo uli nito ang pinto. Hinintay si Mig.

Tumindig si Mig naiihi siya.


Ang kasilyas? usisa niya.

May kasilyas sa lilipatan mo, Atty.

Sumunod siya. Sa labas ng kuwarto, pasilyo. May kaunting hangin


siyang nasagap. Maalinsangan. Mainit-init ang hanging humaplos sa kaniyang
mukha.

Hindi nakasampung hakbang si Mig. Huminto ang lalaki sa tapat ng


isang nakabukas na pinto.

Dito ka, Atty.

Huminto rin si Mig. Tiningnan ang papasukan. Madilim sa loob.

Pasok ka na Sabi ng lalaki at hinawakan siya sa braso. Hindi


hinihintay ni Mig na itulak siya ng lalaki. Pumasok siya. Akala niyay kakapain
ng lalaki ang switch. Nagkamali siya. Lumagapak ang pinto sa kaniyang
likuran.

Madilim. Wala siyang nakitang anuman. Ni siwang wari ay wala.


Nakalimutan siyang naiihi siya. Dumipa siya. Tumukod ang dalawang palad
niya sa dingding. Umiba siya ng puwesto. Itinukod uli ang dalawang palad.
Tumukod na naman sa dingding.

May kilabot na hindi niya napigil sa paggapang sa buo niyang katawan.


Bartolina!

Sumandal si Mig sa dingding. Sementado. Kinapa niya ang palad.


Magalas. Kinabog niya ng kamao. Makapal. Pumikit siya. Sa karimlan, saglit
niyang nakalimot. pagdilat niya, ang natunghayan niya ay isang indyodoro.

Umihi si Mig. Saka niya kinapa ang hawakan ng flush. Wala. De buhos
ang kasilyas. Wala ni timba o tabo sa tabi nito. Naintindihan niya. Bahagi ang
kawalang iyon ng pasiladad sa pagpapalambot sa kaniyang panindigan.
Umupo siya sa inyodoro. Nakadilat pa rin. Ipinasiya niyang huwag mag-
isip. Kailangang malinaw ang pag-iisip. Alam niya ang suspended animation.
Dapat ay wala siyang maramdaman.

May umogong sa tainga ni Mig. Lamok. May sumigid sa kaniyang pisngi.


Hinabol niya ng tampal. Sinalat niya pagkaraan ang pisngi at inipit niya sa
dalawang diliri ang nasalat na bagay. Inaamoy. Dugo.

Hindi napipigil ni Mig na mag-isip. Maaamoy ng ibang lamok ang dugo.


Lalapit ang mga iyon. Uugong. Sisigid. Tuturok. Nilawayan niya ang isang
daliri niya, ipinahid sa bahagi ng pisnging sinigid ng lamok. Matagal din bago
siya nakarinig ng ugong. Hindi niya pinansin. Hinayaan niyang kumagat.
Sinikil niya ang pakiramdam. Aalis din ang lamok pagkabusog. Handa na siya
sa ibang lamok na tuturok. Hahayaan niyang mabusog.

Ngunit nagpatuloy ang pag-ugong ng lamok. Nangati ang kaniyang


pisngi. Tumampal siya. Patuloy ang mga ugong. Patuloy ang pagsigid.
Nagsimula ang ibang uri ng pakikibaka sa bartolinang iyon.

Ginising ni Mig ng pangangasim ng sikmura. Hindi siya gaanong kumain


kagabi. Hindi naman siya pinakain ng mga dumakip sa kaniya. Ngayon,
tumindig siya mula sa pagkakasandal sa tabikeng semento. Madilim pa rin.
Tiningnan niya ang kaniyang relos. Ikalima na ng umaga.

May narinig siyang mga yabag. huminto sa harapan ng kaniyang


kinaroroonan. Umingit ang pinto. Si Major Quino. Sapul ang mukha nito ng
mga unang hibla ng liwanag sa umaga.

Kakain ka, sabi nito.

Sumonod siya. Mga apat na hakbang lamang ay huminto ang opisyal at


humarap sa kaniya. Pinauna siya sa pagpasok. Isang maliit ding mesang
kainan. May dalawang unipormadong sundalo. Naghain. Piniritong itlog. Kape.
Kaning sinangag.
Sorry, kagabi, sabi ni Major Quino.

Hindi sumagot si Mig. Hindi niya maintindihan kung bakit humihingi sa


kaniya ng paunmanhin si Major Quino. Dahil ba sa naging marahas ito at
ipinadala siya sa bartolina?

Kailan darating ang mga abugado ko? Tanong ni Mig.

Malalaman mamaya.

Puwede akong gumamit ng telepono, di ba? Karapatan ko yon?

Walang telepono rito. Two-wayradio ang ginagamit namin!

Anong kasigurihan na ipinaalam nyo sa mga abugado ko ang nangyari


sa akin?

Sumubo si Major Quino. Naghintay si Mig ng sagot. Ngumuya ang


opisyal. Hindi nag-aapura. Uminom ng Kape.

Sa palagay mo ba, makatutulong ang mga abogado mo?

Titingnan namin ang mga ebidensiya nyo laban sa akin?

Atty. Magdiwang. PDA na ang ibinaba para sayo. Nahuli ka pa namin sa


akto na kasama ang dalawang terrorists mula sa Iligan City. Nadakip na rin
namin ang mga kasama nila.

Nakaktitig si Mig kay Major Quino. Sinusuri niya kung ano ang iniisip
nito.

In other words, habang hindi nali-lift ang PDA, mabibimbin ako.

