Professional Documents
Culture Documents
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Elementarya at Sekondaryang Edukasyon
Wikang
Pangasinense
Inihanda nina
Joeffrey Sacristan
Eubert Lennard Torreliza
Antonee Joi Laurio
Maria Migalle Hernandez
Jazmine Camille Candilado
Ipinasa kay
0
KASAYSAYAN
Nabuo ang Pangasinan mula sa pinagsamang salita na Panagat asinan o
Panag-asinan na nangangahulugang lugar na gawaan ng asin. Ipinangalan ito ng mga
Malayo-Polenesian (na kilala sa kagalingan sa paggawa ng asin) nang marating nila ang
bahaging ito ng bansa gamit ang bangka. Kalauna'y itinuro nila sa mga katutubo ang
teknik sa paggawa ng asin. Ngunit ang Panag-asinan ay ngalan lamang ng mga lugar na
malapit sa baybayin samantalang ang bahaging loob ng lugar naman ay tinatawag na
Caboloan, ito ay galing sa salitang ugat na bolo na isang uri ng kawayan na makikita
rito at kabilaang panlapi na ca at an na nagpapahiwatig ng sagana. Ibig sabihin,
sagana sa mga kawayan ang loob na bahagi ng Pangasinan.
Ito rin ay naging sentro ng kalakalan noong panahon ng Kastila dahilan upang
gawin dito ang pinakaunang daanan ng tren at maging isa sa mga daungan ng kalakalang
Galleon.
Unang naging alkalde ng Pangasinan si Don Pedro Manrique nang ang lugar na
ito ay ginawang Alcadia Mayor.
1
Ito ang nagging dahilan kung bakit ilan sa mga salitang Pangasinense ay may hiram umanong mga salita mula sa
Tsina.
1
Samantala, sa bayan ng Bautista naman isinulat ni Jose Palma ang tulang Lupang
Hinirang na kalaunay ginawang pambansang awit ng Pilipinas.
KULTURA NG PANGASINAN
Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na
ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay kilalang mayaman sa ibat
ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang mga kulturang nagmula
sa ating mga ninuno. Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya itoy ating
ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kilala ang lalawigan ng Pangasinan dahil
sa paggawa ng asin at bagoong, ibat ibang yaman ng kalikasan, kaugalian, pamumuhay,
paniniwala at pagdiriwang. Isa sa sinaunang pamumuhay ng mga tao rito ay ang
pagsasaka at pangingisda. Kabilang sa kanilang produkto ay isda at mga produkto mula
sa isda gaya ng bagoong at daing.
2
nagsusuot ng pantalon dahil itoy panlalaki. Sa mga lalaki naman ay damit ng
mahahabang manggas na ginagamit nila sa kanilang pagsasaka, sando at maluluwag na
pantalon.
Pistay Dayat Ang Pistay Dayat ay salitang Pangasinan na ang ibig sabihin ay
Pista ng Dagat. Ito ang taunang pagdiriwanang na isinasagawa tuwing buwan ng
Abril hanggang Mayo sa Lingayen, Pangasinan. Tumatagal ang pagdiriwang ng
halos dalawang linggong selebrasyon. Ang pista ay pasasalamat sa masaganang
kabuhayan na ipinagkaloob ng dagat sa mga residente ng nasabing lugar.
3
Bangus- Kilala ang bangus sa Dagupan City. Ito rin ang dahilan kung kaya sa
kanilang lugar ipinagdiriwang ang Bangus Festival.
Bukod sa mga magagandang tanawin ng Hundred Islands, tatlong isla rin ang
dinarayo ng mga turista at bakasyonista rito: ang Governor Island, Quezon Island
at Children's Island. Hindi lahat ng isla rito ay may pangalan. Narito ang ilan:
Century Island, sinasabing isa sa mga naging taguan ng mga taga Alaminos noong
World War 2. Lopez Island, New Scout Island, Marcos Island, Clave Island, Old
Scout Island, Martha at Ramos Islands, Cuenco Island, Romulo Island, Devil
Island o Cagao Island, Cathedral Island, Bangar Island, Turtle Island, Braganza
Island, Hernandez Island, Abad Santos Island, Sulpot Island, Cariaz Island,
Monkey Island, Sison Island, Shell Island, at ang pinakahuli ay ang Camantiles
Island.
