You are on page 1of 6

Masusing Banghay-aralin sa Filipino grade 9

Inihanda ni : Bb. Jahariah P. Cerna

I. MGA LAYUNIN

Natutukoy nang maayos ang buod ng nabasang akda sa pamamagitan ng pagbuo ng story
ladder.
Napagtitibay ang katangian ng mga pangunahing tauhan sa pamamagitan ng pagpuno ng
isang graphic organizer.
Naisasaisip at naisasaloob ang kahalagahan ng mga tinalakay.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa : Uhaw Ang tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo


B. Sanggunian : Magracia, Emma B., et al. 2008. Mabisang PAGBASA AT PAGSULAT
Tungo sa Pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing House
C. Kagamitan : Visual aids,
III. PAMAMARAAN

Gawain ng guro Gawain ng estudyante

A. Paghahanda

a. Pagbati
Magandang umaga sa lahat? (Magandang umaga po Bb.
(Okay magsiupo na ang lahat) Cerna)

b. Pagtatala ng lumiban
(Magtatanong kung sino ang wala sa
nakatalagang upuan.)

c . Pagganyak
Kahapon ay binigyan ko kayo ng takdang aralin Opo maam!
at ito ay ang basahin ang kwentong Uhaw ang
Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo, klas
binasa niyo ba?

Magaling! Ngayong araw ay tatalakayin natin


ang binasa niyong teksto ngunit bago tayo
dumako sa kwento ay papalawakin muna natin
ang ating mga talasalitaan upang higit nating
maintindihan ang kwento.

Nagkakaintindihan ba tayo klas? Opo maam!

(Ipipresenta ng guro ang mga salita na siyang


bibigyan ng kahulugan)
Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng salitang


may salangguhit sa hanay A . Isulat ang titik at buong
salita ng tamang sagot sa patlang . Sinalungguhitang /tamang sagot
Salita
A. B.
Namamalas - e. nasisilayan
1. di ko namamalas ang a. tuyo
pagkagat niya sa kanyang labi
Tigang - a. tuyo
2. Ang bata kong puso ay b. tingin
tigang na lupang uhaw na uhaw.
Sulyap - b. tingin
3. Sapat na ang panakaw c.maligamgam
na sulyap ni ama
Malahiningang c. maligamgam
4. Hinihilamusan siya ni ina d. bulsa
ng malahiningang tsaa
Lukbutan d. bulsa
5. Nakuha niya sa isang e. nasisilayan
lukbutan ng Amerikana ni Ama

(Tatawag ang guro ng mag-aaral na sasagot ng Opo maam!


gawain)

Naiintindihan na ba ninyo ngayon ang mga


salita?

Magaling, ang mga salitang ito ay may


malaking maitutulong upang higit nating
maunawaan ang kwento.

B. Paglalahad (Presentasyon)
Ang kwento/ akda na ating tatalakayin sa
umagang ito ay ang Uhaw ang Tigang na Lupa
ni Liwayway A. Arceo.
Ang pinakaunang maikling kwento na naisulat
ni L.A na nanalo ng ikalawang gantimpala sa
Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943.
Ito ay napapatungkol sa isang pamilyang uhaw
sa pagmamahal.
Ngayon ay dumako na tayo sa pagtalakay sa
kwento.

Gamit ang mga pangyayaring naka jumble sa


pisara ay nais kong isaayos ninyo ito sa
pinakasimula na pangyayari hanggang sa
wakas.

Opo maam !
Nagkakaintindihan ba tayo klas?
Ilang gabi nang ako ang
(Tatawag ang guro ng mag-aaral upang simulan kapiling niya sa higaan. Tila
ang pagsasaayos ng mga pangyayari). musmos akong dumarama sa init
ng kanyang dibdib at nikikinig
sa pintig ng kanyang puso.
Ngunit, patuloy akong nagtataka
sa malalim na paghinga niya, sa
kanyang malungkot na pagtitig
sa lahat ng bagay, paghikbi...