Kaya nga sinasabi ko sayo, Atty. Magdiwang. Hindi mo kailangan ang


abugado. Ikaw man ay abugado rin at alam mo ang bias ng PDA. Alam yon ng
isang lider ng front organization ng partidong komunista!
Alam ni Mig ang mga sinabi ni Major Quino. Ngunit ang labanan ay
hinggil sa panindigan. Hindi dapat lumambot ang kaniyang pagtutol sa mga
taktika ni Major Quino o sino man ang mga tauhan nito.

Mabilis ang pag-akyat mo sa liderato ng HURLS, Atty. Magdiwang. Ang


suspetsa ko pa nga, ginamit ka lang. Ang totoo, mula nang madakip ang dating
may hawak ng HURLS, nahghintay lang sila ng pagkakataon na makahinga-
hinga mula sa pressure ng gobyerno. Ikaw ang pinili dahil bago ka
topnatchersa bar at may simpatya sayo ang public opinion. Kung hindi man
nakatakas si Rupert, at inihalili ka, temporary lang yon. Papalitan ka rin ng
radikal yung lalaban nang pukpukan. Kita mo, may mga sangay ng HURLS
na kumikilos nang hindi mo nalalaman!

Psywar yata yan, Major.

Maaga pa, Atty. Magdiwang. Hindi ka pa masyadong napapalaot sa


HURLS. tulungan mo lang kami, akong bahala sayo. May mag-aayos ng PDA
mo sa Malakanyang. Magpakita ka lang ng pagbabago.

Wala akong alam kundi yung mga ginawa ko.

Cmon, Atty. Magdiwang. Dinikitan ka namin ng sapul nang


magmiyembro ka ng HURLS. Ayaw naming maka-build-up ng matatalinong
lider ang HURLS dahil ayaw naming lumakas ang organisasyong yan. Lahat ng
kilos mo, salita mo, at pati personal sa buhay mo ay kumpleto kami.

Pati ang buhay nila ni Rina?

28
PARANG nahulaan ni Major Quino ang kaniyang iniisip.
Pati mga babae sa buhay mo dugtong nito, halos paanas lamang upang di
marinig ng dalawang sundalong nasa kuwartong iyon na naghahanda ng
almusal ng iba pang detainees.

Si Rina.

Ang magagawa mo, Atty. Magdiwang ay makipagtulungan sa amin.


Bigyan mo kami ng impormasyon tungkol sa HURLS. Kung magagawa natin
ngayong araw na ito, mamayang gabi lamang ay pipirmahin kita sa isang
application form of amnesty. Magiging madali ang pagre-release sayo.
Napangiti si Mig.

Masyado namang magiging mabalis ang mga pangyayari sa buahy ko,


Major.

Nauntol sa paghigop ng kape ang opisyal. Palalim na tumingin kay Mig.

Hindi ganoon ang tunay na lalaki, Major.

Lumagok ng kape si Major Quino. Saka pagkasaid sa laman ng puweslo


ay pabagsak na ibinaba iyon.

Take it or leave it, sabi nito at tumindig. Sgt. Carbon, ikaw nang
bahala sa kaniya.

Ni hindi nagpaalam si Major Quino kay Mig.

Yes, Sir! pahabol na saludo ng isa sa dalawang sundalo sa kuwartong


iyon.

Baka gusto mo pa ng kape, Atty., sabi ni Sgt. Carbon.

Tama na ito. Ibabalik mo na ba ako sa bartolina?

Natawa si Sarhento Carbon. Hindi bartolina yon, Sir. Isolation room.

Inabutan siya ng tubig ng isang sundalo. Uminom si Mig.

May toilet and bath sa kuwartong ito, Atty. baka gusto mong maligo.
Wala akong damit..

Sino ang gusto mong pagdalhin ko ng mga damot mo?

Hindi naisip ni Mig ang bagay na iyon. Nakatingin sa kaniya si Sarhento


Carbon, naghihintay.

Subukin kong isang kaibigan.

Atty., may karapatan kayong padalaw sa inyong mga magulang.

Ayoko muanang malaman nila.

Sinong kaibigan, Atty? at kumuha ito ng isang papel at ballpen, Isulat


nyo dito, pati address.

Isinulat ni Mig ang ngalan ni Rina, saka ang address nito sa Daily globe
at sa bahay nito sa Sta. mesa.

Kinuha ang papel ni Sarhento Carbon. Malalaman mo mamaya, Atty.

Inilabas ni Sarhento Carbon sa arawan si Mig. Pinagbilad nang may


labinlimang minuto. Saka parang kambing siyang ipinasok sa kuwartong iyon,
naisip ni Mig. Mahigpit na isinara ang pinto. Madilim, ngunit hindi
kasimpusikit ng dilim kagabi. Wala na rin ang ugong at sigid ng mga lamok na
nag-iiwan ng mga pantal at tundo sa mga nakatiwangwang na bahagi ng
kaniyang katawan.

Ano ang kaniyang gagawin kundi ang matulog? Ayaw niyang maisahan
siya ni Major Quino.

Ngunit may kilabot pa rin na paminsan-minsan ay gumagapang sa


kaniyang katawan. Papaano kung gamitan siya ng torture? Papaano kung hindi
madiyaryo ang pagdadakip sa kaniya at alisin siya sa lugar na iyon? Hindi iilan
ang biktima ng salvage!
Ngunit sinikil ni Mig ang pangambang iyon. Makababawas iyon sa
kaniyang katatagan. Ang mahalagay hindi siya lumambot. Ang mahalagay
hindi siya magsalita nang mapangalagaan niya ang kapakanan ng HURLS.