The Shrine of Our Lady of the Rosary of Manaoag - Idineklarang Minor Basilica
ni Pope Francis ang The Shrine of Our Lady of the Rosary of Manaoag. Dahil sa
mga katangian ng Mahal na Birhen, hindi mabilang ang mga debotong bumibisita
sa kanya dito sa kanyang luklukan sa Simbahan ng Bayan ng Manaoag o mas
kilala sa tawag na Nuestra Seora De Manaoag. Dahil sa kanya, ang bayan ng
Manaoag ay kilala bilang Pilgrimage Town hindi lang dito sa Pangasinan, pati na
rin sa buong bansa at maging sa buong mundo. May ilang simbahan na rin sa
bansa na itinuturing na Minor Basilica gaya ng Manila Cathedral, Basilica del
Santo Nio sa Cebu, at ang simbahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo.
4
Bolinao Falls - Ito ay matatagpuan sa Brgy. Samang Norte, Bolinao Trail,
Bolinao, Pangasinan.
MGA PANINIWALA
5
upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng
save. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi
nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas
na sa pinagtataguan.
KILALANG PERSONALIDAD
2
Mas kilala siyang manunulat sa wikang Ingles kumpara sa Wikang Pangasinense na kanyang sinilangan. Subalit isa
siya sa mga aktibong nakikilahok sa muling pagpapalakas ng wikang Pangasinense.
6
posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas at Speaker ng mababang kapulungan ng
Pilipinas. Kumandidato si De Venecia bilang Pangulo ng Pilipinas noong Mayo
1998 ngunit nabigo kay Pangalawang Pangulong Joseph Estrada. Siya ay
Kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Pangasinan noong 2001 hanggang sa
kasalukuyan.
PANITIKAN
Napakayaman ang panitikan ng Pangasinan, pinakaunang naitala ang kanilang
mga panitikan na sinasabing nasusulat sa lumang panulat o kahalintulad ng Baybayin.
Subalit nabago lamang ito nang dumating ang mga Kastila at ipinakilala nila ang
Alpabetong Latino, hanggang sa ngayon ay ginagamit pa rin. Isa sa uri ng panitikan na
kinahihiligan nila hanggang sa kasalukuyan ay ang pabitla/bonikew (bugtong) at ang
diparan (parabula).
Ayon kay Amurrio (1970a), karamihan naman sa mga nailimbag na mga panitikan
ay nagawa noong 19th Century3 sa tulong ng palimbagan na Colegio de Sto. Tomas
(ngayon ay University of Sto. Tomas).
3
Isa ang Linggohang Liwawa sa mga nailimbag na nasusulat sa Wikang Pangasinense at Iloko tumagal mula 1915-
1932. Itinatag ito ni Fr. Mariano Rodriguez.
7
Payak na andirit, Pakpak ng isang tutubi,
No sikaray manlaktip, Kapag silay pinagsasama,
Saksakey so pansumpalan da. Ay nagiging iisa.
(Gagalen) (Nga:nga)
Talahanayan 2. Parabula
Pangasinan Filipino
No agmo labay so nadangdang, Kung ayaw mong mainitan,
Agka onaasinger ed apuy. Wag kang lumapit sa apoy.
Matapos ang pananakop ng mga Kastila, nagsimula nang magsulat ng ibat ibang
paksa ang mga Pangasinense gaya ng tungkol sa kultura, kaugalian, paniniwala at
sumulat ng ibang anyo ng panitikan tulad ng tula, cancionan, moro-moro at zarzuela.
Karamihan dito ay nailimbag nila. Ilan sa mga nakilalang may malaking ambag sa
panitikan ay sina: Catalino Palisoc mula sa Lingayen na kanilang kinikilala bilang ama ng
Sarswelang Pangasinense itoy dahil sa kanyang likha na Say Liman Ag Naketket,
Pampinsioan (The Hand that Cannot be Bitten, Must be Kissed). Ito ay isinadulat
ipinalabas noong 1901 sa loob ng 25 na taon hanggang sa siya ay namatay. Si Pablo
Mejia galing Malasiki na binansagang prinsipe ng tulang Pangasinense noong panahon
ng pananakop ng mga Amerikano. Julian Zulueta mula sa Calasiao at ang taga Manawag
na si Francisco Rosario at mga nobelista gaya nina: Maria C. Magsano, Juan C. Villamil.
