You are on page 1of 53

Filipino 1 1

ARALIN 1
PAGBASA

Pasukan Na

Yehey! Pasukan na naman

Makikita muli ang aking paaralan

Mga guro, kamag-aral at dating kaibigan
Na nagiging daan upang ako’y may matutunan.

Ngayong ako’y nasa Unang Baitang

Mabubuting aral dapat ‘di malimutan
Gumising ng maaga, ihanda ang katawan
Linising mabuti; tiyan lagyan din ng laman.

Mga gamit sa eskwela ay ayusin

Pati mga kalat ay sinupin
Upang ito ay hindi ipisin
Malayo sa mikrobyo at di maging sakitin

Sa bahay bago umalis ay kailangang magpaalam

Sa mga kasambahay lalo na sa magulang
Magdasal sa Diyos na tayo’y gabayan
Ilayo sa sakuna at siya ay ating pasalamatan.

Talakayin
 Bakit ba dapat mag-aral ang isang batang katulad mo?
 Anu-ano ang mga ginagawa at natutunan mo?

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 2

WIKA

Ang Alpabetong Filipino

Aa Bb Cc Dd Ee Ff
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/

Gg Hh Ii Jj Kk Ll
/dzi/ /eyts/ /ay/ /dzey/ /key/ /el/

Mm Nn Ññ Ng ng Oo Pp
/em/ /en/ /enye/ /endzi/ /o/ pi/

Qq Rr Ss Tt Uu Vv
/kyu/ /ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/

Ww Xx Yy Zz
/dobolyu/ /eks/ /way/ /zi/

Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong

titik (28).Walo (8) ang hiram na titik mula sa English at Spanish. Ito ay
ang mga sumusunod:c, f, j,ñ, q, v, x, at z. Ginagamit ang mga hiram na
titik sa tanging ngalan lamang.
Ang Alpabetong Filipino ay binibigkas sa tunog English maliban
sa ñ na binibigkas sa Spanish.
Ang mga Patinig
Ang Alpabetong Filipino ay mayroong limang patinig. Ito ay ang
sumusunod:
Aa Ee Ii Oo Uu
Ang mga Katinig
Ang Alpabetong Filipino ay mayroong dalawapu’t tatlong katinig.
Ito ay ang: Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll, Mm, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv,
Ww, Xx, Yy, Zz

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 3

Pagsasanay 1

A. Isulat ang nauunang titik sa patlang.

_______ J _______ P _______ B _______ D

_______ O _______ NG _______ U _______ R

_______ S _______ E _______ X _______ F

_______ H _______ O _______ Q _______ I

_______ C _______ K _______ N _______ W

B. Isulat ang titik na nawawala.

____ ____ Cc Dd Ee Ff

Gg Hh ____ Jj ____ Ll

Mm ____ Ññ ____ Oo Pp

Qq ____ Ss Tt Uu ____

____ ____ Yy Zz

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 4

Pagsasanay 2

Isulat ang nawawalang patinig upang mabuo ang salita sa

tulong ng larawan.

l __ p __ s __ k l __ t p __ p __ l

k w __ d __ r n __ g __ n t __ n g r __ l __ r

p __ m b __ r __ b __ g p __ s __ r __

s __ p __ t __ s __ r __ s __ n m __ d y __ s

k r __ y __ l __ __ n __ p __ r m __ p __ __ r __ l __ n

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 5

Pagsasanay 3

Salungguhitan ang mga salitang nagsisimula sa katinig.

1. abokado pinya mansanas manga

2. baboy kalabaw aso kabayo
3. isda pusit hipon bangus
4. sampaguita rosas gumamela ilang-ilang
5. agila maya parot kalapati
6. kuya tatay nanay ate
7. bibig mata ilong tenga
8. pandesal itlog gatas tinapay
9. simbahan paaralan ospital palengke
10. arkitekto guro doktor drayber

Pagsasanay 4

Magsulat ng mga salita gamit ang patinig at katinig.

1. _______________ 2. _______________ 3. _______________

4. _______________ 5. _______________ 6. _______________

7. _______________ 8. _______________ 9. _______________

10. _______________ 11. _______________ 12. _______________

13. _______________ 14. _______________ 15. _______________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 6

IBA PANG KAALAMAN

Pagbubuo ng Pantig at Salita

Ang mga titik kapag pinagsama-sama ay tinatawag na pantig.

Ang pinagsama-samang pantig ay bumubuo ng salita.

