You are on page 1of 28

KARUNUNGANG BAYAN

Ito'y yaman ng ating panitikan na nagpasalin-salin na sa iba't ibang


henerasyon. Ito'y mga unang tulang Pilipino. Ito'y maaaring pasulat o
pasalita. Masasalamin dito ang mga kaisipan, damdamin, karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan
lalo na pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Naglalarawan din ito sa
pamahalaan, lipunan at mga pananampalataya at mga karanasang may
kaugnay ng iba't ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.

Mayamang mayaman tayo sa mga karunungang bayan bago pa


dumating ang mga kastila. Binubuo ito ng mga Salawikain, Sawikain,
Bugtong, Palaisipan, Kasabihan at mgakawikaan.

KAHALAGAHAN

 Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating


minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating
pinagmulan.
 Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon
na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga
kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
 Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at
makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
 Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at
mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
 Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating
sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan. Tayo
higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
LAYUNIN

1. Maipkakilala sa wastong paraan sa mga mambabasa ang mga


karunungang bayan ng Pilipinas.
2. Mailahad ang kahalagahan nito sa mga mag-aaral.
3. Buhayin ang mga namatay na mga karunungang bayan.
4. Maibigay ang lahat na anyo ng panitikan na napapabilang sa
karunungang bayan.
5. Mapukaw ang interes ng mambabasa tungkol sa karunungang bayan
sa pamamagitan ng mga aktibidad at laro.

KUWENTONG BAYAN

"PAALAM SA PAGKABATA" (Cebuano) Mula sa "Panamilit sa Kabatan-


on" ni Santiago Pepito

"Bawat yugto sa buhay ng tao ay nagdadala ng mga pagbabago"

Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad ng nagdaang mga madaling-


araw; ang ginaw, katahimikan, dilim - iyon din ang bumubuo ng daigdig ng
aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam
kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko.

Sa kabilang silid, sa kuwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang


pigil na paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunud-sunod na
paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabunton-hininga
ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na
dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya.

Walang malinaw sa aking kaisipan. Mula sa aking pagkamulat ang


pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa 'di ko maiwasan
ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng
mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang
damdamin ko'y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.

Maliwanag na ang silangan nang ako'y bumangon. May bago na


namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad
ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan.
Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang
pagbubuntong-hininga.

Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko


nakikitang ito'y ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin.
Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito'y itinapon ni Nanay mga
dalawang taon na ang nakararaan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni
Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay kamay si Nanay. Pagkatapos, ipinabalik kay
Nanay ang lambat sa sampayan.

"Hanggang ngayon ba'y hindi ka pa nakalilimot, Tomas? Alam ng


Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong
ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay
siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino
ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang
katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa
akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan
mo pa malilimutan ang nangyari?"

Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang


matang tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig
sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking
nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon.

Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito


ngunit buong-buo pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin
ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam
kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito.
May karapatan akong malaman.

Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang


kanyang kamay. May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat.
Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang
pagluha.

"Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo."

Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako.


Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban.
Kalawakan. Iyan ang sabi sa aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya.
Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang
langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot
na kaya ni Nanay ang langit?

"Ano pa ang hinihintay mo, Celso?"

Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos.


Maya-maya’y tumakbo na ako ng matulin.

Nasa dalampasigan ang mamamili ng isang dala ng mga bangkang


galing sa laot. Masasaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang
mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan
ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at
pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng
kalikasan.

Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gutara mula sa di-


kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting
nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At mula na namang naantig ang aking
damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundiman
umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko.

"Naririyan na naman siya."

"Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong


nagpapatuloy ang kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae
sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung kailan
natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam."

Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang


malungkot na kundimang naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at
ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa ilalim ng kaniyugan. Patuloy ang
awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang
lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta
sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbabanta ng
parusa.
Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga
mangingisda. Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayo’y
gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang
ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit
kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha ang kanyang
mga mata.

Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na


kinauupuan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan
ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay.
Nagpumiglas ako upang makawal sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit
lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako.

Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo.
Unti-unting lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang
pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos.

"Dalawin mo ako palagi, ha?"

Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang
ilong, ang labi – lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin.
Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming
bahay.

Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan.


Nagdatingan na pala ang mga bangka at nag-uunahan ang mga mamimili
ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang Tatay. Malayo pa
ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka.
Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako.

"Lapit rito, Celso!"

Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla


akong sinampal.

"Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang
matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at
sumunod ka kaagad sa akin."
Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal.
Talagang mahirap intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan
ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang kanyang
mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?

Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa


sampayan ng lambat. Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng
lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang
gawain. Matapos makapananghalian siya’y matutulog. Pagkagising
maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi balik na naman sa dagat.
Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay.

Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko sa Nanay na


nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan
ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko ang
pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At
naalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao.

Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking


sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag
ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang

iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin.


Nadama kong inihahanap ko ang katarungan ang aking kalagayan.

Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na


pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat.
Pinagtataga ko ang lambat.

"Huwag, Celso!" saway ni Nanay na nanginginig ang boses. "Huwag!"

Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay


natigilan at nabigla sa aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng
itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang ito’y magkagutay-gutay na at
nagkalat sa aking paanan.

"Celso!"

Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang


pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko
siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-
unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na
suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat.

Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin.


Parang may nakita akong anino – si Tatay na sumusurot kay Nanay.

"Ngunit, Tomas," nagmamakaawa si Nanay. "Wala siyang kasalanan.


Maawa ka sa kaniya."

"Pumanhik ka, Isidra!" singhal ni Tatay. "Pumanhik ka na habang


ako’y nakapagpipigil pa."

Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay


Tatay. Ngunit isang tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit
tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking katawan at
ako’y gumagapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at iningudngod sa
lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak.
Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi.

Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na


panghihina’y umusad ako nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong
mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang
panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay.


Naramdaman ko na lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa
akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang
maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa
dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang
aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso.

Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang

Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang.


Kapansin-pansin din na kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay
magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.
Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang
baryo sa pulo ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil
sa kawili-wiling mga palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag
nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon. Bukod sa
pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa
mga taga nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng
masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-
ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong


si Pedrito. Siya ay tamad at palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin
ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang siyang nasa harap ng
salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng
pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya
pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan
at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa


sinasakang bukid na pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na
wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito. Tinawag niya ang anak ngunit
walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap
ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay
ng buhok.

Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na


ako, anak, wika ni Iskong Salamangkero.

Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.

Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay


hindi pa nagugutom. At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang
buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod


niya si Pedrito at kinuha ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng
anak at malakas niyang sinabi Mabuti pang wala na akong anak kung tulad
mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang
pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At
idiniin ni Isakong Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.
Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na
salamangkero, biglang naging tandang ang anak na tamad at lapastangan.
At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang palong. Hanggang sa
ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga
tandang.

Salawikain,Sawikain,Bugtong,
Palaisipan,Bulong,Kasabihan,
Kawikain,Awitin/Kantahangbayan

1.Salawikain

 Isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong


unang panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa
mabuting asal.
 Kinasasalaminan ng mentalidad ng sambayanan na tinatawag na
kasabihan.
 Padre Greogorio Martin at Mariano Cuadrado.

Damiana Eugenio

Gumagawa ng masusing pag-aaral tungkol sa mgasalawikain ng pilipinas.

Hal. Unsaon pa ang sagbot

Kung wala na ang kabayo

Pangkat ng salawikain

 Nagpapahayag ng panlahat na paningin sa buhay at sa batas ng


buhay
 Nagpapahayag ng mabuting asal
 Nahpapahayag ng pagpapahalaga ng mga tao
 Nagpapahayag ng panlahat na katotohanan sa buhay at kalikasan ng
tao.
 Nakapagpapatawa
Katangian ng mga Salawikain

 Maikiling pangungusap
 Payak
 Karaniwang mga pananalita
 Kinasasalaminan ng mga puna sa buhay

 May tugmaang karamihan


 Pag-uulit ng mgasalita

Mga halimbawa ng salawikain

 Tulak ng bibig,kabig ng dibdib


 Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
 Walang masamang kanya, Walang mabuti sa iba.
 Kapag may isinuksok, may madudukot.

2.Sawikain

Ito ay mga patalinhagang pananalita. Ito ay isang paraan ng


pagpukaw at paghasasa kaisipan ng taong Nakalilibing bukod sa
nakadaragdag ng kaalaman.

Halimbawa;

 Ang tawo nga kabalo muantos

Siya’y makalampus

 Hulog ng Langit – biyaya o swerte


 Maluwang ang turnilyo – luko-luko
 Maitim ang gilagid – masamaangugali
 Makati ang dila – madaldal
 Bukambibig - lagging sinasambit
3.Bugtong

Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawaN. Binubuong isa o


dalawang talutod na maikli at may sukat at tugma.