Si Villamil4 rin ay nakapagsulat na ng higit sa isandaang maiikling kwento, mga diskurso
at tula.
4
Kinilala silang outsanding novelist, 4 ang nobela ni Magsano kabilang ang isang saling wika mula a Hapon habang
6 naman ang kay Villamil.
8
Ayon pa kay Amurrio (1970b), si Pablo Mejia ay tinuturing ding ama ng Wikang
Pangasinense dahil sa gawa niyang Pangasinan Grammar na pinaniniwalaang balarila
ng Pangasinense gaya ng kay Lope K. Santos.5
Matapos ngang mabuo ang organisasyong ito, sinimulan agad nila ang
paglalathala kada ikatlong buwan ng magasin na Balon Silew6 (Bagong Ilaw) at ang
pinakaunang isyu na kanilang inilabas ay noong Oktubre 28, 2000 (Flores, 2001).
Taong 2010 nang nalathala ang aklat pambata sa wikang Pangasinan, ang
Pasirayew ya Malapati (Ang Mayabang na Kalapati) ni Erwin Fernandez, sa taguyod ng
Ulupan na Pansiyansiyas Salitan Pangasinan. Nilalayon ng publikasyong ito na buhayin
ang isang naghihingalong wika.
5
Ito ang nilinaw na Fr. Amurrio (1970) subalit hindi ito nagtagumpay. Nawala ang manuskrito nito at walang
makapgsasabi kung nasaan na ang manskrito.
6
Ang Balon Silew (tanging nasusulat sa wikang Pangasinense) ay isa sa 20 lokal na pahayagan at magazine na
matatagpuan sa Pangasinan. Habang 17 naman na pahayagan at magazine ang inilalathala tuwing lingo.
9
DAGDAG NA KAALAMAN SA WIKANG
PANGASINENSE: ISANG PANANALIKSIK
7
Ito ay inisyatibo ng nasabing mga institusyon na may pagmamahal sa wika. Itinatala nila ang mga wikang pawala
at nawawala na sa mundo saka idinu-dokumento.
10
Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pagkakahati ng mga wikain sa buong bansa.
8
Binuksan ito ayon sa utos ng Pamahalaang Espanya para sa kalakalan sa ibang bansa at pagawaan din ng barko.
11
humina ang wikang Pangasinense na halos natatabunan na dahil sa mas maraming
mananalita ng Iloko.
Sa pananakop ng mga Amerikano, ipinatupad nila ang Ingles bilang Lingua Franca
at natatanging wikang dapat gamitin sa buong bansa. 1901 nang ang itayo ang isang
paaralang purong wikang Ingles ang itinuturo na may kabuoang bilang na 1,074 mga
guro. Dito lalong humina ang wikang Pangasinense.
Taong 1920 nang opisyal nag gawing lingua franca ang wikang Ingles sa paaralan,
industriya at gobyerno sa pakikipagtalastasan. Dahil wala pang iisang wikain sa bansa,
manukadkad ang wikang Pangasinense sa panahong iyo
Unang kinilala ang wikang Pangasinense kasama ng iba pang wikain noong 1933
nang ipasa ang isang panukala na nagtatakda sa mga wika bilang media of instruction.
(Gonzalez, 1977) Subalit pagkaraan ng ilang taon ay ginawang Ingles.
1973 naman nang gawing Filipino at Ingles ang opisyal na wikain sa bansa ni
Pang. Ferdinand Marcos na kilala rin bilang mamamayan ng Ilokos, sa panahong ito
humina ang wikang Pangasinense. Subalit sa panahong ito rin itinakda na dapat gamitin
ang mother tongue ng mga paaralang nasa mga lalawigan lalo na ng Pangasinan mula
una hanggang ikaapat na baitang. Doon muling nakakita ng pag-asa ang wikang
Pangasinense na muling itaguyod at palaganapin ang kanilang naghihingalong wika.
Mula sa Kasaysayan, tuklasin naman nating ang ilang mga aspektong dapat
isaalang-alang kung bakit unti-unti nang namamatay ang wikang ito at kung bakit hindi
ito naiwasan.
12
Migrasyon patungong Pangasinan
Dahil sa malawak at matabang lupain ng Pangasinan, maraming Ilokano ang
dumayo rito upang magsaka, habang ang iba ay dito na nanatili at bumuo ng pamilya,
kaya taong 1800 ang populasyon sa Pangasinan na nasa 102,305 (Cortes 1990) lamang
ay halos dumoble hanggang 242,476 pagdating ng taong 1850 sa tatlumput apat na
bayan.