Ang pantig ay binubuo ng:

1. Isang patinig lamang (P)

Halimbawa: o-so, u-lan

2. Isang katinig + isang patinig (KP)

Halimbawa: pa- a, bi – big

3. Isang katinig + isang patinig + isang katinig (KPK)

Halimbawa: pam-bu-ra, ru-ler

Pagpapantig
Pagsasanay 1
Ang pagpapantig ay ang wastong paghahati ng mga salita. Iba-iba
Pantigin ang sumusunod na mga salita.
ang bilang ng pantig. Ito ay ayon sa haba o ikli ng salita.
1. ibon ________________

Halimbawa:
(1 pantig) krus
(2 pantig) bu – kid = bukid
(3 pantig) sa – ga – na = sagana
(4 pantig) mag – sa – sa – ka = magsasaka

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 7

Pagsasanay 1

A. Bumuo ng mga salita sa tulong ng mga pantig sa loob ng kahon.

Isulat ang mga nabuong salita sa patlang.

a e i o u
ba sa la na ya
pe te de ge me
pi si li ni hi
ngo po ro yo mo
ru tu su nu pu

____________________ ____________________ ____________________

B. Pumili ng limang (5) salita mula sa Pagsasanay A at gamitin ito sa

makabuluhang pangungusap.

1. _____________________________________________________________

2. _____________________________________________________________

3. _____________________________________________________________

4. _____________________________________________________________

5. _____________________________________________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 8

Pagsasanay 2

Pagtambalin ang mga pantig sa hanay A at B upang makabuo ng

salita ayon sa paglalarawan nito. Isulat ang nabuong salita sa patlang
bago ang bilang.

A B

_____ 1. sa ( kinakain ng unggoy) a. rot

_____ 2. ma (nagbibigay ng itlog) b. sa

_____ 3. ba ( nagbibigay ng gatas) c. ging

_____ 4. a ( gumagapang sa lupa) d. da

_____ 5. pu ( nanghahabol ng daga) e. bing

_____ 6. ka (paboritong kainin ng kuneho) f. nok

_____ 7. is (nakatira sa tubig) g. kid

_____ 8. pu (dumadapo ang ibon) h. ka

_____ 9. bu ( dito makikita ang kalabaw) i. ho

_____ 10.kam (kumakain ng damo) j. has

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 9

ARALIN 2
PAGBASa

Paggalang
Parati tayong maging magalang
At maging mabait na nilalang;
Ganyan ang turo ng gurong mahal
Galing yan ng bawat mag-aaral.
Ang magalang ay hinahangaan
Laking tuwa ng bawat magulang;
At kapuri-puri kaninuman
Na maipagmamalaking tunay,
Gintong maituturing ninuman.

Sagutin ang mga sumusunodna tanong:

1. Ano ang turo ng gurong mahal?
2. Kalian tayo dapat maging magalang?
3. Bakit natutuwa nag bawat magulang?
4. Kanino magiging kapuri-puri ang batang
magalang?
5. Gaano kahalaga ang kagamdahang asal?
Ipaliwanag.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 10

Talasalitaan
Narito ang mga salitang ginamit sa akrostik na binasa. Hanapin ang
salitang magkasingkahulugan.
Pagkabitin ng guhit ang mga salitang makasingkahulugan.

1. parati tao

2. nilalang aral

3. turo totoo

4. tunay palagi

5. tuwa galak

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 11

Magagalang na Pananalita

Ang mga magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t

ibang pagkakataon. Ito ay tanda ng pagiging magalang na bata.

Sa pagbati: “Magandang umaga po.”

“Magandang tanghali po.”
“Magandang hapon po.”
“Magandang gabi po.”
“Magandang araw po.”

Sa pakikipag-usap sa nakakatanda, “po” at “opo”

Sa paghingi ng pahintulot, “Maaari po ba?”
Sa pag-alis, “Paalam na po”
Kung dadaan, ”Makikiraan po.”
Kung hihingi ng tulong o nakikiusap,”paki””Makikisuyo po.”

Halimbawa:
Ate Rhona, pakiabot naman ng plato.
Joy, makikisuyo naman. Maaari mo ba akong ibili ng gamot.

Kung tatanggap ng isang bagay o tulong mula sa iba,” Salamat po.”

Kung sasagot sa taong nagpapasalamat,”Wala pong anuman.”

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 12

Palawakin
Tanda ng mabuting Pilipino ang pagiging magalang. Ipakita ang
uagaling ito kahit saan at kahit kalian.
Anong magagalang na pananalita ang sasabihin o isasagot mo sa
bawat sitwasyon? Isulat ito sa patlang.