(Ipapaskil ito ng mag-aaral sa


pisara)
Ipinapakita sa unang bahagi ang
Magaling ! ano ang nais ipahiwatig ng awtor sa naiibang kilos ng kanyang ina sa
unang bahagi ng kwento? kwento na ipinahihiwatig ang
hindi pag-imik at tila ba may
itinatagong kalungkutan na
nadarama niya sa kanyang puso
na pilit na kinikimkim at
tinatago sa anak. Nabanggit din
ni Liwayway Arceo ang ibig
sabihin ng pamagat.

Ito ay ang pangungulila sa isang


Ano ang ibig sabihin ng pamagat na Uhaw ang
tigang na Lupa ayon sa unang bahagi ng minamahal o pagmamahal,
kwento? kawalan ng atensyon at
komunikasyon bilang mag-anak
Tama, inilalarawan ng anak ang nangyayari sa
kanyang mga magulang na kahit buo sila di
naman siya nabibigyan ng atensyon sapagkat
napapansin niyang may suliranin ang kanyang
mga magulang dahil di nag-iimikan at di
nakikitaan ng pagmamahal sa isat isa.

Magaling, ngayon ano ang sumunod na Kung gabi ay hinahanap ko ang


pangyayari? kaaliwang idinudulot ng isang
amang nagsasalaysay tungkol sa
(Tatawag ng mag- aaral ang guro)
mga kapre at nuno at tungkol sa
magagandang ada at prinsesa; ng
isang nagmamasid at nakangiting
ina; ng isang pulutong ng
nakikinig na magaganda at
masasayang bata.
Ano ang nais ipabatid ng talata?
(Ipapaskil ulit ng mag-aaral sa
pisara)
Ipinahihiwatig sa talatang ito
ang pagmamahal na hinahanap
ng bata na wala sa kanilang
tahanan, kung saan ay hindi
normal ang kinikilos ng kanyang
mga magulang kumpara sa ibang
pamilya na gusto niyang
maranasan din.
(Maaaring iba-iba ang kasagutan
Bakit sinasabing hindi naging normal ang ng mga mag-aaral)
kinikilos ng kanyang mga magulang ?

Mahusay! Ngayon ano ang sumunod na Ang pang-ilalim na kahon ng


pangyayari sa kwento? kanyang hapag ay nagbigay sa akin
ng hindi gaanong pagtataka: may
(tatawag ng mag-aaral ang guro) isang kahitang pelus na rosas at
isang salansan ng mga liham. Maliliit
at mga bilugang titik bughaw na tinta
sa pangalan ni Ama sa kanyang
tanggapan ang mga nasa sobre

Ang larawan ay walang lagda


ngunit nadama ko ang biglang
pagkapoot sa kanya at sa mga
sandaling yaon ay natutuhan ko ang
maghinanakit kay Ama.

Ano ang laman ng kahitang pelus na rosas? Ang laman ng kahitang pelus na
roras ni ama ay isang larawan ng
Sino ang babae sa larawan? babae.
Siya ang kalunya ni ama at siya
Tama! Ang mga salansan ng liham at larawan rin ang dahilan kung bakit di
sa kahitang pelus ni ama ay galing sa kanyang magawang maging Masaya ni
kalunya na labis niyang minahal kaysa sa ina.
kanyang tunay na asawa.
Sabihin mo, mahal ko, na
maaangkin ko na ang kaligayahan
Ano ang sumunod na pangyayari sa kwento?
ko...

Kinagat ni Ina nang mariin ang


kanyang labi at nang siyay
mangusap ay hindi ko naaming
kay Ina ang tinig na
yaon:Maaangkin mo na, mahal
ko!
Kahit na masakit sa kalooban ng
Bakit nagawa ng ina na magpanggap na siya ina ang pagpapanggap na siya
ang kalunya ng kanyang asawa? ang minamahal ng asawa ay
nagawa parin niyang dugtungan
ng mga salita ang kahilingan ng
asawa dahil alam niyang iyon
lamang ang maaaring
makapagpasaya sa
naghihingalong asawa ng mga
oras na iyon.
Kung ikaw ang nasa katayuan ng ina, kaya mo (Maaaring iba-iba ang sagot ng
bang magsakripisyo para sa iyong mahal sa mga mag-aaral)
buhay kahit alam mong masasaktan ka? Bakit?