Pagmamay-ari ng Lupa
Taong 1960 nang bumaba ang kabantugan ng wikang Pangasinense dahil sa
papalaking bilang ng mga mapaghangad at bihasa sa tagumpay na mga Ilokano. Lalong
dumami ang mga nagmamay-ari ng lupa na dati ay sinasaka lang ng mga Ilokano,
hanggang sa dumating ang puntong anim na porsyento na lamang ang lamang ng
populasyong Pangasinan laban sa mga Ilokano sa kanilang lugar.
Kapangyarihang Politikal
Lalo namang nanaig sa kalakhang Pangasinan ang wikang Iloko sa pagkapanalo
ni Pang. Ferdinand Marcos na kilala bilang mamamayang Iloko. Mas lalong tumaas ang
reputasyon ng mga Iloko nang mga panahong iyon kumpara sa Pangasinan na kahit
nakikipagtagisan ay hindi malamangan ang taas na naabot ng isa sa kanilang katunggali
sa wika.
13
Maynila upang makahanap ng mas magandang trabaho. Taong 1920 nang magsimulang
dumayo ang mga Pangasinense sa Maynila para magtrabaho sa gobyerno, industriya at
iba pang mga mapapasukang trabaho. Habang ang iba naman ay lumabas na ng bansa
patungong Guam at sa kanlurang bahagi ng baybayin ng Estados Unidos. Namasukan
ang ilan bilang mga manggagawang agrikultural. Habang bandang 1960 naman nang
lumago ang bilang ng mga Pilipinong nangingibang-bayan kasama na rito ang mga
Pangasinense. Ilan sa mga lugar na pinuntahan ay ang Gitnang Silangan, Kanlurang
Europa at Hilagang Amerika, at karamihan sa mga Pangasinensing lumisan ay hindi na
nagsibalik sa Pangasinan.
Urbanisasyon
Isa rin ang urbanisasyon sa nakikitang may malaking epekto kung bakit humihina
ang wikang Pangasinense. Ayon sa datos noong 2000, kalahati (48.03 porsiyento) ng
mga Pilipino ay nasa lungsod na nakatira, kung saan ang dominanteng wika ay Ingles at
Tagalog. Kasunod ng urbanisasyon ay ang pagbabago ng wika dahil ibat ibang pangkat
ng mananalita ang nakihalubilo sa Pangasinan, unti-unting naapektuhan ang kanilang
wika na nahahaluan ng ibang wika, sa madaling sabi, kaugnay sa sinasabing dinamiko
ang wika, kailangang ampunin ng mga Pangasinense ang ibang wika upang makaagapay
sa ibang pangkat ng mga mananalita sa lungsod.
14
komersyo at merkado, isa pang wika ang idinaragdag ay ang wikang Ingles alinsunod sa
kautusan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang layunin ay ihanda ang
mga Pilipino na maging bihasa sa wikang ito upang makasabay sa pandaigdigang
paliksahan.
Dito natin malalaman kung ang wika nga ba ay nalalapit nang mawala o kaya pang
isalba. Ang Catalogue of Endangered Languages ay gumawa ng komprehinsibong
pananaliksik ukol sa mga wikain sa buong mundo upang alamin ang mga kalagayan nito
at kung bakit namamatay. Maraming wika sa Africa ang natuklasan nilang malapit nang
mamatay habang ang iba namay nanganganib na. Ang mga wikang ito ay wika mula sa
ibat ibang mga tribo, gaya sa ating bansa, iilang wika na ang namatay na hindi man lang
naido-dukomento at karamihan dito bukod sa mga wika ng mga Negrito ay wika ng ibat
ibang mga tribu na nakakalat sa kalupaan ng Pilipinas.
15
Kung gagawing basehan ang talahanayan 4 sa naunang pahina, malinaw na ang
Wikang Pangasinense ay hindi pa gaanong nanganganib lalo na kung ang batayan ay
bilang ng mga taong nagsasalita nito. Dahil sa kasalukuyan ay may 2,779,862 ang bilang
ng populasyon rito hindi pa kabilang doon ang mga nasa US at Hawaii at maging sa iba
pang mga bansa sa buong mundo.
