You are on page 1of 6

Samar Colleges, INC.

Catbalogan City
College of Education

Masusing
Banghay-Aralin
sa
Araling-Panlipunan
Grade 10

“Ekonomiks”

Inihandani:

Jason J. Pacaway
Gurong Mag-aaral

Iniharap kay:

Gng. Jaquelyn G. Montales


Gurong Tagapatnubay
I. Layunin:

 Nauuri ang iba’t-ibang pinagkukunag-yaman ng Pilipinas.


 Napagtatanto ang kahalagahan ng wastong paggamit sa
pinagkukunang-yaman ng bansa.

II. Nilalaman

A. Paksang Aralin: “Mga Likas na Yaman ng Bansa”

B. Sanggunian: “Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks (pp.47-55)”

C. Kagamitan: PPT Slideshow, Mga Larawan

D. Konsepto: Likas na Yaman

E. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang wastong paggamit ng mga


likas na yaman ng bansa.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

 Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa maikling panalangin.


Magandang Hapon po Sir Jason.!
(Pagkatapos ng panalangin)
Magandang Umaga Dhalia/Daisy..!

 Pag Tsek ng Ateyndans

Kapag tinawag ko ang inyong pangalanay itaas


lamang an inyong kamay. Opo sir!

 Balik-aral

Noong nakaraang lingo ay natalakay natin ang


tungkol saan pa ulit yun klas ?
Sir ang mga kagamitan po sa pag-aaral
ng Ekonomiks
Tama, Magaling !

Magbigay nga ulit Raniel ng mga halimbawa ng


mga kagamitang iyon.

Okey magaling..!
Sir , halimbawa po nito ay, Pie grap, Bar
grap, Picto grap at Line Grap.
B. Paglinang ng Gawain

 Pagganyak

Ngayong hapon bago tayo dumako sa ating


aralin, ay mayroon muna akong ipapanood sa
inyong maikling bidyo.

Alamin niyo ang mga lugar na makikita niyo sa


bidyo, at tsaka kung ano ang nais ipahiwatig ng
kantang inilapat doon
Maliwanag ba klas ?
Opo sir,
“Piliin mo rin ang Plilipinas” by Angeline Quinto
(Isang bidyo na nagsusulong ng turismo ng bansa)

Okey, tungkol saan ang Music Video na inyong


napanood?
Ryan? Sir, tungkol po ito sa pagsulong ng
turismo n gating bansa, at binibigyang
diin po dito ang mga likas na yaman na
matatagpuan dito sa ating bansa.

Okey magaling, salamat Ryan,


Marahil ay napansin ninyo kung gaano ka ganda
ang yaman ng ating bansa.
Na kung saan nagpapatunay lamang na mayaman
tayo sa Likas na Yaman.
Opo sir !
 Paglalahad

Subalit, masasabi ba nating mayaman na ang ating


basna? O maunlad ba tayo ngayon?
Anong napapansin ninyo klas?
Sir, mukha pong naghihirap pa tayo lalo
ngayon sa mga sakunang dumaan sa
ating bansa. Ngunit masasabi kong
mayaman talaga tayo sa Likas na
Yaman natin, sadyang hindi lang talaga
natin magamit ng tama ang biyayang
bigay ng panginoon
Tama, magaling! Lahat ng bagay na mahalaga ay
matatawag na nating Yaman, at ang yamang
biyaya ng kalikasan ay ang ating Likas na Yaman.

 Pagtatalakay

Ang mga Likas na yaman ng ating bansa ay


nagmula sa kapaligirang pisikal na kung saan
kumukuha ang tao upang matustusan ang ating
mga pangangailangan.

Nahahati sa limang uri ang mga Likas na Yaman.


Ano ano yun klas?

Okey Ana?
Opo sir ! Yamang Lupa, Yamang
Mineral, Yamang Gubat, Yamang Tubig
at Yamang Enerhiya.
Magaling.!

Ang Yamang Lupa ay tumutukoy saan? Klas?


Yamang hindi napapalitan, at
pinakamahalaga sa lahat ng likas na
yaman.

