Professional Documents
Culture Documents
ni W. M. Reyes
Ang hikayat ko ay para sa mga taong makakaunawa sa aking sasabihin. Sa mga taong
makakasumpong ng kaliwanagan sa aking mga salita.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako magsusulat sa wikang Filipino. Nais kong
makapag-ambag sa isang tradisyong makapagbibigay daloy sa pagsulong ng wikang
Filipino. Sa aking obserbasyon, walang malaking korpus ng mga babasahin sa wikang Filipino
kasi karamihan ay may humaling sa pagsusulat sa wikang banyaga. Ang epekto’y binansot
ang tradisyon sa paglilimbag sa sariling wika kaya’t limitado lamang ang mababasang
publikasyon sa wikang Filipino. Kapansin-pansin ito sa pagpunta sa mga bookstore na halos
iilang hanay lamang ang mga lathalain sa Filipino kumpara sa wikang Ingles.