You are on page 1of 12

RAPU-RAPU NATIONAL HIGH SCHOOL

POBLACION, RAPU-RAPU, ALBAY

CASE STUDY
(PROSTITUSYON)

Ipinasa kay
Mr. Jose I. Baloloy

Ipinasa ni
Michelle Echalas
PROSTITUSYON
KAHULUGAN NG PAKSA

Ang prostistusyon ay ang pag bibigay ng serbisyong sexual


sa isang tao kapalit ng bayad. Ang pang karaniwang
pumapasok sa kaisipan ng mga tao kapag na babanggit ang
prostitusyon ay babae lang ang sangkot, ngunit lingid sa
kaalaman ng mga tao ay madaming uri ang prostitusyon,
kagaya ng male prostitute at child prostitute.
Ang prostitusyon ay isang problema ng lipunan na
masasabing napaka palasak lalong lalo na sa mga malalaking
syudad kagaya ng Maynila.
Nag kakaron ng prostitusyon dahil narin may mga taong
may masidhing tawag ng laman at nag hahanap sila ng outlet
upang mairaos ang nararamdamang pag nanasa. Hindi lang ito
tumutukoy sa mga lalake pati narin sa mga babae o kahit pa
anong sexual orientation ng isang tao.
Ang paghahanap ng karagdagang kita ay isa ring dahilan
ng prostitusyon. Ang pagiging prostitute ay walang piniling tao,
kahit isang estudyante galing sa isang kilalang unibersidad ay
pwedeng maging isanga uri ng prostitute na ang tawag ay
callgirl/callboy. Ang mga callgirl/boy ay masasabing mas
mataas na antas ng prostitusyon dahil di gaya ng mga prostitute
sa bar at mga street walker ay may laya silang mamili ng
kanilang kliyente at dipende pa sa kanilang mood kung sasama
sila o hindi.
MGA PAGLABAG SA BATAS NA MAAARING MAIUGNAY SA
PROSTITUSYON

1. Pangangalap, pagbabyahe, pagtataglay, pagbibigay o


pagtanggap ng tao sa anumang paraan, na may pangako ng
trabaho, lokal man o sa ibang bansa, para sa nakatagong
layunin ng prostitusyon, pornograpiya, sapilitang trabaho o
pang-aalipin.

2. Ang pagpapakilala o pagpapares para sa kita o anumang


uri ng materyal o ekonomikong benepisyo, sinuman, kabilang
ang babaeng Pilipina, sa isang banyaga, para sa kasal na may
layong makamtan, mabili, maipagbili o maipagpalit ang
biktima at kalauna’y isangkot sya sa prostitusyon, pornograpiya,
sekswal na pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.

3. Ang pag-aalok ng kasal, peke man o hindi, upang


makamtan, mabili, maipagbili o maipagpalit ang biktima at
kalauna’y isangkot sya sa prostitusyon, pornograpiya, sekswal
na pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.

4. Ang pagbubuo ng mga tourism packages na naglalayong


mag-alok ng mga tao para sa prostitusyon, pornograpiya o
sekswal na pananamantala.

5. Ang pagbabayad sa tao para sa prostitusyon o


pornograpiya.
6. Ang pag-aampon o pagtulong sa proseso ng pag-ampon
para sa mga layunin ng prostitusyon, pornograpiya, sekswal na
pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.

7. Ang pangangalap, pagtanggap, pag-ampon, paglilipat o


pagdukot sa isang tao sa pamamagitan ng pananakot,
puwersa o dahas upang tanggalan at ibenta ang bahagi ng
katawan ng biktima.

8. Ang pangangalap, paglilipat o pag-ampon sa isang bata


upang siya’y isangkot sa mga armadong pagkilos, sa loob man
o labas ng bansa.
MGA PILING SIPI NA MAY KAUGNAYAN SA PROSTITUSYON

