You are on page 1of 6

Jenny Rose Soria- DAGLI

Ako’y bata pa lamang ng nangako ang aking ama na hindi niya ako iiwan ngunit nasira ang
aking tiwala sa kaniya dahil umalis siya ng hindi nagpapaalam.Masyado akong nangulila sa
kanya gusto kong itanong kung bakit niya kami iniwan.

Makalipas ang mga taon, bumalik siya sa amin ngunit hindi na tulad ng dati ng Makita ko siya
para siyang isang matandang walang makain ngunit hindi pa rin awa ang naramdaman ko dahil
ng muli ko siyang Makita bumabalik ang nangyari at yung galit ko sa kanya. Lumipas ang mga
araw, napapansin ko na gumagawa siya ng paraan upang mapalapit sa akin.At nangyari iyon
muling bumalik ang aking tiwala sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw ng aking ikalabing
walong kaarawan akoy sabik na Makita siya noon dahil umaasa akong siya ang aking unang
makasasayaw ngunit sabi ng aking ina ay hindi na raw ito makararating. Bigla nalang akong
hinila noon ng aking ina sa kung saan hanggang sa napagtanto kung nasa harapan nap ala
kami ng isang kwarto na kung saan nakaratay doon ang isang lalaking ubod ng payat at nag
aagaw buhay na biglang tu,mindig ang aking balahibo ng mapatanto kong ito pala ang aking
ama. Sinabi nalang sa akin ng aking ina na may malalang sakit ito ngunit hindi niya agad sinabi
sa akin upang hindi mag – alala. Pa ulit-ulit ko paring tinatanong kung baki8t siya pa kung bakit
kinuha agad sa amin kung kalian Masaya na kami. Hanggang ngayon nangungulila pa rin ako
sakanya.

Reliza Parrocha-DAGLI

Ingay sa Bahay

Habang ako’y naglalakad pauwi sa aming tahanan, may nadaanan akong isang tahanang
walang tigil ang sigawan na kung saan siyang dahilan ng aking pagtigil sa paglalakad. Nang
lumingon ako sa aking likuran doon ko nasilayan ang isang batang babae na punong-puno ng
sugat ang kaniyang katawan. Walang humpay ang kaniyang pag-iyak at pagtulo ng luha. Bakas
sa mukha ng bata ang lungkot at sakit na kanyang nadarama.

Labis na nahabag ang aking damdamin kung kaya’t siya’y aking nilapitan upang tanungin kung
anoong nangyari sa kanya. Habang palapit ako sa kaniya, nanlilisik ang mga mata nniya
habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Akala niya siguro kung ano nang gagawin
ko sakanya kaya naman saglit akong napahinto at sinabing “ Wag kang mag-alala hindi kita
sasaktan, andito ako para tulungan ka”.

Habang ikinukwento niya ang pagbagsak ng kaniyang mga luha patuloy parin ang pagbagsak
ng kaniyang mga luha. Lumipas ang oras at natigil ang sigawan na nagmumula sa kanilang
tahanan, Pagkauwi sa aming tahanan, isinalaysay ko sa aking magulang ang aking nasaksihan
at siya’y niyakap at sinabing salamat sa laha.
Marjorie Saldivar – DAGLI

Nang Minsang Mapadpad sa Misteryosong Gubat

Lad-takbo ang aking ginawa upang mabilis na marating an gaming tahanan at habang
naglalakad sa pasiyo ng kadiliman, lalong nanlamig ang aking pakiramdam at kumakalabog ang
aking dibdib. Ngayong araw, ginabi ako ng uwi. Gumawa kasi kami ng proyekto at medyo
natagalan.

Narito na ako sa tapat ng misteryosong gubat. Ayoko mang tahakin subaklit wala nang
pagpipilian. Kinakabahan man, ipinagpatuloy ko ang pagbabalanse ko9 ng aking sarili.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na paglalakad, agpasiya akong magpahinga muna ngunit
pagkalipas pa lamang ng isang minute, isang nakabibinging sigaw na sinundan ng putok ng
baril ang bumasag sa katahimikang namamayani sa gubat. Binayo ng matinding kaba aking
dibdib. Takot man subalit pinili ko pa ring sundan ang sigaw. Maingat ang bawat hakbang
patungo sa pinagmulan ng ingay.

