You are on page 1of 2

Plagiarism at ang mga Responsibilidad ng Mananaliksik

Nagging tampok na usapan sa social media ang ilang popular na kaso


ng plagiarism sa Pilipinas. Kontrobersiyal ang nagging paggamit ng isang
malaking negosyante ng mga sikat na linta sa kaniyang talumpati nang
walang pagbanggit sa malalaking pangalan na pinagmulan ng ideya.
Gayundin binatikos ang isang senador sa walang habas na paggamit ng
ideya at direktang pangkopya sa artikulo ng ilang blogger tungkol sa isyu ng
Reproductive Health Law sa kaniyang talumpati sa senado. Dahil sa mga
pangyayaring ito, naging tampok sa media ang konsepto ng plagiarism at ang
mga kaugnay na usapang etikal nito.
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism
ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng
walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Tinukoy ng
Plagiarism.Org (2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng:

 Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;


 Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
 Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping
pahayag;
 Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng
teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala;
at
 Ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang
pinagkunan na halos bumuo sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi
ang pinagmulan nito.

Bukod sa mga nabanggit kaso rin ng plagiarism ang pagsusumite ng


papel o anomang produkto na gawa sa iba o kaya ay sabay na pagsusumiti
ng iisang papele sa magkaibang kurso (Council of Writing Programs
Administrator 2003).
Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication kung saan
nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang
magkaibgang refereed journal para sa publikasyon at ang self-plagiarism,
kung saan ang bahagi ng isang pananaliksik at inuulit sa isa pang
pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit pa sa sarili ring ideya
ang pinagmulan nito (University of Minnesota, Center for Biothics 2003).
Maging ang gawain ng ilang mananaliksik na pagpaparami ng listahan
ng sanggunian kahit na hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik o kaya
ay paglalagay ng mga aklat o materyales na hindi naman personal na nabasa
at ginamit, bagkus ay nakita lamang ng binaggit sa aklat ng iba, ay mga
porma rin ng plagiarism (Evasco et al. 2011).

Bakit nga ba marami ang madalas gumawa ng mga karaniwang


pagkakamaling ito kaugnay ng plagiarism? Isa sa mga pangunahing dahilan
ay ang kamangmangan o kawalan ng ideya, lalo na ang mga mag-aaral, sa
kalikasan nito.
Kung minsan naman ay magkamalayan asa mga panuntuhan ngunit
sadya o hindi sadyang binabalewala ang mga ito.
Madalas ding itinuturong dahilan sa ganitong mga kapabayaan ang
labis na pagmamadaling makatapos sa pananaliksik o kaya ay hindi
pagbibigay ng sapat na panahon na nagreresulta sa kawalan ng sinop at
pag-iingat ng mananaliksik.
Sa bahagi naman ng guro, karaniwan ding hindi nabibigyan ng sapat
na pagtalakay ang usapin ng plagiarism. Hindi rin nagsasawata ang
kapabayaang ito dahil sa kawalan ng malinaw na mga institusyonal na
polisya, o kung mayroon man, ay kakulangan sa mahigpit na
implementasyon nito.
Upang solusyonan ang mga nabanggit na kahinaan, kailangang
alamin ng mananaliksik ang mga batayang etikal na prinsipyo sa
pananaliksik. Makatutulong din na maging maalam ang sinomang
mananaliksik sa mga institusyonal na polisiyang kaugnay ng
pananaliksik.
Susi rin sa pagpapatibay ng resulta ng pananaliksik at pag-iwas sa
pag-uulit ng mga ideya ang malalim na pagbabasa kauganay ng
paksang napili.
Lahat ng responsibilidad na ito ay nakasalalay sa mismong
mananaliksik. Kailangang maunawaan na ang gawaing pananaliksik ay isang
seryosong Gawain at hindi dapat minamadali para sa personal na kagaanan
at kapakinabangan.
Tandaan na nakasalalay sa kasinupan at katapatan ng pananaliksik
ang integridad nito. Kung isasapuso ng sinomang mananaliksik ang mga
makalipunan at makataong kalikasan ng gawaing ito, tiyak na susunod ang
pagiging matuwid at makatuwiran.

You might also like