______________________ ______________________ ______________________

______________________ ______________________ _____________________

______________________ ______________________ ______________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 13

PAGSASANAY 1

Isulat sa patlang ang dapat sabihin sa mga ibinibigay na pagkakataon

sa ibaba.
1. Dumating sa bahay ninyo ang kumpare ng Tatay mo.
_____________________________________________________________________
2. Nakasabay mo ang guro mo sa pagpasok sa paaralan.
_____________________________________________________________________
3. Nabasag mo ang plorera habang naglilinis ka.
_____________________________________________________________________
4. Gusto mong humingi ng bulaklak sa iyong ina.
_____________________________________________________________________
5. Ipinakilala ka ng kaibigan mo sa kanyang lola.
_____________________________________________________________________
6. Habang kayo ay kumakain, gusto mo ang ulam na malayo sa iyo,
ano ang iyong sasabihin?
_____________________________________________________________________
7. Bago ka umalis ng bahay, ano ang sasabihin mo sa mga magulang
mo?
_____________________________________________________________________
8. Binigyan ka ng regalo ng Ninong mo.
_____________________________________________________________________
9. “Kakain ka ba bago pumasok?” ang tanong ng ina. Ano ang
isasagot mo?
_____________________________________________________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 14

Pagsulat
Isulat nang maayos ang sumusunod na mga magagalang na
pananalita.
1. Makikiraan po.

________________________________________________________________

2. Salamat po.

________________________________________________________________

3. Paalam na po.

________________________________________________________________

4. Magandang umaga po.

________________________________________________________________

5. Pakiabot po.

________________________________________________________________

Pagbaybay
1. ______________________ 6. ______________________

2. ______________________ 7. ______________________

3. ______________________ 8. ______________________

4. ______________________ 9. ______________________

5. ______________________ 10.______________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 15

ARALIN 3
PAGBASA

PAUNLARIN
Bilugan ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Momay ang tawag saakin ng aking mga kaibigan.
(bigay, palayaw, tanong)
2. Nakakatuwang pagmasdan ang harding marikit.
(malawak, maganda, maliit)
3. Ang batang katulad ko ay dapat lang na pumasok sa eskwela.
(palengke, ospital, paaralan)
4. Masaya ako sa regalong bigay ng aking mga magulang.
(tanda, handog, turing)
5. Ang aking ina ay isang guro sa Laguna Sino-Filipino Educational
Foundation sa bayan ng Sta.Cruz.
(lola, kapatid, nanay)

BASAHIN

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 16

SAGUTIN
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano ang pangalang ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang?

________________________________________________________________
2. Saan ka ipinanganak?
________________________________________________________________
3. Masaya ka ba sa pangalang ibinigay sa iyo?
________________________________________________________________
4. Ano ang pangalan ng iyong ama?
________________________________________________________________
5. Ano ang pangalan ng iyong ina?

________________________________________________________________

6. May kapatid ka ba? Isulat ang pangalan niya/niya.

________________________________________________________________
7. Ano ang tawag sa iyo ng iyong mga kaibigan?

________________________________________________________________

8. Ano ang tawag sa iyo ng iyong mga kamag-aaral?

________________________________________________________________
9. Ano ang pangalan ng eskwelahang iyong pinapasukan?
________________________________________________________________
10. Ano ang pangalan ng iyong guro sa Filipino?
________________________________________________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 17

WIKA
PANGNGALAN
Ang pangngalan ay tawag sa ngalan ng tao, hayop, bagay,
pook, at pangyayari.
Mga halimbawa:
Tao Hayop Bagay Pangyayari Pook o
Lugar
Jerry aso aklat kaarawan paaralan
Ama ahas pisara pista Laguna
Guro Doggie bola Bagong simbahan
Taon
Jose Rizal Kitty lapis Pasko palengke
Kaklase agila Nike Bag Buwan ng ospital
Wika
ate maya Ford kasalan parke
prinsipal baka kompyuter bingyagan hardin
doktor kalabaw kwaderno bakasyon mall
presidente isda telebisyon Araw ng Enchanted
mga Patay Kingdom

May dalawang uri ang pangngalan, ang pangngalang pantangi at

pangngalang pambalana.
Pantangi ang tawag sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay,
lugar, hayop, at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa: Romel, Ford Fierra, Pilipinas, Tarsier, Bagong Taon

Pambalana ang pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao,

pook, hayop at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik.

Halimbawa: lalaki, telebisyon, bansa, puno, pusa

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 18

Pagsasanay 1

Magbigay ng sampung halimbawa ng ngalan ng tao, hayop, bagay,

pook o lugar at pangyayari.

TAO HAYOP BAGAY LUGAR PANGYAYARI

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 19

Pagsasanay 2
A. Isulat sa patlang kung ang pangngalang may salungguhit ay
ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

_______________ 1. Natakot ang pusa nang lumapit ang aso.

_______________ 2. Sasakay tayo ng bus para makapunta sa bahay ni
Lolo.
_______________ 3. Tumawag ang kaibigan ko sa telepono.
_______________ 4. Ang bagong relo na ito ay regalo mula sa ninong ko.
_______________ 5. Pupunta kami sa Taguig sa Sabado.
_______________ 6. Uuwi ang nanay kong OFW ngayong darating na
Pasko.
_______________ 7. Ibinalik ko ang aklat na hiniram ko sa silid-aklatan
kahapon.
_______________ 8. Gusto kong mag-alaga ng aso.
_______________ 9. Dadalo ba kayo sa kasal nina Mike at Nadya sa
Linggo?
_______________ 10. Nawawala ang bago kong lapis.

