You are on page 1of 8

St.

Paul College of Ilocos Sur


Member, St. Paul University System
2726 Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur

High School Department


PAASCU Accredited Level II

Ito ang pinili kong uri ng negosyo dahil isa ito sa pinakamalakas na negosyo sa aming lugar.
Pagmamay-ari ito ng kaibigan ng Tattay ko. Malakas ito dahil mura lang ang mga produktong binebenta
nila. Dahil sa mura na, mababait at masisipag pa ang mga taong taga-gawa at taga-benta ng mga
kanilang produkto. At higit sa lahat, malakas itong negosyo dahil marami silang serbisyo. Tulad ng taga-
ayos ng mga sirang salamin, taga-ayos ng mga pintuan at mga bintana. Sila rin ang mismong
nagdedeliver sa mga ito. Kaya isa itong malakas at magandang negosyo sa aming lugar. Ito ang napili
kong suruin dahil gustong kong malaman kong ano ang mga advantages at mga disadvantages ng
kanilang negosyo. Ayon sa aking pagsusuri, isa sa napansin ko ang mga produktong kanilang binebenta
dahil ang lugar kong saan ito nakalagay ay mismong tabi ng kanilang pinaggagawaan ng mga salamin.
Para mas maayos tignan at para mas nakakabuti ito sa mga mamimili o mga suki, dapat ito ay nakalagay
sa isang korner na malayo sa pinaggagawan ng mga salamin. At para rin ito sa ikabubuti ng kanilang
negosyo. Isa rin sa napansin ko ang mga nakalat na materyales sa paggawa ng mga salamin. Maaaring o
posibleng magdulot ito ng disgrasya lalo na sa mga taga-gawa ng mga salamin. Dapat iligpit ang mga ito
pagkatapos gamitin at sa ganon ay maprotektahan ang mga taga-gawa ng mga salamin at hindi lang para
sa kanila iyon para na rin sa mga mamimili. Napansin ko rin na wala ni isang basura ang nakalagay sa
kanilang negosyo. Alam natin na ang basura ay isa sa pinakamahalagang pangangailangan ng isang
negosyo. Ito ay para mapanatiling malinis at maayos ang isang negosyo. Kaya dapat ang bawat negosyo
ay may kanya-kanyang basura. Minsan napansin ko rin na ang mga taga-gawa ng mga salamin ay
nakahubad. Hindi man lang nila inisip kong iyon ay ikabubuti nila. Maaari silang mapahamak o
masugatan kung sila ay walang damit. Kaya mas siguradong ligtas kung sila ay magdadamit ng maayos.
Isa rin sa napansin ko ay wala silang first aid kit. Sa klase ng kanilang negosyo, masasabing kong ito ay
isang delikadong negosyo. Kaya kinakailangan ito ng first aid kit kung sakaling may aksidenteng naganap
lalo na sa mga taga-gawa ng mga salamin. Sa aking pagbisita doon, nadatnan ko ang maraming
mamimili. Nagtanong ako sa isang mamimili dahil napansin ko na galing pa siya sa malayong barangay.
Tinanong ko kung bakit dito siya bumibili eh may mas malapit namang negosyo sa kanilang barangay. At
ang sagot niya ay “Kasi mas mura dito at nakakapagtipid pa ako.” Doon ko napatunayan na mas mura
nga ang kanilang mga produkto kumpara sa ibang mga negosyo. Ang tinutukoy nilang mga
mamumurang produkto ay ang kanilang sari-sari store. Ito ay isang ordinaryong negosyo lamang dahil
ang karamihan sa mga ito ay magkakapareho lang ang mga binebenta o produkto. Pero ang kakaiba sa
kanila ay ang mga presyo ng mga kanilang produkto. Mas binaba nila ng kunti ang mga presyo ng mga
kanilang produkto dahil hindi lang naman ito ang kanilang pinagkakaabalahan. Alam nilang malakas ang
kanilang negosyo dahil sa tulong ng kanilang isa pang negosyo ang paggawaan ng mga salamin.

Ang ginamit kong paraan ng business analysis ay ang SWOT para mas mapadali ko ang
pagsusuri at pagtutukoy sa negosyong ito. Ginamit ko ito upang malaman ang mga advantages at

ALARIE GEM SAJOR IV-SFX


St. Paul College of Ilocos Sur
Member, St. Paul University System
2726 Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur

High School Department


PAASCU Accredited Level II

disadvantages ng negosyong ito. Ang SWOT ang tumulong saakin upang malaman ko ang mga
mabubuting naidudulot ng negosyong ito. Ang SWOT ang pinili ko dahil dito ko rin malalaman ang mga
strengths at weaknesses ng negosyong ito. Ito lang ang pinakasimple at pinakaepektibong paraan ng
business analysis para saakin.

Ito ang pangalan ng negosyong aking sinuri.

ALARIE GEM SAJOR IV-SFX


St. Paul College of Ilocos Sur
Member, St. Paul University System
2726 Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur

High School Department


PAASCU Accredited Level II

ALARIE GEM SAJOR IV-SFX


St. Paul College of Ilocos Sur
Member, St. Paul University System
2726 Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur

High School Department


PAASCU Accredited Level II

Dito nila ginagawa ang mga salamin.

ALARIE GEM SAJOR IV-SFX


St. Paul College of Ilocos Sur
Member, St. Paul University System
2726 Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur

High School Department


PAASCU Accredited Level II

Dito nila linalagay ang kanilang mga materyales at produkto.

ALARIE GEM SAJOR IV-SFX


St. Paul College of Ilocos Sur
Member, St. Paul University System
2726 Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur

High School Department


PAASCU Accredited Level II

ALARIE GEM SAJOR IV-SFX


St. Paul College of Ilocos Sur
Member, St. Paul University System
2726 Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur

High School Department


PAASCU Accredited Level II

Ang kanilang mga materyal sa paggawa.

ALARIE GEM SAJOR IV-SFX


St. Paul College of Ilocos Sur
Member, St. Paul University System
2726 Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur

High School Department


PAASCU Accredited Level II

NICON J ALUMINUM & GLASS SUPPLY

ISANG MASUSING PAGSUSURI

Inaasahang Pagganap sa Araling


Panlipunan IV (Ekonomiks) at Filipino IV

ALARIE GEM SAJOR IV-SFX

You might also like