Heto at naaaninag ko na ang pigura ng nakahandusay na babae na… na nilalapa ng isang


nakakakilabot na nilalang. Natutop ko ang aking bibig sa nasaksihan. Nanigas ako at hindi
makiagalaw sa nakita. Napaatras ako ng ilang hakbang at maingat na kumaripas ng takbo.
Hiningal pa at pawis na pawis ng marating ko an gaming tahanan. Tinanaw ko ang gubat na
pinagmulan at nasambit na lang sa sarili na hindi na daraan sa misteryoso at kakila-kilabot na
gubat.

GIAN HARLEY ESTACIO

Sina Thor at Loki ay magkapatid na anak ni Odin. Si Odin ang Hari ng Aesir at ang anak niyang
si Thor ay ang diyos ng kidlat at kulog na siyang pinakamalakas sa diyos ng ga Aesir. Ang
kanyang kapatid naman na si Loki ay may kapilyuhan ngunit makapangyarihan tulad ni Thor.

Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang nakita niya ang matibay na tanggulan.
Sinubok na buksan ni Thor ang taranghakan ngunit hindi niya mabuksan. Nakakita sila ng
mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may daanan. Nakita nila ang malalaking tao na
nakaupo sa dalawang bangko at nalaman nila na nakarating na sila sa Kuta ng mga Higante.

Sila Thor ay naglakbay patungo Utgaro na lugarv ng mga Higante. Ang mga Utaro ay mga
higante na naninira sa mundong Aesir na tinitirahan nila Thor. Si Thor ang kailangang tumalo sa
pinunong higante na si Utgaro. Loki upang matigil ang kaguluhan sa Aesir.

Kailangan nating magtulungan upang malagpasan ang mga problemang darating sa atoin.
Kailangan nating maging matatag at hindi magpapatalo sa mga problema na darating sa atin.
JEROLD BONGABONG

Sina Bugan at Wigan ay mag-asawa na hindi nabibiyayaan ng supling , kaya humingi sila ng
tulong sa mga diyos na silangan papuntang Nahbah,Bahinan at tinawid ang ilog kinakin at
narrating ang lawa sa Ayangan at doon at tinanong siya ng lagat kung saan ang lakad niya at
sinabi niyang paputang silangan upang humiling na magkaroon ng anak sa mga Diyos.
Ipinagpatuloy ni Bugan ang paglalakad at narrating niya ang lawa sa Lagud at tinananong siya
ng buwaya kung saan ang lakad niya wika ni Bugan” Naghahanap ako ng lalamon sa akin dahil
wala kaming anak”.

Nagpatuloy sa paglalakad si Bugan at sa wakas ay narrating niya ang tahanan ng mga diyos
doon ay ginabayan ng mga diyos si Bugan kung ano ang mga ritwal na dapat gawin at noo’y
nagalak ang mga diyos at binibiyayaan ng mga regalo nito.

Matapos turuan si bugan ng ritwal ng tinatawag na Birad ay makalipas ang ilang buwan ay labis
ang galak ng mag-asawa sapagkat may buhay na sa sinapupunan ni Bugan, Noo’y nagkaanak
si Wigan at Bugan.

Nakatuon ito sa isang bagay na dapat ay matutunang hindi sumuko at ipaglaban ang isang
bagay.

KIER FRIEDRICH BARTOLOME

Estado ng Kalikasan Ngayon

Maisasalba pa ba? Masasabi ba natin na nasa magandang kondisyon parin an gating kalikasan
ngayon?

Kung ating titingnan ang bawat anggulo makikita natin na ang kalikasa ay patuloy na
sinasamantala ng mga tao.

Nasabi ko iyon dahil iyon ang aking nasasaksihan. Karamihan sa mga tao ay patuloy parin ang
pagpuputol ng puno sa kanila ng LOGBAN na pinatutupad sa buong bansa sa kadahilanang
upang maiwasan ang nangyayari na pagbaha o pagguho ng bundok. Hindi lingid sa atin na
nagkakaroon ng baha, landslide, at malakas na pag-ulan na nagdudulot ng pagbubuwis ng
buhay ng maraming tao.