Halimbawa:

 Duha ka bilog nga itom, bisan asa lang muadto (mata)


 Gilubag ang way sala, nagpatulosa daghang luha
 Sisbog-sibog ngadto kay mahulog ko
 Sige ug kaon sige ug kalibang
 Isla sa Mribilis naa sa sulod ang himbis
 Kahibulongang mananap disais ang baba, duhay naghungit
 Muntingpalay, Puno angbuongbahay – (ilaw)
 Dalamo, Dalako, dalakangiyongdala –( tsinelas)
 Di hari, di pari nag susuotng sari-sari – (sampayan)

4.Palaisipan

Ito ay gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan


sa isang suliranin.

Halimbawa;

 May isang bola sa mesa. Tinakpanitong sombrero.


Paanonakuhaangbolana di man langnagalawang sombrero.

Sagot; butas ang tuktok ng sumbrero

Naay usa ka balay nga naa ray usa ka poste, unsa to?

Sagot: Payong

5.Bulong

Ang halimbawa nito ay ang sinasabi kapag may nadadaanang punso


sa lalawigan na pinaniniwalaang siyang tinitirhan ng mga duwende o nuno.

Halimbawa;

 Tabi-tabi nuno, kami langpo ay makikiraan


 Huwag magalit kaibigan, aming pnutol lamang ang isang ami’y na
pagutusa.

6.Kasabihan

Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa


ingles ay“mother goose o Nursery Rhymes”. Ito ay mga tulang pambata o
tugmang walang diwa o mababa wang isinaad na kahulugan.

GamitngKasabihan

1. Kung unsa imong gitanom mao poy imong anihon.


2. Pang-aliw tulad ng katuwaan ng mga naglalarong bata.
3. Panudyo. Ginagawang mga batas kalaro kapag nagkapikunan.
4. Sabi-sabi lamang o bukambibig.

7.Kawikain

Kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay


nangaral sa buhay.

Halimbawa;

 Ang taong matiyaga, Anuman ay nagagawa


 Ang kasipagan ay kapatid ng kariwasaan.

8.Awitin/ Kantahangbayan

 Isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, at


karanasan ng mga taong naninirahan sa isang pook.
 Oral na nagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo.

Halimbawa;

Oyayi– Awit sa pagpapatulog ng bata

“Matulog kana bunso

Ang ina mo’y malayo

At hindi ko masusundo

Daa’y walang magtuturo.”


Kumintang– Awit sa pakikidigma.

“Ang nuno nating lahat,

Sagulok di sisikat

Salaban di naawat,

Pinuhunan, buhay at hirap

Upang tayong mga anak

Mabuhay ngpanatag.”

Diona – Awit sa kasal.

“Umawit tayo at ipagdiwang

Ang dalawang puso’y ngayon ikakasal

Ang daraanan nilang landas

Sabuyan na tinngbigas”

Maluway– Awit sa sama- samang paggawa.

“Isa, dalawa, tatlo

Sabay-sabayang hila

Upang hindi ka matumba

Tata ganang mga paa”


Katutubong Salaysay (Folk Narrative)

Alamat – isang uri ng panitikang tuluyan na ang karaniwang paksa ay


nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o
katawagan.

Pangkat ng Alamat

Etiological

 Mga nagpapaliwanag na mga lamat na sumasagot sa tanong na kung


paano pinangalanan ang mga bagay o pook at kung bakit
nagkaganon.

Non-etiological

 Nauukol sa mga dakilang tao at pagpaparusa sa mga malalaking


kasalanan, kasamaang alamat ng mga santo, mga suprasegmental na
nilikha tulad ng aswang, tikbalang, engkanto, multo at iba pa.

Mito

 Tuluyang pasalaysay na itinuturing natotong naganap sa lipunan


noong panahon hinagdaan.
 Karaniwang kaugnay itong teolohiya at ritwal.

 Kinapapaloob ang simulang daigdig, ng tao, ng kamatayan, katangian


ngmgaibon, hayop o pisikal na kaanyuan ng lupa, at kuwento sa mga
diyosa’t diyosa.

Epiko

Mahabang tulang buhay o tulang pasalaysay na nagpapakilalang


pakikipagsapalaran ng mga tauhan, tauhang may di-pangkaraniwang lakas
sa pakikipagtunggali sa kanyang mga kalaban.
Katangian ng Epiko

1. Mahaba
2. Batay sa oral na tradisyon
3. Di-makatotohanan pangyayari o supernatural na makabayaning
Gawain.
4. Patula.
5. Tinagulaylay
6. Maitim o seryoso ang mga layunin.