B. Isulat sa patlang ang PT kung pantangi at PB kung pambalana ang

sumusunod na mga pangngalan.

_____ 1. Beverly _____ 6. kalabaw _____ 11. Andres

_____ 2. aklat _____ 7. Boracay _____ 12. Pasay

_____ 3. Lupang Hinirang _____ 8. saging _____ 13. ninong

_____ 4. Marikina _____ 9. babae _____ 14. SM Megamall

_____ 5. dagat _____ 10. ibon _____ 15. Quiapo

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 20

Pagsasanay 3
Sumulat ng pantanging ngalan para sa nakalarawan.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 21

Pagsasanay 3

A. Isulat sa patlang ang pangngalang pambalana para sa sumusunod

na mga pangngalang pantangi.

1. ___________ Andres Bonifacio, Dr. Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar

2. ___________ Sarah Geronimo, Regine Velasquez

3. ___________LSEF, ACTS, AMA, STI

4. ___________Pilipinas, Japan, China, Korea

5. ___________Toblerone, Kisses, Hershey’

6. ___________Safe Guard, Dove, Palmolive

7. ___________Samsung, Oppo, Cherry Mobile

8. ___________Filipino Ngayon at Bukas, HARAYA Pagbasa at Wika

9. ___________Jollibee, Chowking, KFC, McDonalds

10.___________ Bantay, Browny, Chu

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 22

Pagsasanay 4

A. Isulat sa patlang ang pangngalang pantangi na katumbas ng

binigay na pangngalang pambalana.

1. sorbetes ____________________ 16. Tutpeyst _________________

2. sapatos _________________ 17. awit _________________

3. palaman _________________ 18. pulo _________________

4. relihiyon _________________ 19. tsokolate _________________

5. parke _________________ 20. kalye _________________

6. bulkan _________________ 21. bansa _________________

7. lungsod _________________ 22. sabon _________________

8. guro _________________ 23. gatas _________________

9. pantalon _________________ 24. bundok ________________

10. kainan _________________ 25. inumin _________________

11. kape _________________ 26. bayani _________________

12. artista _________________ 27. tinapay _________________

13. diyaryo _________________ 28. aklat _________________

14. mang-aawit _________________ 29. damit _________________

15. lalawigan _________________ 30. gamot _________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 23

B. Pumili ng sampung (10) pangngalang pantangi mula sa iyong

kasagutan sa Pagsasanay A at gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap.

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 24

ARALIN 4
PAGBASA

Bakit may Ulan?

Noong unang panahon ay mahirap ang tubig sa Baryo Malumot.
Nagtitiyaga ang mga tao na kumuha ng tubig sa balon. Ngunit, mayroong
masungit na mayamang lalaki sa lugar na iyon na may sariling poso kaya’t hindi
siya nahihirapan sa tubig. Siya si Mang Cris.

May ilang mga tao na nakaisip na kumuha ng tubig nangwalang paalam ka

Mang Cris. Kaya’t pinaghandaan nila ang kanilang balak na gawin. Nang umalis si
Mang Cris, dali-dali silang pumasok sa looban nito para kumuha ng tubig.
Nakasanayan na nilang gawin iyon sa tuwing aalis si Mang Cris. Isang araw, akala
nila ay nakaalis na si Mang Cris. Pumasok sila sa bakuran nito. Biglang lumabas ang
masungit na lalaki. Nagulat silang lahat.

“Huli kayo!Bakit kayo kumukuha nang walang paalam? Masama iyang

ginagawa ninyo.dapat sainyo ay parusahan,”ang sigaw ng masungi na lalaki.

Pumasok siya sa loob ng bahay,paglabas niya ay may dala na siyang

pagkalaki-laking lambat. Inihagis niya iyon sa mga tao at sila’y nakulong sa loob
nito.

Unti-unting inakyat ang lambat hanggang umabot ito sa kalangitan. Ipinasok sila
sa loob ng ulap. Nag-iyakan angmga tao.

“Hu,hu,hu… Parang awa mo na, pakawalan mo kami. Patawarin mo na

kami sa aming pagkakamali,” ang pagmamakaawa ng mga taong nasa ulap.

“Pinapatawad ko na kayo ngunit ang lahat ng nagkamali ay dapat

maparusahan. Mananatili kayo diyan, dapat ninyong matutunang magpaalam
muna bago kayo kumuha ng isang bagay,”paalala ni Mang Cris.

