You are on page 1of 13

PAGMIMINA: NAKAKATULONG NGA BA O NAKAKASIRA?

EPEKTO NG PAGMIMINA SA MAMAMAYAN AT KALIKASAN

Isang Pagtupad sa Kailangan ng Filipino 1

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Wika

Nina:

Dolor, Roave Lance H.

Gonzales, Jeanella P.

Valenzuela, Matthew Efreniel J.

Disyembre 2017
I. Panimula

Napakagandang makita ang isang kapaligiran na may mga

maluntiang kabundukan, pagkakaroon ng mga masasaganang ani sa mga

kapatagan, at ang pagkakaroon ng asul na karagatan. Sa pagdaan ng

panahon unti-unting nagkakaroon ng kakayahan ang mga taong makasira

ng kapaligiran. Ano na nga ba ang nangyari sa mga tao ngayon? Bakit

patuloy na umiiral ang kanilang kapangahasan at ang pagiging silaw sa

yaman? Madami na ang nangyayari sa kapaligiran sa patuloy na

pamamalakad o pagyabong ng pagmimina. Ang Pilipinas ay mayaman sa

iba’t ibang uri ng mineral at mapapakinabangan lamang ito sa

pamamagitan ng pagmimina na isang napakalaking industriya. Ano nga

ba ang pagmimina?

Ang pagmimina ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng

mga bagay mula sa lupa. Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang

paghango ng mga metal at mga mineral, na katulad ng uling, ginto, pilak,

platinum, tanso, at bakal. Maaari rin namang iba pang mga bagay, katulad

ng langis at likas na gas. Ang mga taong nagmimina ay tinatawag na

tagapagmina o minero. Ang ilang uri ng pagmimina ay ginagawa sa

pamamagitan ng pagkayod ng lupa o dumi mula sa ibabaw ng lupa.

Tinatawag itong pagmiminang patalop o strip mining sa Ingles. Ang ilang

pagmimina ay isinasagawa sa pamamagitan ng malalim na pagpunta sa

ilalim ng lupa upang marating ang isang poso ng mina (mine shaft sa
Ingles). Tinatawag ang ganitong pagmimina bilang pagmimina sa ilalim ng

lupa o undergound mining. (Del Rosario, 2013)

Mula sa kailaliman ng lupa, binubungkal ang ginto, nickel, chromite

at iba pa pang yamang mineral para maging alahas, para sa paggawa ng

mga bahay at gusali, para sa mga gadget at electronic appliances at para

sa paggawa ng pera. Bahagi na nga ng ating pamumuhay ang mga

produktong gawa sa mineral na ipinoroseso sa ibang bansa.

Mahalaga ang pagmimina sa industriya ng bansa sapagkat ang

ibang mga kagamitan ay hindi basta basta nabibili lamang kundi ito ay

namimina. Umuunlad ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga mineral na

nakukuha sa kabundukan na maaaring maipagbili sa ibang bansa. Ito rin

ang ginagamit para sa paggawa ng mga bagay na maaaring makatulong

sa iba at sa pagkakaroon ng kita para maipanustos sa mga mamamayan

o bawat pamilya. Ang ating yamang mineral ay karaniwang nakukuha sa

pagmimina, dito rin nakasalalay ang pamumuhay nang ilan sa ating

mamamayan at ito rin ay nasasabing nakatutulong sa paggawa ng mga

kalsada at istruktura. Sa pagmimina, maraming sektor ang naapektuhan

mabuti man o masama ang epekto nito. Ang pagmimina ay madalas

nagaganap sa mga bulubundukin lugar kung saan maraming

matatagpuan na mga mineral gaya ng dyamante, graphites, ginto, at

marami pang iba. Nakatutulong ba talaga ang industriyang ito sa atin?

Ano-ano nga ba talaga ang mga epekto nito sa atin? Sa paglipas ng mga
panahon, maraming mga kalsada na ang naipagawa dahil sa pagmimina.

Ang pagmimina rin ay nakakatulong sa pag angkat ng mga materyales

para sa mga istruktura.

