You are on page 1of 9

Pagsusuri ng Maikling

Kwento
(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik)

Ipinasa ni: Denise Zuleika L. Nerves

Ipinasa kay: Bb. Jenny Mae I. Munar


I. Ipaliwanag ang Pamagat

II. Teoryang Pampanitikan

III. Tagpuan

IV. Mga Tauhan

V. Simula

VI. Saglit na Kasiglahan

VII. Suliranin

VIII. Tunggalian

IX. Kasukdulan

X. Wakas

XI. Kalutasan sa Suliranin

XII. Buod

XIII. Aral

XIV. Talambuhay ng May Akda


I. IPALIWANAG ANG PAMAGAT
Ang pamagat ay ibinatay ni Rogelio R. Sikat, na siyang awtor ng kwento, sa ilang
kabanata sa isa sa nobela ni Dr. Jose P. Rizal. Nagsilbi itong inspirasyon kay Rogelio
P. Sikat para bumuo ng kwento patungkol kay Tata Selo.

Ang kwento ay tumatalakay sa isang magsasakang nagngangalang Tata Selo,


na pinagkaitan ng karapatan na magsaka sa lupang sinasabi niyang pag-aari niya noon.

Matutukoy sa kwentong ito ang higit pang karimarimarim na katotohanan sa


buhay: Walang hustisya sa mga anakpawis, malalakas ang mga may kapangyarihan, at
ang mga kapos na binabawian hanggang sa mawalan ito ng mga bagay na mahalaga
sa kanila.

II. TEORYANG PAMPANITIKAN


Ang kuwento na “Tata Selo” ay nabibilang sa apat na Teoryang Pampanitikan.
Ito ay ang Sosyolohikal, Humanismo, Imahismo, at Eksistensyalismo. Ang teoryang
sosyolohikal ay mga paksang nagbibigay ng kaapihan sa tauhan ng kwento. Ang
akdang ito ay siyang nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan,
masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan, ang pang-aapi sa mga mahihirap at
pagturing dito na mababang uri. Matatawag din itong Humanismo na kung saan
pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t kailangan
maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.
Imahismo naman dahil naipapahayag dito ang eksaktong paglalarawan o pagbibigay
anyo sa ideya. At, Eksistensyalismo dahil hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan
ng personalidad ng tao at binibigyang halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban
sa katwiran.

III. TAGPUAN
a. Pook- Ang kwento ay naganap sa istaked ng munisipyo sa bayan ng San
Roque, na kung saan doon nakakulong si Tata Selo na siyang pinaniniwalaang
nagpatay kay Kabesang Tano. Ang istaked na ito ay maliit at maalikabok na
sinaraduhan ng rehas na bakal.
b. Panahon- sa pagitan ng mga dekada 1980-1990 (kung kailan nailathala ang
kwento)

IV. MGA TAUHAN


Tata Selo- Ang pangunahing tauhan sa kwento. Isang biyudo na may anak na
dalaga. Siya ay isang matandang magsasaka na pilit pinatigil sa pagsasaka ng isang
Kabesa. At dahil sa ginawa ng Kabesa ay tinaga niya ito at pinatay sa kadahilanang
pinaalis siya sa sakahan nito. Siya ay may anyo ng isang dukhang isang kahig isang
tuka lamang.

Kabesang Tano- Siya ang may-ari ng lupa kung saan nagsasaka si Tata Selo.
Siya ang nagpaalis kay Tata Selo sa pagsasaka dahil bago na raw ang mag sasaka sa
kanyang lupain. Nagawa nitong paluin ng tungkod ang matanda nang ito ay
nagmakaawa na huwag paalisin sa lupang kaniyang pinaghahanapan ng
hanapbuhay.Hindi niya inisip ang mararamdaman ng isang masipag na magsasaka sa
ginawa niyang desisyon. At dahil doon ay nagawa siyang patayin ni Tata Selo.

Presidente o ang Alkalde Mayor- Isa sa kumausap kay Tata Selo tungkol sa
pagpatay nito kay Kabesang Tano. Sa mga pahayag ng alkalde habang tinatanong si
Tata Selo, mapapansin ang pagiging arogante at mapagmataas nito. Hindi niya
binigyang galang ang mas matanda pa sa kanya, kumbaga nawawalan ito ng respeto.