Dahil sa pagtotroso ng walang humpay nakalbo na ang mga kagubatan sa ating bansa. Imbes
na maging tapag-alaga ng kalikasan ang mga tao ay tila sila pa ang sumisira sa mga likas na
yaman n gating bansa.

Kapag tuluyan na nasira ang kalikasan tayong mga tao ang magdurusa at malamang
magkaroon ng delubyo.

Sana lagi nating tandaan na kapag ang kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at
hindi matatakasan.
FLORANTE REYNON

Bakit Tayo Dapat Maniwala Sa HImala?

Ang mga himala ayon sa kahulugan nito ay lumalabag sa mga simulain ng siyensiya. Talagang
dapat maniwala sa himala. Ang mga ito ay hindi salungat sa relihiyosong paniniwla,
palatandaan ng pag-ibig at patuloy na pagmamalasakit ng Diyos sa sanlibutan.

Naniniwala ka ba sa himala? May iba’t ibang komento at paniniwala tungkol dito. Ikaw,
naniniwala ka ba?

Baka hindi ka makasagot, marahil nag-aalala kang magmukha kang mapamahiin o wlang
pinag-aralan. Kagaya ng iniisip ng iba. Sa kabilang banda, baka kumbinsido kang may himala,
maaaring paniniwalaan mo ang mga himala sa bibliya gaya ng paghati ni Moises sa Dagat.
Maaaring naniniwala ka rin na may mga himala pa hanggang ngayon. Sa katunayan, sinabi rin
na malaking bahagi ng populasyon sa kanluran ay naniniwala pa rin sa himala.

O baka isa ka sa mga nagsasabing” hindi ko alam, ewan,walang himala!!!”, ngunit bakit natin
kailangan maniwala?

Pag-isipan mo ito: Halimbawa ay may sakit at wala kang pag-asang gumaling. Kung mabasa
mo at malaman mong may naimbentong gamut para ditto. Hindi ba maglalaan ka ng oras para
suriin ito? Isa pang Halimbawa, ang bibliya ay nangangako na may ilang kamangha-manghang
himala na magaganap. Mababago nito ang lahat ng buhay ng tao sa lupa. Hindi ba’t tama lang
na maglaan ng oras para dito?

Kristel Joyce Rivera

Ang Kabataang Pinoy ang Pag-asa ng Bayan

Sa panahon ngayon marami ang nagsasabi sakin na kung hindi ka marunong sumabay
maiiwan ka talaga. Ngunit ang karamihan sa atin ngayon ay parang napag-iiwanan na ng
panahon. Marami na sa ating mga kababayan ang nalugmok sa kahirapan. Kahit anong sikap
nilang umahon ay hinihila pa rin sila pababa dahil sa pagiging makasarili ng bawat isa sa atin.

Ang buhay ay kakambal ng paghihirap ika nga ni Buddha. Simula pa noong tayo ay sanggol
ang kahirapan ay nandyan na. Kahit iwasan natin ito kahit magtago pa tayo saan mang sulok ng
mundo, hindi pa rin natin ito magagawang iwasan dahil ang kahirapan ay parte na ng buhay ng
tao.

Imbes na magalit tayo dahil sa nagging ganito ang katayuan natin sa buhay dapat nating isipin
at isapuso ang mga magagandang katangian na ipinagkaloob n gating Panginoon. Ang mga
ito’y gagamitihn sa tamang paraan upang mas mapaunlad pa an gating mga sarili.

Kaya para sa mga kabataang pinoy, huwag tayong magbulag-bulagan sa mga magaganap
dahil tayo ang pag-asa ng bayan.
Hannah Maychelle Casino

Sistema: Sakit ng Lipunan

An gating lipunan ay may malubhang karamdaman, kailangang maipakita sa lahat ng tao. At


dahil dito sisikapin kong maikintal sa lahat ang kasalukuyang kalagayan n gating bansa na
walang itinatanggi. Itataas ko at ipapakita ang lambong ng kasamaan na nagtatago sa kalinisan
na ipinagpapakasakit ng mga tao sa katotohanan.