Patuloy ang sabay-sabay na pag-iyak ng mga tao saloob ng ulap. Ang

pagbagsak ng kanilang luha ang sinasabing pinagmulan ng ulan.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 25

Talakayin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Saan kumukuha ng tubig ang mga tao sa Baryo Malumot?

2. Sino ang masungit na mayamang lalaki?
3. Ano ang ginagawa ng mga tao tuwing umaalis ang masungit
na lalaki?
4. Paano pinaparusahan ng masungit na lalaki ang mga taong
nagkasala?
5. Bakit daw nagkaroon ng ulan?

Pagsasanay
Sanhi at Bunga
Hanapin sa Hanay B ang Bunga ng mga Sanhi sa Hanay B. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.
A B
________ 1. Mahina ang tubig sa a. Pinarusahan ni Mang Cris
ang Baryo Malumot mga tao

________ 2. Nahuli ni Mang Cris b. Nakulong ang mga tao

ang mga kumukuha ng sa loob ng lambat
ng tubig sa kanyang
bakuran nang walang paalam

________ 3. Biglang lumabas ng bahay c. Nagtitiyagang umigib ng

tubig si Mang Cris sa balon ang mga tao

________ 4. Inihagis ang lambat d. Nagulat ang mga tao.

sa mga tao

________ 5. Nagsisi angmga tao e. Pinatawad sila ni Mang

Cris sa pagkakamaling
nagawa nila.
Laguna Sino-Filipino Educational Foundation
Filipino 1 26

WIKA

MGA PATUKOY NA SI / SINA, ANG /ANG MGA at KAY / KINA

Si at Sina- mga panandang ginagamit sa pagtukoy ng mga tiyak

na pangngalan ng tao.

1. Ang si ay inilalagay sa unahan ng isang tiyak ng

pangngalan ng tao.
Halimbawa: Si Marissa ay isang batang masikap.

2. Ang sina ay inilalagay sa unahan ng dalawa o mahigit pang

tiyak na pangngalan ng tao.
Halimbawa: Sina Joel at Noel ay magkapatid.

Ang at Ang Mga – mga panandang ginagamit sa di-tiyak na

ngalan ng tao, hayop, bagay, at lugar.

1. Ang – ginagamit kapag ang pinag-uusapan ay isang di-

tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay,at isang lugar.
Halimbawa: Ang aking guro sa Filipino ay binigyan ng parangal.

2. Ang mga- ginagamit kung ang tinutukoyay dalawa o

mahigit pang di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop at
lugar.
Halimbawa: Ang mga guro ay binigyan ng parangal.

Kay at Kina- mga pantukoy na nagsasabi ng pagmamayari ng

taong tinutukoy.
Halimbawa:
Ang bag na pula ay kay Angela.
Ang mga upuan nabinili ay para kina Cris at Roy.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 27

Pagsasanay 1

A. Punan ng angkop na pantukoy na Si o Sina ang patlang upang

mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Nagdala ng pagkain ________ Miggy at Seth.

2. ________ Maria ang nanguna sa paligsahan sa pagtakbo.

3. Ang may ari ng bakuran ay ________ Mang Cris.

4. ________ Mang Cris ay masungit na kapitbahay.

5. ________ Bb.Cruz ang gumawa ng mga banderitas.

6. Pumunta sa silid-aklatan ________ Bea at Lorie.

7. ________ Nicole ay isang matalinong bata.

8. ________ Samanta ay pinatawag ng prinsipal.

9. Nagbakasyo sa Ilocos ________ Marie at Hilda.

10. ________ Mang Celso ay ama ng aking kaibigang si Rosa.

B. Gumawa ng pangungusap gamit ang mga pantukoy na Si at Sina.

1. ________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________

3. ________________________________________________________________

4. ________________________________________________________________

5. ________________________________________________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 28

Pagsasanay 2

A. Punan ng angkop na pantukoy na Ang o Ang Mga ang patlang

upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. ________ batang sina Kino at Lino ay naglalaro sa palaruan.

2. Mahirap ________ tubig sa Barangay Malumot.
3. ________ kaibigan kong si Maria ay napakabuti sa akin.
4. Kumuha ng tubig sa loob ng bakuran nang walang paalam
________ tao.
5. ________ pagkain sa mesa ay pansit, kare-kare, at litson.
6. Kahapon pa niluto ________matamis na ube.
7. Marami ________bisitang kumain.
8. ________ mangga ang paborito kong prutas.
9. Nagsimula nang tumakbo ________ kalahok sa paligsahan.
10. Pinarusahan ni Mang Cris ________ tao sa kanilang
nagawang kasalanan.

B. Gumawa ng pangungusap gamit ang mga pantukoy na Ang at

Ang mga.