Hepe- Siya ang namumuno sa pulisya ng San Roque. Siya ang kasama ng
alkalde noong kinausap nila si Tata Selo tungkol sa kaso nito. Siya ay isang mayabang
at mapagmataas din. Wala rin itong galang sa matanda kung kaya’t walang awa niya
itong sinuntok at sinikmuraan. Makikita natin rito na ginamit ng hepe ang kaniyang
kapangyarihan sa maling paraan.

Saling- Ang maglalabimpitong taong gulang na dalagang anak ni Tata Selo na


namasukan ng tatlong buwan sa tahanan ng kabesa. Siya ay ulila sa kanyang ina.
Mahal na mahal nito ang ama sapagkat sa kabila ng nagawa ng kaniyang ama,
nananabik parin itong makita siya.
V. SIMULA
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo,
ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si
Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.Naggitgitan ang
mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, at bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.

Sa likod ng mga pangyayari kung bakit nataga at napatay ni Tata Selo si


Kabesang Tano ay sa kadahilanang pinaalis siya sa sakahan nito. Pinilit ng pinilit ni
Tata Selo na huwag siyang paalisin sa sakahan nito dahil malakas pa naman siya’t
nakakagawa pa siya ng mga bagay-bagay ngunit hindi ito na nakinig sa
pagmamakaawa ng matanda, kundi tinungkod ito ng tinungkod sa noo hanggang ito ay
napuruhan. Hindi naman talaga pagmamay-ari ni Kabesang Tano ang lupaing iyon. Si
Tata Selo talaga ang tunay nanagmamay-ari nito ngunit dahil sa nagkasakit ang
kaniyang asawa ay napilitan itong ibenta, at dun niya ito ibenenta sa Kabesa.

VI. SAGLIT NA KASIGLAHAN


Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng mga taong nasa bakuran ng
munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at dahil na rin sa balitang kumalat na napatay ni
Tata Selo ang Kabesang Tano ay napuno na ang bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang
mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad na makalapit sa
istaked.

Mag-aalas-onse na noong araw ding iyon nang dumating ang Alkalde Mayor
kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busena
ng dyip na sinasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-
aalisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain
ang pagkakaingay.

VII. SULIRANIN
Pinuntahan ni Kabesang Tano si Tata Selo sa sakahan nito upang sabihin sa
kaniya na aalisin na siya sa sakahan dahil ipapasaka niya na ito ang kaniyang lupa sa
iba. Nang nakiusap si Tata Selo, sa halip na pakinggan ay tinungkod siya nang
tinungkod sa Kabesa kaya nataga ito ni Tata Selo. Pagkatapos ng mga pangyayari ay
nabalitaan ito ng mga tao at ikinulong si Tata Selo sa istaked ng munisipyo sa San
Roque.

VIII. TUNGGALIAN
Unang naroon sa munisipyo ang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo
sa San Roque. Inusig nito si Tata Selo kung bakit niya pinatay si Kabesang Tano, kaya
ipinagtanggol ni Tata Selo ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagsalaysay sa kung
paano nagsimula ang insidente. Hulinh dumating ang Alkalde at ang Hepe ng pulisya
na galing pa sa bahay ng napatay na Kabesa. May pagkayamot na tiniyak ng Alkalde
ang hatol na pagkabilanggo kay Tata Selo. Ipinaglaban parin ni Tata Selo ang kaniyang
sarili at pumangatwiran na siya ang unang inagrabyado at ipinagtanggol lamangniya
ang kaniyang sarili, ngunit tila wala nang ibang naririnig ang mga may kapangyarihan.
Sa halip na pakinggan si Tata Selo ay sinuntok ito ng Hepe at sinikmuraan. Walang
awang binugbog ang matanda kahit pa may ito’y nakahandusay na sa sahig.