Mahusay!

Ano na ang sumunod na nangyari?


Ang init ng mga labi ni Ina ang
kasabay ng kapayapaang
nanahanan sa mga labi ni Ama at
nasa mga mata man niya ang ilaw
ng pagkabigo

Pagkatapos marinig ng asawang


Anong nais ipahiwatig ng talata? may malubhang sakit ang mga
katagang binanggit ng ina ng
bata ay ilang saglit lang itoy
binawian na nang buhay, bakas
man sa mata ng ina ng batang
babae ang sakit na dinulot ng
katotohanan na pagkatapos nang
lahat ay may iba paring
Mahusay! Binawian nga ng buhay ang ama hinahanap at minamahal ang
dahil di na niya kinaya ang kanyang sakit. kanyang asawa niya.
Ngunit namayapa ito ng may galak sapagkat
nakamit na niya ang kalayaan na nais niyang
makuha noon pa.

sa pagdurugtong sa isang buhay


na wala nang luhang dumadaloy
Malapit na natin mabuo ang ating story ladder . sa mga iyon: natitiyak niya ang
Ngayon bilang panghuli, ano ang naging wakas kasiyahang nadama ng kalilisang
ng kwento? kaluluwa...
(Tatawag ang guro ng mag-aaral)

Tama! namayapa ang ama nang matiwasay (Sabay-sabay na babasahin ng


sapagkat siyay naging Malaya na. lahat ang nabuong story ladder)
Ngayong buo na ang story ladder sa pisara ay
sabay- sabay nating basahin ang mga
pangyayari. Wala na po!

Mahusay!

Ngayon, may mga katanungan pa ba kayo


tungkol sa kwento?

Okay kung wala na ay dumako na tayo sa


susunod na gawain.

C. PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain

(Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat)

Bawat grupo ay pagtitibayin ang katangian ng


pangunahing tauhan sa kwento sa pamamagitan
ng pagpuno sa graphic organizer. Bibigyan
lamang sila ng limang (5) minuto para tapusin
ang gawain. Pagkatapos ay iuulat ng bawat
pangkat ang kanilang ginawa. (Abala ang bawat pangkat sa
pagbuo ng graphic organizer)
Narito ang paraan ng pagtataya ng kanilang
ginawa:

MGA KRAYTIRYA:

Organisasyon ng
mga ideya 35%

Presentasyon 35%

Pagkakaisa ng
bawat grupo/ teamwork 30%

--------
100%

(Mag-uulat ang bawat pangkat sa pisara upang


iprisenta ang kanilang gawain)

D. PAGLALAHAT (Generalization)

Sa kabuuan, Ang uhaw ang tigang na lupa ni


Liwayway A. Arceo ay isang akdang napapatungkol sa
isang pampamilyang suliranin na kung saan ang anak
na dalagita ay naiipit sa sitwasyon ng kanyang mga
magulang. Sinasabi sa kwento na ang relasyon ng amat
ina ay nagkalamat bunga na rin ng pagtataksil ng ama
sa kanyang asawa.

IV. PAGTATAYA

*kumuha ng isangkapat na papel at sagutin ang katanungang ito.

Para sa iyo ano ang ibig ipabatid ng ama sa kanyang pahayag na Huwag kang palilinlang
sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina?
Ipaliwanag nang maayos.

V. TAKDANG ARALIN

* Bilang takdang aralin, sa isang kalahating papel bumuo ng sanaysay na napapatungkol sa


relasyon mo sa iyong pamilya.

You might also like