Bilang isang mamamayan, ako man ay mayroong mga kahinaan at may sariling pagkukulang.
Pinagsisikapan kong isiwalat yung mga bagay na hindi madalas ginagawa ng iba, sinisikap
kong sagutin ang mga mapanirang-puri na siyang sumisira sa pagkatao at sa sarili nating
bansa. Pinipilit kong hugdan ang mga pagkakamali na sa anyo ng pananampalataya ay
nagtuturo sa kasalaluan.

Isang sistema na dumudurog sa pagkatao ng isang nilalang. Ag sinumang makakita ay


pipiringan hanggang sa mabulag, ang mga nakaririnig ay mabibingi at siyang nagbubulaslas ng
katotohanan ay mapipipi sa huli.

Kaya naman nais kon itaas at ipakita ang tabing na nagtatago sa likod ng mapanlinlang na
luningning na sistema ng pamahalaan. Ilalahad nang walang takot ang kasalukuyang
pagdurusa n gating bansa sa nangangailangan ng kaayusan at kalinawan.

Ilang taon na ang nakalilipas at sariwa pa sa aking mga gunita ang mga mithiin at ipinaglalaban
para sa bayan. Hindi naman lingid sa pagkatao ang maagang pagkamulat sa masalimuot na
problemag kinahaharap n gating pamantasan.

Marami na ang nagsasabi na masyadong hilaw ang mga adhikain at prinsipyo sa buhay ngunit
hindi bam as nanaisin ko pang kahit6 hindi pa hinog yung ipinaglalabanb ay buo na kaagad at
malinaw na ang mga bagay na nakikita sa lipunan. Hindi daw ba parang ako ang nagtutulak sa
napipintang kasawian? Ano daw ang aking magiging kinabukasan?Isang nilalang na walang
pagkataoi at kalayaan?

Mamamatay daw ako bago pa sumapit ang tunay na kamatayan. Nakakagimbal na salita ngunit
hindi sapat para hindi malinang ang kalinisan. Ang hinihingi lamang ay maayos napamamahala.

Anong masama kung tingnan ko ang mga bagay na kailangang matanaw ng lahat?at ipakita
ang kalagayan ng pamantasan sa totoo nitong kalagayan?

Hindi ito isang paglaban kundi isang pagpapakilala, isang paghamon para sa lippunan.

Paano makakamit ang pagbabago kung hindi natin sisimulan. At ang pagbabago ay hindi
nagsisimula sa ibang tao kundi sa ating sarili.
Olivia Lacambra

Duterte: Solidong Mandirigma

Totoong naglipana ang labis-labis na kaguluhan sa ating bansa. Lumipas ang labin-limang lider
kasama ang kanilang pamumuno sa pamahalaan na sadyang humubog sa kaunlaran ng
ekonomiya. Ngunit patuloy ang paglaganap ng sakit sa ating lipunan dahilan ng bulok na
sistemang umiiral sa loob ng pamahalaan. Ang pagwawalang bahala sa mag seryosong usapin
at mga platapormang patuloy na nalulukot at nasusunog sa kamay ng mga nagdaang lider.

Nauungkat ba ang ilang sitwasyon sa lipunan?Ito ba ang nabibigyang tuonn sa araw-araw na


pamumuno ng mga pangulo? Imbes na bigyang pansin, ito ay winawalang bahala ng mga lider.
Ngunit dahiil sa ang Pilipino ay sadyang uhaw sa pagbabago, inihalal ng sambayanang Pilipino
an gating kasalukuyang pangulo, si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatayong magiting sa harap ng sambayanang Pilipino na puno ng mga platapormang


makapagpapabago sa lugmok na bansa. Dala ang pagbabagong inaasam ng mga Pilipino na
matagal ng nakatago sa kamay ng mga nagdaang pangulo. Gayundin ang kisig sa tindig ni
Duterte na sadyang iginagaklang at tinitingala ng masa.

“ Dala ko ang pagbabago”-Duterte, dala nga ban g ating pangulo?Naungkat ang usapin
patungkol sa lumalalang kaso ng droga sa pilipinas. Kasabay ng magiting na kampanya ng
kinauukulan laban sa isyung ito

You might also like