Sa oras na matapos namang mahalukay ang yamang natatangi sa

lugar ay iniiwan na lamang nilang nakatiwangwang ang lugar. Kalimitan

na sistema ng pagproproseso sa pagmimina ay isang maskarang

mapanlinlang, na kung saan ang likido at kemikal na ginagamit ng ilang

ganid na dambuhalang korporasyon ay pumipinsala sa kapital ng isang

ekosistema na unti-unting pumapatay sa kahinaan ng mga may buhay sa

isang kapaligiran na kung saan nagaganap ang ‘di makatuwirang

aktibidades. Hindi lamang iyon, ito rin ay may malaking dulot sa pang-

kabuhayang sakahan at pangisdaan ng mga maralitang kababayan at

lalot higit sa ating mga kapamilyang katutubo. Damay din dito ang

kalusugan ng ilan nating mga kababayan, na kung saan naapektuhan ng

nasabing pagmimina. Hindi sapat ang trabaho at buwis na naiaambag ng

mga industriya ng pagmimina sa pinsalang maaring maidulot nito sakaling

gumanti ang kalikasan. Walang pinipiling lugar ang pagmimina. Kahit sa

mga lugar na may potensyal bilang destinasyon ng mga turista ay

pinapayagan. Ang turismo sa bansa ay industriyang maaring maging

alternatibo sa pagmimina.
II. Paglalahad ng Suliranin

Pangunahin Suliranin

1. Ano nga ba ang pagmimina?

Mga Tiyak na Suliranin

2. Ano ang mga masama at mabuting dulot ng pagmimina?

3. Paano ito nakakaapekto sa mga mamamayan at sa kapaligiran?

III. Mga Kaugnay na Literatura

Ayon sa U.S. Geological Survey, number one ang Pilipinas na

producer ng nickel na kadalasang ginagamit sa mga materyales sa

paggawa ng bahay at mga sasakyan. Nasa ika-dalawampu’t walong

puwesto naman ang Pilipinas sa mga gold-producing country sa buong

mundo.

Taong 2007, naitala ang pinakamataas na kontribusyon ng

pagmimina sa bansa na aabot lamang sa 1.4% ng Gross Domestic

Product ng bansa, ayon mismo sa datos ng Mines and Geosciences

Bureau.

Base sa ipiniresintang datos ni Gomez, ang mga small-scale at

non-metallic mining ay mas maigting ang empleyo dahil gumagamit

ang mga ito ng mga makalumang pamamaraan ng pagmimina,


samantalang ang mga large-scale mining ay nangangailangan lamang

ng mas kaunting manggagawa sapagkat gumagamit ang mga ito ng

malalaking makina at mas bagong teknolohiya.

“Ang kasalukuyang mga polisiya ay anti-industriyalisasyon,

sapagkat pinanatili ang bansa na maging exporter ng hilaw na mga

materyales at importer ng yaring mga produkto. Matutugunan ng

kasalukuyang direksiyon ang pangangailangan ng pandaigdigang

merkado at hindi ng pangangailangan para sa pag-unlad,” ayon kay

Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang

Makabayan.

Sa ganitong balangkas, mula 1990 hanggang 2008, tinatayang

may average na depisito ang Pilipinas na $1.24.B kada taon sa

inilalabas na hilaw na materyales at ini-import na yaring produkto, ayon

kay Reyes.

Ayon naman sa National Economic Development Authority

(NEDA) ang naidadagdag lamang na kita para sa Gross Domestic

Product ng mga minahan sa bansa ay 0.9 percent lamang. Hindi

ganap na nakakatulong ang mga minahan para sa ganap na pagtaas

ng ekonomiya ng bansa. Hindi rin maaaring maging sandigan ng

mamamayan ang mga minahan para mapaunlad ang buhay at tanging

ang mga may-ari lamang ng minahan ang ganap na nakikinabang.

Walang gaanong pag-asa na mapapala sa pagmimina at ang


masaklap ay mayroong mga iresponsableng mining companies na

pagkatapos ubusin ang nakabaong yaman o mineral ay hahayaan na

lamang ang binutas nilang bundok at ang nagdurusa ay ang mga

mamamayan.

Mayroong mga balita tungkol sa mga mungkahi ng mga

mamamayan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas patungkol sa pagmimina.

Sa Bikol, iniulat ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagmimina at

Kumbersyon Agraryo- Bikol ang lumalawak na sakop ng

malalawakang komersiyal na pagmimina. Umabot sa 74.62% ng

kabuuang land area ng rehiyon ang pinapangambahang sakupin ng

mga minahan. Sa isla ng Rapu-Rapu sa Albay, nasa 93.6% ang

sasaklawin ng mga minahan.