Natulog si Mig. Umiinit na naman. Umaamoy na ang laman ng inyodoro.


Walang takip iyon. Hindi binuhusan ng tubig. Isinapol niya ang kaniyang
palad sa kaniyang ilong. Sinikap niyang makalimot. Suspended animation.

Ngunit mahirap bakahin ang isip. Kapag walang ginagawa ang isang tao
ay umaandar din ang kaniyang isip. Ganoon siya. Nang magtanghalian,
pinalabas siya. Iba na namang sundalo ang kumaon sa kaniya. Pagkakain,
ipinasok uli siya sa kuwartong iyon. Pinigil niya sa braso ang sundalo.

Pakibuhusan ang inyodoro.

Tumingin sa kaniya ang sundalo. Iki-clear ko sa CO.

Isinara ang pinto. Dumilim uli. Umupo na naman siya. Lslong bumaho
ang laman ng inyodoro. Sinikap niyang makatulog uli. Ngunit nanlalagkit ang
kaniyang katawan na alinsangan. Parang may agos ng tubig sa init ng
kaniyang ulo. Nakadikit na ang kaniyang damit sa likod. At papatindi ang baho
at hindi na mapigil ang manggas ng kaniyang damit ang pagdampi iyon ng
kaniyang ilong.

May kumatok sa pinto. Bumukas. Isang nantatakam na haplos hangin


ang pumasok sa kuwarto. Gumaan ang dibdib ni Mig.

Atty., kailangan namin ang relo mo, sabi nito, sabay duldol sa harapan
niya ng isang pirasong papel.

Binasa ni Mig ang nakasulat doon. Resibo. Hinubad niya ang relo.
Iniabot sa sundalo.

Saglit. Ang tubig dito..

Nasira, Atty. Ang bomba rito. Walang tubig!


Hindi na nakita ng sundalo ang pagkitagagal ni Mig. Lumapat na naman
ang pinto. Nanatili siayng nakatindig. Ngitngit na siya. Tubig sa inyodoro, wala!
Totoo kayang wala?

Sumandal siya sa tabike. Matagal siyang nakasandal doon. Umimbulog


ang kaniyang isip. Parang natatangay pati ang kaniyang kaluluwa. Halo-halo
ang kaniyang iniisip. Walang kaisahan. Walang direksiyon.

Namitig ang kaniyang binti. Iginupo ang kaniyang katawan. Umupo uli
siya. Pasalampak. Yumakayok. Nakatulog.

Matagal din siyang nakatulog. Pinukaw siya ng mga yabag.


Napatingkayad siya. Maraming mga yabag. Hindi sa mga sundalo. May katok
uli sa pinto. Bumukas iyon. Si Major Quino. May kasamang nakasibilyan.

Col. Zafro!

Pormal ang koronel.

Kilala ka niya, Atty. Magdiwang. sambot ni Major Quino.

Mag-uusap tayo sabi ni Col. Zafro.

Nagkaroon ng pag-asa si Mig nang kasunod na siya ng koronel patungo


saan. Nauuna sa kanila sa Major Quino.

Nasa likuran ni Mig ang dalawa pang lalaki na nakasibilyan.

Pumasok sila sa isang maliit na opisina. May air-conditioner.

Ikaw nang bahala sa kaniya Col. Zafro.

Thank you, Major, sagot nito at sinenyasan si Mig na maupo sa isang


sopa roon.

Nakabantay sa di-kalayuan sa pinto ang dalawang lalaking nakasibilyan.


Security marahil ni Col. Zafro.

Pinakiusapan ako ni Rina simula ng opisyal.


Nasaan siya, Col?

26
HINDI pa siya handang makipagkita sayo.

Paano nkya nalaman?

Sinabi ko.

Nagtaka siya. Wala sa diyaryo?

Yung napatay na terrorist na galing sa Iligan, pati yung mga nadakip,


nadiyaryo. Ikaw at ang kasama mong babae dun safehouse, pwera publicity.

Bat ganoon, Col?

Bahagi ng operations.

Nakalaya na si Deng?

Nasa kanila na, kinuha ng mga magulang.

May PDA ako, chairman ako ng HURLS, bakit wala sa diyaryo?

Bahagi yon ng operations. Una, para hindi mabulabog ang iba pang
matataas na lider ng HURLS dinarakip na silang isa-isa. Ikalawa, para
maidipensa ka.

Ako? bakit ako ididipensa?

Dahil kay Rina. May kutob siyang nadama.

Boyfriend ka niya, Magdiwang hindi ba?

Anong koneksiyon niyon?


May pakikisama kami sa isat isa para ilayo sa panagnib ang mahal
namin sa buhay.

Pakikisama kami sa isat isa!

Kami!

Si Col Zafro at si Rina!

Anak ng aktibista at amang military, karaniwang nangyari yan bago


nag-1972. Magkaibigang military at rebelde.

Parang fiction, kathang-isip pero nangyari na at nangyayari pa. Ganyan


kayo ni Rina.

Hindi na siya dapat mag-usisa. Si Col. Zafro na ang nagsabi. Ngunit


papaano iyon nangyari? Totoo na may koneksiyon sa military si Rina, ngunit
akala niyay dahil sa ama nito. Saka negosyo ang alam niyang dahilan kung
bakit malapit sa military si Rina!

Narito ako para tulungan ka, Mig, wika nitong parang hinuhuli ang
kaniyang kalooban.