16
ibang wika sa buong mundo. Ang lumalawak na tagabasa nito na mga Pangasinense ay
nagbigay sa kanila ng ideya kung gaano na kalala ang antas ng kanilang wika.
9
Bilang tulong sa wikang nawawa nakapaglimbag na ng Sonata ng Pangasinan ni Santiago Villafania. Mdaling
lapitan si Ginoong Villafania, lalo na sa Facebook. Sa pamamagitan ng Facebook siya nakapanayam nga mga
mananaliksik ukol sa panitikan ng Pangasinan.
17
Habang noong 2003 naman ay binuo ang Pangasinan Writers Association at
Pangasinan Council for Cultural and the Arts (Anderson, V. at Anderson, J., 2007) na
may layuning gumawa ng Sentro ng mga pag-aaral sa Pangasinan sa ilang mga piling
unibersidad sa Pangasinan kasama na rin ang pagdudukomento ng mga kultura sa
Pangasinan.
10
Ito ay alinsunod sa kasunduang nilagdaan sa pagitan ng dalawang kampo noong 2015.
18
May iilang miyembrong sumusuporta sa pagpapanatili ng wika; habang ang
2
iba ay ayaw sumuporta at ang iba nama'y sang-ayon sa pagkawala ng wika.
Walang may pake kung mawala ang kanilang wika; lahat ay mas gustong
0
gamitin ang dominanteng wika.
PONOLOHIYA
Ponolohiya ay ang pag-aaral ng mga tunog o ponema ng isang wika, ang pagkukumpara
ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga tunog na
ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan. (Wikipedia)
Ponemang Segmental
Katinig
Patinig
Ponemang Suprasegmental
Haba
Diin
Tono
Hinto
PATINIG
Malapatinig
/w/ at /y/
19
Talahanayan 6. Mga katumbas na Titik
Katum
Ponema bas na Wikang Pangasinense Wikang Tagalog
titik
/t/ T Masamit Matamis
Manong o lalakeng
/m/ M Mama
matanda
Manang o babaeng
/n/ N Nana
matanda
ngarem tanghali
// NG , G
mangan kain
lapis lapis
/s/ S, C
ciudad lungsod
20
pasajero pasahero
atchi tsokolate
MORPEMA
Ang panlapi o morpemang di-malaya ay isang morpema na ikinakabit sa isang
salitang-ugat upang makabuo ng isang salita Napakaraming uri ng paraan ng paglalapi
sa mga salita ng Pangasinan, kaya naman kukunin lang ng mananaliksik ang
pinkagamiting salita at mga paglalapi.
1. Gitlaping UM (Gitlapi)
Ito ay inilalagay sa pagitan ng unang katinig at patinig sa salitang ugat.
Nakabubuo ito ng bagong salita gaya ng Pang-uri o Pangngalan na nagbibigay
sa salitang ugat ng kahulugan o trabaho. Ang unang pantig ng salitang ugat ay
inuulit.
sumusulat manunulat
21
Talahanayan 9. Halimbawa ng Unlaping MAKAN at AKAN
say makananak o kaya ay akananak ang magulang
say akanabung ang may-ari ng bahay
3. Unlaping INKA
Ito ay uri ng unlapi na ang katumbas sa Tagalog ay ka at an gaya ng
kabataan. Idinurugtong ito sa Pangngalan at maging sa mga Pang-uri.
Ipinahihiwatig nito ang kakanyahan ng kalikasan, katauhan ng bagay, tao o
hayop.
inkalaki kalalakihan
inkabii kababaihan
inkadyus ka-Diyos-an
4. Unlaping KA
Unang kaso, nangangahulugan itong kasama (pagsasama), kaukulan,
katumbasan, kaaway, pagsasama, pagiging miyembro at kasama.
kaabay kapitbahay
kapoted kaputol
22
Ikalawang kaso,kung ang una nito ay tumutukoy bilang kasama, ang ikalawa
naman ay tumutukoy sa sukat gaya ng haba, laki at rami.