 Ang lupain sa ating bansa ay may


sukat na 300,000 na kilometro
kuwadrado. Ito ay binubuo ng
iba’t ibang anyong lupa
 Ang lupa ay pinanggagalingan
ng mga hilaw na materyales na
kailangan sa paglikha ng mga
produkto.
 Mahigit sa 50% ng ating lupain
ay kagubatan.
 Ang natitira ay alienable at
disposable lands o mga lupain na
maaring ipamana o ipamahagi
tulad ng mga lupaing residensyal,
komersyal at lupang agrikultural.
Ngunit ang ating Yamang Lupa ay nahaharap sa
suliraning Agrikultural

1. Pagbaba ng bilang ng Lupang Sakahan


2. Kakulangan sa suportang teknikal,
pagsasanay, at insentibo para sa mga
magsasaka
3. Suliranin sa pag-mamayari ng Lupa
4. Kakulangan sa matatag na samahang
pagsasaka
5. Pagkasira ng Kagubatan

Mayroon tayong ahensya ng Gobyerno na siyang


namamahala sa mga suliraning ito. Ano yun? Sir ang Kagawaran ng Agrikultura po, sila
po ay may programang kagaya ng
CARP (Conprehensive Agrarian Reform
Okey Magaling. Program)

Dumako naman tayo sa ating Yamang Gubat.


Ano nga ba ang mga nakukuha natin sa yamang
gubat?
Sir, malawak ang kagubatan ng
Pilipinas. Ito ay isa sa
pinakamahalagang yaman ng bansa.
Binubuo ng komersyal na kagubatan
ang sangkapat ng kabuuang lupa ng
bansa.May animnapung uri ng puno
ang nagagamit na pangkomersyal.
Okey Tama,
At sa ating Yamang Tubig naman?
Sir, Ang ating territorial water ay may
sukat na 1.67 milyon kilometro kwadrado
na dahilan upang kilalanin ang bansa
na isa sa mga sentro ng pangisdaan.
Okey ano pa?
Yes Sara,?
Sir, Ang ating karagatan, dagat, ilog,
sapa at iba pang anyong tubig ay
pinagkukunan ng iba’t ibang pagkaing
dagat.

Okay tama,
Humigit sa 70% ng produksiyon ng isda ay buhat sa
Gitnang Luzon, Kanlurang Visayas at Timog Luzon
kasama na rin ang baybayin ng Sulu, Zamboanga
at Maynila

At sunod naman ay ang ating Yamang Mineral.


Okay sino ang makakapagbigay ng halimbawa ng
yaman na makukuha natin sa mg Mineral?
Sir , Ito ang yaman na nakukuha sa
kailaliman ng lupa. Ang lupaing
sumasakop sa yamang ito ay kabilang
sa mga lupaing pag-aari ng bayan.
Okay ano pa?
Sir, Ito ay isa sa pinakamahalagang
yaman ng bansa, kaya kailangang
Okay , magaling mapangalagaan at maproteksiyonan
ito mula sa mapang-abuso na tao.
Sa pamamagitan ng Republic Act 7942 (An Act
Instituting a New System of Mineral Resources
Exploration, Development, Utilization and
Conservation) ay itinaguyod ang pagpapaunlad ng
mineral.

C. Pangwakas na Gawain

 Paglalahat

Okay ano-ano ulit ang mga Likas na Yaman


ng ating bansa?
Sir ! Yamang Lupa, Yamang Mineral,
Yamang Gubat, Yamang Tubig at
Yamang Enerhiya.

Okay, Magaling ngayon ay naunawaan niyo na


ang ating mga Likas na Yaman na pangunahing
pinagkukunan natin sa pangangailangan upang
mabuhay.

 Paglalapat

Panuto: Punan ng nararapat na impormasyon


ang talahanayan tungkol sa mga Likas na
Uri ng Likas na Halimbawa Kahalagahan / Kasalukuyang
Yaman Kapakinabangan Kalagayan o
Suliranin

Yaman ng bansa

IV. Ebalwasyon:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na


katanungan, isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga uri ng Likas na Yaman sa Pilipinas?

2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga Likas na Yaman ng Bansa

V. Takdang – Aralin:

Panuto: Para sa inyong Activity bukas, gagawa kayo ng collage na nagpapakita


ng iba’t ibang yamang likas ng ating bansa, at magdala ng mga sumusunod na
kagamitan:

Gunting, ¼ Kartolina, paste mga pangkulay atbp.


Mga Larawang ng magagandang tanawin ( Magazine, Dyaryo, Brochure atbp.)
Mga Recycled na gamit.

You might also like