Anong tulong ang magagawa nyo para sa akin, Col?

Mag-compromise ka lang.

Tulad ng hinihingi sa akin ni Major Quino?

Talikuran mong prinsipyo mo at itatakas ka namin!

Hindi ko rin maiintindihan.

Si Rina ang magpapaliwanag sayo kapag nagkita na kayo?

Kailan kami magkikita?

Hindi suamgot si Col. Zafro.

No kidding, Col, itatakas nyo ako?


Makipagtulungan ka lang sa amin..

Tumahimik si Mig. Nag-isip siya nang malalim. Bakit siya magtitiwala?

May kukuha sayong isang kotse bukas ng madaling-araw, Mig.


Sumama ka. Huwag kang magtanong. Samantala, para maalis sa isip mo ang
hinala, maghinatay ka ryan. May mga bisita ka.

Mga bisita! lumapit siya kay Col. Zafro.

Sorry, Col.., Magulong isip ko, at hinawakan niya ito sa braso.

Inakbayan siya ng koronel. Tinapik siya sa balikat. Tumingin sa


dalawang kasama at humakbang nang patungo sa pinto.

Saka na tayo magkita, Mig. Isaayos nyo muna ni Rina ang inyong
problema.

Hindi na nakasagot si Mig. Nakalabas na ang tatlo. Nanatili siyang


nakaupo roon . Naghintay. Ilang sandali pay bunukas ang pinto. Pumasok
sina Clarita at na umupo sa sopang katabi ni Mig at ang ina nitong si Mrs.
Alegria.

Papaano nyo nalaman? usisa ni Mig.

Tinawagan ako ni Rina, Sambot ni Clarita na umupo sa sopang katabi


ni Mig. Pinakiusapang dumalaw sayo. Iaayos daw ni Col. Zafro ang pases
dito.

Kung gayon ay nagsasabi ng totoo si Col Zafro.

Kinausap na namin ang namamahala ng inupahan mong mezzanine.


Sinabi namin ang totoo, naka-detainka. Kinuha namin ang mga gamit mo at
inilipat uli sa amin, sabi naman ni Mrs. Alegria.

Isinoli pa noong tagapamahala ang three hundred.. di mo raw naman


itinira yon doon. Saka mahusay ka raw na boarder, maayos sa furnishings.
Nakatingin si Mig kay Clarita. Sinusuri kung ano pang damdamin
mayroon ito para sa kaniya.

Pampalit lang sa suot mo ang dala namin, sabi pa ni Clarita. Yon ang
instructions ni Col. Zafro.

Wala nang sinabi pa si Rina?

Baka raw magsuspetsa ka kay Col. Zafro. Sumunod ka raw sa kaniya,


sagot ni Clarita.

Alam ko na yon.

Kumusta ho kayo, Mrs. Alegria? usisa naman ni Mig sa ina ni Clarita.

Kumindat ito na ang gustoy si Mig lamang ang makaintindi ng


sasabihin. Eto, Walang problema.

Kumusta hong dormitoryo?

Okey naman, walang problematikong boarders.

Nagtawa si Clarita. Mommy puwede ba? Gusto ko, kami lang ni Mig
ang mag-usap?

Aba, wala naman yata tayong sikretong pag-usapan.

Meron, agaw ni Clarita na nakasimangot. Tungkol kay Rina.

Naku, lumabas na nga lang akot baka magbangayan pa kayo!


nagtwawang wika ni Mrs. Alegria.

Saka lamang napansin ni Mig ang hawak na supot na ipinatong ni Mrs.


Alegria sa tabi niya sa sopa.

O, ano pang tungkol kay Rina? Nakatawa si Clarita. Nakatitig kay Mig.

Hindi kay Rina ang sasabihin ko sayo. Tungkol sa akin.

O?
May boyfriend na ako. Mahirap lang. pero scholar sa Mapua.
Engineering ang kinukuha.

Talaga? Natuwa si Mig.

Pero wala pa akong ibinibigay sa kaniya.

Hindi makatingin si Mig kay Clarita. Nahihiya siya.

Alam mo ba nung mangayri sa atin yon, saka ko lang nalaman ang


halaga niyon. Hindi nga dapat basta ibigay.

Nakadama ng sumbat sa konsensiya si Mig.

Pero hindi ako nagsisi at hindi rin kita sinisisi. Nangyari yon, ginusto ko
para matiyak ko ang damdamin ko sayo. Attracted lang ako sayo, physically.
pagkaraan niyon, pinag-aralan ko nang pinag-aralan ang sarili ko. Wala na.
hindi na matitiis ang pagkakagusto ko sayo. Parang may isang bagay sayong
ipinagdadamot mo na nakuha na at nang makuha ko, Ganoon lamang pala.
Magkaibigan na lang tayo, Mig, ha? baka naman nagagalit ka dahil minemenos
ko na nangyari s aating iyon.

Nakahiga na nang sabihin ang nangyari sa atin. Tinampal ni Clarita sa


braso. Ako nang bahala roon. Kapag nagpakatotoo siya sa akin, sasabihin ko.
Ayokong magkaroon ng sikreto sa kaniya. Pero kung bibiruin niya lang ako,
wala siyang malalaman.

Wa wala nang iba talagang sinabi ni Rina?

Itinutop ni Clarita sa bibig ang isang palad. Muntik ko nang


malimutan.

Ano yon?

Mahal ka raw niya. Kahit daw ano ang mangyari sa inyo.

Sinabi yon?