1. ________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________

3. ________________________________________________________________

4. ________________________________________________________________

5. ________________________________________________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 29

Pagsasanay 3

A. Punan ng angkop na pantukoy na Kay o Kina ang patlang upang

mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Ang paglilinis ng bahay ay ibinilin ________ Rio at Ria.

2. ________ Roy naman ibinigay ang gawain na pag-iipon ng tubig.
3. Ang medalya ng kalinisan ay iginawad ________Renzo.
4. Ang tatlong proyekto nan aka-display ay ________ Herald, Kat at
Rolie.
5. ________ Rommel ang pinakamagandang proyektona iyan.
6. Ang bag na naiwan sa silid-aralan ay ________Mia.
7. Ibinigay ng guro ________ Gab at Cian ang panuto sa paggawa
ng kanilang proyekto.
8. Bumili si Gng.Ramos ng sapatos para ________ Bob.
9. Rosy, ibigay mo ang libro ________ Sarah at Becky.
10. Ang bagong sasakyan na iyan ay ________ Mang Nestor.

B. Gumawa ng pangungusap gamit ang mga pantukoy na Kay

at Kina.

1. ________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________

3. ________________________________________________________________

4. ________________________________________________________________

5. ________________________________________________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 30

PAGTATAYA (QUIZ#__)

Punan ng angkop na pantukoy ang mga sumusunod na

pangungusap.

1. ________ Zeb ay nagbabasa ng isang nakakatakot na babasahin.

2. Ang ulam na niluto ni nanay ay para ________ tatay.

3. ________ mag-aaral ay naghanda para sa kanilang pagsusulit.

4. ________ Jake, June at Jackie ay magkakapatid.

5. ________ Ana ang napiling mag-aaral na lalaban sa paligsahan sa

pag-awit.

6. Ang mga laruan na binili ni Ate Fe ay para ________ Mark at Mike.

7. ________ aking ina ang gumagabay at nag-aalaga sa akin.

8. ________ Lolo Karpio ay magdaraos ng kanyang ikawalumpu’t

walong kaarawan bukas.

9. Ang bulaklak na ito ay para ________ inay.

10.________ halaman ay dapat nating pangalagaan.

11.________ Pauline, Janice, Rica ay matatalik kong kaibigan.

12. Ako at ________ magulang ko ay magbabakasyon sa Tsina.

13. ________ Rosa at mahilig magsulat ng tula.

14. ________ puno ng niyog ay tinatawag na “puno ng buhay.”

15. ________ Haezel ay nakakuha ng mataas na grado dahil siya ay

masipag mag-aral.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 31

ARALIN 5
PAGBASA

Iparinig sa mga bata ang awiting: Ako, Ikaw, Tayo’y Isang Komunidad

Ako, ako, ako’y isang komunidad

Ako, ako, ako’y isang komunidad
Ako, ako, ako’y isang komunidad
Ako’y isang komunidad

La..la..la..
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumayaw saya at umindak-indak
Sumayaw sayaw katulad ng dagat.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 32

wika
PANGHALIP

Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na inihahalili o

ipinapalit sa pangngalan.

Ang Panghalip na Panao ay ipinapalit sa ngalan ng taong

nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan.
May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan,
dalawahan at maramihan.
Isahan
Ako – bilang pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita
Ikaw – bilang pamalit sa pangalan ng taong kinakausap
Siya – bilang pamalit sa taong pinag-uusapan

Ako si Jay-R. Ako ay nasa unang baitang.

Ikaw ba ay nasa unang baitang rin?

Siya ay nasa unang baitang din katulad natin.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 33

Dalawahan o Maramihan
Kami – ginagamit na pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita
kasama ang dalawa o higit pang taong nagsasalita.
Kayo – ginagamit na pamalit sa pangalan ng dalawa o higit
pang kinakausap.
Sila – ginagamit na pamalit sa pangalan ng dalawa o higit pang
taong pinag-uusapan.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 34

Pagsasanay 1

A. Isulat ang Ako, Ikaw o Siya para mabuo ang pangungusap.

1. Halika rito Paul. ___________ ang mag sulat nito.

2. Mike ang tawag sa akin. ________________ ay mahilig maglaro.

3. Si Ate Joy ay naglilinis. ___________ ay tutulungan ko.

4. _________ ay si Ghia. Boomer ang pangalang ng aso ko.

