AKO si NOEL LALOG y NABING, 44 na taong gulang, may asawa,
at nakatira sa Brgy. Lawa, Calamba City, Laguna, matapos makapanumpa nang naayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod, NA:
1. Ako po ay akusado sa kasong violation of section 11 of
Republic Act No. 9165 na inihabla ng mga pulis at kasalukuyang nakabinbin sa kagalang-galang na hukom, RTC Branch 83;
2. Ang pag-habla ng naturang kaso ay dahil sa natagpuan
diumano sa aking posesyon na ipinagbabawal na gamot noong ika-10 ng Oktubre taong 2012 bandang 5:56 ng hapon sa sa Brgy. Laurel, Tanauan City, Batangas;
3. Aking isinagawa itong salaysay upang itanggi at pabulaanan
ang akusasyon laban sa akin sapagkat wala itong katotohanan;
4. Ang tunay na nangyari noong nabanggit na petsa, ako
kasama si Netcher Benadero ay nagdesisyong mamasyal sa aking pinsan sa Brgy. Ulango, Tanauan City, Batangas. Nagtungo kami doon lulan ng motorsiklo;
6. Matapos kami makapasyal sa aking pinsan, nagdesisyon na
kaming umuwi at habang binabaybay namin ang kalsada sa bandang Brgy. Laurel, Tanauan City, ay mayroong pumara sa aming mga pulis;
7. Kami ay huminto at gumilid. Matapos iyon ay kami ni
Netcher ay pinababa sa motorsiklo at pinatas ang aming mga kamay sabay tutok sa amin ng kanilang baril;
8. Nagsagawa sila ng pagkakap sa aming katawan ni Netcher
subalit wala silang natagpuan sa amin;
9. Sumunod na pangyayari ay pinatabi kami sa motorsiklong
minaneho ko at mayroon silang pinahawak sa aming kamay na plastic na tila shabu ang laman at kami ay kapwa pinagkukuhanan ng litrato; dagdag nito, ang motorsiklo din ay kinuhanan ng litrato kasama iyong plastic na galing sa kanila;
10. Nakita ko din ho na iyong plastic na ipinahawak sa amin ay
galing sa pulis na kinalaunan ay nakilala ko sa pangalang Carpio;
11. Matapos iyon ay inaresto na kami ng aking kasama. Wala
naman kaming magawa o di kaya ay mangatwiran sa mga pulis noon sapagkat kami ay lubos na natatakot sa kanila dahil tinutukan nila kami ng baril. 12. Ako’y lubos na naninindigan na walang katotohanan ang ibinibintang nila sa akin na ako’y nakuhanan nila ng shabu sapagkat wala akong ganoong pag-iingat, iyong ipinahawak sa amin ay hindi amin at doon ko lamang iyon nakita at wala kaming anumang illegal na ginagawa nang kami’y dakpin;
13. Aking isinagawa ang salaysay na ito nang malaya at kusang
loob at upang hilingin sa kagalang galang na Hukuman na ipawalang bisa ang paratang laban sa akin sapagkat ito ay walang katotohanan.
SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, aking nilagdaan sa ibaba
ngayong ika-7 ng Pebrero taong 2018, dito sa Tanauan City, Batangas.
NOEL LALOG y NABING
Nagsasalaysay
SUBSCRIBED and sworn to before me this 7th day of February
2018 at Tanauan City and I hereby certify that I have personally examined the Affiant and I am fully satisfied that he voluntarily executed and fully understood his Affidavit.
HEART C. LERO Public Attorney II (Pursuant to R.A. 9406)