Nagkurus sa puso si Clarita saka ngumiti.


Naniniwala ako sa feeling niya sayo. Babae ako at malalaman ko yon sa
kaniya.

Salamat, sabi ni Mig.

Nilapitan ni Clarita si Mig, saka siniil ng halik sa bibig.

Mig, salamat din, Sabi nito, nagningning ang mga mata.

IPINASOK uli si Mig ng sundalo sa kuwartong iyon. Namangha siya.


Wala na ang amoy. may kaunting basa pa ang lapag, pati na ng dingding.
Ngunit hindi na nakaduduwal ang langhap sa paligid. Makahihinga na siya sa
buong magdamag.

Natutuwa ba siya sa takbo ng mga pangyayari?

Nakasandal siya sa tabike ng semento, nakatungo.

Ibig ni Col. Zafro na tumalikod siya sa kaniyang prinsipyo.


Nangangahulugang tatalikdan niya ang HURLS. Lalagutin ang kaugnayan
doon. at nagpahiwatig ang mga pananalita ng Coronrl, wala naman siyang
ipinahamak ang mga ito ginamit lamang siya at hindi pa malalim ang kaniayng
pagkakasangkot.

Mahal siya ni Rina. Ilang linggo na silang hindi nagkikita ni Rina.


nasasabik na siya kay Rina. Ibig Niyang mayakap si Rina, madama ang
kabuuan nito.

Sumalampak siay sa sahig. may mga lamok na sumisigid sa kaniyang


balat. Hindi na niya gaanong iniintindi ang mga iyon. Makaalis na siya. Ang
mga tabikeng bilangguan ay hindi na magkarooon ng kapangyarihan sa
kaniya.

Nakatulog siya saglit, nagising na parang nakita si Rina. Natawa siya


sarili. Pumikit uli. Natulog.
Mga yabag na nagmamadali ang pumukaw sa kaniya. paigtad siyang
tumindig. Nadampot ang damit na pinaghalinan niya. Hawak niya ang mga
iyon annag bumukas ang pinto.

Atty. Magdiwang, Sumama ka sa amin, sabi ng isang sundalo. May isa


pang nasa likod nito. Hindi niya ito kilala.

Si Col. Zafro?

Kami na ang bahala sayo, sabi ng isa pang kasama nito.

Tatlo ang sundalong kumaon sa kaniya.

Si Major Quino, hindi na natin kakausapin?

Hindi siya sinagot ng tatlong sundalo.

Lumabas sila ng gusali. May ilang kotseng itim na nakaparada, bukas


ang pinto sa hulihan. May isang sundalong nakaharap sa manibela.

Sakay na, Atty. Magdiwang, sabi ng sundalong nagbukas kangina ng


pinto ng kuwarto.

Sumakay si Mig. Sumakay ang isa sa tabi ng tsuper at ang dalaway sa


magkabila niya sa hulihang upuan.

Sumibad ang sasakyan, palabas ng Compound. Nakataas na ang harang


sa trangkahan. Sumaludo pa ang sundalong nakabantay doon.

Madilim ang kanilang dinaananghighway. hindi pa rin maitaboy ni mig


ang pangambang kikitib-kitib sa kaniyang utak.

27
PAGKARAAN ngng may kalahating oras, ang kotseng kinasasakyan ni
Mig ay huminto sa balikat ng highway. Nakarinig si Mig ng ragasa ng tubig.
Pinatay ng nagmamaneho ang makina.

Maghihintay lamang tayo rito sabi ng nasa kaliwa ni Mig.

Hindi naglipat ang limang minuto, Nakarinig sila ng ugong ng


dumarating na sasakyan. Sumenyas sa pamamagitan ng headlights ang
nagmamaneho.

Eto na sila

huminto ang sasakyan sa tabi ng kotseng itim. Isang minicruiser.


Nasipat agad ni Mig kung sino ang nasa manibela-si Rina.

Nag-iisa si Rina.

Baba na kayo, Atty. sabi ng nasa kaliwa niya na nanaog din.

Sumunod si Mig. Hinarap siya ng nanaog na sundalo at kinamayan siya.

Goodluck, sir! at tumalikod na ito.

Humakbang si Mig palapit kay Rina. Narinig niya ang lagunlong ng


binuhay na makina ng kotseng itim.

Salamat, pahabol ni Rina sa mga umalis.

Bumaling ito kay Mig. Ngumiti. Sa silangan, may mga hibla na ng


liwanag sa langit.

Sakay na.

May sumuwal na pagkasabik kay Mig. May sumaklot na init sa kaniyang


kabuuan.

Sumukay siya sa tabi ni Rina. Pinaandar nito ang makina.

Saan tayo?

Dyan lang sa Bocaue.

Nasa bulakan pala sila.

May resthouse sa bukid yung isang stockholder ng daily globe.


Ipinagagamit sa staff kung kailangan.

Tinahak nila ang isang feeder-road. Narinig ni Mig sa higit na malakas


na ragasa ng tinig.
Si Col. Zafro? tanong ni Mig.

Tinawagan niya ako. Ibinalita niya na nag-usap nga raw kayo.

Instructions mong lahat ng sinabi niya.

Huwag kang magagalit, Mig, sumulyap sa kaniya si Rina at saka


tumingin sa harapan ng sasakyan. Sinangguni ko siya na parang isang ama.

Kung gayon, talagang matagal mo na siyang kakilala?

Nagsinungaling ako sayo.