5. Si Ralph ay pinsan ko. Nag-aaral __________ sa Xavier.

6. Vince pupunta ka ba dito? __________ na ang magdala ng papel.

6. Kaklase ko si Ralph. __________ ay mabait na kalaro.

7. Gusto ko kumain. _________ ang pipili ng restaurant.

8. Tawag ka ni nanay. __________ ang maghanda ng pagkain.

9. Si Lance ay anak ko. ___________ ay napakabait na bata.

10. Si Kuya Bong ay driver. ___________ ang naghahatid sa akin.

B. Gumawa ng pangungusap gamit ang panghalip na Ako, Ikaw at Siya.

1. _____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________

4. _____________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 35

Pagsasanay 2

Palitan ng kami, kayo o sila ang mga pangalan at salita sa loob ng

kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

ako at mga kasama 1. __________ ay magsisimba sa Our Lady

kong kapatid of Guadalupe Church.

mga pari at madre 2. __________ ay nagtuturo ng mga salita

ng Diyos.

ikaw at ang mga kasama 3. Kumanta __________ nang maayos sa

mong mang-aawit misa kanina.

ang mga batang 4. __________ rin ay mga Pilipinong tulad

Muslim natin.

ako at ang mga 5. Tutulong __________ na linisin ang loob

kaklase ko at labas ng paaralan.

ikaw at ang mga 6. Magsuot __________ ng maayos na damit

kaibigan mo kung papasok sa simbahan.

ako at ang aking mga 7. Papunta __________ sa simbahan upang

magulang magbigay ng donasyon.

ang mga kaklase ko 8. __________ ay kasama kong magdasal

para sa mga nasalanta ng bagyo.

ang mga guro 9. __________ ay naghanda para sa

pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

ako at ang aking lola 10. __________ ay pumunta sa palengke

upang mamili ng gulay.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 36

PAGSASANAY 3

Isulat ang angkop na panghalip panao upang mabuo ang diwa ng

pangungusap.

1. Si Sandra ay magaling kumanta. ________ ay kakanta bukas.

2. Ako at ang aking mga kaibigan ay maglalaro sa Gym. ________ ay

maghahabulan.

3. Anica ang pangalan ko. ________ ay pitong taong gulang.

4. Ikaw at si bunso ay binigyan ni nanay ng premyo dahil ________ ay

mababait na bata.

5. Abby nakuha mo na ang libro mo? ________ ang napiling magbabasa.

6. Si Sophia, Ana at Lorraine ay aking mga kapitbahay. ________ ay nakatira

sa Brgy. Calios Sta.Cruz, Laguna.

7. Ikaw, si Asia at Nika ang kakanta. Dapat ________ mag-ensayo.

8. Nagbasketball si Lance at Vince. Nauhaw ________ kaya umuwi muna.

9. Pinapatawag ni Nanay ________ Ate Rose at Ate Sally.

10. Si Ate Lina ang aking yaya. ________ ang sumusundo sa akin.

11. Ako at ang aking pamilya ay magbabakasyon. ________ ay pupunta

sa China.

12. ________ ay mayroong tuta. Lagi kaming naglalaro.

13. “________ ay mag-aral na,”wika ko sa aking kamag-aaral.

14. Daiki at Momo, ________ ang napili na lalahok sa Math Quiz Bee.

15. ________ ang magsara ng pinto, bilin yan ni nanay sa iyo.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation
Filipino 1 37

Ikatlong
Markahang
Pag-aaral

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 38

ARALIN 5
PAGBASA

Talakayin
1. Ano ang makikita sa langit pagkatapos ng ulan?
2. Bakit maganda at kamanghamangha ang bahaghari?
3. Ano-ano ang kulay ng bahaghari?
4. Masaya ka ba kapag nakikita mo ang bahaghari? Ipaliwanag.
Laguna Sino-Filipino Educational Foundation
Filipino 1 39

Pagsasanay

Iguhit at kulayan sa loob ng kahon ang bahaghari sa tulang iyong

nabasa. Isulat sa patlang ang mga kulay na taglay nito.

MGA KULAY NA TAGLAY NG BAHAGHARI

_____________________________ _____________________________

_____________________________ _____________________________

_____________________________ _____________________________

_____________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 40

WIKA

PANG-URI
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa tao,hayop, bagay,

lugar o pangyayari. Ibinibigay nito ang mga sumusunod:

 kulay, lasa, hugis ng bagay

 anyo, itsura, laki, taas, bigat, at amoy

 katangian, kakayahan, at kaugalian

Mga salitang nagsasabi ng kulay

Mga Halimbawa:
asul na ulap puting pusa kahel na basket
berdeng dahon dilaw na araw rosas na bulaklak
pulang puso lilang blusa kayumangging pilipino

Mga salitang nagsasabi ng lasa

Mga Halimbawa:
matamis na manga mapait na ampalaya
matabang na inumin maasim na suka
maalat na asin maanghang na sili

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 41

Mga salitang nagsasabi ng hugis

Mga Halimbawa:
bilog na bola biluhabang laruan
parisukat na kahon parihabang pinto
tatsulok na sombrero hugis pusong papel
hugis talang bintana hugis dyamanteng salamin

Mga salitang nagsasabi ng anyo o hitsura, laki, taas, bigat, at amoy

Mga Halimbawa:
magandang babae matangkad na manlalaro
mabalahibong aso matabang baboy
makapal na kahoy makinis na balat
makipot na daan maliit na sapatos
mabangong sabon magaan na bag

Mga salitang nagsasabi ng katangian, kakayahan, o ugali

Mga Halimbawa:
makinis na balat mahusay na guro
mabait na tatay mabangong bata
matalinong bata magalang na pilipino
mayamang pamilya masipag na karpintero

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 42

Pagsasanay 1

Basahin ang sinasabi sa nakalarawan. Anong salita ang ginamit para

mailarawan ito? Bilugan ang salita.