Pagsasalaysay na panlipunan, pangkultura,M akabayan at tungkol


sa pananampalataya ang ilan.

Ang maragtas
Epiko ng mga Bisaya

Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang mga nakatira ay mga Ita. Ito ay
pinamumunuan ni Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa
kanyang katandaan upang pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na
isalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Datu Marikudo.
Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang datu kaya’t ito naman ay
sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila na bago manungkulan ang isang
datu, nararapat na siya ay pakasa. Sa dfami ng babae na naghahangad sda kanya,
ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan.
Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim
at pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa,
isda at iba pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog.
Di sila nahihiyang lumakad na waang damit, subalit nang may dumating sa
kanila na mga bagay na wala sa kanila, natuto silang mgatakip ng katawan, tulad
ng dahon, baat ng kahoy o hayop.
Naiiba ang uring pag-aasawa ng mga Ita. Ang babae ay dinadala sa bundok at
pinatatakbo lamang. Hahabulin siya ng lalaki at kung siya ay aabutan ng lalaki saka
lamang sila ikakasal. Ang isang babae naman na malapit nang magsilang ay
dinadala sa bundok na ang tanging nagababantay ay ang alaki at kung ito ay nataon
sa tag-ulan, ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilungan upang sila ay malayo
sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na malapit sa
pinagsilangan.
Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng
masamang espiritu, kaya’t upang ang may karamdaman ay gumaling agad,
naghahandog sila ng pagkain sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa
Itang namatay ang isang bagay na mahalaga sa kanila sapagka’t lubha daw nag-
aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May ibang paraan sila ng paglilibing. Sa
oob ng ilang araw, ito’y patayong nakabaon sa lupa, Sinasabi rin na ang lupang
pinagbaunan ng isang patay ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman.
Ang mga Ita ay magagalang sa bawat isa. Walang inggitan. Ang Datu ang
siyang lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawat isa. Ang sinumang
magkasala ay pinarurusahantulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng
buhay.
Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago
dumating ang sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang
mga asawa, mga katulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu
Makatunaw. Ang sampung datu ay sina:
1. Datu Puti
2. Datu Sumakwel
3. Datu Bangkaya
4. Datu Paiburong
5. Datu Paduhinogan
6. Datu Domongsol
7. Datu Lubay
8. Datu Dumangsil
9. Datu Domalogalog
10. Datu Balensuela
Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa
Panay subali’t sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan
kay Datu Marikudo, sila’y nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan
ay napagkasunduang ibigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng
malaking kasaysaysayan ang pangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng
pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahang-loob ng mga Ita, hinandugan ng
makukulay na kwintas at mga gamit sa pakikidigma ang mga Ita.

Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu


Marikudo ng isang gintong salakotat isang batyang ginto na may timbang na
limampung bas-ing. Isinuot ni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan.
Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu
Puti, ang laki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at
malapit sa ilog upang doon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na
batid na niyang mabuti ang kalagayan ng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa
orneo sapagka’t ayon sa kanya, kaya na niyang tagaan ang pagmamalupit ni Datu
Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa pamamahala ni Datu Sumakwel.
Sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta naman sa Luzon.
Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang
nagkasala ay pinarurusahan. Pinuputol ang kamay ng sinumang magnanakaw at
ang mga tamad ay pinagbibili na isang alipin o kaya’y pinagagawa ng ibang lupa.
Masasabi ring ang mga dayuhan ay magagaang at mapagmahal. Bulalakaw ang
pangalan ng kanilang Diyos na matatagpuan sa Bundok ng Madyas.
Ang kailang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki
sila ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may
kapahintulutan na ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang
banig upang paglagyan ng mga pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang
pangkat, ang babae ay pansamantalang nakatago.
Pinaiinom ng alak ng paring magkakasa ang dalawa sa gitna ng karamihan,
pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang,
magaganda at marurunong na anak.
Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinailiguan ng katas ng mababangong
bulaklak, biniihisan ng magagandang damitna may gintong pera sa bibig sapagka’t
isang paraan daw ito upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na
araw ng pagbabantay, ang patay ay inilalagay na sa kaban na may iba’t ibang uri
ng pagkain at kung ang namatay ay isang mayaman, isang katulong ang sa kanya’y
isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay. Kung ang namatay ay nag-aari
ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay inilalagay sa bangka
na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila naman ay
nagsusuot ng putting damit bilang pagluluksa.
Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan
na dumating sa Panay, subali’t isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang
nagdulot sa kanya ng kapighatian at kalungkutan.
Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu
Sumakwel ang magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kaniang Diyos na si
Bulalakaw. Umalis siya na iniwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at
asawa, na ipinagilin niya kay Gurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di
niya batid na si Kapinangan na kanyang asawa ay may gusto kay Gurung-gurung.
Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa
kanilang lugar at tahanan. Kaya’t upang mapatotohanan, nagbalak siyang umais sa
kanila. Ipinahanda niya ang lahat ng kanyang kailangan sa paglalakbay na di nbatid
ng kanyang asawa na iyon ay isa amang pakana. Nagkataon naman kinabukasan,
pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upang utusan daw, subali’t sa bahay
siya ay nakahiga na at talagang hinhintayang pagdating ni gurung-gurung. Subalit
ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na bumagsak si
Gurung-gurung na may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni
Kapinangan, naisaloob niya na mabuti pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras
na iyon. Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-
gaanong mapansin.
Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bago’y siya
ang pumatay kay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay
nakatago sa kisame. Pinagluto niya si Kapinangan. At sinabing siya’y gutom na
gutom. Nagtaka siya nang magreklamo si Kapinangan nang sabihin niyang putul-
putulin ang isda na dati rati’y kanyang ginagawa.
Upang di-parisan ng kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa
gitna ng dagat, subali’t ang kanyang inutusan ay nagdalang-habag kaya’t dinala na
lamang niya si Kapinangan sa maayong pool at doon nila iniwan.
Sa pangalang Alayon, nakikiaa si Kapinangan sa lugar na kanyang
narrating, at siya’y sinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan.
Lumipas ang maraming taon subali’t ang nangyari kay Sumakwe ay dir in
niya nailimutan. Minsan siya ay nagalakbay upang maghanap ng mga pananim, at
sa di-inaasahang pangyayari, ang narrating niyang ugar ay ang kinalalagyan ni
Kapinangan. Di na niya nakiala si Kapinangan sa taga ng panahong pagkakalayo.
Naging mahusay ang pagtanggap sa kania sa nasabing lugar at sa oob ng iang
araw na pananatili doon, si Alayon at si Datu Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit
sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay, parang ayaw na niyang
makipagsapalaran.
Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa
napipinto niyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu
Sumakwel sapagka’t sila’y pinaglapit ng kaniang mga kasamahan at humantong sa
kasalan. Nagsama at nabuhay nang matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-
huihang sandai ng kanilang buhay, ay di nakilala ni Datu Sumakwel na ang kanyang
muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyang asawa.
http://all-about-filipino.blogspot.com/2010/11/maragtas-ang-kasaysayan-ng-
sampung-datu.html
Tulang Cebuano
SA KAMINGAW SA KAGABION

Sa kamingaw sa kagabion

Og sa dughang gamaoy

Naa ko dinhi

Naghuna-huna sa kagahapon

Ang mga katawa

Na atong kinaon sa dugay na panahon

Imong gi kisuka sa kadali na panahon

Imong luha og akong luha

Tagsa-tagsa nato gigikuha

Og gipulihan sa matam-is nakatawa

Sa kadaghan na sala na imo gibuhat

Naa gyapon ko permi gahulat

Pero sama sa dahon

Dili ko permi mo kapot

Kay sakadugay sa panahon

Akong gugma Malaya

Samasadahon

Angkatam-is sakagahapon
Maoykapaitsakaugmaon.

PAGKUMOT NIMO SA LALUM KONG GUGMA

Sa kabugaw sa kabuntagon

Ang imong gugma ang gapapabilinginit

Sa dughang nag antos sa kasakit

Kalimtan taka sama sa paglimot nimo sa akoa

Kalimtan taka sama sa pagkumot nimo salalum kong gugma

Pero nag pabilin ko sa imong kiliran

Og nag antos sa mgasakit

Ang imong kalipay maoy instrumento sa patay kong gugma

Pero sa masanag dila obnakalayo

Hinay-hinay ko mawala

Tungod sa tubig nimo na giyabo

Saakong dughan na palong ang gugma

Na sama sa kalayo na nagdilaob

Ang mga hilaka kong gipagawas

Nahurot na

Ang mga katam-is sa kagahapon

Nahimo nag batosa kadugay na panahon


Pero ang mga abo sa kagahapon

Maoy nagpabilin sa pinakailalom

Sa sook sa akong dughan.