Hindi nagtagal, lumiwanag na ang paligid. Natanaw ni Mig ang resthouse


sa isang panig ng bukid na hindi naman kalayuan sa daan.

Maganda dyan. Mag-asawang may edad na ang caretakers sa resthouse.


Nasa likod ng bahay, kaya di nakikita ang kanilang tirahan.

Dyan mo ako dadalhin para tapusin ang ating problema?

Ilang linggo tayong hindi nagkita, Mig?

Parang umiwas pa si Rina na buksan ang paksang binanggit.

Isang buwan na yata.

Nahirapan din ako, Mig. Hinahanap-hanap din kita sa katawan, lalo na


sa puso.

Ibig dumikit ni Mig kay Rina. Gayon din ang kaniyang dama sa dalaga.
Ngunit dahil sa nakapagitan sa kanila ang tungkol sa kaniyang prinsipyo at
pag-ibig, hindi siya tuminag sa pagkakaupo.

Pumasok ang sasakyan sa bakuran. Maraming halaman. patuloy ang


ingay ng rumaragasang tubig sa irigasyon.

Rina! May tumawag sa dalaga.

Isang babaing may edad sisenta ang lumapit sa kanila. Nakatawa at


labas ang bungi-bunging ngipin. Sa tama ng liwanag ng araw sa umaga,
maningning ang mga mata nito sa kagalakan.

Dumaan dito si Pusoy, wika ng matanda at naintindihan agad ni Mig


na ito ang nagpasabi ng pagdating nila. Nakapaghanda ako. Panhik na kayo
at may handa nang almusal sa dulang.

Si Mang Eseng ho?


Nasa bukid. Tiningnan kung may nahuling dalag sa kaniyang bitag.

Pumanhik sa resthouse ang dalawa. Isang simpleng salas na may mga


sopang may kutson na nakapatong sa mga upuang kawayan. May kurtinang
maninipis sa mga bintana.

Nakahain na nga sa dulang. Sinangag. Pritong isda. Kamatis at sibuyas.


Salabat.

Mukhang magbabakasyon tayo, Rina? tudyo ni Mig.

Ngumiti sa kaniya ang dalaga, ngunit hindi iyon ang ngiting bigay na
bigay.

Kain na. Ibig kong magpahinga, matulog.

Alam ni Mig: puyat si Rina.

Kumain sila. Halos walang imikan. Inabutan sila ni Mang Eseng na


nakasalampak sa sahig sa harap ng dulang.

Matagal-tagal naman kayo, sabi nito. Si Mr. Julian e sindalang ng


kidlat sa tag-araw kung magpunta rito. Mabuti yung may naiiba naman dito,
nagiging masaya-saya kami.

Dalawa ang naging anak ng mag-asawa, kapwa nasa Maynila at


nagsisipagtrabaho. Hindi rin napapauwi sa bukid.

Inaapura nga namin sila para kami magkaapo. Pero nagbe-birth control
yata ang mga dumuho. Si pacing e wala pang anak gayong apat na taon nang
kasal. Si Dune naman e dalawang taon na, Pero ni butiki e wala pa ang
asawa.

Napatingin si Rina kay Mig. Parang may ibig ipahiwatig si Rina.

Kung nagbabalak na kayo, bumalik uli kayo rito at mabuting ipunla ang
binhi sa ganitong paligid, walang poly-usyon! at nagtawa pa ang matandang
lalaki.

Pagkaalmusal naunang naligo si Rina. Sumod si Mig. Dalawa ang


kuwarto ng resthouse at nagtig-isa sila. Madaling nakatulog si Mig. Ala una ng
hapon nang siyay magising. Sinusian niya ang de kuwerdas niyang relo.

Ayaw niyang abalahin si Rina. Ngunit ang kamalayan niya ay nakatuon


dito. Bumangon siya. Tinungo ang kanugnog na kuwarto. Nabf itulak niya ang
pinto, nabungaran niya si Rina na nakasandal sa unlunan ng higaang
kawayan.
Napamaang ito pagkakita sa kaniya. Ngunit pinawi agad iyon ng isang
ngiti.

Isinara ni Mig ang pinto ng kuwarto.

Kumatok si Aling Denang kung gusto raw nating mananghalian ay


nakahanda na ang pagkain.

Hindi sumagot si Mig. Patuloy siya sa paglapit kay Rina.

Sabi ko, kami na ang bahala. Baka gusto mo nang kuamin?

Naupo si Mig sa gilid ng kama ni Rina. Nagkatitigan sila.

Nahihirapan ako, Mig, padaing na wika ng dalaga nang iiwas nito ang
tingin sa binata.

Ikaw lang ba?

Hindi na nakakapigil si Rina. Dinaluhong nito si Mig. Niyakap.


Pinaghahagkan.

Parang namatay ako nung salakayin ang safehouse ninyo.

Alam kong hindi ikaw ang target kundi yung dalawang terrorist, pero
anythingcould have happened.

Ikinulong ni Mig nang buong higpit sa kaniyang mga bisig ang malambot
na katawan ni Rina.

Nasasabik ako sayo

Naghinang ang kanilang bibig. parang hindi na makapuknat. Matagal at


nang bumitiw sila ay kapwa sila humihingal.

Hindi ka sinaktan ni major Quino? Umiling si Mig. Pinakatitigan ni


Rina.

Salamat at sinalat ng dalaga ang dibdib ni Mig nang alisan nito ng


butones ang suot na pantaas na padyamang sadyang nakahanda sa resthouse
na iyon.

