You are on page 1of 2

Karanasang Hindi Matutularan!

Sabi nga nila, isa sa mga pinaka maiging paraan upang matuto ang isang tao ay sa pamamagitan
ng karanasan. May mga naiibigay ang aktwal na karanasan na naiiba sa mga tinuturo sa paaralan.
Bilang isang mag- aaral, isang kakaibang oportunidad ang naibigay saakin at sa iba ko pang
kapwa estudyanteng- lider na maranasang magtarabaho at mag silbing opisyal ng gobyerno kahit
sa maikling panahon lamang. Ito ay ginawang posible ng isang programang tinatawag na City
Youth Week.

Ang City Youth Week ay isang programa ng pamahalaan kung saan ang mga estudyanteng-lider
ng ibat- ibang sekondaryang paaralan ay binibigyang pagkakataon na gumanap bilang isang
opisyal sa isa sa mga departamental ng Pamahalaang Panlusod. Ang ideya na kami ay
magsisilbing tagapaglinkod ng gobyerno, kahit saglit lamang, at talagang nakaka galak. Iba’t-
ibang posisyon ang ibinigay saamin katulad ng Myor, Vice Mayor at iba pang katungkulan sa
Pamhalaan ng Lungsod ng Legazpi.

Ngayong taon, ang pagbu-bukas ng City Youth Week ay naganap noong ika 26 ng Agusto. Bilang
panimula, kami ay dumalo sa isang misa sa Albay Cathedral na syang pinamunuan ni Mayor Noel
E. Rosal. Matapos ang isang oras na misa ay nagkaroon kami ng pagkakatoong magpakuha ng
larawan kasama ang mga opisyal ng lungsod. Nang patungtong ng ika sampu ng umaga, kami ay
nagsi tipon-tipon na sa City Hall at pumunta sa kagawaran kung saan kami naitalaga.

Ako ay nabigyan ng pagkakataong maitalaga sa Opisina ng Panlungsod na Tagasuri o Office of


City Auditor. Duon ko nakilala ang aking superbisor at mga ka-opisina. Ipinaliwanag saakin ng
Panlungsod na Tagasuri kung anu ang mga responsibilidad at mga gawain ng isang City Auditor.
Ipinakita nya rin saakin ang mga proceso at paraan kung paano sila nagtatrabaho lalong- lalo na
sa pag-asikaso ng iba’t- ibang dokumento.

Dahil kritikal ang mga papeles na piniprmahan ng isang tagasuro, hindi ako binigyan ng anu mang
dokumento dahil hindi pa sapat ang aking karanasan at kaalaman na maaring magdulot ng
masamang epekto sa lungsod kung ako ay magkamali.

Napaka saya ko saaking naging karanasan sapagkat ako tinanggap ng buong puso sa kanilang
opisina na para bang ako ay tunay na nagtatrabaho duon. Dahil dito, naintindihan ko kung gaanu
kahirap at kaimportante ang trabaho ng isang City Auditor.

Talagang mababait ang mga nagtatrabaho sa Opisina ng Tagasuri. Sakatuyan ay inimbitahan pa


nga nila akong sumabay sakanilang kumain ng tanghalian upang mas maramdaman kong parte
ako ng grupo. Nung kinahapunan naman ay pareho lamang ang aking ginawa at bigyan pa ako
ng meryenda ng aking mga katrabaho.
Kahit isang araw lamang aking karanasan sa pagiging parte ng gobyerno ng ating lungsod ay
marami akong natutunan. Bukod sa mahirap ang trabaho ng isang opisyal ng gobyerno,
naintindihan ko rin ang importansya nito sa pamamalakad ng isang lungsod. Ang City Youth Week
ay isang magandang program hindi lamang sa mga estudyanteng- lider na katulad ko ngunit para
sa lahat na nagna- nais na matuto at magkaroon ng kaka-ibang karanasan.

You might also like