You are on page 1of 4

AP6 Reviewer by prepared by Hans Matthew Camus

AP Grade 6 Reviewer – Third Quarter

 Batas Tydings-Mcduffie – isinasaad ang pangakong pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas ng mga


Amerikano
 National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) – pamahalaang itinatag upang
mabigyan ng solusyon ang suliranin sa paglaki ng populasyon sa mga pook-urban matapos ang
World War II
 Philipine Rehabilitation Act – pagkakaloob ng pamahalaang Amerikano ng tulong-pinansyal upang
maisaayos ang pinsalang dulot ng digmaan
 Bell Trade Act – malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas mula 1946 hanggang 1954
o Parity Rights – pantay na karapatan ng mga Amerikano at Pilipino sa paggamit ng likas na
yaman at serbisyo sa Pilipinas
 Kasunduang base-militar – pagpapahintulot na manatili sa Pilipinas ang 23 base-militar ng Amerika
na itinayo sa bansa
 Military Assistance Agreement – pagbibigay ng mga Amerikano sa Pilipinas ng karapatan sa Hukbong
Sandatahan ng Pilipinas

 Neocolonialism – paggamit ng panggigipit sa ekonomiya, politika, kultura, at iba pa upang


maimpluwensyahan ang ibang mga estado

 Soberanya – pinakamataas na kapangyarihan ng estado na pasunurin ang mga nasasakupan nito


o Katangian ng soberanya:
 Palagian/Permanente – magpapatuloy ito hangga't hindi nawawala ang estado
 Malawak – sumasaklaw ito sa lahat ng mga tao at ari-arian
 Di nasasalin – ang kapangyarihan ng estado ay pansarili lamang at hindi maaaring ilipat sa
ibang bansa
 Lubos – ang kapangyarihan ng estado ay ganap at walang sinumang tao o bansa ang may
kapangyarihan dito
o Aspekto ng soberanya:
 Panloob na soberanya – kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng taong
naninirahan sa teritoryong nasasakupan nito
 Panlabas na soberanya – kalayaan ng estadong itaguyod ang lahat ng naisin at gawin sa
bansa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa
 Mga karapatan ng isang bansang malaya:
o Karapatan sa kalayaan o Karapatan sa pagmamay-ari
o Karapatan sa pantay na pribilehiyo o Karapatan sa pakikipag-ugnayan
o Karapatan sa saklaw na kapangyarihan
 Pagtatanggol sa ating teritoryo:
o Armed Forces of the Philippines (AFP) – tagapangalaga ng sambayanan at estado sa Pilipinas
 Hukbong Katihan (Philippine Army) – tagapagtanggol ng bansa sa digmaan, rebelyon, o
mga dayuhang mananakop
AP6 Reviewer by prepared by Hans Matthew Camus
2

 Hukbong Dagat (Philippine Navy) – nangangalaga at nagbabantay sa mga katubigan ng


bansa mula sa mga dayuhang nagbabanta o pumapasok nang ilegal at mga taong
nagpupuslit ng smuggled products
 Hukbong Himpapawid (Philippine Air Force) – pinangangalagaan ang kapayapaan sa
papawirin ng bansa
o Department of Interior and Local Government (DILG)
 Philippine National Police (PNP) – nangangalaga sa kaayusan at kapayapaan sa bansa
 Buerau of Fire Protecton (BFP)
 Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)
 Philippine Public Safety College (PPSC)
o Department of Foreign Affairs (DFA) – nakikipag-ugnayan sa ibang estado para masiguro ang
kaligtasan, kapangyarihan, at karapatan sa bansa
o Department of Environment and Natural Resources (DENR) – nangangalaga sa teritoryo ng
bansa sa pamamagitan ng pangangasiwa at pangangalaga ng ating mga likas na yaman

 Manuel A. Roxas (Hulyo 4, 1946 – Abril 15, 1948)


o Pangalawang Pangulo: Elpidio Quirino
o Mga suliraning kinaharap:
 Pag-aangat sa lugmok na ekonomiyang dulot ng digmaan
 Pagsugpo sa gerilyang Hukbalahap
 Pagbubuklod sa mga Pilipinong nahati dahil sa isyu ng kolaborasyon
o Mga programa at patakaran:
 Pagsasaayos ng elektripikasyon
 Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
 Pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang
 Paghimok sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas
 Pagpapasiyasat sa mga likas na yaman sa bansa
 Pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Amerika at Pilipinas
 Pagtatayo ng mga base-militar ng mga Amerikano sa bansa
 Pagtiyak sa alalay na tulong ng Amerika noong panahon ng digmaan
 Pagpapatupad ng Parity Rights, Bell Trade Act, at Philippine Currency Act
 Elpidio Quirino (Abril 17, 1948 – Disyembre 30, 1953)
o Pangalawang Pangulo: Senador Fernando Lopez
o Mga suliraning kinaharap:
 Pag-aangat ng kabuhayan sa bansa
 Pagsugpo sa banta ng komunismo
 Pagpigil sa panliligalig ng mga Huk
 Pagbabalik sa tiwala ng taong-bayan
o Mga programa at patakaran:
 Pagpapaunlad sa sistema ng irigasyon
 Pagpapagawa ng mga lansangan
AP6 Reviewer by prepared by Hans Matthew Camus
3