Si Mig ay parang inapuyan. Kinabig niya si Rina. Niyakap uli. Hinaplos


ang likod. Hinagkan ang buhok. Saka sinalat sa ilalim ng duster na suot ng
babae ang kalambutan ng dalawang yaman sa dibdib nito. Umungo si Rina na
parang nasaktan. Muli, nagdaop ang kanilang mga bibig.
Baka nagugutom ka na anas lamang, isang pananalitang binigkas
nang wala sa lugar ang narinig ni Rina.

Hindi kumibo si Mig. Inihiga si Rina. Habang patuloy ang sabik, maapoy,
walang taros na paghalik sa mukha, sa labi, sa leeg, sa dibdib. sa balikat ng
dalaga.

Hindi na makapagsalita si Rina. Nakadagan na sa kaniya si Mig. Malabo


na ang kapaligiran. Pati hanging kanginay lumalaro sa manipis ang kanilang
mga kamay sa pag-aalis ng saplot sa katawan.

Ayoko nang mapalayo ka, nakuha pa ring masambit ni Rina bago siya
siniil uli ng halik ni Mig.

Ayokong mabuhay kung wala ka!

Ibig mo akong parusahan! Ibig mo akong magdusa!

Ikaw lang ba? Ikaw lang bang naparusahan, nagdusa?

Gayon palay bakit mo ako ginanoon? Bakit?

Ibig kumawala si Rina. Parang kinakapos ito ng hininga. Lumuwag ang


mga palad nito sa kaniyang mga balikat.

Mabuti pay pinaslang na ako

Bigla, niyakap siya ni Rina, umiyak. Ngunit hindi na mapipigil niyon ang
nabuong simbuyo ng kaniyang pagkalalaki. Kinagat niya si Rina sa hubad na
balikat.

Dumaing ang dalaga.

28
MULI, nahimbing ang dalawa, ngayoy magkatabing kapwa gulo ang
buhok, pawisan. Muli, hindi na nila nakita ang pagkunday ng maninipis na
kurtinang nilalaro na ngayon ng hangin. Hindi na rin nila namalayan ang mga
yabag na dumaiti sa kuwartong inokupa ni Mig, at saka humakbang na
palayo.

Ikatlo ng hapon nang silay magising.


Nagkatiniginan sila. Nagkangitian.

Kumain muna tayo, sabi ni Rina.

Nagugutom ka? usisa ni Mig.

Hindi

Hindi pa rin napuknat ang kanilang titig sa isat isa. Magkaharap.


malaya kapwa ang tig-isa nilang kamay. Hianplos ni Mig ang buhok ng dalaga.
Sinalat ni Rina ang dibdib ni Mig.

Mayamaya, binatak ni Mig si Rina sa ibabaw ng kaniyang katawan.


Kinipit na parang ibig pisain. Hinalikan na parang ibig simutan ang katamisan
sa bibig nito. Saka dahan-dahan, tulad ng dati nilang ritwal, nag-ugnay na
naman ang kanilang katawan. Maikli lamang iyon. Ngunit ang dahas, ang
bangis ng ritwal ang nagpabalik sa kanila sa realidad.

Si Rina ang unang nagbukas ng usapan.

May kakilala akong pari.. sa bayan.

Magkakaharap uli sila sa pagkakahiga. Nagtitigan uli sila.

Kung gusto mong pakasal, gusto ko rin. Ayoko nang ganito lang.

Puwede kong utusan si Mang Eseng. Bukas ng umaga, puwede na


tayong pumunta roon.

Ganoon lang?

Ganoon lang!

Bumangon si Mig. Ibinaba ang itaas niyang duster na nagbunyag ng


pang-ibabang bahagi ng katawan ni Rina.

May sinabi sa akin si Col. Zafro. Mag-usap daw muna tayo. Saka
siniguro niya na tutulungan ako.

Sinabi ko na sayo noon, sambot ni Rina.

Naiintindihan kong hangarin ng isang babaing tulad mo.

Hindi ako lang, Mig. Ikaw din.

Tapos na ang ilusyon, Rina. Realidad na ngayon.

Tumingin nang waring may hinanakit sa kaniya ang dalaga. Saka


huminga ng malalim.
Okey! Okey! Aaminin ko, kabilang ako sa isang intelligence unit na
naka-attach sa media.

Hindi na nagimbal si Mig. Matagal-tagal din nuyang tinakpan ang


kaniyang suspetsa.

