You are on page 1of 4

AMA COMPUTER COLLEGE CALOOCAN

263 UE Tech Road, Caloocan City

Ang pananaliksik sa tila kabuteng Iskwater sa Maynila

Agustin, Ivo Brian D.

Marso, 2018
KAHALAGAHAN

Sa pag-unlad ng Pilipinas, hindi natin maitatanggi na ang mga Iskwater ay nanatiling


nakatayo sa mga iilang lugar sa Maynila. Ano nga ba ang iskwater? Ang iskwater ay ang mga
taong nagtatayo ng kanilang bahay sa lupa na hindi kanila o mga lupa na napabayaan na ng
may-ari. Sa pagdami ng iskwater, marami ring mga naapektuhang may-ari ng mga lupa, ang pag
aaral na ito ay magpapakita ng mga kalagayan ng mga taong ito at kung ano ang mga
konsikwens sa pagtira nila sa lupang hindi kanila.

Lokal na literatura

Ayon sa isang blog na ang may akda ay nagngangalang Slickmaster noong ika-
septyembre ng 2013, “Isa sa mga pinakaugat ng kahirapan sa ating bansa ay ang mga tinatawag
na “informal settler.” Iskwater, kung kolokyal na lengguwahe ang usapan. Oo, isa sa mga
pinakaugat nga ng problema sa ating bansa. Maraming dahilan kung bakit. Nagagamit sila ng
ilang mga puliitko para dominahin ng mga ito ang lugar at kapangyarihan. Mayroon pang sa
mga ito ay ginagawang isang propesyon ang pag-iiskwat. Nagiging pugad rin ito ng mga halang
ang bituka, may mababaw na kamalayan, baluktot na pag-unawa at bara-barang astahan.”

Ayon sa isang akda na gawa ni Metaporista noong ika-Enero ng 2008, “Ayon sa isa sa
ininterview ni Sandra Aguinaldo, Ang dahilan daw ng kanilang pagluwas sa siyudad ay dahil na
rin daw sa mga sabi-sabing umiikot sa kanilang lugar na madali lang daw ang kumita ng pera sa
siyudad. Lingid sa kanilang kaalaman, Karamihan sa mga Kompanya ay may kinukuhang
Kwalipikasyon na papasa sa kanilang Standard. Bawal ang may malalang sakit, Bawal ang
walang Tinapos at bawal ang walang kakayahang magtrabaho. Napaka-dali kasi mapaniwala ng
pinoy pag-dating sa ganyang mga bagay. Naipon tuloy sila at nagsama-sama na lang sa isang
lugar na abandonado.”
Lokal na Pag aaral

http://www.philippinestudies.net/files/journals/1/articles/2033/public/2033-2132-1-
PB.pdf

LAYUNIN
Layunin ng pagaaral na ito ang mga sumusunod:

 Ano ang mga dahilan kung bakit pabalik-balik ang kaso ng iskwater sa Pilipinas?
 Ano ang mga programa ng gobyerno o aksyon para masolusyonan and problemang
ito?
 Ano ang bunga ng pagtira ng mga tao sa lupang hindi sa kanila mismo?
 Ano ang pinaglalaban ng mga tao sa iskwater na lugar ukol sa relokasyon?

METODOLOHIYA

Sa paglakap ng mga datos ang mananaliksik ay gagamit ng “interbyu” upang mapatibay


at masuportahan ang pananaliksik. Mag iinterbyu ang mananaliksik ng mga tao sa lugar ng
iskwater at sa mga kawani ng gobyerno upang malaman ang kanilang opinyon o estado sa
usapin ukol sa “iskwater”.

INAASAHANG AWTPUT

Ang mananaliksik ay gagawa ng isang artikulo na naglalagay ng opinyon ng mananaliksik


mula sa pagaaral na ito upang mapakinabangan ng gobyerno o ng mga tao na maaring
makapagbigay ng solusyon sa problema ng iskwater sa maynila.

You might also like