IX. KASUKDULAN
Dumating ang alkalde kasama ang hepe at pinasya nito na mag-usap sila ni Tata
Selo sa tanggapag ito. Tinungkod daw ng tinungkod ng Kabesa si Tata Selo habang
nagmamakaawa kaya biglang nataga ng matanda si Kabesang Tano. Sinabi pa ng
matanda habang nagmamakaawa siya na malakas pa siya at kaya pa niya magsaka
kaya hindi siya muna dapat paalisin sa bukid. Ngunit hindi pinansin ng alkalde ang
paliwanag ni Tata Selo. Nang makaalis ang alkalde, naiwan si Tata Selo sa hepe. Muli
ay nagpaliwanag ang matanda ngunit bigla na lamang sinuntok, sinikmuraan at
binatukan hepe ang matanda. Hindi man lang ito nahabag sa kaawa-kaawang
kalagayan ng matanda.

X. WAKAS
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin
iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si
Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng
istaked. Nakatingin siya sa labas. Sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw
na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa
rehas ang batang inutusan niya kanina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa
tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na
pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas,
sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuha na sa kanila.

XI. KALUTASAN SA SULIRANIN


Inutusan ni Tata Selo ang batang mangbubukid na bumisita sa kanya sa
kulungan. Sinabihan niya itong pumunta sa bahay ng alkalde dahil naroroon ang anak
niyang dalaga na si Saling. Sinabi niya sa bata na sunduin mula sa tahanan ng alkalde,
yayaing umuwi si Saling at pabayaan na lamang siya kung saan man siya ilalagak.

XII. BUOD
Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na
makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa.
Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera
hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na
lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si
Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may
iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa
Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito.
Kaya nakulong si Tata Selo.

Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si


Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng
lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit
naisanla niya at naembargo.

Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa


kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas
pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa
noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa
Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga
kilala ng Kabesa.

Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at
nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang
araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong
pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang
Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito,
dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa
tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni
Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".

XIII. ARAL
Ang kwentong ito ay napapanahon pa rin. Napakaraming nilalang sa mundo ang
hindi masyadong nabiyayaan ng materyal na bagay na nagiging sanhi kung bakit sila ay
laging inaapi, ninanakawan ng karapatang mabuhay nang matahimik at mapayapa. Isa
sa mga aral na mapupulot sa kwento ay ang walang katapusang pagmamahal ng
magulang sa kanyang mga anak, gayundin ang pagmamalasakit ng anak sa kanyang
mga magulang sa kabila ng kasalanang ginawa nito, at sa kabila ng dinaranas na
kahirapan.

XIV.TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
Siya ay isinalang sa San Isidro, Nueva Ecija noong 1940. Dito na siya lumaki
ngunit nag pasya siyang lisanin ang San Isidro, Nueva Ecija noong 1950’s para
magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus writer at literary
editor ng The Varsitarian, tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na
pioneers ng Panitikang Pilipino sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe
ng kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga pag-alala at
pakikipagtagpo sa mga “Western Writers”.

Ang mga gawa ni Sikat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin


nagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na
Liwayway. Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962,at noong 1965
lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto, sunaysay, at ang dula
“Moses,Moses”.

Marami nang mga parangal ang kaniyang natanggap ngunit mas nakilala siya sa
kaniyang akdang “Impeng Negro”, na nanalo sa kategoryang maikling kwento sa
Gawad Carlos Palanca noong 1962. Marmain sa kaniyang pinakamagagandang kwento
ay unang lumabas sa Liwayway. Si Lilia Santiago, na isang primyadong manunulat, ay
humanga sa mga akda ni Sikat.

Si Sikat ay isang propesor at dekano sa College of Arts and Letters, sa


Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman magmula 1991 hanggang 1994. Ang isang
propesor sa U.P. College of Mass Communicatngion na si Angelito Tiongson ay e ng
isang pelikulang hango sa akda ni Sikat na Tata Selo at pinamagatan itong Isang
Munting Lupa. Si Auraeus Solito naman ay gumawa rin ng isang pelikula at hango
naman ito sa akdang Impeng Negro noong 1999. Namatay si Sikat noong 1997, pero
pinarangalan siya sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award
noong sumunod na taon para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni Wil liam J. Pomeroy
na pinamagatang: “Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng
mga Huk sa Pilipinas”.

You might also like