Natigilan si Mig. Kangina, kahit alam niyang kaya siya dinala roon ni
Rina ay para kumprontahin nila ang kanilang problema, naisip niyang pwedi
niyang pakasalan ito at magpatuloy siya sa kaniyang misyon.
Ngayon, hindi na niya pwedeng isipin iyon pagkaraan ng narinig kay
Rina.
Sino ka, Rina? Marahan, ngunit parang nagtagal ang alingawngaw ng
pagtatanong na iyon ni Mig.
Si Rina ang waring natigilan. Ngunit saglit lamang.
alam kong itatanong moyon, noon pa! Nagtaka nga ako at ngayon mo
lang yan itinanong.
Alam ko ang marami mong activities.... inipon naming magkakasama.
Pero hindi ko ikinaila sa kanila ang namagitan sa ating dalawa.
Anong sinabi nila ? hindi ba conflict yon ng interes ng pinaglilingkuran
mo at ng sarili mo?
Anong magagawa ko? Tao ako! Umiibig ako!
At kinunsinte ka sa relasyon nating dalawa? Pag-ibig muna, bago
tungkulin, ganon ba?
Kami-kami lang ang nakakaalam. Kaya habang maaga, kinumbinse na
kita. Lagutin ang koneksyon sa HURLS. At sinuwerte ako sa pagdalaw-dalaw
ng mga galing sa South. Nabuo ang aming plano na gipitin kayo, pero sa
paraang di ka madadamay.
Scripted palang lahat. Pati ang pagpunta-punta mo sa mezzanine? Ang
pagkikita nating kung saan saan?
Okey! Okey, gayon nga. Pero ginawa ko yon para iligtas ka, bigay diin
ni Rina. Nung ilunsad yong operation sa safe-house ninyo, tiniyak naming
hindi ka masasangkot sa diyaryo. Successfull kami. Si Major Quino, kasama
namin. ibig ding tumulong. Ang evaluation ng lahat, you are worth saving hindi
lang dahil sa akin kundi sa di mo pa malalim na involvement.
Not yet in your consciousness .....mababago pa. Kaya inayos namin ang isang
maliit na drama.
Napatawa si Mig, marahan. Napabuka ang bibig ni Rina sa reaksiyon
niyang iyon.
Talagang mahilig kayong lumikha ng ilusyon at bumura sa realidad.
Sayo lang, dahil ibig ka naming iligtas.
Iligtas sa paraan ko ng pagmamahal sa bayan?
Mapangwasak, madugo ang paraan mo ng pagmamahal sa bayan!
At ang inyong pagmamahal sa bayan ____ ano? Hamletting, salvaging,
propaganda sa media, paglulustay sa salapi ng bayan, mataas na buwis,
mababang pasahod! Rina, papaano ka naging bulag sa katotohanang iyan?
Huwag nating palakihin ang ating pagtatalo, Mig, paki-usap ni Rina.
Ginawa ko ang dapat gawin ng isang babaing gumugusto sayo. Kung mali
yon, sabihin mo, kondenahin mo ako!
May sundot sa Mig. Ibig ni Rina na ang suliranin nilang dalaway
limitahan lamang sa kani-kanilang sarili. Bakit nga naman pati ang problema
ng mundo au iuugnay niya sa usapin ng kanilang mga puso?
Hindi ko maaaring kondenahin yon. Karapatan mo yon. Sa mga
pagbulalas ko, sinasabi ko na sayo ang aking desisyon!
Bumilog ang mga mata Rina. Dumating na wari sa sarili nito ang
kinatatakutan. Hindi na maaaring takasan. Balamin pa kaya!
Sorry, Rina, namatay si Bayani, napatay din si Pastor....at ang iba pang
kasama sa HURLS, nagbuwis din ng buhay. Siguro, Rina, sa mga sandaling
ito, nakaigpaw na ako sa pagiging ordinaryong Mig na umiibig sayo. Akoy si
Mig na ari-arian na ang bayan at hindi ng sino mang indibidwal. Maintindihan
mo sana ako, Rina.
Tumungo si Rina. Naisip ni Mig na iiyak ito. Ngunit pagkaraan ng ilang
sandali ay nagtaas ito ng mukha.
Yon na ba talaga ang desisyon mo?
Sigurado ko na, Rina!

SAKAY ng mini cruizer nang maagang gabing iyon, sina Mig at Rina ay
lumabas sa bakuran ng resthouse. Madilim parin ang gabi. Tahimik pati hangin.
Liban sa ragasa ng tubig sa irigasyon, ay ugong ng makina ng sasakyan , ang
kapaligiran ay isang mahimbing na katauhan.
Mula sa feeder road, umahon sa highway ang mini cruizer. Marahan ang
takbo sa simula, ngunit pagkaraan ng kalahating kilometro, bumilis. Mangisa-
ngisa ang nasasalubong nilang mga sasakyan.
Mayamaya, sa malayo, nakita ni Mig ang isang sasakyang nakaparada
sa balikat ng highway. Nakabukas ang warning light.
Papalapit na sila sa papalapit na sasakyan sa may balikat ng highway.
Nakasisilaw sa tingin ang pipisik-pisik na pulang liwanag. Nagmarahan si Rina
ng pagpatakbo.
Tuluyang huminto ang mini cruizer. Napagsino ni Mig ang sasakyan.
Yaon ang itim na sasakyang nagdala sa kaniya sa highway.
Bumaba siya. Naramdaman din niya ang pagbaba ni Rina. Tatlong lalaki
ang nakatayo sa tabi ng sasakyan. At nakita ni Mig sa kaniya nakatuon ang
paningin ng mga ito.
Anong nagyari? usisa ni Mig.
Wala naman, sabi ng isa. Paano ba, Rina?
May bahaging waring nagalaw sa utak ni Mig. Napalingon siya kay Rina.
At hindi siya maaaring magkamali. Matatag sa kaniyang likuran si Rina,
nakatayong waring nakahanda . sa kamay nito, mahigpit na nakapaloob ang
isang rebolber, sa kaniya natutok ang tubo.

Dalhin na ninyo siya, sabi nito.


Bigla ang pagsalikod sa kanya ng tatlong lalaki. Kinaladkad siya at
itinulak sa loob ng kotseng itim.
Nang tanawin niya si Rina, nakasakay na ito sa mini cruizer.
Tinatamaan ng pipisik-pisik na liwanag ang mukha nito. pormal ang mukhang
iyon. Mukha ng isang intellegence agent na nakadakip ng isang matagal nang
sinusubaybayan.
Parang pelikulang nagliwanag sa kaniyang utak ang susunod ng mga
pangyayari. # # #

You might also like