ANG HILAS NIMONG DAGWAY

Ang hilas nimong dagway

Naglatay-latay sa utok kong nagpahuway

Kung Makita na koimong makalagot na dagway

Tibook na kong adlaw nahugway

Pero wala ko kabantay

Tungod sa imong hilas na panagway

Akong kasing-kasing murag gilumay

Ang imong panagway akong gipangita

Na murag batang law

Na nagtan-aw tan-aw sa

Hilas nimong dagway

Perohinay-hinay kung na higugma saimo

Ang akong gipangayo

Dunggaang akong gugma


Pero ni katawa ka

Og na kahilakko

Kay niingon kana

“Gihigugma pod taka, dugayra”.

Awiting Bayan

Ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Pilipino na lumitaw


bago dumating ang mga kastila. To’y mga naglalarawan ng kalinangan ng
ating tinalikdang panahon. Karamihan sa mga ito ay may talatang
dalawahing pantig.

Awitin (Cebuano)

1. Babayi Nga Maanyag

Maanyag ng danghag, ang imong dagway

Wala mitug-an sa kamatuuran sa panuigun

Bisan gani sa katukma sa kasinatian

Usa ka dagway sakayanu, us aka dan-agsakaputli

Dili sa lawas nunngakahidlawn gasaluyu

Nagpahipi samga aping sama nuhudama butyag

Ay! Kabatan-un nga makanunuyu inura

Ug niangkon sa imung langit nunnga panagway

Ma-u nga mahadlok pagta-akang g kalakian

Niini nga yutang tambukug balili basin


unyaugAngusakawalayalamagilaunyang
Walagayu’ynakahikap

Ni nakatuki, ninakakaplag

Saimung nag agusngahimaya

Nga nag umidusaimungdughan

(Salin)

Lovely Woman

Bonny and innocent, your countenance

Does not reveal the truth of age

Nor the veracity of experience:

A face of native, a halo of chastity

Do not a several flesh looking

Behind those angelic chubs reveal

Ah, external youth seems

To have claimed yours ethereal looks

That men world fear to tread

These fertile earth & grass lest

A minor they would have molested


Nobody has ever touched

Nor investigated, nor discovered

Your oozing glory

Swelling in your bosom

Awitingbayan

Dandansoy

Dandansoy, bayaan ta ikaw

Pag-uliakosapayaw

Ugalingkonikawhidlawon

Ang payawi mo langlantawon

Dandansoykonimoapason

Bisantubig di magbalon

Ugalingkonikawuhawon

Sadalanmagbobun-bobun

Ang Dalit

(AwitsaDiyos-Diyosanngmgabisaya)

Pumanaog, pumanaog si mansilatan

Sa kasibadla ay bababa

Mamimigay ng lakas

Pasayawi nang mgabaylan Paligiranangmgabayla


INDAY, PAMUTOS NA

Indaypamutos na

Sa imongbestida

Kinsayimongpada-on

Si ondoimongpamanhon.

Ondo ayaw’gawaya

Si indayimongasawa

Imo ganingawayon

Ako man siyangbawion

Unsaonninyopagbawi

kinasal kami sapari’

unsaonninyopagboyboy?

Ay, ay pagkakapoy

Niiningmamalanghoy’

Inaslan kami ugbaboy

Kinasal kami saPari

Unsaonninyopagboyboy

Inaslan kami ugbaboy.

Ay, ay pagkakapoy

Niiningmamalanghoy

Pustonsadakong dahoon

Sa baybay kaon-kaonon.

Pinggan-pingganpino
Pinggan-pingganpingganpino

Ihatagkokinikanimo

Mabuakkini’gmabasag ay ay

Kang nanaykininghinatag

Si nanayugsitataynagtanumugtangkong

Anglawasbayabas, angdahonbiyasong

Namungakini’gkahilug lemon

Panitan kay ubandawpinyangkaunon.

Si pelimon

Si pelimon,Si pelimonnamasolsakadagatan

Nakakuha, nakakuha, ogisdangtambasakan

Gibaligya, gibaligyasamerkadongguba

Anghalinpuloskura, anghalinpuloskura

Ligolangipanuba (2)

AkokinisiAngi

Angopisyoko’ypanahi

Adlawuggabii

Kanunayakonagtahi

Bisannako’gunsaon,

Wala’ykuwartangmatigum,

Kay angakongpagpanahi,Igora’spanginabuhi.

Balitawsapaghangyongamangasawa

Konikaw, Dong mangasawa,

Si tatayugsinanaymaoysulti

You might also like