1. Ang bubuyog ay maliit.

2. Matamis ang pulot.

3. Matulis ang tasa ng lapis.

4. Mapula ang gumamela

5. Bilog ang bola.

6. Malamig ang yelo.

7. Mabagal ang pagong.

8. Ang lubid ay mahaba.

9. Maganda ang dalaga.

10. Si lola ay maputi na ang buhok.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 43

Pagsasanay 2

Hanapin ang mga pang-uring makapaglalarawan sa mga bagay na

makikita sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____________ 1. a. bilog

_____________ 2. b. itim

_____________ 3. c. mabaho

_____________ 4. d. malambot

_____________ 5. e. matamis

_____________ 6. f. mapait

_____________ 7. g. mataba

_____________ 8. h. mataas

_____________ 9. i. mabango

_____________ 10. j. parisukat

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 44

Pagsasanay 3

Ilarawan ang sumusunod na mga larawan.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 45

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 46

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 47

ARALIN 6
Awitin

Itaas ang Kamay

Itaas ang kamay at pumalakpak
Itaas ang kamay at pumalakpak
Itaas ang kamay, taas ang kamay
Itaas ang kamay at pumalakpak
Ipadyak ang paa sabay-sabay
Ipadyak ang paa sabay-sabay
Ipadyak ang paa, ipadyak ang paa
Ipadyak ang paa sabay-sabay
Sumigaw ng ya-hoo ng malakas
Sumigaw ng ya-hoo ng malakas
Sumigaw, sumigaw, sumigaw, sumigaw
Sumigaw ng ya-hoo nang malakas
Tayo ay umikot ng isang beses
Tayo ay umikot ng isang beses
Tayo ay umikot, tayo ay umikot
Tayo ay umikot ng isang beses
Tumalon tayo ng mataas
Tumalon tayo ng mataas
Tumalon tayo, tumalon tayo
Tumalon tayo ng mataas
Ngumiti tayo ng maganda
Ngumiti tayo ng maganda
Ngumiti tayo, ngumiti tayo
Ngumiti tayo ng maganda

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 48

Pagsasanay
Tukuyin kung anong salitang kilos ang naglalarawan sa sumusunod na
mga larawan.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 49

Wika

Pandiwa

Ang pandiwa ay salitang nagsaad ng kilos o galaw.

Mga halimbawa:

nagbabasa naglalakad tumatakbo

umaawit sumasayaw tumatawa

naliligo kumakain nagsusulat

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 50

Pagsasanay 1

Kahunan ang salitang kilos o pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Si Miguel ay gumising nang maaga.

2. Kumakain ng almusal si Ate Martha.

3. Si Nanay ay nagtimpla ng kape.

4. Sina Ben at Betty ay nagbibihis sa kanilang kuwarto.

5. Nagsipilyo ng ngipin si Miguel sa banyo.

6. Si Tatay ay umiinom ng mainit na kape.

7. Pinakain ni Miguel ang mga manok sa bakuran.

8. Si Ate Martha ay nagpaplantsa ng damit niya.

9. Naghuhugas ng mga pinggan si Nanay.

10. Tumatahol ang aso ng kapitbahay.

11. Dumating ang school bus ng mga bata.

12. Sina Ben at Betty ay nagpaalam sa kanilang mga magulang.

13. Binigyan sila ni Nanay ng perang pambaon.

14. Hinatid ni Miguel ang mga bata sa school bus.

15. Ang mga bata ay kumakaway habang paalis ang bus.

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 51

Pagsasanay 2

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 52

Pagsasanay 3

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pandiwa.

1. kumain

______________________________________________________________

2. naliligo

______________________________________________________________

3. nagluto

______________________________________________________________

4. tumakbo

______________________________________________________________

5. sumasayaw

______________________________________________________________

6. umaawit

______________________________________________________________

7. naglalaro

______________________________________________________________

8. nagsusulat

______________________________________________________________

9. nagbabasa

______________________________________________________________

10. tumalon

______________________________________________________________

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

Filipino 1 53

Laguna Sino-Filipino Educational Foundation

You might also like