5. Kabilaang Panlaping KA at AN
Unang kaso nito ay tumutukoy sa lahi, kadugo o pagiging kabilang gaya ng:
kabaleyan kabababayan
23
Ikatlong kaso, ginagamit rin ito upang ipakita ng nararamdaman.
kaermenan kalungkutan
kaliktan kasiyahan
6. Ang hulaping AN
Ito ay ginagamit upang tukuyin ang isang lugar.
luganan sakayan
tinbangan timbangan
seslekan kanluran
a) Kapasidad
sanpasig Isang malaking garapon
b) Haba
24
c) Oras
sanagew isang buong araw
Pangdalawahan.
sanasawa mag-asawa
sanama mag-ama
saninaro magkasintahan
Pangmaramihan
kapinsan kakapinsan sangkakapinsan
8. Kabilaang SANKA at AN
Ang sanka at an ay halos palaging magkasama sa isang salita. Ito ipinapalagay
na ay mayroong kolektibo, superlatibo, maramihan at mariin na KA at AN kasama
ang SAN.
25
dyad sankamundoan sa buong mundo
HAMBINGAN NG PANG-ABAY
PAMATLIG
Ang pamatlig ay ginagamit sa pagturo ng bagay, tao o lunan. May apat na anyo
ang panghalip-Pamatlig ng Pangasinense. Ang unang anyo ay may sa (saya, satan at
saman); habang ang ikalawa naman ay may i o kaya ay a (aya, itan at iman); at ang
panghuli ang pinaikling salita na walang unlapi o mas kilala sa tawag na payak (ya, tan,
man). (Benton, 1971)
26
PATUROL
Pangasinense Tagalog
PAARI
Pangasinense Tagalog
na saya nito
na satan niyan
na saman niyon/noon
Hal.
PATULAD
27
Pangasinense Tagalog
PANG-ABAY NA PANLUNAN
Pangasinense Tagalog
ed saya/dia dito
ed satan/ditan diyan
ed saman/diman doon
Hal.
28
May katumbas din ang Pangasinense sa mga salitang Pang-abay na Panlunan sa
mga Tagalog gaya ng narito (mula sa). Upang matumbasan ito ng Pangasinense,
kailangan nilang maglagay ng eksistensyal na salitang wala (mayroon sa Tagalog) at
susundan ng payak na Panlunan (gaya ng ditan).
Pangasinense Tagalog
SINTAKSIS
PANG-ANGKOP
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa
pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit
din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang
binibigyang turing nito.
Ayon kay Amurrio (1970) ang mga pang-angkop na makikita sa Pangasinan ay a,
ya o n. Ang kaibahan nilang lahat ay simpleng mapaganda lamang ang istruktura ng mga
salita.
Ang n ay ay ginagamit kapag ang unang salita na idurugtong sa isa pang salita ay
nagtatapos sa patinig. Gaya ng: inaN maaro (mapagmahal na ina).
Ginagamit naman ang ya kapag ang ikalawang sallitang idurugtong ay
nagsisimula sa patinig gaya ng: baleg ya abung (Malaking bahay) habang ang a naman
ay ginagamit kung ang ikalawang salita na durugtungan ay nagsisimula sa katinig. Hal.
Abung a baleg.
29
Paggamit ng Pang-angkop
1. Sa pagitan ng Pangngalan at pang-uri.
30
Mga Talasanggunian
Pinablin Taoir on aksyon radyo to keep Pangasinan Language alive. [ca. 2011]. In Facebook [Profile
page]. Retrieved February 2, 2016, from https://www.facebook.com/sonny.villafania/notes
10 Pinakasikat na Larong Tradisyunal ng Pilipino. (n.d.). In Wikipilipinas. Retrieved December 21, 2015
from http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=10_Pinakasikat_na_Larong_Tradisyunal_ng
_Pilipino
Benton, R. (1971). McKaughan, Ed. Spoken Pangasinan. Honolulu, Hawaii: University of Hawaii Press.
Balonglong, Richard. STORIES from the Bible translated in Pangasinan" Philippine Daily Inquirer, Enero
1, 2013
Cayabyab, M. J. (2011, May 31). Keeping alive the Pangasinan language. Vera Files, retrieved from
http://verafiles.org/keeping-alive-the-pangasinan-language/
Encarnacion, A. D. at Quilinguing. K. G. (2015, June 24). UP experts to lead the push in preserving
Pangasinans language and culture. UP System News. Retrieved from http://www.up.edu.ph/up-
experts-to-lead-the-push-in-preserving-pangasinans-language-and-culture/
Fase, W., Jaspaert, K., & Kroon, S. (1992). Maintenance and loss of minority languages: Introductory
remarks. In W. Fase, K. Jaspaert, & S. Kroon (Eds.), Maintenance and loss of minority languages.
