You are on page 1of 3

Tagapag-ulat : JAHARIAH P.

CERNA PAGSUSULIT PANGWIKA

WHITE NOISE TEST

Ang white noise test ay isang uri ng pagsusulit na kung saan tinataya ang lalim ng
kaalaman ng isang mag-aaral sa isang wika na hindi niya unang lenggwahe o hindi katutubong
wika at ang katatasan niya sa paggamit nito. Sa pagsusulit na ito, may mga salitang hindi
kailangan sa loob ng talata na hahanapin ng mga mag-aaral. Ang mga salitang idinagdag ay
bilang pampagulo o pampalito sa bawat pangungusap. Kapag nahanap na ang mga maling salita,
tatanggalin ito at bubuuin ang buong talata na may iisa lamang na diwa. Maaari ring ipasulat ang
mga numero ng mga maling salita sa ibaba ng pangungusap depende na rin sa isinasaad ng
panuto.

Ang white noise test ay isa ring halimbawa ng pagsusulit na integratibo sapagkat
sinusukat nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika ng mga-aaral. Isa rin itong uri ng
pragmatic test dahil kinakailangan ng mga mag-aaral na magproseso ng mga sangkap ng wika na
umaayon sa konteksto ng nasabing wika kung saan kinakailangang pag-ugnay-ugnayin ng mga
mag-aaral ang pagkakasunud-sunod ng mga sangkap ng linggwistika. Sa madaling salita,
kailangang magtugma-tugma ang mga ideyang inihahayag ng bawat pangungusap na nakasalalay
sa masusing pagpili ng mga wastong salitang bubuo ng diwa.

Mabisang gamitin ang white noise test sa mga hindi katutubong nagsasalita ng wikang
pinag-aaralan. Kagaya ng bansang Pilpinas, sa mga rehiyong hindi tagalog. Sapagkat
pangalawang wika natin ang Wikang Filipino, atin itong pinag-aaralan upang maging mahusay
sa pagsasalita at paggamit nito sa larangan ng pakikipagtalastasan at pagsulat.
Basahin ang teksto bago sagutan ang gawain sa ibaba.

Isang sipi mula sa akdang SI RACHEL ni Leticia Quizon

Isang taon kaming nagsama ni Rachel at tapos ay naghiwalay. Malimit ko siyang


maalala kung nakikita ko ang mga libro sa laybrari na hindi ayos mula sa pinakamalaki
hanggang sa pinakamaliit. Minsan, naisip kong sa ibang tao, ang buhay ay isang walang
hanggang katapusang pag-aayos.

Panuto: : Lagyan ng ekis (X) ang mga salitang nagpapagulo sa diwa ng pangungusap. Itala ang
mga numero na bubuo sa diwa.

Sinasabi sa akdang lang si Rachel ang mga sumusunod na pahayag:

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11

Isang taon parang kaming nagsama ni Rachel at tapos ay nagkalayo naghiwalay.

12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23

Malimit lagi ko siyang maalala maiisip kung nakikita ko ang mga libro sa laybrari na hindi ayos

24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40

nagmula mula sa pinakamalaki hanggang at sa pinakamaliit.

41 42 43 44 45 46 47 48
NARITO ANG MGA KASAGUTAN

Ano-anong mga salita ang kailangan panatilihin? Isulat ang bilang ng mga ito.

1,2,3,5,6,7,8,9,10,11,12,13,15,16,17,18,19,20,21,22,24,26,27,28,,30,31,32,34,35,36,37,38,39,

40,42,43,44,45,47,48

Panuto: : Lagyan ng ekis (X) ang mga salitang nagpapagulo sa diwa ng pangungusap. Itala ang
mga numero na bubuo sa diwa.

Sinasabi sa akdang lang si Rachel ang mga sumusunod na pahayag:

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11

Isang taon parang kaming nagsama ni Rachel at tapos ay nagkalayo naghiwalay.

12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23

Malimit lagi ko siyang maalala maiisip kung nakikita ko ang mga libro sa laybrari na hindi ayos

24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40

nagmula mula sa pinakamalaki hanggang at sa pinakamaliit.

41 42 43 44 45 46 47 48

MARAMING SALAMAT

You might also like