Ang Hilagang Luzon na binubuo ng rehiyon ng Ilocos, Cordillera

at Cagayan Valley ay tila pinagpiyestahan ng malalaking kompersiyal

na kompanya ng mina. Ang iba rito’y matagal na ang operasyon tulad

ng Benguet Corporation na 109 taon na (1903-2012), Lepanto

Consolidated Mining Company, 76 na taon (1936-2012) at Philex

Mining Corporation, 57 na taon (1955-2012). Naging tampok din ang

coal at magnetite mining sa Cagayan, kung saan halos buong

dalampasigan ng rehiyo’y nakatakdang hakutin, at ang offshore mining

ng chromite sa rehiyon ng Ilocos at Cagayan.


Sa Timog Katagalugan, umabot sa 33,455.090 ektaryang lupain

ang pinahihintulutang lunsaran ng eksplorasyon ng walong kompanya

ng pagmimina sa mga lalawigan ng Batangas, Rizal, Marinduque at

Palawan. Nasa 58,571.612 ektarya ng lupain sa probinsiya ng Cavite,

Batangas, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental

Mindoro, Palawan at Romblon ang nakaambang minahan ng 21

kompanya ng pagmimina na nagawaran naman ng Mineral Production

Sharing Agreements..

Naging tampok naman sa Negros ang magnetite mining at black

sand mining na ikinababahala ng mga mamamayan ang paglawak

nito. Ayon sa Defend Patrimony-Negros, tulad ng mga epekto ng

malawakang pagmimina sa ibang rehiyon, tumitindi ang insidente ng

dislokasyon ng mga magsasaka, pangangamkam ng lupa, mababang

kita, kagutuman, problema sa kalusugan, malnutrisyon, at

pagkakawatak ng mga komunidad.

Ayon naman sa Panalipdan Mindanao, mahigit sa kalahati ng

tinatayang yamang mineral ng Pilipinas ay matatagpuan doon na

nagkakahalagang ($12.6-Bilyon). Nasa Mindanao ang pinakamalaking

reserba ng bansa sa copper (5 bilyong tonelada), ginto (3.4B

tonelada), aluminum (292 milyon tonelada) at iron (411M tonelada). Sa

Davao Oriental, mayroong mahigit 100 aplikasyon para sa large-scale

at small-scale mining. (Pasion, 2012)


Inihapag ng iba’t ibang rehiyon ang kinahaharap nilang mga

problema sa mga minahan sa kani-kanilang lugar. Hindi lamang

kahirapan ang epekto ng presensiya ng pagmimina kundi direktang

kamatayan sa kalikasan at mga mamamayan. Panawagan ng mga

katutubo na ibasura ang Mining Act of 1995 na ayon sa kanila ay

sumsalanta at nagwawsak sa kanilang pamayanan, kabuhayan at

maging ang kanilang buhay. (Macky Macaspac)

Ano nga ba ang isinasaad sa Mining Act of 1995? Masasabi

bang ‘luntian’ na polisiya ang Mining Act of 1995? Alinsunod sa batas

na ito, ang mga transnasyunal na korporasyon o TNC ng pagmimina

ay naglalaan ng pondo para gamitin sa mga teknikal na pagsasaliksik

at mga proyektong pang-corporate social responsibility. Tinatagubilin

rin ng batas na sumunod ang mga korporasyon sa mga regulasyong

pangkapaligiran tulad sa tubig, hangin, lupa, at iba pa. Nasusunod ba

ito? O nagsisilbing pantakip o palamuti lang sa madumi at mapanirang

katangian ng industriya?

Ang Marcopper mine disaster noong 1996, ang unang malaking

disaster ng pagmimina matapos maisabatas ang Mining Act of ’95.

May kasong ipinataw ang mga mamamayan noong 2005 laban sa

Placer Dome, ang Canadian na kumpanyang nagmamay-ari sa

Marcopper, dahil sa pagkamatay ng mga ilog at matinding pinsala sa


kalusugan ng mga mamamayan, pero hindi pa rin nareresolba ito

hanggang ngayon.

Sinundan pa ito ng serye ng mga kaparehong disaster. Ilan sa

mga tampok ang 2004 mine spill ng TVI-Resources sa Zamboanga del

Norte; 2005 mine spill sa Rapu-Rapu Island, Albay ng Australian na

kumpanyang Lafayette na pagmamay-ari ngayon ng Korean na LG

International; 2012 mine spill ng Nicua black sand mining sa Leyte;

2012 failure ng tailings dam ng Philex Mining sa Padcal, Benguet; At

ang 2014 mine spill ng Citinickel sa Sofronio Espanola, Palawan.

(Kalikasan PNE, 2015)

Sa isang komperensya sa Melbourne, Australia, pinangunahan

ng International League of People’s Struggles (ILPS)-Australia,

Migrante-Australia at Anakbayan ang pagkundena sa malakihang

pagmimina sa Pilipinas bilang pahamak at salot sa mamamayan,

katutubo, at kalikasan.