Studies in bilingualism. 1. 3-13.
Flores, M. N. (2007). The Cattle Caravans of Ancient Caboloan (Interior Plains of Pangasinan). Ermita,
Manila: National Historical Institute.
__________ Introduction: Pangasinan Literature. Filipinos Writing: Philippine Literature from the
Regions. (general ed.) Lumbera, Bienvenido, Pasig City: Anvil, 2001.
31
_________. Rediscovering Pangasinan. An Introduction. unpublished document.
Fox, J.J. (2005). Liao, H-c. and Galvez Rubino, C. eds. A Comparative Analysis of the Relationship
Terminologies of Northern Luzon. Currecnt Issues in Philippine Linguistics and Anthropology:
Parangal kay Lawrence A. Reid. pp. 227-247.
Guia, J. (2015, May 15). The Wonderful Hundred Islands in Pangasinan. Retrieved from
http://vigattintourism.com/tourism/articles/The-Wonderful-Hundred-Islands-in-Pangasinan
Headland, T. (2003). Thirty endangered languages in the Philippines. Work Papers of the Summer
Institute of Linguistics, University of North Dakota Session. 47:1-12.
Ladefoged, Peter. 2004. The worlds languages are vanishing. UCLA Today 24(14). 11 May 2004. Online
journal, http://www.today.ucla.edu/2004/040511voices_mymind.html, accessed 17 Feb. 2016
Learning With The Mother Tongue (Part 2) By DR. FLORANGEL ROSARIO BRAID. [July 29, 2011]. In
Facebook [Profile page]. Retrieved January 27, 2016, from
http://www.mb.com.ph/articles/328821/learning-with-the-mother-tongue-part-2
Llamson, T. (1978). Handbook of Philippine Language groups. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press.
McFarland, C. D. (2008). Deictic Pronouns In Philippine Langauges. Studies in Philippines Languages and
Cultures. 19: 123-141.
Micua, L. V. (2010, August 7). Pangasinan confirmed to be a dying dialect. Balita, retrieved from
http://balita.ph/2010/08/07/pangasinan-confirmed-to-be-a-dying-dialect/
Pangasinan language gasping for last breath (2010, Aug. 15), Sunday Punch. Retrieved from
http://punch.dagupan.com/articles/news/2010/08/pangasinan-language-gasping-for-last- breath/
Rayner, E. A. (1923). Grammar and dictionary of the Pangasinan language. Retrieved from
http://quod.lib.umich.edu/p/philamer/adl9486.0001.001/5?view=image&size=100
32
Repost: In Search of Urduja. [July 13, 2011]. In Facebook [Profile page]. Retrieved January 24, 2016, from
https://www.facebook.com/notes/santiago-villafania/repost-in-search-of-
urduja/10150231762161572
Scott, William Henry. (1989). Filipinos in China before 1500. Manila: China Studies Program, De La Salle
University.
Thurman, J. (2015, March 30). A Loss for Words, Can a dying language be saved? The New Yorker.
Retrieved from http://www.newyorker.com/magazine/2015/03/30/a-loss-for-words
UP, Pangasinan LGU undergo workshop for Center for Pangasinan Studies (2016, January 21). UP System
News. Retrieved from http://www.up.edu.ph/up-pangasinan-lgu-undergo-workshop-for-center-
for-pangasinan-studies/
UPSP A Decade After: Revitalizing Pangasinan And The Blueprint For The Next Ten Years by Dr. Catalina
L. Felicitas and Erwin S. Fernandez. (n.d.) retrieved from
https://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=7&cad=rja&uact=8&v
ed=0ahUKEwil4pmS5_3KAhXiFqYKHZbdAqgQFghCMAY&url=https%3A%2F%2Fmlephil.files.word
press.com%2F2010%2F03%2Fupsp-a-decade-
after.doc&usg=AFQjCNHf8ei0OEpBs1sgiruoochnfC_5rg
Visperas, E. (2010, August 7). Governor urge Pangasinenses to use local dialect to save it from
extinction. The Philippine Star, retrieved from http://www.philstar.com/breaking-
news/600263/governor-urge-pangasinenses-use-local-dialect-save-it-extinction
33