You are on page 1of 4

PETSA: IKA-1 NG Pebrero

Araw: Huwebes

Seksyon: 8 Copernicus, Collins, Armstong,

I.LAYUNIN

Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang simpleng tulang tradisyunal na may temang
pag-ibig . (F8WG-IVc-d-36)

II.PAKSANG ARALIN

Tema: Florante at Laura –Isang Obra Maestrang Pampanitikan ng Pilipinas

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na


mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino
sa kasalukuyan.

Panitikan: Florante at Laura

Gramatika: Tayutay at ilang uri nito

Sanggunian: Ocampo, Hanna

Kagamitan: Visual aids, aklat

III.PAMAMARAAN

PANIMULANG GAWAIN

1.Panalangin at Pagbati

2.Pagtala ng mga lumiban/pumasok

3.Pagbabalik-aral

a.Pagtuklas

1.Ilalahad ng guro ang layunin


2.Magpapabasa sa mga mag-aaral ng mga pahayag na naglalaman ng mga
tayutay.Ipasusuri ng guro sa mga mag-aaral ang mga pahayag na nakalagay dito gamit
ang mga katanungang nakatala:

1.Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.


2.Ang ganda ng kanyang mga kamay, pwede mong gawing
pangkudkod sa semento sa bahay.
3.Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang
makamtan.
4.tiktak ng orasan ay naghahabulan.
5.Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi

*.Ano ang napansin ninyo sa mga salitang bumubuo sa pangungusap?


*Kaaya– aya ba itong pakinggan?
*Kung ikaw ang tatanungin bilang isang Pilipinong mag-aaral, maganda bang gamitin
ang mga salitang ito sa kasalukuyang panahon?

b.Paglilinang

1.Sa tulong ng isinagawang pangganyak ay maipakikilala nang guro ang panibagong aralin,
ang “Tayutay at mga uri nito”

2. Magtatanong ang guro kung ano-ano ang mga nalalaman at naaalala ng mga mag-aaral na uri
ng tayutay

“Tayutay” –ay nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan sa tulong ng


patalinghagang pagpapahayag na kaiba sa karaniwang paggamit ng mga salita. Layunin ng
tayutay na mapaganda at magawa ng mabisa, masining, at kawili – wili ang paglalarawan.

Mga Uri ng mga Matatalinhagang Pahayag (MgaTayutay)


1. Pagtutulad naghahambing sa dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari.
Ginagamitan ito ng mga salita’t pariralang: tulad ng, gaya ng, animo’y, mistula, tila,
wari atbp.

Hal:Sina Jenina at Eloisa ay tila mga rosas na namumukadkad sa hardin.

2. Pagwawangis – isang tuwirang paghahambing. Hindi ginagamitan ng mga


pariralang: tulad ng, kawangis ng, gaya ng, atbp.

Hal:Para kay Joyce, si Ariel ay isang Adonis.


3. Pagsasatao – pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipapahayag ito
sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.

Hal:Ang puno ay marahang isinasayaw ng hangin.

Hal:Buwan nakayrikittanglawaanmoangakingpusongnaaguguluhan.

4. Ang pag-uuyam ay tinatawag na sarcasm o irony sa Ingles. Ito ay


mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng
mga kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay
may bahid na insulto. Ito ay papuri ngunit nakatago ang insulto at
tukso.

Halimbawa:
Talagang matalino ka kaya bumagsak ka sa exam

5. Pagmamalabis - pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay,


pangyayari atbp. Eksaherado ang lahat ng pahayag ngunit napakaganda ng nagiging
bisa o larawang-diwang nabubuo sa guniguni o isipan ng mambabasa

Hal:Nabasag ang bambam ng tainga ni Gina sa sobrang lakas ng sigaw ni Mary Ann.

c.pagpapalalim

tatawag ang guro ng mag-aaral

mga gabay na mga katanungan:

1.bakit mahalaga ang paggamit ng mga tayutay sa pagpapahayag?

2.Paano ito nakakatulong sa pagbuo ng isang akda?

d.Paglalapat

Panuto: Suriin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga sumusunod na mga
pahayag. Ilagay ang kasagutan sa patlang. (4 puntos)base sa Florante at Laura

1. “kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin. Mahal ka ring lubha dini sa panimdim; at kung
mangyayari hanggang sa malibing ang mga buto ko, kita’y sisintahin.”

2. “Ang aking Plumahe kung itinatahi ng parang korales na iyong daliri, bunting hininga mo’y
nakikiugali sa kilos ng gintong ipinanahi.”

3.”Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw sa lansanga’t nayong iyong niyakapan.”


4.ang katauhan ko’y kusang nagtatalik sa bunting-hininga nang ikaw’y may sakit

5..si Adolfo na kasing bait ni Judas.

IV.ebalwasyon

Gumawa ng isang simpleng tulang tradisyunal (may sukat at tugma) gamit ang mga tayutay at
talinghagang salita na may temang pag-ibig.

Halimbawa:

Ang pag-ibig na labis na inaangkin

Animo’y alapaap, kay sarap damhin

Singhalimuyak ng mga rosas sa hardin

Ang tamis ng pagmamahalan natin

Daho’y kumakaway sa saya

Dahil sa labis na pagsinta

Maging puso ay kumakanta

Nagagalak sa’tin tuwina

V.Takdang Aralin

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita

1.masawata

2.sansinukob

3.tumimo

4.lingap

5.dalita

You might also like