 Pagsasagawa ng lingguhang pag-uulat sa taumbayan ukol sa mga gawain ng kanyang


administrasyon
 Pagtatag ng President's Action Committee on Social Amelioration (PACSA) upang
matugunan ang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan
 Pagpapatayo ng mga bangko rural at pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
 Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang mapabuti ang
kalagayan ng mga manggagawa
 Paghingi ng tulong sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Bell Mission/United States
Economic Survey at Quirino-Foster Agreement
 Pakikipag-ugnayan sa mga bansang Asyano at sa ibang panig ng mundo upang mapiglian
ang banta ng komunismo
 Pagsugpo sa mga Huk sa pamamgitan ng dahas, programang Economic Development Corps
(EDCOR), at pagbibigay ng amnestiya
 Ramon F. Magsaysay "Kampeon ng Masang Pilipino" (Disyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957)
o Pangalawang Pangulo: Carlos P. Garcia
o Mga patakaran at programa:
 Pinagtibay ang Land Tenure Reform Law o paghahati ng malalaking asyendang bibilhin ng
pamahalaan upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama
 Pagpapatayo ng mga poso at patubig
 Pagpapagawa ng mga daan at tulay upang mailapit ang baryo sa poblasyon
 Paglunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong uri ng binhi at sistema ng pagsasaka
 Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA)
upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbibili ng ani
 Pagpapatayo ng Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) kung saan ang mga
kasapi ay makauutang sa ACCFA upang makatulong sa kanilang pagsasaka
 Pag-aayos ng mga kapulungang pambaryo ng mga sanggunian sa pagsasaka, at ng mga
samahang 4-H na may kinalaman sa paghahalaman
 Pagtatag ng Presidential Complaints and Action Committe (PCAC) upang matiyak ang pag-
abot ng karaingan sa pangulo
 Pinagtibay ang Social Security Act at pagpapatuloy sa EDCOR na tuluyang nagpasuko sa
Supremo ng Hukbalahap na si Luis Taruc
 Nabuo ang Manila Pact at Southeast Asia Treaty Organization (SEATO)
 Carlos P. Garcia (Marso 17, 1957 – Disyembre 30, 1961)
o Pangalawang Pangulo: Jose Laurel Jr.
o Mga programa at patakaran:
 Paglunsad ng Austerity Program upang maging matipid ang pamumuhay ng mga Pilipino
 Pagpapairal ng Filipino First Policy
 Ipinatupad ang Filipino Retailer's Fund (1955) na nagpautang sa mga Pilipino
 Ipinalabas ang National Marketing Corporation (NAMARCO) Act na siyang nagtustos sa
maliliit na Pilipinong mangangalakal
 Paglulunsad ng pagbabago hinggil sa mga kasunduan ng pagtatayo ng base-militar sa bansa
AP6 Reviewer by prepared by Hans Matthew Camus
4

 Pagpapairal ng patakarang "Asya Para sa mga Asyano" at pagbuo ng Association of


Southeast Asia (ASA) noong Hulyo 1961
 Pagdaraos ng taunang Republic Cultural Heritage Awards at pagpapadala ng mga Cultural
troupe sa ibang bansa
 Diosdado P. Macapagal (Disyembre 30, 1961–1965)
o Pangalawang Pangulo: Emmanuel Pelaez
o Mga programa at patakaran:
 Pinagtibay ang Agricultural Land Reform Code noong Agosto 8, 1963
 Pagpapalaganap ng wikang Filipino bilang pambansang wika ng bansa
 Paglilipat ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 sa Hunyo 12
 Pagtatag ng samahan ng Malayaia, Pilipinas, at Indonesia (MAPHILINDO) ngunit hindi
nagtagal sanhi ng ilang mga isyu, partikular ang isyu hinggil sa Sabah
 Ferdinand E. Marcos (Disyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986)
o Pangalawang Pangulo: Fernando Lopez
o Mga programa at patakaran:
 Paglunsad ng malawakang programang pang-impraestruktura
 Pagpapalaganap ng mga lingkod-pangkalusugan sa mga pook-rural
 Paglulunsad ng Green Revolution para matugunan ang pangangailangan sa pagkain
 Pagtugon sa kultura ng bansa sa pamamagitan ng pagtatag ng Cultural Center of the
Philippines (CCP)
 Pagpapadala ng Philippine Civic Action Group (PHILCAG) noong Setyembre 1966 bilang
pagtulong sa digmaan sa Vietnam
 Pakikiisa sa pagtatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong Agosto 8,
1967 kung saan kasapi ang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand
o Muling nahalal bilang pangulo si Marcos noong Nobyembre 11, 1969 ngunit lumubha ang mga
suliranin sa katahimikan at kaayusan. Isa sa mga karahasang humantong sa kaguluhan ay ang
pagpapasabog ng granada sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971.

 Mga suliraning hinarap ng Ikatlong Republika:


o Pamamayani ng mga dayuhan sa kabuhayan ng bansa
o Mababang produksyon dulot ng di epektibong pamamalakad sa pamahalaan
o Mas mataas ang antas ng pag-aangkat (import) kaysa pagluluwas (export)
o Pagbaba ng pagpapahalagang moral ng mga tao
 Pagtugon sa mga suliranin:
o Nasyonalisasyon ng Retail Trade
o Pagpapabuti ng sistema ng edukasyon
o Pagpapataas ng produksyon (partikular ang pagsasaka)
o Pagpapabuti sa sistema ng pananalapi ng bansa
o Patakarang "Filipino Muna"

You might also like