You are on page 1of 2

Talambuhay ni Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista. Ilan sa kanyang


mga akda ay Dekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo.

Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945.


Nakapagtapos siyang elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong
1958 at sekondarya sa Torres HighSchool noong 1962. Siya ay pumasok sa
Lyceum University of the Philippines sa kursong journalism ngunit nag-drop bago
pa man matapos ang kanyang unang taon.

Bagamat kulang sa pormal na pagsasanay, si Bautista ay naging kilala sa


kanyangmakatotohanan at matapang na paghayag sa mga isyung kinasasangkutan
ng mga babaengFilipino at sa kanyang makabagbag damdamin na pagpapakita sa
babae na may mahirap nasitwasyon sa bahay at sa trabaho.

Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) pata sa nobelang Gapo,
Dekada 70 atBata, Bata Paano ka Ginawawa?, mga nobelang naglalarawan nang
kaapihan ng mga kababaihannoong panahon ni Marcos.

Dalawa sa maikling kuwento ni Bautista ay nagkamit din ng Palanca Awards ang


"TalongKuwento ng Buhay ni Juan Candelabra"(unang gantimpala, 1982) at
"Buwan, Buwan, Huluganmo Akong Sundang"(ikatlong gantimpala, 1983).

Hindi rin matatawaran ang kanyang husay sa pagiging script writer. Ang kanyang
unangscreenplay ay ang Sakada, 1976 na nagpapakita ng kalagayan ng mga
magtutubo. Ang kanyangikalawang pelikula ay ang "Kung Mahawi Mang ang
Ulap" noong 1984 na nominado sa FilmAcademy. Ginawa rin niya ang Bulaklak
ng City Jail base sa kanyang nobela tungkol sa mgakababaihang nakulong.
Nahakot nito halos lahat ng gantimpala sa Star Awards at Metro Manila
Film Festival.

Kabilang siya sa University of the Philippines Creative Writing Center noong


1986, nagsilbing bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines at
pinuno ng Kapisanan ng mgaManunulat ng Nobelang Popular.Siya lang ang
natatanging Filipino na kasama sa libro ng International Women Writers
nanilimbag sa Japan.
Talambuhay ni U Nu

Si U Nu ang may akda ng “Tatlong Mukha ng Kasamaan”. Kilala din siya sa


pangalang “Thankin Nu”. Siya ay isinilang sa Wakema, Myaungmya District,
Myanmar, noong Mayo 25, 1907. Namatay siya edad na 87 noong Pebrero 14,
1995. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Rangoon at nagtrabaho bilang guro,
manunulat, at tagasalin ng wika. Siya ang unang punong ministro ng Myanmar
(Burma).

Bumalik siya sa Unibersidad ng Rangoon noong 1934 para mag-aral ng abogasya.


Ngunit hindi niya natapos ang kursong ito dahil natanggal siya sa kanyang
paaralan nang pangunahan niya ang unang malawakang demonstrasyon laban sa
pamahalaang Britanya. Si Un u rin ang nanguna sa pagkakatag ng Red Dragon
Book Club na naglathala ng akdang mapanghimagsik laban sa Pamahalaang
Britanya. Ito ang naging sanhi ng pagkakulong niya noong 1942.

Matagal ang panunungkulan ni U nu sa Myanmar. Ang Myanmar ay kilala noon sa


pangalang Burma. Naglingkod siya sa Myanmar simula 1948 hanggang 1958 at
1960 hanggang 1962.

You might also like