PANUKALANG BATAS SA PROSTITUSYON SUPORTADO NG DSWD

Manila, Philippines – Maaaring hindi na masakdal ang mga


babaeng nagbenta ng laman at tanging ang mga bugaw na
lamang nila ang maaaring kasuhan kapag nakalusot sa
Kongreso ang isang bagong panukalang batas na inahiyin sa
House of Representatives.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development
(DSWD), suportado nito ang pagsisikap ng Kongreso na
matugunan ang problema sa prostitusyon at mapanagot ang
mga taong nasa likod nito na kumikita mula sa ilegal na gawain.
"We all know, that most, if not all prostituted persons are
forced to enter and engage into this activity because of
compelling reasons such as poverty or they are victims of human
trafficking. The government will continue to provide programs
and services to uplift their economic well-being," ani DSWD
Secretary Dinky Soliman.
Inaamyendahan ng Anti-Prostitution Bill ang Article 202 at
341 ng Revised Penal Code na nagpaptaw ng parusa sa "women
who, for money engage in sexual intercourse, or lascivious
conduct."
Sa sulat ni Soliman kay Iloilo Rep. Neil Tupas, tagapangulo sa
House committee on justice, ang naturanhg panukalang batas
ay isa sa mga priority legislative agenda ng DSWD.
Sa ilalim ng panukala, ituturing nang biktima ang mga
prostitute at ang pananagutin na lamang ay ang kanilang mga
bugaw at iba pang mga taong nasa likod ng operasyon ng
prostitution. Inuutusan din ang gobyerno sa naturang panukala
na magtatag isang programa upang mabigyan ng
karampatang serbisyo at proteksyon ang mga babaeng biktima
ng prostitusyon.
Iminumungkahi rin ng panukala ang paggawa ng National
Anti-Prostitution Council na pangungunahan ng DSWD at
kabibilangan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, non-
government organizations at mga biktima ng prostitusyon.
Samantala, nilinaw naman ng DSWD na kontra ito sa
anumang pagkilos na gawing legal ang prostitusyon sa bansa.
Sa kasalukuyan, may 26 na residential care facilities ang
DWSD sa buong bansa na nagbibigay ng rehabilitative at
protective programs para sa mga bata at kababaihan.

'PROSTITUSYON, LAGANAP NA SA PILIPINAS!'

Patuloy sa pagtaas ang kaso ng prostitusyon sa ating bansa.


Karamihan sa mga biktima ay mga menor de edad na
pinapasok sa mga bar o kaya naman sa mga prostitution den.
Kahirapan ang pangunahing dahilan ng mga napapasok sa
prostitusyon.
Sa una ay labag sa kanilang kalooban ang pagbebenta ng
laman, subalit sa katagalan, nakasanayan na nila ito at unti-unti
nang natatanggap. Marami nang pugad ng prostitusyon ang
nahulog sa patibong ng BITAG.
Kalimitan ay mga cybersex den na gumagamit ng mga
menor de edad bilang performers. Mayroon namang mga kaso
ng mga babaeng ibinabahay o itinitira sa isang casa.
Ang estilo, tumatawag ang mga parokyano para kumuha
ng babae. Nagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng casa at
hotel kaya naman nagiging mas madali ang pagpasok ng mga
inilalakong kababaihan sa kanilang establisyemento.
Sa kabila ng pagbebenta ng laman ng mga kawa- wang
biktima, barya-barya lamang ang kanilang natatanggap.
Kalimitan ay napupunta sa mga kolokoy na bugaw ang kanilang
kinikita.
Hindi lamang sa bar o sa mga hotel nauuso ang
prostitusyon. Mayroong mga kaso ng prostitusyon kung saan
lantaran ang pagbebenta ng laman.
Isang e-mail ang natanggap ng BITAG mula sa isang
tipster.
Isinusumbong niya ang hayagang paglalako ng katawan
sa kahabaan ng EDSA, Cubao, Quezon City.
Mabilis na makakakuha ang sinumang naghahanap ng
panandaliang aliw dahil sa kanilang estilo. Ang paraan ng
kanilang pagbebenta ng laman, garapalan. Hinaharang ang
mga kalalakihang dumadaan at saka inaalok ng kanilang
serbisyo.
Kapag kumagat sa kanilang patibong, sila na mismo ang
magdadala sa kanilang kliyente sa isang motel malapit sa
kanilang pwesto
Ang prostitusyon ay isa sa mga problema ng bansa.
Habang patuloy ang kahirapan, patuloy na tataas ang kaso ng
prostitusyon. Patuloy na dadami ang bilang ng mga nagiging
biktima.
4 NA BABAENG HS STUDENTS NA SANGKOT SA PROSTITUSYON,
DINAKIP SA CEBU CITY