Pinakatampok sa pagtitipon ang nakapamiminsalang epekto ng

operasyong pagmimina sa Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya at sa Bong

Mal, Tampakan, South Cotabato. Kasalukuyang pinatatakbo ng

higanteng Australyanong kumpanya na Oceana Gold ang isang open

pit mining operation sa Didipio. Unti-unti nitong nilalason ang mga ilog

at tubig sa mga komunidad na nakapalibot sa mina. Samantalang ang

Xstrata-Glencore, isa ring malaking kumpanya na pagmamay-ari ng


mga Australyano, ang may hawak sa operasyong pagmimina sa

Tampakan, South Cotabato.

Ayon sa ILPS, mas lalong pinalakas ang mga dayuhang

korporasyon sa pagmimina sa ilalim ng Mining Act of 1995. Tinutulak

ng batas ang lubos na liberalisasyon o pagtanggal ng lahat ng

restriksyon sa industriya ng pagmimina kahit pa malinaw ang

paghihigpit ng konstitusyon sa pagpasok ng mga dayuhang

korporasyon sa bansa. Nakapipinsala ito sa mga karapatang pantao at

pangkalikasan sa Pilipinas, at makaisang panig na naglilingkod sa

interes ng mga dayuhang mamumuhunan at dambuhalang dayuhang

korporasyon sa pagmimina. (Anakbayan, 2015)

Minsan na ding nagpahayag ng pagtutol si President Rodrigo

Duterte patungkol sa pagmimina sa bansa partikular sa mga bayan ng

Surigao na bahagi ng rehiyon ng CARAGA na itinuturing na mining

capital ng Pilipinas. Ito ay naging mabuti dahil sa nagkaroon sila ng

pondo para sa ikakaunlad ng lugar at nagsilbi itong tulong para sa mga

mamamayan ng Surigao. Ang unang naging masamang epekto ng

ginagawang pagmimina sa lugar ay ang pagkakalbo ng kagubatan at

ang pagkasira ng karagatan. Nagkulay kalawang na ang ilang ilog at

baybaying-dagat dahil sa siltation o ang pagdami ng deposito ng lupa

mula sa malalaking minahan. (RNMS, 2016).


VII. Paglalahad ng mga Datos at Kinalabasan ng Pag-aaral

Ang layunin ng pagsusuring ito ay upang maipahayag o maipakita

ang suliraning kinahaharap ng mga mamamayan nang dahil sa

pagmimina at kung paano ito nakakaapekto sa mga tao at kalikasan.

Glosaryo ng mga Salitang Ginamit Patungkol sa Pagmimina

Mga Salita Kahulugan


Ganid (pnr) makasarili
Ginto (png) makinang, bahagyang mamula-mulang dilaw,
siksik, malambot, nagbabago ng anyo at hugis,
at ductile na bakal.
Kapangahasan (pnd) Pagsasagawa ng isang bagay na ang isa’y walang
karapatan, pahintulot, o awtoridad na gawin
Lunsaran (png) paglagayan,
Luntian (pnr) Berde, karaniwang kulay na makikita sa damo o
dahon
Mahalukay (pnd) Makuha
Mapaglinlang (pnr) Mapagkunwari
Maralita (pnr) Mahirap
Nakapipinsala (pnr) Nakakasira
Nakatiwang-wang Walang-takip, sira
(pnr)
Paghango (pnd) Pagkuha
Pamamalakad (pnd) Pagpapatakbo
Pagyabong (pnr) Paglago, pag-unlad
IX. Talaan ng mga Sanggunian

Mga Aklat

A. Cabria, Hillel B. et al. 2016. Exploring Life through Science Series

(Earth Science). Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City.

Mga Pag-aaral

A. GMA-7, 2016, Bayan ng Mina, Reporter’s Notebook Mining Special.

Quezon City.

Internet

A. http://www.anakbayan.org/malakihang-pagmimina-pahamak-at-salot-

sa-mamamayan-katutubo-at-kalikasan/

B. http://bulatlat.com/main/2015/02/12/mining-act-of-1995-dalawang-

dekada-ng-sinaid-na-yaman/

C. http://pagmimina.blogspot.com/

D. http://www.philstar.com/punto-mo/2017/05/05/1696922/editoryal-

anong-napapala-sa-pagmimina

E. http://pinoyweekly.org/new/2017/03/crackdown-sa-malalakit-

mapanirang-pagmimina

You might also like