Apat na menor de edad na babae -- isa sa kanila ang


itinuturong bugaw -- ang dinakip ng mga awtoridad dahil
sangkot umano sa prostitusyon sa Cebu City.
Sa ulat ni Allan Domingo ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas
Ngayon ng GMA News TV, sinabing mga high school student ang
apat na dinakip.
Nakumpirma umano ng Cebu City Police Office ang
nakalap nilang impormasyon tungkol sa operasyon ng mga
menor de edad nang magpanggap na kliyente ang isang pulis.
Sinabing hindi bababa sa P2,000 ang hinihingi ng grupo
kapalit ng pagsama ng mga babae sa kanilang kliyente.
Pero paliwanag ng 16-anyos na itinuturong bugaw ng
grupo, hindi niya pinipilit ang tatlong kasama na sumabak sa
prostitusyon.
Ipinaliwanag niya na siya lamang ang nakikipag-ugnayan
sa mga kliyente kung saan magkikita sa pamamagitan ng text.
Dahil mga menor de edad ang sangkot sa prostitusyon,
ipagkakatiwala muna ang mga babae sa Department of Social
Welfare and Development.
KAPARUSAHAN NA MAIPAPATAW SA PROSTITUSYON

Isang krimen na may mabigat na parusa ang pagkalap ng


mga bata at kababaihan para isadlak sa prostitusyon,
puwersahang trabaho, pang-aalipin at walang pahintulot na
pag-aalis at pagbebenta ng mga bahagi ng katawan ng isang
tao sa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na
nilagdaan ni Pangulong Arroyo.
Ayon sa Pangulo, ang pagpapatibay ng batas na ito ay
isang babala sa mga magsasamantala sa mga bata at
kababaihan para sila kumita. Hindi lang lalapatan ng parusa
ang mga sangkot sa pagbebenta ng mga bata at kababaihan
kundi maging ang mga taong magbabayad sa mga ito para
isadlak sila sa prostitusyon at iba pang imoral na gawin.
Habambuhay na pagkabilanggo ang ipapataw sa
sinumang mapapatunayang sangkot sa pagsasadlak sa mga
bata sa prostitusyon, may pahintulot ng biktima o wala at
multang P5 milyon.
Ganito ring parusa ang ipapataw sa trafficker kung ang
babaeng ibinulid nila sa prostitusyon ay nagkaroon ng AIDS at
namatay at kung ang nagkasala ay may relasyon sa biktima o
miyembro ng ahensiyang tagapagpatupad ng batas.
Ang mga nagbayad o kostumer naman ng babaeng
isinadlak sa prostitusyon ay papatawan ng pagkabilanggong
anim na buwan at multang P50,000.
SISTEMA NG PAGLILITIS

PARA SA NAGKASALA
Ang sinumang mapatunayang nagkasala sa ilalim ng Sec.
4 ng RA 9208 ay mapaparusahan ng pagkakulong ng
dalawampung (20) taon at magbabayad ng multang hindi
bababa sa isang milyong piso (P1,000,000.00) ngunit hindi
tataas sa dalawang milyong piso (P2,000,000.00).
Ang sinumang mapatunayang nagkasala sa ilalim ng Sec.
5 ng RA 9208 ay mapaparusahan ng pagkakulong ng
labinlimang (15) taon at magbabayad ng multa na hindi
bababa sa limandaang libong piso (P500,000.00) ngunit hindi
tataas sa isang milyong piso (P1,000,000.00).
Sa kaso ng qualified trafficking, ang may sala ay
mapaparusahan ng habambuhay na pagkabilanggo at
magbabayad ng multa na hindi bababa sa dalawang milyong
piso (P2,000,000.00) ngunit hindi lalampas sa limang milyong
pisyo (P5,000,000.00):
Ang sinumang bibili o magbabayad ng serbisyo ng biktima
ng trafficking ay mapaparusahan sa unang pagkakataon ng
anim (6) na buwan na community service at magbabayad ng
multa na limampung libong piso (P50,000.00). Para sa mga
susunod na pagkakataon, ang parusa ay pagkakulong ng
isang (1) taon at pagmumulta ng isandaang libong piso
(P100,000.00).

PARA SA BIKTIMA
1.Upang mapangalagaan ang karapatan ng biktima, ang
pagdinig sa kaso ng trafficking ay confidential. Mahalaga ang
privacy ng biktima at akusado sa anumang antas ng
imbestigasyon ng kaso.
2. Hindi rin maaaring parusahan ang biktima para sa mga
krimeng nagawa lamang bilang pagsunod sa mga kagustuhan
ng may-sala.
3.Mapasailalim sa witness protection program kung
kinakailangan.
4.Iba pang suportang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng
pamahalaan:
1. Lugar na matitirhan (DSWD)
2. Counseling (DSWD)
3. Libreng serbisyo panlegal (DOJ/POEA)
4. Mga serbisyong medikal at sikolohikal
5. Mga programang pangkabuhayan
6. Pagtulong sa edukasyon ng batang biktima

You might also like